Feelings

Sakuna's POV
Kinuha ko ang checklist ko ng mga notes kung paano ko maisasabuhay ang pambansang ship na HarKimi.
Tsinek ko ang nakasulat na 'palapitin sila sa isa't isa' saka napangisi bago ito ilagay muli sa loob ng bag ko.
Pumasok si Harana sa kwarto ko pagkatapos niyang kumatok. "Sakuna. Pinapatawag tayo ni mama sa ibaba."
"Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ko saka bumaba sa kama ko at pumunta sa pintuan kung saan nakatayo si Harana.
Nagkibit-balikat lamang siya sa akin kaya napakalmot ako sa ulo ko saka napaisip-isip. "Sige, tara na nga!" masiglang sagot ko saka sumunod na sa kaniya pababa ng hagdanan.
"Anak, may itatanong ang mama sa inyo.." sabi ni mama nang makarating kami sa baba kaya lumapit kami at umupo sa sofa paharap sa kaniya. "Ayos lang ba kung ma-in love ulit ang mama ninyo?"
Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Harana, napatingin sa isa't isa saka kinikilig na niyakap ang isa't isa. "Ayihee.."
"Te.. teka.." biglang kinabahan si mama nang dahil sa naging reaksiyon namin. "Ayos ba 'yun sa inyo o hindi? Hindi niyo naman kailangang magpanggap sa 'kin. Kung ano ang magiging desisyon ninyo, du'n ako susunod."
Napahinto naman ako saka seryoso siyang tinignan. "Paano kung ayaw namin, pipigilan niyo ba ang sarili ninyo na ma-in love?"
"Oo naman, siyempre," nginitian ako ni mama ngunit bakas sa kaniyang mga mata na ayaw niyang sumang-ayon. "Kayo ang masusunod, kayo ang mga anak ko."
"E paano naman kung gusto namin, ipapakilala mo ba siya sa amin?" singit na tanong naman ni Harana kaya tinanguhan kami ni mama habang nakangiti.
Hinila ko si Harana papunta sa tabi upang ipakita na kunwari ay nag-uusap kami tungkol dito. "Harana, may naisip akong plano."
"Ay? Ano nanaman?" nag-aalalang tanong ni Harana kaya naman kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran dahil sa itsurang pinapakita niya.
"Bakit ganiyan ang itsura mo? Magtiwala ka sa 'kin, magiging maayos ang lahat basta sumunod ka lang sa plano."
Napatango-tango naman siya kaya naman binulong ko na sa kaniya ang mga kailangan niyang gawin. Napangiti siya pagkatapos marinig 'yun.
"Ano, game?" nakangiting tanong ko kay Harana at kaagad lamang siyang tumango na parang bata. Patago akong nag-thumbs up sa kaniya saka muling bumalik sa sofa.
"Ma.." tawag ni Harana pagkaupo niya sa sofa kaya napalingon sa amin si mama. "Ang totoo kasi niyan.."
Bago pa man matapos ang sasabihin ni Harana ay may biglang tumawag sa cell phone niya na nasa itaas ng mesa. Bago pa niya ito makuha ay kaagad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
Nanlaki naman ang mga mata ni mama na nagulat sa ginawa ko. "Sakuna.."
"Ako nang bahala, baka mamaya masamang tao ang tumatawag," paninigurado ko sa kaniya kaya naman napabuntong-hininga siya saka napatango-tango sa akin. Hindi rehistrado sa contacts ni mama ang numerong ito.
Napakunot ako ng noo ngunit medyo nabigla nang may sumagot sa kabilang linya. "Hello? Ito ba ang numero ni Mrs. Corvett?"
"Hindi," medyo sumakit ang dibdib ko dahil narinig kong muli ang apilidong iyon, kay papa kasi iyon.
"Oh, my fault. Pasensya na talaga, akala ko kasi si Tomina ito."
Nanlaki kaagad ang mga mata ko saka tumalikod kina mama at Harana. Pabulong akong sumagot. "I.. ito nga ang numero niya pero hindi na niya ginagamit ang apilido na 'yun."
"Ha? Bakit?"
Nagpaalam muna ako kay mama na kakausapin ko ang lalaki sa labas ng bahay ngunit hinawakan niya ako sa braso ko. "Ako na ang kakausap, sino ba raw siya?"
"Heh?" nanigas ang katawan ko saka napalunok dahil hindi ko naitanong ang kaniyang pangalan. "Te.. teka! I-hang up na natin ang tawag, baka gusto niya lang i-pinpoint ang.."
"Tomi? Ikaw ba 'yan?" biglang sabi ng nasa kabilang linya kaya napatingin si mama sa cell phone saka kinuha ito sa akin.
Nag-aalala ko naman siyang tinignan habang pinagmamasdan siya na kausapin ang taong iyon sa labas ng bahay, sa bintana ko lang sila nakikita.
Kinalabit ako ni Harana sa balikat. "Bakit kasi hindi mo itinanong ang pangalan niya bago mo siya kausapin? Parang sinasapian ka ng masamang elemento."
Tumingin na lamang ako sa ibaba habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ilang sandali ay nakabalik na si mama.
Kaagad akong napatayo. "Ma, sino raw 'yun?"
"Yung nakausap ko kanina sa cafeteria, may inalok siya sa 'king trabaho," nakangiting sagot ni mama sa akin kaya naman napatango-tango ako. "Ano ulit 'yung sagot ninyo sa tanong ko?"
Nang makaupo na siya ay sinenyasan ko si Harana na siya na ang magsasabi nu'n ngunit inilingan niya ako.
Nagpalipat-lipat naman ng tingin sa amin si mama. "Bakit kayo nagtuturuan diyan?"
"Hay.." napapikit na lamang ako ng mata saka napahinga ng malalim bago magsalita. "Ma, ayos naman sa amin ang ma-in love ka ulit pero sana siguraduhin ninyo na maayos at matinong lalaki na 'yan."
"Sige, sige," tinanguhan ako ni mama habang nakangiti. "Kung mai-in love man ako ulit, ipapakilala ko sa inyo agad ang lalaking iyon."
"Sabi niyo 'yan, a?" paninigurado ko sa kaniya at tinanguhan niya lang naman ako bago pumunta sa kusina. "Anong gusto niyong ulam?"
"Kahit ano na," sagot ni Harana saka napalingon sa akin. Tinanguhan ko lamang si mama bilang sagot sa kaniya na pareho lang kay Harana ang gusto ko.
Nanliit ang mga mata ni mama habang nakatingin sa akin. "Alam niyo naman na ang iluluto ko ay ang paborito ninyo sa tuwing sasagot kayo ng ganiyan tapos naalala ko pa na nagrereklamo si Sakuna dahil paulit-ulit ko na lang 'yun niluluto."
"Eh?" medyo na-disappointed ako nang muli ko 'yun maalala. "Itlog na lang sa 'kin, 'yung egg yolk ang nasa gitna."
"Sigurado ka?" paninigurado sa akin ni mama saka kinuha ang isang piraso ng itlog. Tinanguhan ko lamang siya kaya nagsimula na siyang magluto. "Ikaw, Harana? Hindi mo ba papalitan ang pinili mo?"
"Hmm.." napaisip-isip naman si Harana. "Kung may gulay tayo, gulay na lang sana."
"Pasensya na pero hindi ako nakapagpalengke ngayong araw," nakasimangot na sabi ni mama kaya naman kaagad akong tumayo saka nginitian siya.
"Ako ang bahala, ako na ang magpapalengke!" pagrerepresenta ko kaya napalingon sa akin si Harana saka tumayo rin.
"Sasama ako!" pagrerepresenta niya kaya nagpalipat-lipat ng tingin si mama sa aming dalawa.
Sa kalagitnaan ng paglalakad naming dalawa sa palengke, parang umiikot ang mundo ko dahil sa sobrang dami ng tao sa palengke. Pakiramdam ko ay sumisikip ang mundo tapos dinig na dinig ko ang bawat ingay na ginagawa nila, ito ang unang beses na namalengke ako.
Bigla naman akong niyakap ni Harana sa braso ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. "Bumili na tayo, Sakuna. Gulay lang naman ang dapat nating bilhin, 'di ba?"
Naghanap kami ng stall kung saan may baratong gulay ang binebenta dahil gusto naming magtipid muna lalo na't wala pang trabahong nahahanap si mama. Ang mga perang ginagamit namin ngayon para sa panggastos namin ay ang perang naipon niya dati.
Ilang sandali ay nakakita na kami ng stall na may pinakabaratong presyo sa lahat ng nadaanan namin.
"Kuya, magkano po 'yung gulay dito sa inyo?" magalang na tanong ko sa lalaki habang pilit na tinitignan ang kaniyang itsura ngunit nakayuko lamang ang kaniyang ulo.
"Bente lang isang kilo, hija. Ubusin niyo na ito bago lumubog ang araw."
Malungkot siyang tinignan ni Harana saka tumingin sa akin. "Bumili na tayo sa kaniya, Sakuna."
"Hindi pa tayo sigurado kung sari.." bago pa man matapos ang sasabihin ko ay kaagad kong nakita kung ano ang kalagayan ng mga gulay na naka-display sa aming harapan, sariwa ang mga ito! 'Yung parang kakakuha lang mula sa taniman ng mga gulay. "Sige, bibilhin na namin ito kuya. 'Wag po kayong mag-alala."
Araw ng miyerkules, pumasok na kaming muli sa school. Pagkatapos umalis ni Harana ay nagsulat ako sa notes ko ng mga dapat gawin upang maisabuhay ang pambansang ship nang biglang bumalik si Harana sa classroom muli kaya agad kong tinago ang notebook sa loob ng bag.
Nagtataka ko siyang tinignan. "O? Bumalik ka ulit? Bakit?"
"Ikaw ang gustong kausapin ngayon ni Kimi," nakangiting sabi niya ngunit pagtagal ay unti-unting naging tukso ang kaniyang tingin sa akin.
Inirapan ko siya saka aakmang kukunin ang telephone cup ngunit hindi niya naman hawak-hawak. "Na kay Kimi na 'yung telephone cup?"
"Oo," tinanguhan ko na siya saka nagmamadaling umalis. Ilang minuto na lang at tutunog na ang bell.
Pagkarating ko sa rooftop, nakita kong nakaupo si Kimi sa isang upuan at sinenyasan niya ako na umupo sa upuang nasa tabi niya.
Napabuntong-hininga ako bago umupo sa upuan. Tinignan ko siya ng seryoso. "Bakit mo 'ko gustong kausapin ngayon, Kimi?"
"May mahalaga akong sasabihin," seryosong sagot niya sa akin kaya naman napatango-tango ako. "Wag mo sanang sasabihin sa iba. Kaya sa 'yo ko ito sasabihin dahil mas pinagkakatiwalaan kita."
"Ang ibig sabihin ba niyan ay hindi mo pinagkakatiwalaan ang kapatid ko?" agad na tanong ko sa kaniya. Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya sa akin, bakit kasi kailangang sa 'kin pa niya 'yun sasabihin?
"Gusto ko na maging sikreto nating dalawa ang sasabihin ko, tungkol 'to kay Harana kaya hindi ko masabi sa kaniya."
Dumaan ang malakas na hangin at naramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko, para akong kinikilabutan.
Napatango-tango na lamang ako saka sinenyasan siya na ituloy ang kaniyang sasabihin. "Tapos?"
"Sakuna.." pagtawag niya sa pangalan ko saka nag-iwas ng tingin habang tinatakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang braso. "May.. may gusto ako sa kaniya."
Ang kaninang seryosong mukha ko ay dahan-dahang nanlaki sa pagkagulat. Hinawakan ko siya kaagad sa magkabilang balikat niya saka niyugyog ang kaniyang katawan.
Nakangiti ako ngunit hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "Totoo? Seryoso? Ka.. kailan ka pa nagkaroon?"
Medyo nagulat siya, siguro dahil sa naging reaksiyon ko.
"Ku.. kumalma ka," pinaupo niya ako sa upuan saka napabuntong-hininga at tumingin sa malayo. "Hindi.. hindi ko alam kung kailan nagsimula pero nu'ng nalaman ko kay papa na may nagugustuhan siyang babae, ayu'n, du'n ko na-realize."
"Eh?" gulat na tanong ko saka seryosong tumingin sa kaniya. "Ano.. palang nangyari sa mga magulang mo? 'Di ba sabi mo may nagugustuhang babae ang papa mo?"
"Oo.." napalingon na siya sa akin kaya napatitig ako sa kaniya ngunit kaagad niya namang ibinaba ang kaniyang tingin. "Matagal nang namatay ang nanay ko, tanggap naman naming pareho 'yun ni papa dahil ganu'n talaga ang buhay. Dalawa o tatlong taon na yata ang nakalilipas nu'ng namatay siya kaya sinusuportahan ko si papa sa kahit anong gusto niya, kahit pa ang mag-asawa siyang muli."
O.." napatango-tango ako habang nakabilog ang labi. "May mas masakit pa pala kaysa sa nangyari sa amin."
"Hmm, bakit?" mukhang interesadong tanong niya kaya napabuntong-hininga ako at napapikit ng aking mata.
"Naghiwalay kasi ang mga magulang namin kaya lumipat kami sa lugar na 'to. Dalawang araw pa lang kami rito ay pumasok na kami sa DNHS, kumbaga nu'ng sabado kami lumipat. Alam mo kung bakit sila naghiwalay? Dahil lang 'yun sa hindi nila pagkakaintindihan. Lagi silang nag-aaway dati pero nagbabatian pa rin naman sila sa huli kaso nu'ng gabing 'yun wala na, du'n na natapos ang kanilang pagsasama," pagkukwento ko sa kaniya at nakita ko namang napatango-tango siya saka inekis ang kaniyang kamay. Ngumiti na lamang ako upang hindi makaramdam ng lungkot. "By the way, bumalik na tayong muli sa pinag-uusapan natin kanina."
"Bakit? 'Yun lang naman ang gusto kong sabihin sa 'yo."
"Eh?" disappointed na sabi ko saka napabuntong-hininga ng malakas. "Sinayang mo ang tsansa na makipag-usap sa crush mo para lang sabihin 'yan sa akin."
"Sabi nga nila mas mabuti na sabihin sa mga kalapit mo ang saloobin mo para gumaan ang loob mo, positibo o negatibong nararamdaman man iyon," pangangaral niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya at napapikit ng mata habang napatango-tango.
"Oo na, oo na, ikaw na ang tama."
Sandaling tumahimik ang paligid nang magsalitang muli si Kimi. Buti na lang at nagsalita pa siya. "Ano ang.."
Bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin ay tumunog na ang bell kaya naman dabog akong tumayo.
Napailing-iling ako at napabuntong-hininga. "Mamaya na lang ulit, Kimi," sunod akong tumingin sa hawak niyang telelphone cup. "Teka, ginagamit niyo pa rin ba 'yan sa tuwing nag-uusap kayo?"
"Oo," napatingin si Kimi sa hawak niyang telelphone cup. "Alam ko namang hindi sanay si Harana na makipag-usap sa iba ng maayos kasi napapansin ko naman 'yun dati nu'ng nandu'n pa ako sa classroom ninyo kaya naisipan ko na makakatulong ang telephone cup para umabot sa kaniya ang mga mensahe na gusto kong marinig niya."
Bitter ko naman siyang tinignan dahil hindi ako makapaniwalang marunong siyang magsalita ng malalalim na salita. Para siyang nagiis-storytelling.
Lunch nang muli kaming nakipagkita kay Kimi sa rooftop. Pagkarating na pagkarating namin du'n ay kaagad siyang tinanong ni Harana.
Nabigla ako sa naging asal niya ngunit masaya ako na sobrang close ng dalawang 'to. Magkadikit nga sila ngayon habang nakaupo. Feel ko, nale-left out ako sa grupo.
"Ano ang goal mo, Kimi?"
Nanlaki naman ang mata ko saka napakunot ng noo. "Saan mo naman nakuha ang tanong na 'yan?"
"Eh?" gulat na tanong niya saka napayuko ng ulo niya at pinaglaruan ang kaniyang daliri. "Tinanong sa akin 'yan ng mga kaklase natin tapos wala akong naisagot kaya sabi nila tanungin ko rin daw iyon sa iba upang makakuha ng inspirasyon."
"Ano naman ang sagot mo Kimi?" sunod kong inilipat ang tingin ko kay Kimi na nakatulala pala kay Harana.
Nang lumingon si Harana ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "Kailangan pa ba 'yang sagutin?"
"Kung gusto mo," nakangusong sagot ni Harana kaya napatulala si Kimi ngunit kaagad ko siyang tinapik sa balikat kaya muli siyang bumalik sa reyalidad.
"Gusto kong tumungtong sa Paramount. Gusto kong pumasok sa loob ng campus ng mga Paramount."
Napatulala kaming dalawa ni Harana kay Kimi dahil hindi namin inakala na ganu'n ang kaniyang isasagot.
Napakurap-kurap pa ako ng aking mga mata. "Se.. seryoso? Pero imposible naman 'yun."
"Pwede namang pumunta du'n kapag President ka tapos may kakilala kang pumasok du'n sa loob o pinahintulutan ka na pumasok, 'di ba?" nakangiting sabi ni Harana habang nakatingin kay Kimi ngunit umiling si Kimi sa aming dalawa.
"Ayoko. Gusto kong makapunta sa campus nila bilang isang Paramount, hindi dahil pinahintulutan akong pumasok o ano," seryosong sabi niya kaya napatingin kaming dalawa ni Harana sa isa't isa saka napalunok.
"Hmm, sige," tumatango-tangong sabi ni Harana kaya napalingon kaming dalawa ni Kimi sa kaniya. "Kung 'yun ang goal mo, 'yun na lang din ang magiging goal ko."
"Eh?" gulat na tanong ko saka napalingon kay Kimi at kaagad naman akong sumang-ayon sa kanilang dalawa dahil ayokong paglayuin sila sa isa't isa. "Sige! Goal na nating tatlo 'yun simula ngayon!"
"Ang bilis mo namang sumang-ayon," sabay na sabi nilang dalawa ngunit ang itsura ni Harana ay gulat habang si Kimi ay seryoso lamang.
"Tsk," agad akong napatayo saka napahawak sa aking baywang. "Magkakaibigan tayo, 'di ba? Dapat walang iwanan!"
Kinawayan na namin ang isa't isa nang makarating na kaming tatlo sa labas ng gate upang umuwi na sa aming mga tirahan. Kinindatan ko si Kimi upang sabihin sa kaniya na ako na ang bahala sa susunod na mangyayari.
Pagkarating namin sa bahay, nakita naming nakikipag-usap si mama sa isang lalaki na nasa sala kaya sumilip kaming dalawa ni Harana sa bintana.
"Wag nating sirain ang kanilang moment," bulong ko kay Harana at tinanguhan niya lamang ako.
Hindi nagtagal ay mukhang naramdaman ng lalaki ang aming presensya. Kaagad kaming yumuko ngunit pumunta ang lalaki sa pintuan upang pagbuksan kami ng pinto.
"Bakit kayo nagtatago riyan?" nakangiting tanong sa amin ng lalaki kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumayo.
Nginitian siya pabalik ni Harana. "Magandang hapon po sa inyo."
"Magandang hapon din," bati niya pabalik sa amin saka pinapasok kami sa loob. "Kayo na ba ang mga anak ni Tomi? Mga dalaga na talaga kayo."
"Tomi?" gulat na tanong ko saka lumingon sa lalaki nang tumigil ako sa hagdanan. "Yun po ba ang tawag ninyo sa kaniya? Parang narinig ko na may ibang tao ang tumawag din kay mama ng ganiyan."
"Ikaw yata 'yung nakausap ko sa cell phone ng mama mo," nahihiyang sabi niya saka napakalmot ng kaniyang ulo. "Naalala mo ba ako?"
Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong maalala ang lalaking tumawag kay mama nu'ng nakaraang gabi. Siya pala 'yun?
Tumingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa. Perfect! Mukha siyang artista ngunit parang may kamukha siya na kakilala ko. Hindi ko lang masabi kung sino.
Dumating naman bigla si mama na galing sa kusina. "Nakauwi na pala kayo? Magbihis na kayo at saluhan niyo kami."
Sinundo ni Harana ang lalaki palabas ng bahay nang magpaalam ito habang ako ay diretsong nilapitan si mama.
"Ma.." tawag ko sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Sino 'yun? Katrabaho ninyo?"
"Oo," tinanguhan niya ako. "Siya 'yung tinutukoy kong kaibigan ko na naghanap ng trabaho para sa aming dalawa."
"Heh?" napatango-tango na lamang ako. "Mapagkakatiwalaan ba 'yun, ma? May ibang awra siyang inilalabas sa kaniyang katawan kaya 'di ko lubos maisip na kakilala ninyo iyon."
"Ano ka ba," napailing-iling siya. "Don't judge a book by its cover, 'ika nga nila. Mabait na tao si Kindred, kaya nga naging magkaibigan kami 'di ba?"
Napatango-tango ako dahil muli kong naalala na ang dahilan kung bakit nagustuhan ni mama si papa ay dahil mabait ito. Dati siyang nagkwento tungkol sa kanilang dalawa ngunit nasaktan ako nang muli ko 'yung maalala.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Joshua Bañares

    ganda

    07/05/2025

      0
  • avatar
    YangBangtan

    kakabasa ko pa lang, gandaaa!!

    24/04/2025

      0
  • avatar
    MingFyona

    angas po uwu

    17/11/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata