Willing to Pull the Trigger

Third Person's POV
Sa kalagitnaan ng pakikinig ni Pin sa isang kanta na nasa lumang cell phone niya at hanggang ngayon ay ginagamit niya pa rin, napahinto siya nang ma-relate sa isang linya na kinanta rito.
'I'm willing to pull the trigger, I'm willing to sacrifice everything for her.. oh, tell me, am I a little bit crazy?'
Napalunok siya saka napailing-iling. Sinabi niya sa kaniyang sarili na imposibleng ma-relate siya du'n. Maglalakad na sana siya nang matanaw si Simi mula sa entrance gate ng school.
Napahinto ang dalawa saka nagkatitigan. Pakiramdam ni Pin ay humina ang galaw ng paligid at ang tanging kanta lang ang kaniyang naririnig ngayon.
'Don't.. just don't do it. It will just make me badly in love with it. Don't cry, don't lie, don't you ever forget about you and I.'
Balak na sanang magsalita si Simi upang batiin si Pin nang biglang tumunog ang school bell na nasa loob. Napalingon ang dalawa sa school at dali-dali namang umalis si Simi.
Napahawak si Pin sa kaniyang dibdib saka muling napalunok. Tinanong niya sa kaniyang sarili kung ano nanaman ang nangyayari sa kaniya, kung something ba ito o isang confusion lang.
Patuloy niya pa ring pinakinggan ang kanta at nahinto lamang nang makarating siya sa kanilang classroom. Pagkalapag niya ng kaniyang bag ay umalis na siya dahil kailangan niya pang magtrabaho sa YJC.
Napasimangot naman ang iba niyang kaklase dahil lagi iyong ginagawa ni Pin ngunit sinasabihan naman sila ng iba na intindihin na lamang siya at suportahan dahil ikatutuwa ni Pin kapag nakapasok na siya sa Paramount.
Nang marinig iyon ni Bellas ay sumikip ang kaniyang dibdib tulad ng kaniyang naramdaman sa unang araw ng Mission Quarter. Hindi niya nakayanan iyon kaya nagpaalam siya upang magpunta sa comfort room.
Umabot ng unang class session at hindi pa rin bumabalik si Bellas simula nang magpaalam siya na pupunta sa comfort room. Nagsimulang mag-alala si Grey sa kaniya dahil napapansin niya ang kakaibang asal ni Bellas at mukhang naiintindihan na niya kung ano ang mangyayari kapag nasasakan si Bellas.
Nang utusan na sila ng pedagogue na magsulat ay humingi ng permiso si Grey na pumunta ng comfort room. Pinayagan naman siya ni Ms. Hermosa kaya dali-dali na siyang umalis.
Pagkarating niya sa pintuan ng comfort room ng mga babae, nagpalinga-linga siya sa paligid. Tahimik lamang sa unang tingin ang comfort room at balak na sana niyang umalis nang makarinig siya ng isang hikbi.
Sa loob ng second cubicle, nakaupo si Bellas sa sahig habang niyayakap ang kaniyang tuhod. Walang kung anu-ano ay agad na pumasok si Grey at binuksan ang pintuan ng second cubicle.
"Bellas, umiiyak ka ba?" agad na sigaw niya saka napatingin sa toilet ngunit wala du'n si Bellas. Sunod niyang tinignan ang gilid at nakitang inosenteng nakatingin sa kaniya si Bellas.
"Anong ginagawa mo rito, Grey?" nagtatakang tanong ni Bellas sa kaniya saka suminghot dahil tutulo na ang kaniyang sipon. "Umiiyak ako? Hindi, a."
"Yung totoo?" agad na hinawakan ni Grey sa magkabilang balikat si Bellas upang nasa kaniya lamang ang atensyon ng babae at upang malaman niya ang totoong nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata nito. "Sabihin mo lang sa 'kin Bellas kung nasasaktan ka at kung ano ang dahilan nu'n, magkaibigan naman tayo 'di ba?"
Napalunok si Bellas habang nakatitig sa mga mata ni Grey. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin dahil nagtataka siya kung bakit biglang naisip 'yun ni Grey.
Nang yayain na ni Bellas si Grey palabas ng comfort room ay du'n niya ikinuwento ang tunay niyang nararamdaman. "Oo, nasasaktan nga ako pero hindi ako umiiyak sa loob."
"E bakit may narinig akong humihikbi?" nag-aalalang tanong ni Grey sa kaniya dahil hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinabi ni Bellas. Pakiramdam niya ay may mas malalim na ibig sabihin ito.
"Eh?" napakunot ng noo si Bellas. "Sumisinghot lang ako dahil tutulo na ang sipon ko, ang OA mo naman," napabuntong-hininga si Bellas habang napanganga sa gulat si Grey.
"A, hehe.. Mali pala ang hinala ko," napakalmot si Grey sa kaniyang pisngi habang pekeng tumatawa upang mabawasan ang pagkahiyang nararamdaman niya. Nang manumbalik siya sa reyalidad, muli siyang nagtanong kay Bellas. "Ano nga pala ang dahilan kung bakit ka nasasaktan?"
Nang muling maisip ni Bellas ang sinabi niya ay napabuntong-hininga siya saka napayuko ng kaniyang ulo. "Pasensya na kung OA din ako, sinabihan pa naman kita nu'n kanina pero nasasaktan lang ako kasi naiisip ko na ayokong matupad ni Pin ang pangarap niya na maging isang Paramount. Alam kong makasarili ako na sabihin 'yun lalo na't ikasasaya ng tao 'yun pero naiisip ko na kapag natupad 'yun, dalawang importanteng tao na ang nawala sa 'tin."
"Hindi ganu'ng tao si Pin, sigurado ako na kahit isang Paramount na siya, maaalala niya pa rin tayo," nakangiting sabi ni Grey saka hinila ang dalawang pisngi ni Bellas. "Ngumiti ka na, 'wag ka nang masyadong mag-overthink."
"Eh?" medyo malungkot na sabi ni Bellas kaya mas lalong hinila ni Grey ang pisngi niya. Napakunot siya ng noo saka pilit na tinatanggal ang kamay ni Grey sa kaniyang mukha. "Grey, tumigil ka na sa kakahila ng pisngi ko. Namumula na, o!"
Nginitian ni Grey si Bellas sa malapitan bilang panunukso ngunit umakyat sa ulo ang lahat ng dugo ni Bellas sa kaniyang katawan.
"Ngumiti ka pagkatapos kitang bitawan, a?"
Halos hindi makapagsalita si Bellas dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ilapit ni Grey ang mukha niya sa kaniya.
Nang bitawan na ni Grey ang kaniyang kamay sa pisngi niya ay kaagad siyang tumalikod at para siyang isang takure na may kumukulong tubig.
Nagtataka namang tignan ni Grey ang nakatalikod na si Bellas at aakmang hahawakan siya sa braso upang iharap si Bellas papunta sa kaniya ngunit napahinto siya nang biglang humarap sa kaniya si Bellas.
"Wa.. 'wag mo nang uulitin 'yun, a?" kinakabahang sabi ni Bellas saka napapikit ng mata upang ihanda ang kaniyang sarili upang ngumiti. Nang masiguro na niyang makakangiti na siya at ngumiti na siya.
Lumiwanag ang mga mata ni Grey nang makita ang totoong ngiti ni Bellas na puno ng saya kaya naman pakiramdam niya ay nasa kalangitan na siya.
"May kasama ba akong anghel dito?" pambibiro niya kay Bellas kaya naman nanlaki ang mga mata ni Bellas at muling umakyat sa kaniyang ulo ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan. Namamanghang tignan ni Grey ang pulang mukha ni Bellas ngunit napatakip ng labi nang may ma-realize.
"Ta.. tama na nga 'to! Bumalik na tayo sa.. class.. room," pag-aanyaya ni Bellas kay Grey saka hinila ang lalaki nang hindi ito tinitignan.
Gulat na gulat naman ang mukha ni Grey saka muling napangiti dahil kahit papaano ay naisip niya na napabago niya ang ugali ni Bellas.
"Sana maging magkaibigan pa rin tayo hanggang sa huli, para marami pa akong makitang kakaiba kung bakit ikaw lang ang nag-iisang Bellas sa mundo na gusto kong makasama," bulong ni Grey sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan si Bellas.
Si Bellas naman habang hinihila si Grey ay mas lalong lumala ang pamumula ng mukha dahil kahit ibinulong lang iyon ni Grey sa kaniyang sarili ay narinig iyon ni Bellas dahil malapit lang sila sa isa't isa.
Napakunot siya ng kaniyang noo habang nakalobo ang bibig. Tinanong niya sa kaniyang isipan kung ano ang problema ni Grey at mukhang sinasapian siya sa araw na iyon.
Sa kabilang banda naman ay nakita ni Simi si Kimi sa labas ng campus ng Underworld. Napahinto siya habang nakatulala at iniisip kung namamalik-mata lang ba siya sa araw na 'yun.
Aakmang lalakad na siya upang salubungin si Kimi ngunit pakiramdam niya ay namanhid ang kaniyang mga tuhod dahil sa pagkagulat. Nanginginig ang kaniyang mga mata at gustong-gusto na niyang umiyak ngunit hindi niya magawa.
Matagal na silang hindi nagkita ni Kimi at pakiramdam niya ay hindi na sila muling magkikita dahil sinabihan na siya ni Kimi.
Napahinga siya ng malalim, napapikit ng mata at sinubukang maglakad ng mahinahon papunta kay Kimi.
Dahan-dahang lumingon si Kimi sa kaniya ngunit bago pa man tuluyang lumingon si Kimi sa kaniya ay na-realize ni Simi na ang lahat ng iyon ay isang panaginip.
Muli siyang nagising mula sa kaniyang pagkakatulog at nakitang nakaupo siya sa gitna ng campus ng Underworld. Nagtataka siya dahil ilang araw na rin na walang basura ang tinatapon sa kanilang campus kaya wala siyang magawa du'n kundi ang umupo lang.
Naalala niya na ilang araw na lang at darating na ang kaniyang kaarawan. Wala naman siyang ine-expect galing sa kaniyang mga magulang ngunit humihiling siya na sana ay makadaan si Kimi sa campus upang samahan siya sa pagdiwang nito.
Inisip niya rin na imbitahan sina Brian, Bellas at Grey kung sakaling dumaan man sila sa campus o magkita sila sa puno.
Sa ikatlong pagkakataon ay nakaramdam siya ng sigla matapos maisip ang mangyayari sa kaniyang kaarawan. Hindi naman siya masyadong ambisyosa ngunit hinihiling niya na sana, kahit ang kaniyang kaarawan na lang ang pinakamasayang araw sa buong taon niya sa DNHS.
Sa hindi malamang dahilan ay naisipan ni Simi na magwalis sa kanilang campus kahit wala namang masyadong basura sa paligid. Nagsimula rin siyang magsulat ng kung ano-ano sa lupa.
Napangiti siya nang mabasa ang kaniyang isinulat sa lupa. "Sa ikalabinlima ng Oktubre."
Sa kabilang banda naman, sa campus ng mga Paramount ay kumakain ng tahimik ang tatlo sa loob ng kanilang sariling canteen.
Nalaglag ni Vladi ang kaniyang kutsara at aakmang kukunin na niya ito nang kunin ito ni Sakuna para sa kaniya.
"Hawakan mo ng mabuti ang kutsara mo," seryosong sabi niya saka ibinigay kay Vladi ang kutsara.
Nang bumalik nang muli si Sakuna sa kaniyang pag-kain, patagong sinulyapan ni Vladi si Yugto saka inilabas ang kaniyang dila bilang panunukso sa lalaki.
Inirapan lamang siya ni Yugto saka hinulog ang kaniyang plato at agad namang sinalo iyon ni Sakuna para sa kaniya. "Isa ka pa, balak mo bang basagin ang lahat ng plato sa canteen?"
Nang bumalik nang muli si Sakuna sa kaniyang pag-kain ay patagong sinulyapan ni Yugto si Vladi at tinukso rin ang lalaki.
Nagkainitan ang dalawa at nararamdaman ng lahat ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki maliban kay Sakuna na walang pakialam sa kanila.
Nang mapansin niya ang mga titig ng tao sa kaniya ay napatingin siya sa dalawa na bumalik sa normal nilang gawain.
Nagdududa si Sakuna sa kanila kaya naman binantaan niya ang mga ito. "Ayus-ayusin niyo ang ugali ninyo."
"Oo na, alam kong concern ka sa 'kin," nakangising sabi ni Vladi kaya naman lumabas ang ugat sa ulo ni Sakuna. Nang mapansin niya 'yun ay natawa siya saka umiling-iling. "Biro ko lang 'yun, Sakuna."
"Hay nako, Vlad," inirapan siya ni Yugto habang kumakain. "Tapusin mo na kaya ang pagkain mo diyan, palitan mo na rin ng bagong kutsara ang kutsara mo dahil nahulog na 'yan kanina sa sahig."
Nainis naman si Vladi sa kaniya. "Ewan ko sa 'yo, Yugi at PS, hindi 'yun nahulog dahil sinalo 'yun ni Sakuna para sa 'kin."
"Gusto mo ba ng away o ano?"
"Aba, nanghahamon ka na ngayon?"
"Medyo lang, Vlad."
"An'sabi mo, Yugi?"
Napabuntong-hininga na lamang si Sakuna nang dahil sa naging asal ng kaniyang dalawang kaibigan at napailing-iling. "Kailan ba kayo magbabago? Nakakasakit kayo sa ulo."
"Hindi kami nagkakasundo kaya ayun," sabi ni Vladi na siyang itinango ni Yugto bilang pagsasang-ayon. "Sumama ka na lang kasi sa isa sa aming dalawa para tapos na ang usapan."
"Heh? Mukhang may balak ka na masama a?"
"An'dumi naman ng isip mo, Yugi."
"Mas lalo ka na, Vlad."
Nang tumunog na ang bell para sa afternoom recess ay lumabas na ang lahat ng estudyante mula sa kanilang mga building.
Nagpaalam si Vladi kina Sakuna at Yugto na aalis siya upang mag-CR at binangaan si Yugto na 'wag siyang gagawa ng masama kay Yugto ngunit inutusan ni Sakuna si Yugto na pumunta muna sa campus ng Campus upang gawin ang kaniyang trabaho dahil alam niyang mag-aaway nanaman ang dalawa kung maiwan si Sakuna sa isa sa kanila.
Sa Campus naman ay umalis na rin ang mga tao sa kani-kanilang mga classroom. Ang iba ay naglalaro sa field, ang iba naman ay nagkukwentuhan habang sina Bellas, Brian at Grey ay inaabangan si Simi sa ilalim ng puno.
"Sa tingin niyo, makakarating kaya siya?" nakasimangot na tanong ni Brian sa dalawa at nagkibit-balikat lamang sila kaya napabuntong-hininga siya. "Sana naman dumating siya."
"Hindi naman natin siya inimbitahan na pumunta rito," sarkastikong sabi ni Grey sa kaniya kaya naman biglang na-realize ni Brian kung ano ang dapat gawin.
Nag-rub siya ng kaniyang baba habang nakakunot ang noo. "Ang ibig sabihin ba nu'n ay kailangan nating bigyan siya ng invitation letter bago siya makarating dito?"
Napahilamos ng mukha si Grey habang si Bellas ay napapailing sa pagiging slow ni Brian. Nagtataka namang tignan ni Brian ang dalawa ngunit nabulabog nang biglang dumating sina Rhea at Charlotte.
"Anong ginagawa ninyong tatlo rito?" tanong ni Charlotte habang may dala-dalang plastic ng cheesecurls.
Napatingin ang tatlo sa kaniya. "Cheesecurls nanaman?"
"O! Kung gusto niyo palang humingi, pasensya pero hindi p'wede dahil akin lang ang lahat ng 'to," nakangiting sabi ni Charlotte na siyang ikinainis ni Rhea.
Inagaw niya ang isang cheesecurl mula kay Charlotte saka binato ito sa tatlo ngunit tumama ito sa mukha ni Brian.
Nagulat si Rhea ngunit kaagad nang tumalikod saka hinila si Charlotte. "Paghati-hatian niyo na lang 'yan, pasensya na kayo."
"Eh! Akin 'yun e!" pagdadabog ni Charlotte habang pilit na binabawi ang kamay mula sa pagkakahila ni Rhea sa kaniya. "Bitaw na! E, ano ba."
Gulat namang napatingin si Brian sa naglalakad na si Rhea saka binasa ang pangalan ng cheesecurl, Clauver.
Napangisi siya at unti-unting tumawa ng mala-demonyo kaya naman napatingin na ang ibang mga estudyante sa kanilang tatlo habang sina Bellas at Grey ay nahihintakutan sa kaniya.
"Ba.. bakit ka tumatawa?" nahihintakutang tanong ng dalawa saka napalunok at napatingin sa isa't isa.
Napangisi si Brian nang tumigil na siya sa kakahalakhak. "Hindi ko in-expect na alam ni Rhea ang paborito kong brand ng cheesecurl. Naku, pakiramdam ko ay secret admirer ko ang babaeng 'yun."
Disappointed namang tinignan ng dalawa si Brian at parehas ng sinabi sa isipan, nadidismaya sila na ganu'n pala mag-isip ang isang Bradley Ian.
Sa kabilang banda naman ay laging natutulala si Pin habang nakatitig sa mga papel na nasa harapan niya. Ang tanging trabaho niya lang sa YJC ay gawin ang mga extra tasks na hindi nagawa o hindi natapos ng principal nila na si Yugto Ultimo. Si Yugto rin ang naglagay kay Pin sa ganu'ng posisyon upang painisin si Pin ngunit nabigo siya.
Sa kaniyang pagbabasa ng mga papel ay naisipan niyang muli na patugtugin ang kantang pinatugtog niya kanina.
Habang sumasabay siya sa pagkanta rito, natagpuan niya ang sarili na nae-enjoy sa kantang iyon na minsan niya lang pinapatugtog at hindi niya naman paborito.
Ang bandang chorus ng kanta ang paborito niyang bahagi ng kanta simula nu'ng araw na iyon at sumabay siya sa pag-awit nito.
'I'm willing to pull the trigger, I'm willing to sacrifice everything for her.. oh, tell me, am I a little bit crazy? Don't.. just don't do it. It will just make me badly in love with it. Don't cry, don't lie, don't you ever forget about you and I.'
Nang matapos na niya ang pag-awit sa buong kanta nito ay natagpuan niya ang sarili na inulit ito at pinindot ang 'repeat current song' sa kaniyang music playlist.
Nagpatuloy ang pagsabay niya sa awitin hanggang sa may taong tumayo sa labas ng pinto ng opisina ng YJC.
Nang tumingala siya ay nakita niyang nakatayo du'n si Yugto kaya naman pinatay niya ang kanta.
Napangisi naman si Yugto saka napabuntong-hininga at inekis ang kaniyang kamay. "So, so, so.. are you willing to pull the trigger for her?"
Hindi naman naintindihan ni Pin ang ibig sabihin ni Yugto ngunit natagpuan niya ang sarili na tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.
Napatango-tango si Yugto sa kaniya saka tinalikuran na siya at tumingin sa malayo. "Sige, tignan nga natin kung gagawin mo ba talaga 'yan pagdating ng panahon."
Nanatiling tahimik ang kwarto ng sandali hanggang sa muling magtanong si Pin. "Bakit mo naisip na ipatayo ang fountain?"
"Bakit, bawal ba?"
"Pangarap ko 'yun para sa school, pati ba naman 'yun aangkinin mo pa?"
Naging tahimik muli ang paligid at dumaan ang malakas na hangin na nagpasayaw ng kaniyang buhok at damit.
"May purpose kung bakit ko 'yun pinatayo," nakangiting sabi ni Yugto saka tinalikuran si Pin. "Alam mo rin naman kung para saan 'yun dahil ikaw ang nagpasimuno, 'di ba?"
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Pin sa kaniyang nalaman. Nakaramdam siya ng takot para sa kaniyang kapatid sa unang pagkakataon.
Kunwari namang nagtataka siyang tinignan ni Yugto. "Bakit napaestatwa ka diyan? 'Pangarap' mo 'yun para sa school, 'di ba?"

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Joshua Bañares

    ganda

    07/05/2025

      0
  • avatar
    YangBangtan

    kakabasa ko pa lang, gandaaa!!

    24/04/2025

      0
  • avatar
    MingFyona

    angas po uwu

    17/11/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata