Paramount's Fountain

Third Person's POV
Hindi makapaniwala si Simi sa kaniyang mga narinig tungkol kay Yorami at Yugto. Gustong-gusto na niyang bumaba at bumalik na lamang muli sa kanilang campus ngunit hindi niya ito magawa dahil may mga Paramount na nakapaligid sa kaniya.
Hindi niya alam na ang isang Perfect One ay kabilang sa ranggo na Paramount kaya iniisip niya na ayos lang kahit sina Yorami at Sil ang makaalam na nandu'n siya.
Pagkatapos maisigaw ni Yugto ang katagang iyon, nanatiling tahimik ang paligid at kahit si Yorami ay hindi na makapagsalita nang dahil sa sinabi ni Yugto.
Sisingit na sana si Simi sa usapan nila nang biglang dumating si Pin at ang ibang miyembro ng YJC. "Anong meron dito?"
"May pinag-usapan lang kami," maikling sagot ni Yugto sa kaniya nang hindi tinitignan si Pin. "Kayo, bakit kayo napadaan dito?"
"Sino ba ang hindi maa-attract sa lugar na 'to kung ang dalawang Paramount ay nandito sa lugar na 'to, sa campus ng mga Campus?" sarkastikong tanong sa kaniya ni Pin upang lumingon si Yugto sa kaniya.
Tulad ng inaasahan niya, napalingon si Yugto nang wala sa oras. "Katulad ng sinabi ko, may pinag-usapan lang kami," napabuntong-hininga siya at napapikit na lamang ng kaniyang mata upang hindi mahalata na naiinis siya. Muli siyang lumingon kay Yorami. "At 'wag ka nang magkakalat ng kasinungalingan sa school, gusto mo bang bumalik sa pagiging Campus?"
"Eh?" nagtatakang tanong ni Yorami saka napasimangot. "Totoo ang sinabi ko, ang tito ko ang.."
Bago pa man matapos ang sinasabi ni Yorami ay agad nang sumingit si Yugto dahil nasasawa na siya sa kakarinig nito. "Hindi nga 'yan totoo! Hindi rin 'yan ang dahilan kung bakit.." napahinto kaagad si Yugto sa kaniyang sinasabi nang muli niyang maalala na nandu'n si Pin sa lugar kung nasaan sila. Napakuyom siya ng kamao saka napayuko ng kaniyang ulo. "Basta, 'wag na 'wag mo na 'yang ulitin. Bukod sa ayaw ko sa mga taong manloloko, ayoko rin sa mga taong sinungaling."
Nang makaalis na ang grupo nina Yugto ay nakahinga ng maluwag si Simi at naramdaman naman ni Sil ang presensya nito.
Napaestatwa si Simi sa kaniyang kinauupuan nang magkatitigan silang dalawa ni Sil. Ang mga titig na iyon si Sil sa kaniya ay malamig ngunit hindi naman nakakatakot o mukhang nananakot, parang casual lang.
Akala ni Simi ay magsasalita si Sil tungkol sa kaniyang nakita ngunit mukhang binalewala niya lamang ito saka kinalabit si Yorami. "Umalis na tayo rito, kung ano-ano nanaman ang sumasagi sa isip mo ngayon."
Nginitian ni Sil ng pilitan si Pin bilang kaniyang paumanhin sa nangyari saka hinila si Yorami paalis ng lugar. Bumaba na si Simi papunta sa isang sanga saka sumilip sa mga dahon nito palabas ng puno.
Nakita niya na ring naglalakad palayo ang mga YJC ngunit sinigurado niya muna na walang makakakita sa kaniya bago tuluyang umalis sa puno.
Sa kaniyang pag-alis ay siyang pagdating naman ni Bellas, Grey at Brian saka napatingala sa itaas nito. Nang makita nilang wala du'n si Simi, tinapik ni Brian sa balikat ang dalawa.
"Better luck next time na lang, 'no? Baka makikita natin si Simi mamayang recess dito."
"Oo nga," pagsasang-ayon ni Grey sa kaniya saka nginitian si Bellas. "Balik na lang tayo mamaya rito, tara?"
"Mhmm," tinanguhan lamang ni Bellas ang dalawa ngunit hindi ibig sabihin nu'n ay sumasang-ayon siya.
Hindi niya masabi ang tunay na nasa isip niya ngayon dahil ang iniisip niya ngayon ay baka hindi na sila muling magkita ni Simi dahil ilang araw na rin ang lumipas nang hindi nila ito nakakausap.
Ang hindi nila alam, may isang Paramount ang nakapansin ng kanilang ginawa nang pumunta sila sa puno. Patago lamang siyang nagmamasid habang sinusundan ng kaniyang mata ang paglalakad ng tatlo pabalik sa building.
Napatango-tango ang lalaki saka ni-rub ang kaniyang baba. "Hmm.. I see.. isang Campus sa building na 'to?"
Pagkarating nina Yorami at Sil sa kanilang tambayan sa abandonadong building, nakita nila mula sa kalayuan si Kimi na nakatayo sa itaas ng rooftop nito.
Nagkatinginan ang dalawa ngunit nagkibit-balikat lamang si Sil kay Yorami. "Malay ko kung sino 'yun."
Mabilis na nakarating si Yorami sa rooftop kaysa kay Sil dahil madaling mapagod si Sil kapag umaakyat sila ng hagdanan. Nakarating si Yorami du'n na kasingbilis ng kidlat habang si Sil naman ay nakarating du'n na pawis na pawis ang katawan.
"P'wede ko bang tanungin kung sino sila?" magalang na tanong ni Yorami kay Kimi habang nakangisi ng malawak.
Nang lumingon sa kaniya si Kimi, kumurap lamang ito sa kaniya saka ibinalik ang paningin kung nasaan siya nakatingin kanina.
Nalungkot si Yorami sa naging asal ni Kimi sa kaniya kaya naman lumipat siya papunta sa kabilang gilid ng lalaki. "Paano ba kita tatawagin? Kailangan kong malaman ang pangalan mo."
"Pabayaan mo na siya, Yorami De Guzman," biglang singit ni Sil sa kanilang usapan nang mapunasan na ang kaniyang pinagpapawisang mukha at leeg. "Akala ko ba gusto mo na ako lang ang magiging kaibigan mo this whole year?"
Nang maalala ni Yorami ang sinabi niyang iyon kay Sil dati nang magkakilala sila, napatango-tango siya saka umatras papunta kay Sil.
Binulungan niya ito habang nakakunot ang noo. "Hindi ako sigurado kung tao ba talaga siya o isang robot. Ayaw niyang magsalita, parang ikaw lang nu'ng una tayong nagkakilala."
"Hindi mo siya masisisi," sagot ni Sil sa kaniya saka naglakad papunta sa kabilang dulo ng rooftop.
Umupo naman si Yorami sa itaas ng maliit na pader nito. "Lagi ko namang nakikita ang lalaking 'yan na naglalakad-lakad sa campus pero hanggang ngayon wala naman akong naririnig na usap-usapan tungkol sa kaniya."
"Dahil?" pagtatanong ni Sil sa kaniya na hinihingi ang dahilan kung bakit kailangang may marinig na usap-usapan si Yorami tungkol kay Kimi.
Nangitngit ang mga ngipin ni Yorami sa inis. "Edi siyempre dahil isa siyang gwapong nilalang, paanong walang magkakagusto sa kaniya?"
Kahit hindi ipakita ni Sil ang kaniyang reaksyon ay gulat na gulat ito nang malamang 'yun ang dahilan kung bakit kailangang pag-usapan si Kimi sa campus.
Nanliit ang kaniyang mga mata saka napabuntong-hininga. "Akala ko pa naman isang matinong dahilan 'yan."
"Matino naman 'yun!" napasimangot si Yorami habang nakakunot ang noo. "Kausapin mo kaya?"
"Ayoko," maikling sagot ni Sil saka nag-iwas ng tingin kay Yorami.
Nangitngit ang mga ngipin ni Yorami sa galit. "Ang pangit mong ka-bonding."
Kaya naisip ni Kimi na pumunta sa rooftop na iyon ay upang matanaw niya mula du'n ang rooftop kung saan sila laging pumupunta ni Harana dati. Nanatiling nandu'n sa rooftop na iyon ang kaniyang mga mata habang inaalala niya ang mga masasayang alaala nang magkasama pa sila, sina Sakuna, Harana at siya.
Naisip niya na sana may ibang paraan para bumalik sila sa dati, kung paano niya maalis ang galit na nararamdaman ni Sakuna sa kaniya at masabi kay Harana ang dapat na sabihin niya sa araw na 'yun.
Gulong-gulo na ang kaniyang isip, pakiramdam niya na kahit hayaan niyang tulungan siya ni Simi sa kaniyang problema ay mas lalo lang itong lalala dahil ayaw niyang sabihin sa punto ang gusto niyang tanungin at sabihin sa kaniya. Masyado siyang masikreto, gusto niya lang itago ang lahat.
Sa kabilang banda, kasama ni Pin ang ibang miyembro ng YJC at naglalakad sila papunta sa loob ng campus ng Paramount. Ang iba ay natutuwa, ang iba ay normal lang habang ang iba ay kinakabahan.
"Bakit tayo pinatawag dito?" biglang tanong ng isa sa kanila habang naglalakad sila sa loob. "Ang daming mata na nakatingin sa 'tin ngayon, ito na ba ang tinatawag nilang awra ng mga Paramount?"
"Wag kayong mag-alala," pagchi-cheer ni Pin sa mga miyembrong kinakabahan. "May ipapakita lang naman sila sa atin."
"Sana talaga mapunta na ako rito," nakasimangot na sabi ng isa habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Nginitian naman siya ni Pin habang naka-thumbs up. "Kaya mo 'yan at mangyayari rin 'yan sa susunod."
"Sana nga!" naluluhang sabi niya na siyang ikinagulat ng kaniyang kaibigan. "Ha.. hayaan mo muna akong umiyak ngayon."
Nanliit ang isang mata ng babae dahil nadidiri siya kapag nakikita niyang umiiyak ang kaibigan sa isang maliit na bagay lamang. "Pinaglihi ka ba sa pagiging overreacting?"
Napangiti ng patago si Pin dahil pakiramdam niya na kahit malayo siya sa kaniyang mga kaklase ngayon, pakiramdam niya ay kasama niya pa rin ang mga ito dahil ang ilan sa kanila ay may kaparehong ugali ng iba niyang mga kaklase.
Napansin ng isang babae ang ngiti na iyon ni Pin kaya naman tumabi ito sa kaniya sa paglalakad. "Anong meron?"
Napalingon si Pin sa kaniya ng gulat ang mukha at aakmang sasagot nang biglang sumigaw ang isa nilang kasama. "Andito na tayo!"
Pagkarating nila sa kanilang destinasyon, namangha ang lahat nang makita kung ano ang gustong ipakita sa kanila ng mga Paramount.
Gulat namang napatanong sa sarili si Pin habang nakaawang ang mga labi. "Isang.. fountain?"
"Kailan pa 'to pinatayo?"
"Hindi ko 'to napansin dito."
"Siyempre, minsan lang tayo pumasok sa loob ng campus nila."
"Ay, nandiyan na sina Ms. Paris!"
Mulimg bumalik sa reyalidad ang isipan ni Pin nang bigla siyang hilain ng isa nilang kasama. "Bakit ka napatulala kanina?"
"Hi.. hindi lang ako makapaniwala," sagot ni Pin saka sinulyapan ang fountain na nakita niya rin dati ngunit hindi niya inakalang fountain ang gagawin du'n.
Muli niyang naalala ang isa sa kaniyang pangarap na gagawin sa school kung siya ang magmamay-ari nito, magpapatayo siya ng isang fountain.
Naalala niya pa na hindi lang isang display o atraksyon ang purpose ng fountain na iyon. Kung may mangyayari mang kaguluhan sa pagitan ng tatlong ranggo, ang fountain ang gagawa ng magandang alaala para sa kaguluhang iyon dahil dati pa ay iniisip niya na may tsansa na hindi magkakasundo ang tatlong ranggo.
Napatingin siya kay Pin na nasa kaliwang gilid ni Sakuna. Nang magkatitigan ang dalawa ay nanliit ang mga mata ni Yugto sa kaniya.
"Nakita niyo naman kung ano 'yan, 'di ba?" biglang sabi ni Sakuna kaya naman bumalik sa normal ang itsura ni Yugto. "Sayang lang at hindi kayo ang unang nakakita niyan."
"Heh?"
"Balak niyo pala na ipakita muna sa amin ang fountain na 'yan bago ang iba?"
"Tama," tumango si Sakuna sa dalawang nagsalita kaya naman nagkatinginan ang dalawa saka napangiti sa isa't isa. "Siguro nga ay totoo ang tadhana. Hindi ko nga rin inaasahan na isang tulad niya ang unang makakakita nu'n."
"Sino?" biglang tanong ni Vladi dahil sa kuryosidad.
Napalingon si Sakuna sa kaniya saka bumulong. "Mamaya ko na lang sasabihin."
Pagkatapos magkasiyahan ang mga miyembro ng YJC sa tabi ng fountain ay naisipan na nilang magpaalam sa mga Paramount.
Aalis na sana si Pin kasabay ng mga miyembro ng YJC nang bigla niyang makita si Brian na nagkukwentuhan sa isang grupo ng mga babaeng Paramount.
Napahinto siya saka nagpaalam sa kaniyang mga kasama. "May kailangan pa akong gawin dito, mauna na kayo."
Nang makarating si Pin sa lugar kung nasaan si Brian, halos mapaestatwa si Brian nang makita si Pin na nandu'n.
Para siyang nakakita ng multo at dali-daling nagtago sa likuran ng isang babae habang nakahawak sa balikat nito. "Tu.. tulong.."
"Brian.." mahinahon ngunit nagbabaga sa galit ang mga mata na pagtawag ni Pin sa kaniya. Nagtagal iyon hanggang sa napabuntong-hininga siya at ngumiti habang nakalahad ang kamay sa harap ni Brian. "Tara, bumalik na tayo sa classroom natin."
"Ma.. maawa ka sa 'kin, Pin. Kaya ko namang magpaliwanag," pinagpapawisang sabi ni Brian habang dahan-dahang umaalis sa likuran ng babae. "Ha.. hahayaan mo naman siguro akong magpaliwanag, 'di ba?"
Mas lalong ipinalawak ni Pin ang kaniyang mga ngiti ngunit ang totoo ay nagagalit ito kay Brian. "Oo naman, siyempre. Ikaw pa ba?"
Nang makaalis na ang dalawa sa loob ay nanatiling tahimik ang kanilang paglalakad papunta sa kanilang building.
Nag-aalala naman si Brian sa magiging itsura ni Pin pagdating nila sa loob ng classroom kaya sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nagtanong ito sa kaniya. "Ga.. galit ka sa 'kin?"
"Hindi ba obvious, Bradley Ian?" nanlisik ang mga mata ni Pin habang sinasambit iyon at pakiramdam naman ni Brian ay unti-unting lumalaki si Pin habang sinasambit iyon.
Nahintakutan siya. "O.. oo na, lumabag nanaman ako sa rules."
Akala ni Brian ay muli siya nitong pagagalitan ngunit narinig niya lamang na bumuntong-hininga si Pin saka hinawakan siya sa balikat.
"Wag mo na ulit 'yun gagawin, p'wede mo naman silang kausapin sa labas ng school 'di ba?" nakangiting sabi ni Pin ngunit hindi makapaniwala si Brian sa naging kilos nito.
Napapikit siya ng mata saka napatango-tango. "Oo pero nakakainis lang dahil may ganitong rules sa school na 'to. Parang tanga, nakakabaliw."
"Kung hindi ka sang-ayon sa rules ng school na 'to, sana hindi ka nag-enroll dito sa una pa lang."
Kahit si Pin ay nagbago ang pananaw tungkol sa DNHS at ang pangarap niya na lang para sa school na iyon kung siya ang magmamay-ari ay tatanggalin na lamang niya ang lahat ng rules.
Una niyang naisip 'yun nang magbinata na siya ngunit na-realize niya lang na kailangan niyang gawin 'yun nang bumagsak si Simi sa Underworld.
"Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari," biglang sabi ni Pin na siyang ikinagulat ni Brian dahil bigla siyang nag-iba ng usapan. "Akala ko talaga hindi 'yun mangyayari dahil maliban sa masipag siya ay matalino siya at sinisigurado niya na wala siyang ginagawang mali."
Nang ma-realize ni Brian kung ano ang tinutukoy ni Pin, napangiti siya saka tinapik sa balikat si Pin. "Cheer up, babalik din siya ulit sa 'yo."
"Ha?" gulat na tanong ni Pin saka dahan-dahang lumingon kay Brian. "Sa 'kin?" tinuro niya ang kaniyang sarili. "Sa 'kin?" inulit niyang muli ang kaniyang tanong.
"Oo," tumatango-tango sa kaniya si Brian. "Akala mo, a hindi ko napapansin 'yun? Tsk! Ako pa? Lalaki rin ako.."
Bago pa man matapos ni Brian ang kaniyang sinasabi ay agad na nag-iwas ng tingin si Pin habang kumukurap-kurap. "Tumigil ka nga, Brian. Walang ganu'n."
"Heh?" nanunuksong sabi ni Brian saka lumipat sa kabilang gilid ni Pin upang makita ang itsura nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata saka napaturo sa tainga ni Pin.
Agad namang nataranta si Pin. "Ba.. bakit?"
"Namumula e," nanunuksong sabi ni Brian sa kaniya kaya naman naunang naglakad si Pin habang nakakuyom ang kamao. "Uy, Pin! 'Wag ka namang ganyan! Nagbibiro lang ako."
Alam ni Pin na nagbibiro lang si Brian nang sabihin niya 'yun ngunit hindi siya makapaniwala sa naging asal ng kaniyang katawan. Baligtad ito sa gustong mangyari ng kaniyang utak, naisip niya na hindi niya naiiintindihan ang kaniyang sarili ngayon. Napatanong siya sa kaniyang sarili, ano ba ang nangyayari sa kaniyang sarili ngayon? Hindi niya raw alam.
Nang makarating na sila sa classroom, bumalik na sa normal ang lahat at nagpatuloy na ang klase ngunit ang isip niya ay mukhang hindi nagfu-function ng maayos. Maliban sa iniisip niya kung bakit siya nagkaganu'n kanina, iniisip niya rin na malapit nang dumating ang kaarawan ni Simi at sa susunod na linggo iyon mangyayari.
Napalingon siya sa iba niyang mga kaklase at iniisip kung naaalala pa rin ba nila na may kaklase sila na ang pangalan ay Simi Sonata o kung naaalala pa ba ng mga ito ang kaarawan niya.
Pagkauwi niya sa bahay, agad siyang humiga sa kaniyang kama saka inisip ang ireregalo niya para kay Simi at kung paano niya ito maibibigay nang walang makakakita sa kaniya.
Ilang sandali ay sumagi sa isip niya ang nakangiting itsura ni Simi na siyang ikinamula ng kaniyang tainga. Napakalmot siya rito saka isinubsob ang mukha sa kaniyang tuhod habang nakaupo sa sahig.
"Simi, bakit ngayon?" tanong niya sa kaniyang sarili habang pinapakinggan ang tibok ng kaniyang puso.
Sa kabilang banda naman, biglang nakagat ni Simi ang kaniyang dila habang kumakain sa kaniyang kwarto. Sa sobrang sakit ng kaniyang pagkakakagat, napasigaw siya sa sakit at kaagad iyon narinig ng kaniyang mga magulang.
"Tignan mo nga ang anak mo du'n," maawtoridad na utos ng nanay ni Simi sa kaniyang asawa kaya naman inilapag ng ama ang kaniyang kutsara at umakyat papunta sa kwarto.
Agad niyang binuksan ang pintuan nang hindi kumakatok at nakitang nakahawak si Simi sa kaniyang kaliwang pisngi.
"Anong nangyari?" deretsong tanong ng kaniyang ama sa kaniya na siyang ikinagulat ni Simi.
Napabuntong-hininga siya nang bumalik nang muli sa reyalidad ang kaniyang isipan saka napalunok. "Nakagat ko lang ang dila ko."
Pagkalabas ng kaniyang ama sa kaniyang kwarto ay napatingin si Simi sa kaniyang dalawang kamay at muling inilagay ang isang kamay sa kaliwa niyang pisngi.
Napakunot siya ng noo habang iniisip kung anong nangyari at bakit niya nakagat bigla ang kaniyang labi kahit dahan-dahan naman siyang kumakain kanina habang si Pin ay nag-iisip kung ano ang kaniyang gagawin upang malibang ang isip sa ibang bagay.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Joshua Bañares

    ganda

    07/05/2025

      0
  • avatar
    YangBangtan

    kakabasa ko pa lang, gandaaa!!

    24/04/2025

      0
  • avatar
    MingFyona

    angas po uwu

    17/11/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata