Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Preparation
Third Person's POV
Pagkatapos nadagdagan ang ika-isang daang rule sa lahat ng mga libro ay nag-anunsiyo sina Yorami at Sil na magkakaroon ng 'together party' upang ipagdiwang ito.
Naging biglaan ang paggawa ng ika-isang daang rule kaya nagulat ang lahat nang ianunsiyo ito sa kanila. Kalaunan ay natuwa ang lahat saka nagsimulang mag-ensayo ang mga kasali sa banda at dance troupe.
Narinig ni Simi na may naglalakad papunta sa campus ng mga Underworld kaya agad siyang napalingon sa gate at nakitang nakatayo du'n ang kaniyang mga kaklase.
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Agad siyang napatayo mula sa kaniyang kinauupuan. "Teka, anong ginagawa niyo rito?"
Nilapitan siya ng kaniyang mga kaklase at sabay-sabay na niyakap si Simi ng mahigpit.
"Na-miss ka namin!" naiiyak na sigaw ni Charlotte na ngayon ay dikit na dikit kay Simi kaya bumitaw ang lahat sa pagkakayakap sa kaniya. "Wahh! Walang tumutulong sa akin sa mga takdang aralin ko, ngayon ko lang nalaman na mahirap ang buhay ng isang estudyante kung wala ka!"
"Nagsisimula ka nanaman sa pagiging exaggerated mo," inis na hinila ni Rhea si Charlotte palayo kay Simi at pilit namang tumatakbo si Charlotte papunta kay Simi ngunit nakahawak si Rhea sa likuran ng uniporme nito. "At p'wede ba 'wag kang umasta na parang bata? Alam mo bang masasakal mo na si Simi sa yakap mo sa kaniya kanina?"
Napasimangot si Charlotte saka napatango-tango dahil alam niyang wala na siyang magagawa kung nahawakan na siya ni Rhea sa kaniyang damit.
Nagpakawala ng buntong-hininga ang kaniyang mga kaklase saka napailing-iling dahil sa naging asta ni Charlotte.
Sunod namang lumapit si Bellas kay Simi. "Kumusta ka na? Matagal na tayong 'di nagkausap, ano?" napabuntong-hininga siya saka sinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Simi. "Pero tama si Charlotte sa bahaging sinabi niya na mahirap ang buhay kung wala ka."
"Eh.." nahihiyang sagot ni Simi saka napailing-iling habang nakangiti dahil natutuwa siya sa mga naririnig niya. "Ay, teka. Lalabag kayo sa rules kaya bakit kayo pumunta rito?"
"Hindi ba umabot sa 'yo ang balita?" tanong ng isa kaya napalingon si Simi sa kaniya saka inilingan ang lalaki.
"Hindi ka sinabihan ni Kimi?" gulat na tanong ni Grey kaya napalingon ang lahat sa kaniya at napatango-tango nang lumingon na sila kay Simi bilang pagsasang-ayon sa tinanong ni Grey sa kaniya.
Umiling muli si Simi habang nakanguso. "Ma.. matagal na kaming hindi nag-uusap."
"Ha?" gulat na tanong ni Brian na kusang lumitaw at hindi nila alam kung saan ito nanggaling. "Teka, kakausapin ko nga 'yang si Kimi nang.."
Ilang sandali ay napansin nila ang pagdating ni Kimi sa campus kaya napalingon ang lahat sa kaniya. Nagpalipat-lipat si Kimi ng tingin sa kanila. "Anong problema?"
"Anong 'anong problema' ka diyan?" inis na sigaw ni Brian saka agad na kinuwelyuhan si Kimi na ikinabigla niya naman. "Hindi mo sinabi kay Simi ang tungkol sa ika-isang daang rule?"
"Ano?" naging seryoso ang itsura ni Kimi saka lumingon kay Simi na hindi alam kung ano ang gagawin. "Hindi ko nga rin alam ang tungkol sa bagay na 'to kaya wala akong sinabi sa kaniya."
Nakaramdam ng pagkahiya si Brian nang marinig ang sagot ni Kimi kaya dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak saka kunwaring pinapagaspas ang uniporme ni Kimi.
"Sensya na, 'tol," pagpapaumanhin niya ngunit sinenyasan lamang siya ni Kimi na huminto sa kaniyang ginagawa.
Ilang sandali ay may dumating na grupo ng babae at lalaki at kaagad nalaman ni Kimi na mga kaklase niya iyon. "Ano rin ang ginagawa niyo.."
"Halika!" kaagad siyang hinila ng isa niyang kaklase na babae at bakas sa mga mata ang excitement. Binulungan niya si Kimi kaya napalingon si Kimi kina Simi bago tinanguhan ang babae at sumunod dito sa pag-alis.
Napakunot naman ng noo si Brian. "Saan naman kaya siya dadalhin ng mga kaklase siya?"
"Weird," bulong ni Grey saka muling humarap ang lahat sa kaniya. "E.. Simi.. tutal hindi mo alam ang tungkol sa nangyayari ngayon sa school, kami na lang mismo ang magsasabi nu'n sa 'yo."
Tumango-tango lamang si Simi saka inantay ang magiging sagot ng kaniyang mga kaklase. Si Bellas ang sumagot para kay Grey nang senyasan siya nito na magsalita.
"Simi.." napahinga ng malalim si Bellas saka lumingon sa kaniyang mga kaklase at sinenyasan sila na sabayam siya sa pagsasalita. Napatango-tango ang lahat at sabay-sabay silang nagsalita. "Ang ika-isang daang rule na ginawa ng dalawang taong napili ng may-ari ng school natin ay tratuhin mo ang iyong kapwa kung paano mo gusto kang tratuhin ng ibang tao."
Lumiwanag ang mga mata ni Simi saka napalunok at nakangiti na hinawakan si Bellas sa kaniyang kamay. "Si.. sino ang dalawang taong iyon na gumawa ng rule na ito?"
Napatingin ang lahat sa isa't isa saka nagkibit-balikat bilang sagot kay Kimi.
Humingi ng paumanhin sa kaniya ang isa nilang kaklase habang nakayuko ang ulo. "Pasensya na pero hindi naman nila sinabi sa amin kung sino-sino iyon, basta may nag-anunsiyo lang kahapon ng hapon sa speaker na magaganap ang together party sa biyernes."
"Sa biyernes?" gulat na tanong ni Simi saka napaisip-isip. "Bakit sa biyernes? Anong gagawin natin ngayong martes?"
"A!" biglang singit ng isa habang nakataas ang isang daliri sa ere at nakangiti kay Simi. "Simi, gusto mo bang sumali sa banda o dance troupe? Magkakaroon sila ng ensayo ngayon kaya sa biyernes pa gaganapin ang together party."
"Pero.." sandaling napahinto si Simi nang mapaisip-isip siya. "Teka! Tatlong araw lang ang magiging ensayo nila?"
Napalingon ang lahat sa isa't isa at sabay na tinanguhan si Simi. Napalunok naman si Simi dahil hindi siya makapaniwalang ganu'n kaikli ang tagal ng magiging ensayo kung sasali siya sa banda.
"Simi, alam namin na may talento ka."
"Imposibleng wala."
"Sigurado ako na sasali ka sa isa sa dalawa, 'yung banda ba o 'yung dance troupe."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Simi saka napatango-tango at sinenyasan ang lahat na manahimik. "Oo na, may talento na ako kaso.." ngumisi siya saka inilabas ang kaniyang dila bilang panunukso sa kaniyang mga kaklase. "Hindi ko sasabihin kung saan ako sasali."
"Eh?" medyo disappointed na sabi ni Brian saka nagdabog na parang bata. "Sa dance troupe ka ba sasali? Mago-audition ako ngayon para du'n."
"Oo nga, Simi," napatango-tango naman ang iba na sasali sa dance troupe. "Lahat kami, mago-audition."
"Walang sasali sa banda?" tanong ni Simi sa kanila at kaagad naman silang umiling sa kaniya. Napangiti si Simi saka napalakpak. "Mabuti at walang makakakita sa akin na mago-audition para sa banda."
"Heh?" sabay-sabay na sabi ng lahat habang malungkot na tinitignan ang isa't isa.
Hinawakan naman ni Bellas si Simi sa kaniyang balikat. "Wish you luck, more more luck."
"Salamat," nakangiting sagot ni Simi at aakmang aalis upang mag-audition nang may maisip na tanong. "Teka, 'yung ika-isang daang rule ba ay naa-apply pati sa aming mga Underworld?"
"Oo, kaya nga nandito kami," masiglang sagot sa kaniya ng isa nilang kaklase kaya napatango-tango si Simi ngunit may nabuo muling tanong sa kaniyang isipan.
"E paano 'yung rule namin dito sa Underworld na hindi p'wedeng makipag-usap o makipagkita sa mga Campus at Paramount pati na rin sa rule ng Campus at Paramount na hindi p'wedeng makipag-usap o makipagkita sa aming mga Underworld?"
Matagal-tagal bago nakasagot si Grey sa kaniyang naging tanong. "Hindi ako sigurado ngunit may posibilidad na maalis iyon."
"E paanong magiging isang daan ang dami ng mga rules kung may itatanggal na isang rule sa mga rules?" muling tanong ni Simi, kahit siya ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may tanong na kaagad na bumubuo sa kaniyang isipan. Naisip niya na lamang na baka naninigurado lamang siya kaya ganu'n ang naging kalabasan.
Nagkibit-balikat si Grey sa kaniya nang wala siyang maisip na isasagot dahil kahit sila ay hindi rin alam kung ano ang mangyayari sa isang rule na iyon.
Binalewala na lamang iyon ni Simi at nagpokus sa kung anong magandang nangyayari sa araw na iyon. "P'wede na ba akong pumunta sa campus kung may ika-isang daang rule na?"
"Siguro, 'yun din naman daw ang dahilan kung bakit nagawa ang ika-isang daang rule," panghuhula ni Brian habang nakasandal sa likuran ng kaniyang ulo ang kaniyang mga kamay.
Inis naman siyang tinulak ng mahina palayo kay Rhea. "Ano ba? 'Wag kang dumikit sa 'kin."
"Hindi naman siya nakadikit sa 'yo," pagtatama ni Charlotte kay Rhea kaya naman nanlaki ang mata ni Rhea at kaagad na uminit ang ulo.
"Bahala nga kayo!" ang tanging nasabi ni Rhea dahil pakiramdam niya ay napahiya siya dahil sa kaniyang maling akala.
Pagkarating ni Simi kung saan nagaganap ang audition para sa pagsali sa banda ay nakita niyang tumutugtog ng violin si Kimi sa loob.
Nasa gilid ng classroom ay ang mga kaklase niyang humila sa kaniya kanina paalis ng campus. Napangiti siya nang makita ang seryoso at sumasayaw na ulo ni Kimi habang pinapatugtog ang violin na para bang kinakausap niya ito.
Namangha ang lahat sa naging pagtugtog niya dahil bukod sa magaling siya ay napaka-emosyonal ng tunog na ginagawa ng violin, maganda sa pandinig at nang matapos si Kimi ay hindi sila makapaniwalang kaagad itong natapos.
"P'wede ka naming isama sa banda pero ang hinahanap namin ay pianist, drummer, nagpapatugtog ng flute at electric guitar," nakangiting komento ng isang lalaki na judge para sa audition na ito.
Napayuko ng ulo si Simi nang marinig iyon ngunit kaagad na tumili ang mga kaklase ni Kimi dahilan upang iangat niyang muli ang kaniyang ulo.
"Narinig mo 'yun, Kimi? Kahit violinist ka, makakasali ka pa rin sa banda!" natutuwang sabi ng kaklaseng babae ni Kimi habang pumapalakpak palabas nila sa classroom.
Nagkasalubong ang mga mata ni Kimi at Simi ngunit agad na tumalikod si Simi na nagbabaka-sakali na hindi siya kaagad na makikilala ni Kimi.
Kahit alam ni Kimi na si Simi ang kaniyang nakita ay hindi niya ito tinawag dahil nawalan siya ng lakas ng loob pagkatapos ng ginawa niya nu'ng nakaraan. Pakiramdam niya ay hindi pa siya kayang kausapin ni Simi kaya tinalikuran siya nito kanina.
Pag-alis ng lahat ng mga estudyante pagkatapos mag-audition, aalis na sana ang ilang estudyanteng nasa loob nang pumasok si Simi habang nakaangat sa tabi ang kaniyang kanang kamay.
Nabigla ang mga estudyante ngunit muli silang
umupo sa kani-kanilang mga upuan at sinenyasan si Simi na tumayo sa gitna. "Ano ang talento mo?"
Hindi umimik si Simi ngunit kaagad siyang umupo sa upuan na malapit sa mga drum saka nagsimulang patugtugin ito. Tinugtog niya ang huling tunog na naalala niyang pinatunog niya gamit ang drum nu'ng nasa elementarya pa lamang siya, kasali siya sa drum and lyre nu'ng panahong iyon.
Pagkatapos niyang tumugtog ay nagdadalawang-isip ang mga estudyante na kunin si Simi sapagkat hindi nila sigurado kung aalis ba ang drummer ng kanilang banda dahil kanina ay tumawag ito sa kanila nang nasa labas pa lamang si Simi kaya hindi niya ito nakita.
Ilang sandali pa ay binulungan siya ng isa at sinabing tanggapin na lamang si Simi dahil magagamit nila ang talentong iyon at p'wede nilang ipalit si Simi sa kanilang drummer.
Nakangiting tumayo ng sabay ang tatlo saka sinabihan si Simi na tanggap na siya. Hindi naman masyadong masaya si Simi nang marinig iyon ngunit napangiti na lamang siya.
Sa araw ng miyerkules ay nagsimulang mag-ensayo ang mga estudyanteng kasali sa banda at dance troupe.
Sa section nina Simi, natanggap sina Brian at Bellas sa dance troupe. Inis namang bumalik si Bellas sa classroom para sabihin kay Grey ang balita na natanggap siya dahil pinilit lamang siya ni Grey na sumali du'n kahit ayaw niya. Natawa lamang si Grey at ang buong klase at imbes na mas lalong mainis si Bellas ay nakaramdam siya ng pagkahiya.
Sa banda naman, si Simi lamang ang nag-iisang estudyante sa kanilang section na kasali sa banda. Walang klase sa hapon dahil ginawa ito ng school na oras ng pag-eensayo.
Nang tawagin ang atensyon ng mga kasali sa banda at dance troupe sa pamamagitan ng speaker ay kaagad silang pumunta sa lugar kung saan sila dapat mag-eensayo.
Sa labas ng music room ay nagkita sina Kimi at Simi sa pintuan kaya napahinto ang isa't isa ngunit kaagad namang pumasok si Simi sa loob at inakala ni Kimi na iniiwasan pa rin siya nito. Sumunod na lamang siya sa flow ng pangyayari.
Sa kabilang banda naman ay sinamahan ni Grey sina Bellas at Brian papunta sa dance room dahil inutusan siya ni Bellas bilang parusa sa kaniyang pamimilit sa kaniya. Hindi naman tumanggi si Grey dahil gusto niya ring makita si Bellas kung paano ito sumayaw na mas lalo niya pang ikinainis. Sinabihan naman sila ni Brian na itigil ang kanilang 'nakakadiring moment' dahil hindi siya natutuwa.
Hindi naman inasahan ni Brian na ang kaniyang mga kaibigang babae sa Paramount ay magiging choreographers para sa dance troupe na kaniyang sinasalihan. Kaagad niyang pinuntahan ang mga ito saka nagsimulang magkwentuhan.
Bago matapos ang araw, pumunta si Kimi sa abandonadong building upang mag-ensayo na patugtugin ang tunog na kaniyang tutugtugin sa together party at ang ipinunta naman ni Simi sa abandonadong building ay para magmatiyag ng patago sa ginagawang pag-ensayo ni Kimi.
Nakatago lamang si Simi sa likod ng pinakadulong bahagi na classroom habang si Kimi ay nakaupo sa gitnang bahagi ng corridor habang may hawak na violin sa kaniyang kamay. Dahan-dahan niyang inilagay ito sa kaniyang balikat ay sinandal ang pisngi sa itaas ng violin bago simulang patugtugin ang violin.
Kalmado ang unang tono ng kaniyang pagtugtog hanggang sa dahan-dahan itong bumilis, humina at bumilis muli na parang nagzi-zigzag na tono. Ilang sandali ay natahimik ang paligid ngunit pinapatunog ni Kimi ang violin sa mahinang tono hanggang sa ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sunod-sunod na tumugtog sa mataas na tono.
Napahinto si Kimi nang maramdamang may nagmamatiyag sa kaniya kaya lumingon siya kung saan nakasilip si Simi ngunit kaagad nang nakaalis si Simi upang pumunta sa music room upang mag-ensayo rin kagay ni Kimi.
Nakasisiguro si Kimi na may naramdaman siyang tao na nagmamatiyag sa kaniya kaya dahan-dahan siyang lumapit kung saan nakasilip si Simi sa kaniya kanina upang gulatin sana ito ngunit nadismaya siya nang makitang walang tao du'n.
Umakyat na lamang si Kimi papunta sa rooftop at du'n pinatugtog ang kaniyang tutugtugin sa together party, inaalala ang bawat tunog na kaniyang gagawin at ang emosyong inilalabas ng bawat tunog na kaniyang ginagawa sa violin.
Nang makita ni Simi na wala nang tao sa music room ay umupo siya kung nasaan ang mga drum saka nagsimulang patugtugin ito.
Sabay nilang tinugtog ang kanilang dapat patugtugin sa together party na para bang nasa iisang lugar lamang ang dalawa at sinesenyasan ang dalawa na sumabay sa tunog na ginagawa ng bawat isa.
Maliban kina Simi at Kimi, may iba pang estudyante ang umiikot sa loob ng campus sa mga oras na iyon.
Binulungan ni Yorami si Sil nang makita si Kimi na nasa rooftop. "Bakit siya nandito?"
"Ewan," nakakibit ang balikat na sagot ni Sil saka bumaba nang muli papunta sa second floor ng abandonadong building. Pumunta sila du'n upang sana ay magpahangin ngunit hindi inasahan na matatagpuan nila si Kimi na nagpapatugtog ng violin.
Sa kabilang banda naman ay may dala-dala si Pin na ilang materyales na kaniyang hiniram sa YJC at aakmang ibabalik na itong muli sa opisina ni Yugto nang madaanan niya ang music room.
Nabitawan kaagad ni Simi ang hawak na stick nang makita na nakatayo si Pin sa labas ng binatana. Napalunok siya habang nakatitig sa kaniya si Pin.
Kaagad na pumasok sa loob si Pin at excited na nilapitan si Simi. "Marunong kang magpatugtog ng drum? Ngayon ko lang nalaman."
"Mhmm," tinanguhan siya ni Simi at aakmang kukunin ang nahulog na sticks ngunit kinuha ito ni Pin para sa kaniya. Napatulala si Simi bago kunin ang sticks mula kay Pin. "Salamat. Bakit kinuha mo pa ito para sa 'kin?"
"Ayokong mahirapan ka pa," nakangiting sagot ni Pin ngunit kaagad namang sumeryoso nang makitang nakatingin si Simi sa mga hawak niya. "A! Isasauli ko pa pala ito sa YJC. Sige, aalis na.."
"Sasama na lang ako," pagpapahinto ni Simi kaya napahinto naman si Pin at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
Ngumiti siya kay Simi saka kinalmot ang kaniyang kabilang tainga gamit ang kaniyang isang kamay pagkatapos inipit ang mga materyales na kaniyang hawak sa kaniyang kaliwang baywang.
"Salamat din."
Pagkalagay ng dalawa ng mga materyales sa mga lugar nito ay pinagpag ni Pin ang kaniyang mga kamay dahil may alikabok na dumapo rito matapos niyang ilagay ang mga materyales na iyon sa kanilang mga lalagyang hindi na nalilinisan.
"Pin," biglang tawag ni Yugto nang makarating sa pintuan at hindi napansin ang presensya ni Simi na nasa tabi ng dulong bahagi ng pinto habang si Pin ay nakatayo sa mesa ni Yugto na
nasa kabilang bahagi naman ng opisina.
"Ano?" kalmado ngunit may halong inis na tanong ni Pin sa kaniya saka lumingon kay Simi. "P'wede ko ba munang paalisin si Simi bago tayo mag-usap? Siguradong kailangan mo ng privacy."
Agad napalingon si Yugto sa kinatatayuan ni Simi at halos mapatalon sa gulat. "Nandiyan ka pala."
Kahit nagtataka si Simi kung bakit kailangang mag-usap nina Yugto at Pin na silang dalawa lang ang makakarinig at hindi na siya nagtanong, bagkus ay iniintindi niya si Pin dahil alam niyang hindi dapat siya nanghihimasok sa buhay ng ibang tao tulad ng ginawa niya dati.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat