Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Where it All Started
Sakuna's POV
Araw ng linggo nu'ng pumunta kaming dalawa ni Harana sa school para mag-enroll. Pagkarating namin sa opisina ng principal, nagulat ako nang malamang may estudyante sa loob ang nakaupo sa upuan ng principal. Nauna akong pumasok at sinenyasan si Harana na hintayin na lamang ako sa labas.
Kaagad na inangat ng lalaki ang kaniyang ulo upang tignan ako. "Anong kailangan mo?"
"Papasok sana kami ng kapatid ko sa school na ito. P'wede ba kaming mag-enroll dito?"
Pagkatapos kong mag-fill up ng enrollment form ay kaagad na akong umalis sa opisina. Hindi ko na naitanong sa lalaki kung nasaan ang principal dahil ang hula ko ay siya ang anak nito at sa kaniya na muna ipinasa ng principal ang kaniyang trabaho. Siguro may iba pa 'yung ginawa o ano.
Bagong lipat lang kami sa lugar na ito dahil naghiwalay na ang mga magulang namin. Muling nag-flashback sa utak ko ang mga nangyari nu'ng gabing nag-away sila ni papa. Nagising ako nu'n dahil sa sigaw nila. Hindi ko masyadong naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila dahil habang nagsasalita 'yung isa sa kanila ay magsasalita rin ang isa.
Normal lang naman sa kanila ang mag-away, lagi ko naman silang naririnig ngunit hindi nahantong sa ganito na parang galit na galit sila sa isa't isa at 'yun, hindi na nga nila napatawad ang isa't isa.
Nang dumating na ang lunes, ipinadala na sa aming home address ang uniporme na kailangang gamitin sa school na iyon. Dominic National High School ang pangalan ng school.
Tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin pagkatapos kong maisuot ang uniporme. Ayos naman siyang tignan sa akin kaso hindi ko masyadong gusto ang kulay na kulay navy blue.
Biglang may tumapik sa balikat ko kaya naman nabigla ako. Paglingon ko sa likuran, nakita kong natatawa si Harana. "Ang bilis mo namang magulat."
"Ikaw lang pala," nag-aalalang sabi ko saka napabuntong-hininga. "Tara, tara. Pumunta na tayo sa school."
Pagkarating namin sa school, kaagad naming hinanap ang pangalan namin sa bulletin board. Marami rin pala ang estudyante na lumipat sa school na ito, mabuti naman at hindi lang kami ang nag-iisa.
Sa Section Currie kami papasok kaya kaagad ko nang hinila si Harana papunta sa hagdanan ng building na ito. Madali lang akong hingalin kaya napahinto muna kami sa second floor bago nagpatuloy sa pag-akyat.
Hingal na hingal muli akong nakarating sa third floor kung nasaan ang room namin. Hindi sanay ang katawan ko sa mga ganitong aktibidad, lagi lang naman akong nagkukulong sa bahay simula pa nu'ng dati.
Magkakaroon kaya kami ng kaibigan ni Harana sa school na ito? Hindi ko alam at ayokong mag-expect.
Tumayo na kami sa pintuan at nakitang nakaupo ang isang babae sa upuan ng teacher. Ang alam ko na tawag nila sa teacher ay pedagogue, magkapareho lang naman ang ibig sabihin nu'n pero bakit ayaw nilang gamitin ang salitang 'teacher'?
Inilibot ko ang paningin sa classroom. "Wala pang.. dumadating na pedagogue?"
"Nasa harapan mo lang ako, Ms. Paris," seryosong sagot ng babae sa akin na nakaupo sa upuan ng pedagogue kaya naman napalunok ako.
Isa siyang pedagogue? Teka, paano? Hindi. Baka naman baby face lang ang pedagogue kaya mukhang estudyante siya. Teka, ano ba talaga ang totoo?
"Mukhang marami-rami pa kayong kailangang malaman tungkol sa school natin. Pumasok na kayo, hindi niyo na kailangang magpakilala," nakangiting utos sa amin ng babae kaya napatingin ako kay Harana na sinenyasan na lamang ako na pumasok na sa loob. "Sa third row, fifth column uupo si Harana Paris at sa third row, fourth column naman uupo si Sakuna Paris."
Nang makaupo na kami ay muling nagsimula ang klase. Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nang may dumating na lalaki, nakasisiguro na akong isa siyang estudyante dahil naka-uniporme siya na panlalaki.
"Hala," gulat na sabi ng pedagogue nang lumingon siya sa lalaki. "Mr.." napakunot siya ng noo. "A.." napaisip-isip siya. "Ano ulit ang pangalan mo?"
"Habisora, Kimi," seryosong sagot ng lalaki kaya naman napatango-tango ang pedagogue saka sinenyasan ang lalaki na pumasok.
"Sa fourth row, third column ka uupo Mr. Habisora."
Nang makaupo na ang lalaki sa upuan ay muling nagsimula ang klase. Napatitig ako ng matagal sa pintuan upang abangan kung may huli pa bang papasok ngunit naabutan na kami ng recess at walang sumunod.
Naunang umalis sa lahat ang lalaking may pangalang 'Kimi'. Siya ang huling dumating sa klase kanina ngunit nagtataka ako kung bakit siya nahuli.
Aalis na sana ako nang mapansing may mga estudyanteng kumakausap kay Harana. May ibinigay ang isa sa kanila na libro sa kaniya bago kinawayan siya sa pag-alis.
Natutuwa naman akong lapitan ni Harana. "Sakuna, ito ang libro na naglalaman ng mga rules sa school na ito. Kailangan daw nating i-memorise ang mga rules dahil parte ng buhay natin sa school na ito ang mga rules na nakalagay dito."
"Eh?" nagtatakang tanong ko saka napakunot ng noo. "Bakit kailangang i-memorise? At saka ang kapal ng libro na 'to, sigurado akong marami ang nakasulat dito."
"Eh?" medyo disappointed na sabi niya saka napabuntong-hininga. "Hindi ako nagtanong sa kanila kasi.. nakakahiya."
"Heh?" gulat na tanong ko saka napakurap-kurap dahil hindi ako makapaniwala. "Magtatanong ka lang naman, e. Hindi naman nakakahiya 'yun. Kaya nga nagtatanong para malaman natin 'yung sagot."
"Hmm.. sige, mamaya na lang. Nakakahiya kasing makipag-usap, bago pa lang tayo rito e."
Napailing-iling ako saka hinila siya palabas ng room. "Tara na sa canteen."
Sa paglingon ko sa harap ay may nakasalubong akong isang lalaki. Napatingin ako sa label na nakalagay sa kaniyang uniporme at may nakalagay na 'Paramount' du'n.
Nagtataka ko itong tinignan. Anong meron du'n? Inilagay niya lang ba 'yun du'n sa kaniyang uniporme?
"Ano pang ginagawa niyo rito? Umalis na kayo sa building, recess na 'di ba?" kalmado ngunit may pagkainis sa kaniyang pananalita.
Napakunot naman ako ng noo. "Bakit kailangan naming umalis kaagad? Naiwan namin dito 'yung tubig namin."
"Basahin niyo ang mga rules para malaman ninyo ang sagot, Paramounts don't answer questions from a Campus," seryosong sabi niya saka kaagad na umalis at naiwan naman kaming dalawa ni Harana na nakatulala sa ere.
Teka, ano ba talaga ang problema ng mga tao rito? Kailangan ba talaga naming basahin at i-memorise ang lahat ng nakasulat sa libro?
Napatingin ako sa hawak kong libro. Nang makarating sa canteen ay sinimulan ko na ang pagbabasa nito.
Mabilis na lumipas ang panahon at huling araw na ng unang linggo namin sa school na ito. Tuwing biyernes ay may ginaganap na afternoon exercise sa gymnasium. Ang mga Campus ay sa old gymnasium habang ang mga Paramount ay sa new gymnasium.
Na-memorise ko kaagad ang mga rules na nakasulat sa libro sa loob ng limang araw. "Ang bilis ko talagang matuto, 'no Harana?"
"M.. mhmm.." medyo mabigat ang loob na sagot niya sa akin dahil hindi magaling ang kaniyang utak sa pagme-memorise ng mga bagay-bagay. "Pero sinubukan ko naman ang lahat ng makakaya ko para i-memorise ito ngunit hanggang rule number five pa lang ang naaalala ko."
Natawa ako sa naging itsura niya dahil para siyang bata na gusto nang umiyak. "Tahan na. Tama na 'yan, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo at saka hindi naman tayo magkapareho."
"Pero.. ang unfair!" naka-pout na sabi niya kaya naman muli akong natawa ngunit kaagad ding tumigil nang may mapansing anino na dumaan mula sa likuran niya.
Tinignan ko ng mabuti iyon at nalamang si Kimi pala iyon. Hindi siya nakikipag-usap sa amin kahit lapitan pa siya ng iba naming kaklase na lalaki.
Tumakbo ako papunta sa kaniya saka hinampas siya sa balikat. "Uy, Kimi!"
"Sakuna!" sigaw ni Harana saka tumakbo papunta sa akin. Nag-aalala naman niyang tignan si Kimi. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko kung hinampas ka niya sa balikat."
Tinignan naman kami ni Kimi ng malamig at walang gana ang mata. "Ayos lang, hindi naman 'yun masakit."
Nakaramdam naman ako ng mainit na hangin na kumukulo sa loob ko. Teka, kinausap niya ba talaga kami? Seryoso?
Natuwa naman ako sa naging sagot niya saka nginitian siya at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. "Ako si Sakuna Paris, p'wede ba tayong maging magkaibigan?"
Matagal niyang tinitigan ang kamay ko bago umiling at umalis na parang walang nangyari.
Dahan-dahan naman akong lumingon kay Harana at pinipigilan ang sarili na maiyak. "G.. grabe talaga. Dapat hindi ko siya hinampas sa balikat, baka sakaling pu.. pumayag siya."
"Ayos lang 'yan, galingan na lang natin sa susunod," pagchi-cheer sa akin ni Harana saka hinimas ang ulo ko. "Mabait ka naman kaya mapapayag mo rin siya sa susunod."
Nagdaan na ang isang taon ngunit hindi ko na muling kinausap si Kimi. Ayoko namang pilitin ang sarili ko na makipagkaibigan sa taong ayaw naman. Nakakahiya kaya kapag na-turn down ka. Kasalanan ko rin naman siguro iyon.
Hapon na nang mapansin naming dalawa ni Harana nasa classroom pa rin si Kimi at may ginawang kung ano sa loob. May dalawang styrofoam cup, lubid, gunting at kung ano-ano pa sa paligid niya. Nakaupo lamang siya sa sahig.
Binulungan ko si Harana. "Kausapin na kaya natin siya, ano?"
"Heh?" gulat naman niya akong tinignan saka napailing-iling. "Anong 'natin', Sakuna? Ikaw lang ang dapat na kumausap sa kaniya. Ikaw lang naman ang may lakas para magsalita."
"Samahan mo 'ko.." parang bata na yaya ko sa kaniya habang hinihila siya ngunit parang nakadikit ang katawan niya sa sahig at hindi ko siya mahila. "Tara na, Harana. Tara na!"
Nang mapilit ko na si Harana na samahan ako ay pumasok na kami sa classroom ngunit kumatok ako sa pintuan kahit nakabukas lamang iyon.
Kaagad niyang inangat ang kaniyang ulo ngunit hindi siya nakatingin sa amin. Nang lapitan ko na siya ay muli siyang bumalik sa kaniyang ginagawa.
"Para saan 'yan, Kimi?" nakangiting tanong ko upang sabihan siya na isa na akong mabait na tao. "Tulungan ka na namin diyan."
"Wag na, hindi na kailangan," kaagad na sagot niya at may kung anong ginawa sa loob ng cup. "Natapos na rin kasi."
"Ha!" namamanghang sigaw naming dalawa ni Harana nang makita ang finished product. "Telephone cup?"
"Eh?" nagtatakang tanong niya. "Yun ba ang tawag dito?"
"Mhmm!" tumatango-tangong sagot namin habang nakangiti na abot hanggang tainga. "P'wede ba naming hiramin?"
Matagal bago siya nakasagot. "Sige.."
Kaagad na naming kinuha ang telephone cup saka nagsimulang mag-usap dito. Nasa pintuan si Harana habang ako ay nasa dulong bahagi ng classroom, sa likurang banda ng mga upuan sa fifth row.
"Hello?"
"Sino 'to?"
"Nanay mo 'to, Harana. Umuwi ka na ng bahay."
"Eh.. ayoko pa po, nay!"
"Umuwi ka nang bata ka! Bilis!"
Natawa na lamang kami ni Harana dahil sa mga sinasabi namin habang si Kimi ay nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.
Napangiti ako sa kaniya saka nilapitan siya at ibinigay sa kaniyang kamay ang hawak kong cup. "Ikaw naman ngayon ang magsalita."
Biglang nataranta si Harana. Hindi naman ganu'n ka-confident si Harana, shy-type siya na babae.
Nang makatayo na si Kimi kung nasaan ako kanina nakatayo ay nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa dahil walang gustong magsalita sa kanila.
Napakunot ako ng noo saka tinawag si Harana. "Uy! Salita na. Sa. Li. Ta."
"A.. anong sasabihin?" naiiyak na tanong sa akin ni Harana kaya naman napahilamos ako ng mukha.
"Kahit ano na," bulong ko sa kaniya nang lapitan ko siya. "Kaya mo ngang mag-isip ng kung ano-ano nu'ng kinausap kita tapos kay Kimi wala?" napailing-iling ako. "Ano na lang kaya.. a.. tanungin mo siya kung p'wede natin siyang maging kaibigan."
"Heh?" nanlaki kaagad ang mga mata ni Harana. "Pero ikaw ang dapat na magsabi nu'n sa kaniya. Ikaw ang may gusto nu'n."
Disappointed akong napabuntong-hininga saka inagaw sa kaniya ang cup at nagsalita rito. "Kimi, tatanungin ulit kita."
"Ano 'yun?" walang ganang tanong niya kaya naman napalingon muna ako kay Harana na nanlilisik ang mga mata dahil hindi siya ang nagsabi nito.
Napabuntong-hininga ako. "Kimi.. p'wede ba tayong maging magkaibigan?"
Bigla namang humangin ng malakas kaya napalingon ako sa bintana kung saan nanggagaling ang malakas na hangin na 'yun. Killjoy ang hangin na 'to, parang sinasabi niya na ang lakas ng hangin ko.
"Bakit?" dinig kong tanong ni Kimi kaya muli akong napalingon sa kaniya.
"Anong 'bakit'? Kailangan pa ba na may dahilan ang isang tao bago niya maging kaibigan ang isang tao?" medyo inis na tanong ko pabalik sa kaniya dahil hindi ko nagustuhan ang kaniyang naisagot. Totoo naman, a?
"Hindi naman sa ganu'n, baka kasi kinakaawaan niyo lang ako kaya gusto niyo 'kong kaibiganin."
Napakunot naman ako ng noo saka kaagad na tumakbo papunta sa kaniya. Napaatras siya ng isang hakbang at mukhang nabigla sa ginawa ko.
Kaagad ko siyang hinawakan sa kaniyang braso habang seryoso siyang tinignan sa mata. "Kung kailangan mo ng dahilan, pwes, bibigyan kita ng isa."
"Ano 'yun?" seryosong tanong niya at nakita ko siyang napalunok.
Napabuntong-hininga ako sa naging reaksiyon niya, napapikit ng mga mata saka nginitian siya at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. "Dahil mas masaya ang araw kapag may kasama kaming tao na tulad mo."
Mukha namang hindi siya natuwa sa naging sagot ko. "Pero bakit ako pa? Marami naman tayong ibang kaklase na mas mukhang masayang kasama kesa sa.."
Bago pa man siya matapos sa kaniyang pananalita ay kaagad akong sumingit dahil may sagot na kaagad na lumitaw sa isipan ko.
"Kaya hindi namin sila pinili dahil hindi naman sila ang gusto naming kaibiganin! 'Yun lang at tapos," pagtatapos ko saka naglakad papunta kay Harana at binulungan siya nang hindi ako nahahalata ni Kimi. "Yes! Nasabi ko na sa kaniya ang dapat na sabihin."
Pilit niya akong nginitian, killjoy talaga. "Ang dali-dali lang naman na sabihin 'yun pero ngayon mo lang nasabi."
"E nakakahiya naman sa 'yo na walang nasabi kanina sa kaniya!" pagtatalo ko sa kaniya saka tinaasan siya ng kilay. "Mas matapang ako kaysa sa 'yo, bleh."
"Hmph," umiwas lamang siya ng tingin at kunwaring nagtatampo sa akin. Natawa at napailing-iling na lamang ako.
Kinabukasan, nakita naming nasa loob na ng classroom si Kimi at sobrang aga pa nu'n. Hindi ko 'yun in-expect dahil lagi siyang nahuhuli sa klase.
"Uy, Kimi!" nakangiting tawag ko saka nilapitan siya. Tinaas ko ang kamay sa harapan niya. "High five?"
Nakipag-high five siya kaya naman natuwa ako saka sinenyasan si Harana na lumapit sa amin. Umiling siya saka umupo sa kaniyang upuan. Naku talaga!
Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya. "Nasaan na 'yung telephone cup? Dinala mo ba?"
Tinanguhan niya lamang ako saka binuksan ang bag niya. May kinuha siyang kung ano sa loob at inakala ko na telephone cup iyon ngunit napanganga ako nang makita kung ano iyon.
Nagtataka ko siyang tinignan nang matanggap na ng mga kamay ko ang ibinigay niya sa akin. "Tsokolate? Para saan?"
"Thanksgiving," maikling sagot niya saka tumingin sa likuran ko at paglingon ko, si Harana pala ang tinitignan niya. "Bigyan mo rin siya, heto o."
Kaagad kong ibinigay kay Harana ang mga tsokolate na pinapabigay ni Kimi at nabigla naman si Harana. "Teka, hiningi mo nanaman 'to sa kaniya, ano? Ikaw, a."
"Uy, hindi!" parang bata na sigaw ko at kunwaring nagtatampo. "Hindi na tayo bati, ganiyan pala ang tingin mo sa 'kin."
"Biro lang!" natatawang sabi niya kaya naman napangiti ako.
Pagdating ng lunch, nakita naming umalis si Kimi kaya sinabihan ko si Harana na sundan namin siya. Pumayag lang naman siya.
Nakita naming pumunta si Kimi sa rooftop at pagdating du'n, nakita naming nakaupo siya sa silungan. May malaking payong na naka-display sa gilid at may tatlong upuan du'n. Hawak niya sa kamay niya ang telephone cup.
Kaagad akong tumakbo papunta sa kaniya. "Andito ka lang pala! Teka, hindi ka aalis ng building? Ilo-lock na nila ang gate mamaya!"
"Hindi na," umiling siya sa akin saka nginitian ako ng pilit nang lumingon siya. "Mas maganda rito sa itaas."
Nang makaupo na kami sa mga upuan ay nanatiling tahimik ang paligid nang biglang magsalita si Harana. Wow, sa unang pagkakataon ha?
"Kimi.. bakit ka pala masyadong mailap sa mga kaklase natin?"
Nanatiling nasa malayo ang mga tingin ni Kimi. "Hindi ako komportable sa kanila. Pakiramdam ko ay hindi ako bahagi ng klase kaya dinidistansya ko ang sarili."
"May nambu-bully ba sa 'yo kaya ganiyan ang nararamdaman mo?" ako naman ang sunod na nagtanong. "Teka, magkaibigan na ba talaga tayo? Ayoko namang magtanong ng ganitong mga bagay, baka sabihan mo 'kong 'feeling close'."
"Walang nambu-bully sa akin dito, 'wag kayong mag-alala at saka patungkol sa huling tanong mo.." dahan-dahang nanlaki ang mga mata namin ni Harana nang makitang ngumiti si Kimi, 'yung genuinely. Grabe! Para siyang anghel na nahulog mula sa langit. "Magaan ang pakiramdam ko sa inyong dalawa, kinausap niyo na rin ako at pinamukha niyo sa akin na magkaibigan tayo kaya.. oo. Magkaibigan na tayo. Hindi ko alam kung 'yun ang.."
Kaagad na akong sumingit bago pa man umiba ang atmosphere sa pagitan namin. "Ano ka ba! Kaya nga tinanong kita kung kaibigan na ang turing mo sa amin dahil nag-aalala ako na baka hindi magkapareho ang nararamdaman natin sa isa't isa!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat