14.

"Hoy, panget! Saan ka natulog kagabi? Walang hiya ka, lagot ka 'kila mommy!" sigaw ni Lia nang makita niya si Isaac sa school kinaumagahan. Natawa nalang ako at nagpaalam na para pumunta sa first class ko.
Isaac slept at our house last night, doon siya sa guestroom. Buti nalang at may dala siyang extra damit at wash day ngayon dito sa school so hindi required ang uniform.
"Hey, Nessa!" napatigil ako sa paglalakad nang may biglang tumawag sa'kin kaya agd kong nilingon,
"Amber, hi!" I greeted. She smiled a little,
"Punta ka daw sa mansion mamaya. Lolo wants to talk to you. Sabay ka nalang sa'kin since pupunta 'din naman ako doon mamaya." sabi niya. Nagtaka naman ako dahil bakit? Ako? Kakausapin ni lolo?
"Alam mo ba kung bakit?" nagaalalang tanong ko. Umiling lang siya at nagpaalam na papasok na ng room.
The whole day, I couldn't focus. I was worried about the thought that lolo wants to talk to me which is very... rare. We barely talk and we're not that close. That's why I'm a little bothered.
"Hello, magandang binibini! Hatid na kita pauwi?" nakangiting tanong ni Isaac nang sunduin niya ako dito sa room after my last period.
"Hey, uhm... sasabay muna ako kay Amber ngayon." I told him,
"Ha? Bakit, saan kayo pupunta?" tanong niya at kinuha mula sa'kin ang bag ko para siya na ang magbuhat.
"Uh, kakausapin daw ako ni lolo, sabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit, eh." medyo nag aalalang sabi ko. Tumango naman siya at binalik na sa'kin ang bag ko.
"Sige, mag-ingat ka. Call me when you get home, hmm?" bilin niya at hinalikan ako sa noo kaya nanlaki ang mga mata ko,
"Isaac, ano ba? Baka may nakakita!" sita ko at luminga-linga. Wala naman nang masyadong studyante sa corridor kaya medyo nakahinga ako.
"Sorry," he laughed, "ang ganda mo kasi." aniya at nagsimula nang maglakad palayo. Kumaway pa siya sa'kin kaya kinawayan ko siya pabalik.
"Vanessa." nagulat ako nang may biglang kumalabit sa'kin.
"A-Amber, kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ko. 
"Uh, no. I just got here. You look tensed, are you hiding something?" he raised her brows. Agad naman akong umiling at hinila na siya para makaalis na kami.
Nasa car park na ang sundo niya kaya mabilis kaming nakasakay at nakarating 'kila lolo,
"Lola!" masayang sigaw ko at yinakap si lola na naabutan naming nanonood sa living room ng mansion. Mukhang nagulat siya pero yinakap 'din ako pabalik nang makabawi siya. Lumapit 'din si Amber at yinakap siya.
"Ay, nasa taas ang lolo mo. Gusto ka daw kausapin." sabi ni lola sa'kin. Tumango naman ako at nagpaalam na para pumunta sa office ni lolo. Nakasalubong ko pa si Bryce sa hagdan.
"Lagot ka, anong ginawa mo?" pananakot niya. Umirap nalang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
"Lolo." nakangiting bati ko at nag-mano. Ngumiti siya sa'kin at sinenyasan akong umupo. "Gusto mo daw po akong makausap?"
"Yes, how's your studies?" tanong niya.
"Okay naman po." sagot ko at bahagyang yumuko para laruin ang mga daliri ko.
"Malapit na ang kasal ng pinsan mo. Nakapagpasukat ka na ba?" tanong niya.
"Uhm, h-hindi pa po." umiling ako. I heard him sigh,
"Magpasukat ka na kapag may time ka." aniya. "And Nessa, bridesmaid ka. You'll help in preparing the wedding, is that okay?" pahabol niya. Tumango nalang ako at ngumiti ng tipid. He dismissed me after that kaya nakahinga ako ng maluwag, Okay, 'yun lang naman pala sasabihin!
"Pinagalitan ka?" nakangising tanong ni Bryce nang makita ko siyang kumakain ng ice cream sa kusina. 
"Hindi, bakit ikaw? Pinagalitan ka ba?" taas kilay kong tanong. "At teka, akin 'yan!" parang batang pakikipag-away ko. He clicked his tongue and just smirked,
"Finders, keepers, my dear cousin." he laughed. "And why would I be scolded, huh? It's not as if I'm dating someone secretly." makahulugang sabi niya at umalis para pumuntang salas. Nanlaki ang mga mata kong pinanood siyang naglakad palayo. What the hell is he talking about? 
"Sinabi mo ba kay Bryce?" tanong ko kay Isaac nang tawagan ko siya. Nakauwi na ako dito sa bahay, pinahatid ako ni lola sa driver nila.
"Ha? Sinabi ang alin?"
"About us! Bryce was acting weird kanina, parang alam niya!" I said frustratedly and sat on my bed.
"Wala akong sinasabi, okay? Kahit nga si Lia na kapatid kong chismosa, hindi alam. Last time I checked, tayong dalawa lang ang may alam ng set up natin. Calm down, mahal." malambing ang boses na sabi niya kaya napairap ako,
"Mahal mo 'yang mukha mo." umirap ako kahit hindi niya naman nakikita.
"Aba, mahal ko talaga. Ang gwapo ko kaya!" pagyayabang niya kaya napangiwi ako.
"Change topic na nga, ang yabang mo." I told him.
"Okay, how was your day?" tanong niya, natatawa pa.
"Fine. Ikaw?" tanong ko at umayos ng upo sa kama ko para kumportable ako.
"Nakaka-stress si Lia! Kung ano-ano sinabi 'kila mommy. Porket hindi ako natulog sa bahay kagabi, sinisiraan na ako." parang batang sumbong niya kaya natawa ako.
"Anong pinag-usapan niyo ng lolo mo kanina?" tanong niya maya-maya.
"Tungkol sa kasal niyo." ngumuso ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya,
"Matagal pa naman. Huwag na muna nating isipin." mahinang sabi niya. Napapikit ako ng mariin at tumango.
Matagal pa, Vanessa. Kaya sulitin mo na habang pwede pa.
"Date tayo bukas?" pag-aaya ko. Narinig ko ang tawa niya bago siya nagsalita,
"First time na ikaw nag-aya, ah? Sure, libre mo?" masayang pagpayag niya.
Naging maayos ang takbo ng relationship namin ni Isaac for the first month. Mas naging close kami and what made me scared was when I felt more attached. Paano ko siya bibitawan kung mas humihigpit na ang kapit ko?
"Mahal, tulala ka nanaman." pagpukaw ni Isaac sa atensyon ko kaya napabalik ako sa reyalidad. Ngumiti nalang ako ng tipid at binalik ang tingin ko sa pinapanood namin. Nandito kami sa kwarto ko, nanonood lang ng movie dahil sabado at parehas kaming walang pasok.
"Okay ka lang?" tanong niya at inayos ang mga hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko.
"Yeah, bigla ko lang naalala na one month nalang, kasal niyo na." mahinang sabi ko. 
"Halika nga dito." aniya at hinila ako para makasandal ako sa kanya, nakasandal kasi siya sa headrest ng kama ko. Yinakap niya ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko,
"Di'ba sinabi ko naman sa'yo, huwag mo munang isipin 'yan? Matagal pa 'yan." sabi niya sa'kin.
"Natatakot lang ako. Kasi parang... parang hindi ko kakayanin." sagot ko at pumikit ng mariin.
"Hindi ko 'din kayang ikasal sa kanya," he laughed a little. "sana kasi ikaw nalang panganay na babae." 
"Kaso hindi. So, wala talagang pag-asa." malungkot na sabi ko at pinunasan ang luha na bigla nalang tumulo ng walang pasabi.
"Ever thought of eloping?" bigla niyang tanong kaya napaayos ako ng upo.
"No! What the hell, Isaac? Are you crazy?" gulat na tanong ko. Eloping? Seriously?!
"What? It's the only solution I can think of-"
"Mali pa'rin 'yun. Isaac, hindi natin gagawin 'yun." I interrupted. Tumango nalang siya at hinila ako ulit,
"Okay, scratch that. I'm sorry." he sighed.
"Ito na sinasabi ko noon pa, eh. Mas mahihirapan lang tayo. Dapat kasi hindi nalang natin tinuloy 'tong relasyon na 'to. Dapat kasi-" my sentence was cut when he cupped my cheeks and kissed my lips. I closed my eyes and just savored it while I still can.
"At least we tried, right? At least we know how it feels to be in each other's arms, even just for a short period of time." he told me after the kiss, his eyes are close to tearing up. Tumango nalang ako at yinakap siya, hoping it would ease the pain, even just a little bit.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Allisonlee Paule

    thanks

    06/10/2023

      0
  • avatar
    Shacie Ann Oineza Cuyos

    talagang deserve nitong basahin ♡

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    I will read this soon, More stories to come! 🥺❤️

    09/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata