Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Don't Misunderstood
Third Person's POV
Mabilis na kumalat ang balita sa buong campus ng school. Pati ang mga lumiban sa klase nu'ng araw na 'yun ay kaagad na nakakuha ng mensahe mula sa kanilang mga kakilala tungkol sa pekeng rule na ginawa.
Sa kaumagahan pa lamang ay pinatawag na si Kimi sa fountain upang makipagkita kay Sakuna. Hindi para makipag-usap tungkol sa mga bagay-bagay, 'yun ay dahil itatali ang kaniyang kamay at babantayan siya hanggang sa tumunog ang bell para sa recess.
Ginagawa na nilang maaga ang mga klase at maaga rin ang time para sa recess dahil isiningit nila ang dalawang oras pagkatapos nito para sa Existence Rule. Ang lahat ng iskedyul ay inareglo na ng mga miyembro ng YJC at ang lahat ng estudyante ay natatakot dahil sa biglaang anunsiyo nito.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganu'ng pangyayari sa loob ng school. Normal naman na may rule na ia-apply ang mga Paramount na once in a blue moon lang nangyayari ngunit ang pag-apply ng pekeng rule ay nakakapanibago sa lahat.
Hindi maintindihan ng ilang estudyante kung bakit gumawa ng ganu'ng nakakabaliw na rule ang kanilang principal ngunit kalaunan ay may kumalat na iba't ibang kwento-kwento kung bakit ito nangyari.
Sa kabilang banda naman ay maagang nagising si Simi upang bumili ng mga kakailanganin niya para sa pagluto ng kaniyang ihahanda para sa kaniyang kaarawan na sa araw na ito na mangyayari.
Mabilis na lumipas ang panahon at kahit si Simi ay hindi makapaniwalang biyernes na ngunit hindi pa niya naibibigay ang mga liham para sa mga taong gusto niyang imbitahan.
Dahil sa naging maagang iskedyul para sa klase at recess ay nahuhuli si Simi ng pagpunta sa campus. Ang inaakala niyang recess ay sakto namang tumunog ang bell at hudyat na pinapatawag na sila papunta sa fountain na inaakala niya ay hudyat nang magsisimula ang klase.
Kahit ganu'n ay hindi pa rin nababago ang isipan niya na makakadalo ang kaniyang mga kaibigan upang samahan siya sa pagdiwang ng kaniyang kaarawan lalo na't hindi available ang kaniyang mga magulang.
Sa kaniyang pagkakatanda, ang huling beses na ipinagdiriwang nila ng maligaya at magkasama ang kaniyang kaarawan ay nu'ng pitong taong gulang siya at siya ay nasa kindergarten pa lamang.
Kahit medyo matagal-tagal na nang mangyari iyon ay tandang-tanda pa rin ni Simi ang mga nangyari du'n na para bang kahapon lang 'yun nangyari.
Nang makabalik na siyang muli sa reyalidad, muntik na niyang makalimutan na may binibili pa siya sa tindahan at halos liparin na ng hangin ng aircon ang papel na hawak niya na may listahan ng mga kailangan niyang bilhin. Hindi rin siya mag-oorder ng ihahanda niya sa kaniyang kaarawan dahil para sa kaniya ay ito ang pinakaespesyal na araw sa lahat at kailangan niyang ibuhos ang lahat ng kaniyang effort sa pagluluto ng mga ihahanda niya.
Pagdating niya sa bahay, sakto namang nakaalis na ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay. Hindi man niya alam kung ano ang ginagawa ng kaniyang magulang kung bakit wala sila sa bahay sa mga oras na iyon ngunit hinula niya na baka 'yun din ang kanilang ginagawa sa tuwing wala siya sa bahay.
Inilabas na niya ang mga kasangkapang kakailanganin upang unang iluto ang pinakapaborito niyang pagkain sa lahat, ang spaghetti.
Sinunod niya ang nasa instructions na nakasulat sa plastic ng pasta na may kasamang ready-made sauce para sa pasta. Humuhuni siya habang nakangiti sa kaniyang niluluto.
"Kung nandito ang buong section Aguinaldo, sigurado akong magiging magulo ang kusina kaya mas ayos na ako na lang ang magluto para sa kaarawan ko," natatawang bulong ni Simi sa kaniyang sarili ngunit biglang nasira ang kaniyang mood nang bumukas ulit ang pinto.
Napaestatwa siya mula sa kaniyang kinatatayuan saka lumingon sa pintuan at nakitang nakatayo ang kaniyang ina du'n.
Napakunot ng noo ang ina nang makita ang nakangiting mukha ni Simi. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Ano nanaman 'yang niluluto mo? Walang kwenta nanaman siguro 'yan."
Hindi na lamang pinansin ni Simi ang sinabi ng ina at hindi rin siya nasaktan dahil sa sinabi nito. Nang mag-pitong taong gulang na siya ay biglang nagbago ang lahat. Simula nu'n ay hindi na nila pinagdidiriwang ang kaniyang kaarawan at nasanay na siya du'n.
Hindi na rin siya nag-eexpect ng mga regalo mula sa kaniyang mga magulang dahil sa tuwing humihingi siya dati sa kanila, nu'ng mga bata pa lamang siya ay pinapagalitan siya at sinasabihang dagdag gastos lang 'yun.
Ilang minuto pa lang ay bumaba nang muli ang ina ni Simi na kinuha lang pala ang kaniyang naiwang wallet sa kwarto dahil iniisip na baka kumuha ng pera sa wallet niya ang anak na si Simi at baka 'yun ang ginamit upang bilhin ang mga nasa loob ng malaking plastic bag.
Ngunit pagtingin naman niya sa kaniyang wallet ay walang nabawasang pera kaya umalis na siya upang pumunta sa kaniyang pupuntahan.
"Kahit isa sa kanila, walang nakaalala sa kaarawan ko," bulong ni Simi habang pinagmamasdan ang kaldero na kumukulo. "Pero ayos lang 'yun dahil dagdag gastos lang naman kung ipagdidiriwang pa naming tatlo ito," napabuntong-hininga siya saka napahawak sa kaniyang baywang na namamanhid sa tagal ng pagtayo. "Bakit ang bagal ng oras ngayon?"
Ang hindi inaasahan ni Simi, sa bawat bulang pumuputok sa kumukulong kaldero ay kasabay ng pagputok ng mga lobong nilalagyan ng hangin ni Pin sa loob ng kanilang bahay.
Patago namang pinagmasdan ni Baba si Pin habang nilolobo ang mga iyon at pawis na pawis ang noo dahil sa dami ng lobo na naputok.
Napailing-iling na lamang si Baba saka tuluyang binuksan ang pintuan at muling pumutok ang lobo. "Pin, tulungan na kita diyan."
"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ni Pin kay Baba kaya naman sinimangutan siya nito. "A.. bakit po?"
"Ito ba ang unang araw na tinulungan kita, Pin?" kunwaring nagtatampong sabi ni Baba at matagal bago ma-realize ni Pin na biro lang pala 'yun. Ginulo ni Baba ang buhok ni Pin nang makaupo sa tabi niya. "Hay nako, tulungan na nga lang kita! Kanina ko pa naririnig na pumuputok ang mga lobo."
"Siguro dahil sinobrahan ko ang paglagay ng hangin sa loob nito," malungkot na sabi ni Pin habang pinagmamasdan si Baba na mag-pump ng hangin papunta sa lobo gamit ang balloon pumper.
Nang makatapos ng limang lobo si Baba nang walang napuputok na lobo ay kinuha na lamang ni Pin ang ilang natitirang lobo saka pinalobo ito gamit ang kaniyang hangin na ipinalabas sa kaniyang bibig.
Iningatan ni Pin na hindi maputok ang lobo bago ito itali at kumuha ulit ng bago.
Nang ma-realize ni Baba na parang may mali ay napatigil siya sa kaniyang ginagawa. "Teka lang, hijo. Para saan ba ang mga lobo na ito?"
Napahinto naman si Pin at napaestatwa mula sa kaniyang kinauupuan. Napakunot ng noo si Baba saka ni-rub ang kaniyang baba kaya muling lumiit ang lobo dahil binitawan na niya ito.
"E.. eh.." medyo nadidismayang sabi ni Pin saka muling kinuha ang lobo. "Ibibigay ko lang 'to sa kaibigan ko, kaarawan niya kasi ngayon."
"Ibig sabihin.." napaisip-isip si Baba. "Isa itong.." nanliit ang kaniyang mga mata saka nanunuksong tignan si Pin. "Regalo?"
"Heh?" gulat na tanong ni Pin saka agad na umiling-iling. "Siyempre hindi ito ang regalo na gusto kong ibigay sa kaniya!"
"Hmm.." nanunukso pa ring sabi ni Baba ngunit umiling-iling pa rin si Pin kaya tumigil na ito ay muling nagseryoso. "Ibig sabihin din, kung hindi ito ang regalo mo para sa kaniya, may naibili ka nang regalo nu'ng isang araw pa?"
Tumango si Pin habang nakangiti kaya naman napatango-tango si Baba ngunit muli siyang tinignan ni Baba ng nanunukso.
Napakunot lamang ng noo si Pin saka napailing-iling sa naging asal ni Baba. "Totoo nga talaga ang sinabi ni Babi na isip-bata kayo minsan."
"M-mhmm," tinanguhan siya ni Baba habang nakangisi. Muli niyang naalala ang mga alaala niya nu'ng nililigawan pa lamang niya si Babi ng patago. "Naalala ko pa nga na laging namumula ang tainga ko sa tuwing siya ang kausap ko."
"Talaga po?" gulat na tanong ni Pin dahil ngayon lang ulit nagkwento sa kaniya si Baba tungkol sa kaniyang nakaraan. "Tapos, paano niya po kayo nagustuhan? Naalala ko na may iba siyang gusto nu'ng mga panahong iyon, 'di ba?"
Ang kaninang nakangising mukha ni Baba ay unti-unting naging totoong ngiti na resulta ng totoong pag-ibig. "Basta, pinakiramdam ko lang sa kaniya na mahalaga siya sa akin kahit hindi siya pinapahalagahan ng lalaking 'yun," nang muling maalala ni Baba ang itsura ng lalaking tinutukoy niya ay napakuyom siya ng kamao. "Tsk, ang hirap talagang kunin ni Babi nu'ng panahong 'yun dahil sa lalaking 'yun."
Natawa na lamang si Pin sa naging asal ni Baba saka ipinagpatuloy ang paglolobo. Ang hindi nila inakala ay patago silang sinisilipan ni Babi at nagtataka sa kung anong ginagawa ng dalawa.
Sa kabilang banda naman, sa school ng DNHS ay nag-iisip ng malalim si Yugto tungkol sa hinihingi sa kaniya ni Pin.
"Bakit 'yun ang gusto niyang makuha bilang kapalit? Basura ang hinihingi niya sa 'kin," bulong na sabi ni Yugto saka tinalikuran ang bintana at lumabas sa opisina.
Nang makarating na ang lahat ng estudyante sa fountain tulad sa inaasahan ni Sakuna ay sunod niyang pinatawag si Yugto sa speaker. "Ikaw na lang ang wala rito."
Nang marinig ni Yugto iyon ay naglakad-takbo siya papunta du'n at nang makarating siya ay hingal na hingal siyang tumayo sa tabi ni Vladi.
Sinamaan niya ito ng tingin dahil tinitignan siya nito na may ngisi sa mukha bilang panunukso. "I can pluck your eyes out of your face."
"Wow, English.." seryosong sabi ni Vladi dahil nainis ito sa sinabi niya. Iniisip niya rin kung bakit tumabi si Yugto sa kaniya sa mga oras na iyon kung ang laki-laki naman ng space.
Biglang nagsalita si Kimi na siyang hindi inakala ng lahat. Ang Existence Rule ay ginawa upang payagan siyang makita ng lahat sa maikling panahon lamang upang gawin ang kaniyang parusa sa harap ng lahat at simula nu'ng araw na ginawa 'yun ay hindi siya kumibo maliban lang sa araw na ito.
"Masaya ka ba?" seryosong tanong ni Kimi habang nasa baba ang mga tingin. Nakatali ang kaniyang kamay tulad sa sinabi tungkol sa Existence Rule dahil bawal itong lumayo sa fountain habang ginagawa ang parusa sa kaniya. "Kung ihahalintulad ko ang nangyayari sa akin ngayon sa isang pelikula, ako ang biktima habang kayo ang mga 'bully', tama?"
"Manahimik ka nga," mahinahon ngunit inis na sabi ni Sakuna dahil naiinis siya na nagsalita pa ang lalaki. "Wala ka na ring karapatang magsalita dahil kasalanan mo ang lahat kung bakit ito nangyayari sa 'yo," napapikit si Sakuna saka napahawak sa kaniyanh sentido. "Kung sinagot mo lang sana ang tanong ko kahapon sa 'yo, may tsansa na mabawasan ang parusang gagawin ko sa 'yo."
"Hindi ko gustong sagutin ang mga tanong mo sa 'kin."
"E bakit sinasagot mo 'ko ngayon?" inis na sigaw ni Sakuna at ang lahat ng mga Campus ay natakot sa boses niya.
Binulungan ni Grey si Bellas. "Di ba may sinabi ka sa 'kin na kapatid ni Harana si Ms. Paris?"
"Oo," bulong na sagot ni Bellas saka nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin si Harana. "Nakakapagtaka na wala siya rito."
"Pero mali naman 'to, 'di ba?" biglang singit ni Brian sa dalawa kaya napalingon sila sa kaniya. "A.. ang ibig kong sabihin ay may karapatan sila na parusahan siya dahil sa ginawa nitong kasalanan, kung ano man 'yun, pero bakit kailangang ipakita sa ating lahat?"
"Para may bigay ng aral?" panghuhula ni Charlotte kaya nanlilisik na tinignan ni Rhea ang babae.
"Bakit ka nakikisingit? Saka ang lakas ng pagkakasabi mo, baka mamaya may makarinig sa 'yo," agad na hinila ni Rhea si Charlotte papunta sa kaniya saka tinakpan ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay. "Pero sa tingin ko ay 'yun din ang dahilan kung bakit nila ito ginawa. Malaki yata ang naging kasalanan ng lalaki kaya nahantong sa ganito ang kaniyang parusa."
"Hindi.." napailing-iling si Grey na hindi kumbinsido. "May mali talaga rito, mukhang mas personal ang kasalanan ng lalaki kay Ms. Paris kaya ganu'n na lamang ang naging galit nito sa kaniya."
"Lagi ba siyang ganiyan?"
"Sa tuwing may lumalabag sa rules?"
"Hindi naman siya ganiyan magalit kapag may lumalabag sa rules tsaka kalmado lang naman ang itsura ng ibang Paramount."
Ang lahat sa section Aguinaldo ay dahan-dahang tumahimik dahil nag-iisip sila tungkol sa kung ano ang dahilan kung bakit ito nangyayari.
Muling nagsalita si Sakuna saka sinenyasan si Vladi na kunin ang isang bagay at kaagad namang umalis ang lalaki. "Huling pagkakataon mo na ito na bawasan ang parusa mo kaya magdalawang-isip ka kahit isang beses lang kung sasagutin mo ang tanong ko o hindi," nakaramdam naman ng thrill ang mga estudyante dahil sa sinabi niyang iyon. "Kimi, kinakausap mo pa rin ba siya?"
Matagal bago nakapagsalita si Kimi. "Hindi."
"Nagkausap ba kayo nitong last thirty days?"
Hindi umimik si Kimi kaya naman nanliit ang mga mata ni Sakuna at napatango-tango. "A.. kaya naman pala sinabi niya sa 'kin na hindi ka niya maalis sa isipan niya."
"Ano?" gulat na tanong ni Kimi sa kaniya habang dilat na dilat ang mata, hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Pinigilan niya ang kaniyang pagngiti ngunit trinaydor siya ng kaniyang damdamin.
Napakunot ng noo si Sakuna at lumabas ang ugat mula sa kaniyang ulo dahil sa galit. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
Ilang sandali ay nakarating nang muli si Vladi na may dala-dalang kahon. Sa bawat kahon na dinadala ng isang Paramount na inuutusan ni Sakuna na dalhin sa kaniya ay may naglalaman na isang misteryosong bagay na konektado sa magiging parusa ni Kimi.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Sakuna na buksan niya ito saka ipinakita sa lahat ang laman ng kahon. "Ito ang magiging parusa mo para sa araw na 'to."
Napatakip naman sa bibig ang ibang mga estudyante dahil sa gulat at ang iba ay nanginginig sa takot dahil sa kanilang nakita.
"I.. isang martilyo na yari sa kahoy?" gulat na tanong ni Brian na halos makasigaw na siya ngunit kaagad siyang binatukan ni Rhea. "Aray, ha?"
"May makakarinig sa 'yo!" inis na bulong ni Rhea saka napahawak sa kaniyang baywang. "Di ako makapaniwalang kailangan kong pangaralin ang dalawang pasaway na tulad ninyo nang magkasabay."
"Hindi mo naman kami binatukan ng sabay," nagtatampong bulong ni Brian ngunit narinig pa rin iyon ni Rhea kaya sinamaan siya nito ng tingin. "O, ano nanaman?"
Nag-iwas na lamang ng tingin si Rhea habang nakakuyom ang kamao sa inis. Gustong-gusto na niyang kalbuhin ang lalaki dahil sa pagiging pilosopo nito simula pa nu'ng dati.
"Ms. Paris!" biglang tawag ni Bellas habang nakaangat ang kamay sa ere at naagaw ng atensyon ng lahat. "May itatanong sana ako, p'wede ba akong magtanong?"
"Hindi ko masasabi kung hindi mo agad itatanong sa akin ang gusto mong itanong sa akin," seryosong sabi ni Sakuna dahil naputol ang kaniyang 'moment' para simulan ang parusa ni Kimi.
"Bakit kayo galit na galit sa isang Underworld na lumabag sa batas? Akala ko ba kahit anong mangyari, base sa mga rules na memorise ko, ay hindi p'wedeng kausapin o ituring na 'nag-eexist' ang mga Underworld? E, ano 'tong ginagawa ninyo?"
Naging tahimik ang paligid at walang maririnig na kahit anong ingay maliban sa paghinga ng mga estudyante.
Sa kabilang banda naman ay sabay na nakarating sina Pin at Simi sa gate ng school habang hingal na hingal.
Gulat silang napatingin sa isa't isa at sunod na tinignan ang kanilang dala. Ang dala ni Simi ay ang mga handa niya para sa kaniyang kaarawan ngunit nakabalot ang mga ito sa loob ng kulay itim na malaking tupperware kaya hindi makita ni Pin ang nasa loob nito habang si Pin naman ay may dala-dalang mga lobo na may iba't ibang kulay na may nakasulat na 'Happy Birthday' sa bawat lobo.
Namula ang buong mukha ni Pin dahil sa pagkahiya at tarantang naglakad papasok sa school habang si Simi naman ay naiwang nagtataka ang mukha.
Hindi makasagot si Sakuna sa itinanong ni Bellas dahil alam niyang tama ang babae ngunit may biglang sumingit sa kanilang usapan at siya ang sumagot sa tanong na iyon.
Paglingon ng lahat ay nakita nila si Harana na naglalakad sa daanang nakalaan para sa kaniya dahil ang lahat ay tumabi nang makita siya. "Kaya nga sinabi nilang tatlo na willing silang tanggapin ang kahit na anong parusa na ibibigay sa kaniya kung sakaling darating ang araw na matatanggap ng may-ari ng school ang isyung ito. Hindi niya rin kasalanan kung bakit niya ito ginagawa, 'wag sana kayong maguluhan."
"Harana.." tanging naisambit ni Sakuna nang makita siya saka napangiti nang malamang kakampi niya si Harana sa oras na iyon kahit na hindi nito nagustuhan ang kaniyang plano nang magpaliwanag siya sa kapatid tungkol sa nangyayari.
Samantala, si Kimi ay napayuko na lamang ng ulo habang unti-unting tumutubo ang ugat ng kalungkutan mula sa kaniyang puso papunta sa kaniyang buong katawan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat