Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Brother's Thing
Third Person's POV
Galit na nilapitan ni Pin si Yugto saka kinulweyuhan ito kaya naman nanlaki ang mga mata ni Yugto.
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo naman 'yun ginawa?" galit na sigaw ni Pin sa kapatid at bakas sa kaniyang mga mata ang apoy kaya naman pakiramdam ni Yugto ay nakikita niyang muli ang dating Pin nu'ng mga bata pa lamang sila.
Natawa na lamang siya nang makabalik sa reyalidad. "Aha.. hindi ka pa rin nagbabago. Ayaw mo ba nu'n? Ako ang tumutupad sa pangarap mo para sa pinakamamahal mo."
"Manahimik ka nga! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!" galit na sigaw ni Pin at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa kwelyo ng uniporme ni Yugto.
Nainis naman si Yugto sa naging asal ng kapatid kaya tinulak niya ito ngunit sumama rin ang kaniyang katawan dahil nakahawak si Pin sa kaniya.
Inis na tumayo si Yugto mula sa pagkakahiga saka sinipa ang tiyan ni Pin upang bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak. Nang makabitaw ay muling tumayo si Yugto habang galit na tinitignan ang nakahigang si Pin.
"Anong problema mo? Ayaw mo ba nu'n? Tinutulungan na nga kita. Kung sakaling hindi man ako ang magmamay-ari nito, at least may nagawa akong mabuti para sa 'yo!"
"Hindi 'yun ang problema ko, Yugto. Hindi 'yun!" galit na sigaw ni Pin saka sinugod ang kapatid ngunit tanging pagkwelyo lamang ang kaya niyang gawin sa mga oras na iyon.
Nanatiling tahimik si Yugto ng sandali ngunit natawa dahil sa naging asal ni Pin. "Hindi mo ba ako susuntukin tulad ng ginagawa mo sa 'kin dati?"
"Hindi na tayo mga bata," diretsong sagot ni Pin habang diretso ang mga mata sa mata ni Yugto. "Hindi mo ba alam? Hindi mo nga pala alam ang nasa isip ko."
Napakunot ng noo si Yugto saka kinuwelyuhan ang binata. "Hinding-hindi ko talaga malalaman kung ano ang nasa isip mo dahil hindi ka naman nagsasabi! Ano ba ang hindi ko alam? Sabihin mo sa 'kin nang maintindihan ko ang lahat!"
"Ayoko nang gawin 'yun hindi para sa akin, kundi para sa lahat," malungkot na sabi ni Pin saka dahan-dahang bumitaw sa pagkakahawak kay Yugto. "Hindi na ako ang dating Pin na kilala mo, Yugto. Hindi na ako ang dating makasarili at ang pinakamasamang kapatid sa.."
Bago pa man matapos ang sinasabi ni Pin ay agad na sumingit si Yugto. "Hindi na ikaw ang dating Pin na kilala ko?" sarkastiko siyang tumawa saka inekis ang kamay. "Imposible! Hanggang ngayon, ramdam na ramdam kong buhay pa rin sa loob mo ang dating Pin na alam ko! 'Wag kang magsinungaling! Ayoko ng manloloko at mas lalong ayoko ng sinungaling!"
Tumalikod na si Yugto pagkatapos nu'n saka lumabas ng opisina nang makasalubong niya si Sakuna at Vladi.
Nagtataka siyang tinignan ng dalawa saka napalingon sa bintana ng opisina at nakitang nakatayo du'n si Pin habang nakayuko ang ulo.
"May problema ba ang pinsan mo, Yugto?" nagtatakang tanong ni Sakun ngunit umiling lamang si Yugto saka napabuntong-hininga.
"Tara na, bumalik na tayo sa campus," pag-aanyaya niya sa dalawa na ikinainis ni Vladi.
"Wag mo 'kong yayain, ayoko nang kasama ka."
Hindi na umimik si Yugto nu'n na siyang ipinagtaka ni Vladi. Nakaramdam siya ng kaba dahil mukhang kakaiba ang asal ni Yugto sa araw na 'yun.
Napansin din ni Sakuna ang pagwawalang-bahala niya sa pag-iinsulto ni Vladi sa kaniya at natagpuan niya itong 'rare' para sa isang tulad niya. Gusto niyang magtanong ngunit hindi niya natuloy dahil pakiramdam niya ay hindi pa nito kayang magsabi sa kanila.
Nagdesisyon si Pin na hindi kumibo kay Yugto simula nu'ng araw na iyon. Nagtaka ang kanilang mga magulang sa naging asal ng dalawa lalo na't kakaiba sila sa normal nilang asal. Alam naman nila na hindi masyadong nagkakasundo ang dalawa simula pa nu'ng mga bata pa ang mga ito.
Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa sa isa't isa at sinenyasan naman ni Babi ang kaniyang asawa na kausapin ang dalawang binata.
Tumango si Baba sa kaniya saka isa-isang nilapitan ang magkapatid. Una niyang pinuntahan ang nakatatandang kapatid na si Pin, isang taon lang naman ang tanda ni Pin kay Yugto.
Kumatok siya ng apat na beses sa pinto ng kwarto ni Pin at ilang sandali ay pinagbuksan siya ng lalaki. "Ano 'yun, Baba? May ipapagawa ka ba sa 'kin?"
"A.. hindi naman," umiling si Baba habang nakangiti. "Pero.. p'wede ba muna kitang kausapin sa labas, hijo?"
Kahit nagtataka si Pin ay sumunod pa rin siya kay Baba papunta sa labas ng kanilang bahay. May kalakihan ang bahay ng kanilang foster parents at ang pinakamalawak na bahagi nito ay ang garden na pinakapaboritong lugar ni Babi at Yugto. Kay Babi rin nakuha ni Yugto ang ugali na magtanim at mag-alaga ng mga bulaklak habang si Pin naman ay nakuha kay Baba ang pagiging palangiti at mahiyain sa mga babaeng hinahangaan nila.
Mula sa 'di kalayuan ay kitang-kita ang isang mahabang kulay kayumanggi na upuan sa ilalim ng dalawang malaking puno ng mangga. Sa likod ng upuan ay may isang kulay itim na duyan.
Umupo si Baba sa mahabang upuan habang humiga sa duyan si Pin. Napalingon sa kaniya si Baba habang seryoso ang mukha. "May naging problema ba kayo ng kapatid mo, hijo?"
Kahit walang nilulunok na bagay si Pin ay pakiramdam niya ay malapit na siyang mabilaukan dahil sa naging tanong ni Baba sa kaniya.
Ayaw niyang may nililihim siya sa kaniyang ama ngunit hindi niya rin magawang sabihin ang kaniyang pagtutol sa ginawang pagpatayo ni Yugto ng fountain upang maganap ang laban sa pagitan ng Campus at Underworld, Underworld at Paramount o Paramount at Campus. Nang ma-realize niya na hindi na niya dapat tuparin ang kaniyang pangarap dati na magpatayo ng fountain para du'n, hindi niya inakalang tutuparin iyon ni Yugto para sa kaniya.
Napansin ni Baba ang kaniyang pagiging tahimik. Nag-aalala siya para sa kaniyang anak. "Sabihin mo sa 'kin kung may bumabagabag sa 'yo ngayon, Pin. P'wede kang magkwento sa amin ng Babi mo, kahit kailan."
"Pasensya, Baba," napayuko ng ulo si Pin saka napabuntong-hininga. Nadi-disappointed siya sa kaniyang sarili dahil sa pagdadalawang-isip niya na magsabi sa kaniyang mga magulang. "Hindi pa ako handang magsalita, at kung ano man ang problema ko ngayon, problema naming magkapatid 'yun," muli niyang inangat ang kaniyang ulo saka nginitian si Baba sa abot ng kaniyang makakaya upang sabihin sa kaniya na 'wag na itong mag-alala. "Masusulusyunan din namin 'to, balang araw."
Hindi pa rin kumbinsido si Baba sa naging sagot sa kaniya ng anak ngunit malaki ang tiwala niya kay Pin lalo na't alam niyang si Pin ang nakatatandang kapatid sa dalawa.
Tumayo na si Baba saka pinagpag ang kaniyang pants at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag dahil narinig na niya ang saloobin ni Pin. "Siguraduhin mo lang na kaya mo 'tong gawin kahit na mag-isa," nginitian niya muna ang anak bago umalis upang puntahan si Yugto.
Sa paglalakad ni Baba sa loob ng bahay, nakita niyang wala na sa kinauupuan kanina si Babi. Naisip niya na baka nagpunta ito sa garden upang magdilig ng kaniyang mga halaman kaya nagpunta siya agad du'n.
Sa hindi inaasahan, natagpuan niya ang kaniyang sarili na nagmamasid habang nagkukwentuhan sina Babi at Yugto.
Sa kabilang banda naman, katulad ng nakasanayan ay pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa mga bulaklak ni Babi.
"Ilang bulaklak na ba ang napatubo mo, Yugto?" nakangiting tanong ni Babi sa kaniya kaya naman napahinto si Yugto sa kaniyang pagdidilig.
Inilapag niya sa lupa ang regadera o ang pandilig ng halaman saka napatingin kay Babi. Hindi niya ugali ang ngumiti ngunit sa tuwing nakikita niya na nakangiti ang kaniyang ina ay napapangiti na rin siya.
"Umabot na ng labinlima," sagot niya kaya naman namamangha siyang tinignan ng ina.
Napalakpak si Babi. "Mabuti naman kung ganu'n pero ano-anong mga bulaklak ang pinatubo mo na?"
Napaestatwa si Yugto sandali nang dahil sa naging tanong ni Babi kaya naman nagtataka siya nitong tinignan.
Napakalmot sa ulo si Yugto habang tumatawa ng peke. "Gumamela, sampaguita at santan pa lang."
"Heh?" gulat na tanong ni Babi sa kaniya na siyang ikinagulat din ni Pin. "So.. tiglilima ang tatlong 'yun? Lima ang gumamela, lima ang sampaguita at lima rin ang santan?"
Napatango na lamang si Yugto bilang sagot sa kaniya kaya naman disappointed siyang tinignan ni Babi ngunit nagpakawala rin ng malakas na buntong-hininga.
Napahawak si Babi sa kaniyang baywang. "Matuto ka na rin dapat na mag-alaga ng ibang bulaklak, hijo. Paano kung may matipuhan ka nang babae? Ang tatlong 'yun lamang ang ibibigay mo sa kaniya?"
"Eh?" nadidiring tanong ni Yugto saka napailing-iling. "Hindi naman 'yan mangyayari, Babi. Hindi ko kayang ibigay ang mga tinanim kong bulaklak para lang sa isang babae. Hindi pa nga ako sigurado kung kami ba ang magkakatuluyan o hindi."
Galit siyang tinignan ni Babi kaya naman nakaramdam siya ng takot. Akala niya ay babatukan siya nito ngunit tinapik lang pala ni Babi si Yugto sa kaniyang balikat.
"Hijo, hindi naman importante kung kayo ang itinadhana o hindi. Ang importante ay ipinakita mo sa kaniya na kaya mong ibigay ang lahat kahit ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo," pangangaral ni Babi sa anak ngunit nanatiling nakatulala si Yugto sa kaniya dahil wala siyang masabi. Napabuntong-hininga muli si Babi saka tumalikod at nagsimulang magdilig. "At paano rin kung siya na pala ang 'the one' ngunit hindi mo lang pinakita ang halaga mo sa kaniya, edi nasayang ang pagkakataon."
Nanliit ang mga mata ni Yugto saka tumalikod at pinuno nang muli ang regadera ng tubig. Nagtataka siya kung bakit biglang sinabi ni Babi ang tungkol sa pag-ibig. Hindi naman sa anti-romantic siya ngunit hindi pa sumasagi sa isipan niya ang umibig hangga't hindi pa nafa-fall si Pin. Gusto niya pa munang magtanong kung ano ang feeling base sa magiging experience ng kapatid.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagpupuno ay naramdaman niya ang presensya ni Baba mula sa kung saan ngunit pagtingin niya sa lugar kung nasaan kanina si Baba na nakatayo ay wala na siya du'n. Bumalik na si Baba sa bahay muli dahil pakiramdam niya ay kaya namang kausapin ni Babi si Yugto ng mahinahon.
Nang makabalik si Yugto ay diniligan na niya ang kaniyang munting halaman ngunit mas mahal niya kaysa sa anong bagay. Pagkatapos nu'n ay dederetso na sana siya papunta sa bahay ngunit bigla siyang tinawag ni Babi.
"Yugto, mag-usap muna tayo," biglang sabi niya kaya naman napahinto si Yugto at dahan-dahang humarap sa kaniya.
"Tungkol saan po?" magalang na tanong niya ngunit sinenyasan lamang siya ng ina na sumunod at 'yun din ang ginawa niya.
Pagkarating nila sa dating palaruan kung saan naglalaro si Yugto at Pin nu'ng mga bata pa lamang sila na nasa pinaliligiran ng kulay itim na net sa pinakadulong bahagi ng garden ay naalalang muli ni Yugto ang mga ginawa nila ng kapatid niya sa lugar na iyon.
Nang makaupo na si Babi sa isang upuan sa likod ng slide ay nanatiling nakatulala si Yugto sa seesaw na pinakapaborito nilang puntahan dati.
"Yugto!" biglang sigaw ni Babi upang maagaw ang atensyon ni Yugto. "Umupo ka na rito, bilisan mo na."
Muling bumalik sa reyalidad ang isipan ni Yugto kaya naman tumakbo na siya papunta kay Babi at umupo sa tabi nito.
Nang makaupo na ay sakto namang may dumaan na malakas na hangin na yumakap sa kanilang katawan.
Namamangha namang tinignan ni Yugto ang kamay dahil katamtaman ang temperatura ng hangin na humaplos sa kaniyang balat.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Sagutin mo ang tanong ko," biglang sabi ni Babi kaya naman naputol ang pagpapantasya ni Yugto. "May nangyari bang masama sa pagitan ninyong dalawa?"
"Nino, Babi?" nagtatakang tanong ni Yugto kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Babi. Agad na na-realize ni Yugto ang ibig sabihin ng ina kaya naman napatingala siya sa langit. "Wala naman.. siguro.."
"Ha?" napakunot ng noo si Babi saka napahawak sa kaniyang sentido. "Anong ibig mong sabihin sa 'wala naman siguro'? Ano ba talaga ang sagot? Wala naman o siguro?"
"Ang totoo ay hindi na kami nagkikibuan ni Pin simula pa nu'ng isang araw," seryosong sagot ni Yugto saka napakurap nang makita ang dalawang mga ibon na sabay na lumilipad.
Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa nahulog na lamang bigla ang isang ibon papunta sa garden nila. Agad siyang napatayo saka tumakbo palabas ng palaruan.
Gulat namang napatingin si Babi at aakmang susundan ang lalaki ngunit napabuntong-hininga na lamang siya saka napailing-iling. Napatingala siya sa langit saka napangiti. "Sana gabayan Niyo pa ang mga apo namin," umiling siyang muli at may namuong butil ng luha sa kaniyang mga mata. "P'wede naman siguro naming angkinin sila at ituring na anak, hindi ba?"
Nang makita na ni Yugto ang lugar kung saan nahulog ang ibon, malungkot niyang nilapitan ang kawawang ibon na siyang ikinagalit ng isa nitong kasama na ibon.
Pilit niyang tinutuka si Yugto na para bang pinapaalis ang lalaki. Natakot naman si Yugto at napaatras kaya bumalik nang muli ang ibon sa isa niyang kasama.
Biglang napangiti si Yugto saka dahan-dahang bumalik na siyang ikinagalit ng ibon at muli nanaman siyang inatake.
Tiniis niya ang pagtutuka nito sa mukha niya upang hawakan ang kawawang ibon at in-examine kung ano ang naging problema kung bakit ito biglang nahulog.
Napansin niya na may sugat ang ibon sa kaniyang pakpak at kaunting-kaunti na lang ay matatanggal na ito mula sa katawan ng ibon.
Nang hawakan niya ng dahan-dahan ang pakpak ay sumigaw ng mahina sa sakit ang ibon na mas lalo pang ikinagalit ng kasama niyang ibon.
"Wa.. 'wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mailigtas ang kapatid mo," nakangiting sabi ni Yugto saka dahan-dahang tumayo na tipong isang maling galaw ay ikamamatay kaagad ng kawawang ibon.
Bigla siyang napahinto sa pagngiti nang maalala niyang muli ang kaniyang sinabi. Tinanong niya ang kaniyang sarili, kapatid?
Hindi siya makapaniwala na agad niyang tinawag ang dalawang ibon na magkapatid kahit hindi siya sigurado kung magkapatid ba ang mga ito.
Ilang sandali ay napalingon siya sa ibon na tumutuka sa kaniya at nakitang napahinto ito sa pagtuka at nilapitan ang kawawang ibon.
Pilit niyang ginagalaw ang naghihinalong katawan ng ibon gamit ang kaniyang tuka ngunit ilang sandali ay hindi na ito gumagalaw at hindi na rin humihinga.
Nanlaki ng dahan-dahan ang mga mata ni Yugto saka dahan-dahang inilapag sa lupang muli ang patay na ibon. Nakita niyang pilit pa rin na ginagalaw ng ibon ang katawan nito ngunit ilang sandali ay umalis na rin at lumipad na papalayo.
Biglang sumakit ang dibdib niya saka napatingala sa bintana ng kwarto ni Pin na kitang-kita mula sa garden. Naisip niyang muli ang salitang kapatid at alam niyang kapatid niya nga talaga si Pin.
Ngunit naisip niya na imposible na muna silang maging kapatid sa panahong iyon lalo na't mukhang hindi tanggap ng kaniyang puso si Pin bilang kaniyang kapatid.
Iniisip niya na kung magkapatid nga talaga sila at kapatid din ang turing nila sa isa't isa, bakit hindi nila masabi sa kanilang mga kakilala na magkapatid sila. Hindi naman importante kina Babi at Baba na malaman ng mga estudyante ng DNHS kung sino talaga sila lalo na nang ganapin ang huling misyon nila sa Mission Quarter ngunit bakit nahihirapan pa rin silang dalawa na umamin sa mga tao kung magkaano-ano ba talaga sila.
Sa kabilang banda naman, laging tinitignan ni Simi ang kaniyang kalendaryo dahil alam niyang sa susunod na linggo na ito gaganapin. Pagsapit ng biyernes, gaganapin na ang kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Walang katao-tao sa kanilang bahay sa mga oras na iyon kaya naman bumaba na si Simi papunta sa kusina upang magluto ng makakain. Tuwing araw ng sabado at linggo ay laging umaalis ang kaniyang mga magulang upang gawin ang kanilang mga 'gawain' sa labas.
Sa kabilang banda ulit, naisip ni Pin na lumabas ng kanilang bahay upang bumili ng kung ano sa mall. Alam niyang hindi naman niya kailangang magmadali sa pagpili lalo na't hindi pa siya sigurado sa kung anong ibibigay para kay Simi.
Napahinto siya sa paglalakad saka muling bumalik sa bahay. Inis siyang napaupo sa kama saka sinabunutan ang kaniyang buhok. "Ano nanamang problema?"
Galit na galit siya sa kaniyang sarili dahil nakuha niyang bumili ng regalo para sa kaibigan kaysa sa kaniyang kapatid. Nagdaan na ang kaarawan ni Yugto, at ginanap 'yun sa unang araw ng Mission Quarter.
Muling nagkita ang dalawang mag-asawa sa ibaba saka nginitian ang isa't isa. "Sana maging maayos na ang magkapatid na 'yun."
Nanlaki ang kanilang mga mata dahil hindi nila inakalang pareho ang kanilang iniisip. Natawa na lamang sila saka uminom ng kape habang magkahawak ang kamay at nakahawak sa kaniyang wedding ring.
"Sana buhay pa tayo hanggang sa maipasa natin sa isa sa kanila ang school na iyon," nakangiting sabi ni Baba at sumang-ayon naman si Babi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat