Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Her Secret
Simi's POV
Pagdating ng hapon, agad nang ipinaskil sa bulletin board ang mga resulta. Hindi pa oras ng dismissal kaya hindi pa nagkagulo ang mga estudyante.
Dahil wala pang lumalabas mula sa kanilang mga classroom, patago kong tinignan ang mga marka ng kaklase ko sa papel na nakaiskil sa bulletin board. Sinigurado ko muna na walang tao sa paligid upang walang makakita sa akin.
Nang mabasa ko na ang kanilang mga marka, natuwa ako dahil nakapasa ang lahat habang si Pin naman ay nakakuha ng mas mataas na marka kaysa sa iba naming mga kaklase.
Sa ibaba ng papel ay nakasulat ang pangalan ko na may markang nakalagay na failed. Bumigat man ang pakiramdam ko ngunit kaagad itong nawala dahil masaya ako na malamang nakapasa silang lahat.
Ilang sandali ay may narinig na akong mga paa na pababa ng hagdanan kaya naman kumaripas ako ng takbo pabalik muli sa campus namin.
Hingal na hingal kong narating ang gate saka napahinga ng malalim bago dahan-dahang umupo sa aking upuan. Napatingin ako sa upuang nasa tabi ko at nalungkot nang maalala ko si Kimi na nakaupo du'n.
Naisipan ko na lang na magwalis-walis dahil wala na rin akong magawa. Pagkatapos nu'n, umupo ulit tapos napatingala sa langit. Hindi ko napansing nakatulog ako dahil sa bored na nararamdaman ko.
Paggising ko, kaagad akong tumayo upang tumakbo papunta sa gate. Pagkarating ko du'n, naka-lock na ang gate at sobrang tahimik na ng paligid.
Nagpaikot-ikot ako sa school upang maghanap ng ibang madadaanan hanggang sa mapahinto ako sa harapan ng entrance ng Paramount. Napatingin ako sa paligid at wala nang tao sa loob kaya naman tumakbo ako papunta sa puno kung saan ko dati narinig sina Pin na mag-usap.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang malalim na malawak na butas ay naging isang magandang fountain. Namamangha akong tignan ito saka dahan-dahan itong nilapitan. Tinignan ko ang malinis nitong tubig na kitang-kita ang repleksyon ko.
"Bakit ka nandito?" isang pamilyar na boses ang narinig ko na nagtanong mula sa likuran ko kaya naman napaestatwa ako saka dahan-dahang lumingon.
"Hi.. hindi ko sinasadya," nauutal na sagot ko kay Ms. Paris saka napalunok. "Lo.. lock na rin ang gate ng school."
"Hay.." napabuntong-hininga siya sa disappointment saka napahawak sa kaniyang noo. "Akala ko pa naman ako lang ang mag-isa ngayon sa school."
"Heh?" nagtatakang tanong ko habang kumukurap ng mata. "Bakit gusto mong mapag-isa?"
"Wala," agad na sagot niya sa akin saka naglakad paikot sa fountain. "Bakit ka naman lumapit sa fountain na 'to? Mamaya malunod ka kapag tinulak kita bigla."
Nahintakutan ako sa sinabi niya saka naisipan na lamang na umiwas ng tingin. Napatingin ako sa araw at malapit na itong lumubog kaya naman kumaripas na ako ng takbo papunta sa gate muli.
Naka-lock pa rin ito kaya naisip ko na baka si Ms. Paris ang nag-lock nito base na rin sa sinabi niya sa akin kanina.
Babalikan ko na sana siya nang makita kong naglalakad siya papunta sa akin habang dala ang bag niya. "Uuwi ka na, tama?"
Pagbukas niya ng gate, nginitian ko lamang siya saka dumiretso ng uwi sa bahay. Pagdating du'n, kaagad kong sinabi kina mama at papa ang naging resulta.
"Bakit ka nanaman bumagsak? Anong klaseng report card ba ang ipapakita mo sa amin sa graduation niyo? Ga-graduate ka pa ba niyan? Hay nako!" galit na sigaw ni mama pagkatapos marinig ang mga sinabi ko. Napaupo siya saka napainom ng tubig, mukhang inaatake nanaman siya ng high blood. "Akala ko pa naman makakabawi ka ngayong second quarter pero hindi pala? Bakit pa ba ako nag-expect sa 'yong hayop ka!"
Napayuko lamang ako ng ulo ko habang pinaglalaruan ang daliri ko. Ilang sandali ay narinig kong tumayo si mama saka pabatong inilagay ang baso sa lababo. Napapikit ako dahil sa gulat.
"Anong klaseng buhay ang ibibigay mo sa amin kung ganyan ka? Ikaw na nga ang nag-iisang anak namin dahil malaki ang ekspektasyon namin sa 'yo, na lalaki kang matalino tulad ng ibang mga estudyante diyan pero hindi pala? Nako! Maghanap ka na nga ng trabaho, wala ka palang silbi sa bahay na 'to!" galit pa ring sigaw ni mama ngunit lumabas na lamang siya sa bahay saka dabog na isinara ang pinto.
Napasulyap ako kay papa na nakaupo lamang sa gilid habang nagbabasa ng diyaryo. Nang maramdaman niya ang pagtitig ko sa kaniya, ibinaba niya ang hawak niyanh diyaryo. "Inaakala mo nanaman ba na pagagalitan kita at sasapakin ka sa mukha tulad ng nangyari dati?"
Hindi ako umimik at nanatiling nakayuko ang ulo ko sa sahig. Alam ko namang gusto niya ring sigawan ako tulad ng ginawa ni mama kaso hindi niya magawa dahil siguro ay binabasa niya ang paborito niyang diyaryo.
"Hindi na kita sisigawan dahil ayokong magsayang ng laway para sa 'yo pero hindi pa rin mababago ang tingin ko sa 'yo kaya kailangan mong mag-aral ng mabuti at makakuha ng mataas na marka sa susunod, naiintindihan mo?" mahinahong tanong niya sa akin saka nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Simi?"
"Opo," malakas na sagot ko at nanatiling nakatayo sa lugar kung nasaan ako.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Maligo ka na du'n at maghugas ka ng pinggan."
Kaagad ko namang sinunod ang sinabi ni papa. Umakyat na ako sa kwarto ko at kahit papaano ay hindi naman masyadong mataas ang lungkot na nararamdaman ko.
Kinabukasan, muli akong pumasok ng school ngunit nagtataka dahil walang katao-tao sa loob. Napalingon ako sa parking lot at nakitang may mga kotse na nakaparada du'n kaya imposible na hindi pa nakakarating ang mga estudyante dahil alas siyete na ng umaga.
Patago akong naglakad-lakad sa campus ngunit wala talagang tao sa paligid. Ilang sandali ay may mga grupo ng estudyante ang naglalakad papunta sa isang building.
"Grabe, bumalik na ulit 'yung Perfect One, ano?"
"Hindi na Perfect One, Perfect Two na dapat kasi dalawa na sila."
"Sana maging katulad ko rin sila."
"Na-inspire tuloy ako. Ayoko nang maging Paramount ngayon, I changed my mind."
"Agad-agad?"
Pagkatapos nu'n ay nagtawanan sila bago umakyat ng hagdanan. Napalunok ako saka kumaripas ng takbo papunta sa bulletin board. Baka may kung ano rito na hindi ko pa nakikita.
Sa pagbabasa ko sa resulting marks ng mga estudyante, may napansin akong kakaiba na sulat du'n. Ang nakalagay ay 'Perfect', anong ibig sabihin nito?
Nang mabasa ko ang pangalan, halos lumuwa ang mga mata ko nang mabasa ang apilido ni Kimi na Habisora ngunit Sil ang pangalan ng taong iyon. Sa ibaba niya ay may nakasulat na pangalang 'Yorami De Guzman' at sa pinakaibabang bahagi ay may nakasulat na 'Campus: Famiya Hermosa'.
Nanlaki ang mga mata ko saka napalunok. Si Ms. Hermosa? Si Pedagaga? Napunta na siya sa Campus? Pero bakit?
Nang tumunog na ang bell ay kumaripas na akong muli ng takbo papunta sa campus namin saka napaupo sa upuan habang hinihingal.
Ayoko nang kwestiyunin kung bakit wala si Kimi sa campus dahil tulad ng sinabi niya, kakalimutan ko na lang na nagkakilala kami. Madali lang akong kausap, sadyang nasaktan lang ako nu'ng unang beses ko 'yun narinig.
Pagdating ng lunch, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Para akong sinasabihan ng paa ko na maglakad-lakad dahil hindi pa naman tinatapon ng Paramount ang kanilang mga basura sa campus namin kaya wala akong gagawin.
Habang naglalakad ng patago sa loob ng campus ng Campus, narinig ko na nagkakagulo ang mga estudyante at may pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan dahil medyo malayo ang mga iyon mula sa kinatatayuan ko.
Balak ko sanang magtanong sa mga estudyanteng dumadaan ngunit hindi ko naituloy dahil muli kong naalala ang rules at kahit kausapin ko man sila at lumabag sa rules na iyon, hindi pa rin nila ako kakausapin dahil ayaw nilang bumagsak.
Naisipan ko na lang na pumunta sa puno kung saan nakikipagkita ng patago sa akin sina Brian at matiyagang naghintay doon.
Ilang sandali ay may narinig akong dalawang pares ng paa at kaagad naman akong naalarma dahil hindi ganu'n ang tunog ng paglakad nina Brian. Nagmamadali akong magtago sa gilid ng puno sa pinakataas nito.
Nang makasilong ang dalawang taong iyon, nanliit ang mga mata ko dahil hindi ko kakilala ang mga iyon. Bad timing, bakit andito sila? Paano kung puntahan ako nina Brian ngayon dito? Tsk.
Pagkaupo nila, may pinag-uusapan silang hindi ko masyadong marinig. Ayoko ring gumalaw ng kahit isang inch mula sa kinauupuan ko dahil natatakot ako na baka mga Paramount iyon.
Ilang sandali ay narinig kong tumawa ng malakas 'yung babae na mukhang creepy saka agad na umakyat sa puno. Halos tumalbog ang puso ko sa kaba na baka makita nila ako.
Sinenyasan ng babae ang lalaki na umupo sa kabilang sanga. "Bilis! Bilis! Baka may makakita sa 'tin dito."
Nanliit ang mga mata ko saka napa-rub ng baba. Iniisip ko kung sino ba ang mga ito at bakit kailangan nilang magtago?
Kahit papaano ay nakita ko na ang maliit na sulat sa tag ng kanilang uniporme at napatakip kaagad ng bibig pagkatapos ko itong mabasa.
'Perfect One' ang nakalagay sa parehong tag ng dalawa, ibig sabihin ang babaeng ito ay si Yorami at ang isa naman ay si Sil? Magkaano-ano kaya sila ni Kimi?
Ilang sandali ay mas lalong lumalakas ang usapan ng dalawa kaya kahit malayo ako sa kanila ay parang nakikinig ako mula sa malapitan.
"Buti na lang talaga at nakabalik ka sa Paramount," nakangiting sabi ng babae habang naghu-hum. "Ano na ang balak mong gawin ngayon, Sil?"
"Wala, magpapabagsak ako ulit sa Campus," seryosong sagot ni Sil sa babae na siyang ikinaliit ng isa kong mata. Magpapabagsak ulit sa Campus? Nagbibiro lang siya, tama?
"Sil, hindi ito ang tamang oras para magbiro ka," ang kaninang nakangiting mukha ni Yorami ay naging ngisi habang tumatawa ng mala-demonyo. "Hindi ka ba makikipag-away sa akin dahil nasa parehong posisyon na tayo?"
"Kahit naman nu'ng Campus pa lang tayo ay magkapareho na ang posisyon natin, 'di ba?" seryosong sabi ni Sil sa kaniya na agad na ikinasimangot ni Yorami. Para siyang isip-bata.
"Ang pangit mo namang ka-bonding, ngayon lang bumalik ang good mood ko e!" pag-aargumento nito sa kaniya habang sinisipa-sipa ang paa sa ere. "Umm.. paano kung magsabunutan tayo?"
"Hindi ako marunong nu'n."
"Suntukan na lang?"
"Walang gana ang kamay ko ngayon."
"Wrestling kaya?"
"Sayang ang energy ko."
"Tsk!"
Habang patagal ng patagal ay sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niyayaya ni Yorami si Sil na makipag-away sa kaniya. Ano siya, warfreak? O 'di kaya naman ay dating gangster?
Base sa kaniyang itsura, ang creepy talaga ng awra niya. Idagdag mo pa 'yung malaki at kitang-kita na eyebags niya. Nakasuot din siya ng black jumper skirt at white na long-sleeve shirt. May suot din siyang black pantyhouse at hanggang tuhod na zipper boots.
Nakakapagtaka talaga kung sino ang mga ito. Kung dati silang mga Campus, bakit hindi ko naman sila napapansin sa campus o 'di kaya naman ay nakikita sila na maglakad-lakad?
Ang daming tanong na nabubuo sa isipan ko habang tumatagal ang pakikinig ko sa usapan nila. Ilang sandali ay may topic sila na nakapukaw sa atensyon ko.
"Galit na galit, kaunti na lang at bibig niya ay mapupunit," nakangising sabi ni Yorami saka tinapunan ng tingin si Sil habang sumisipa-sipa sa ere. "Baka katapusan na natin kinabukasan, ayoko pa namang mamatay."
"Wag kang magsalita ng ganyan," seryoso ngunit bakas sa mga mata ni Sil ang pagkainis nang marinig iyon. "As if naman na sasamahan kita hanggang kamatayan."
"Sama mong magsalita."
"Mas masama ka."
Nakaramdam ako ng lungkot at pagkaalala sa magiging reaksyon ni Yorami pagkatapos sabihin iyon ni Sil sa kaniya ngunit bigla akong nahintakutan nang makita ang ngisi niya na para bang papatay siya ng tao tulad sa mga poltergeist na killer na napapanood ko sa mga horror movies.
"Naalala mo pa ba ang introduction ko sa classroom natin nu'ng unang araw?"
Nanatiling nasa paa ni Sil ang kaniyang mga tingin saka napatango at bumuntong-hininga. "Bakit mo nanaman 'yan tinatanong ngayon?"
"Ilang beses ko ba itong tinanong sa 'yo sa isang araw?"
Nanliit ang mga mata ko saka nakaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko ay nath-thrill ako at gustong malaman ang lahat tungkol kay Yorami.
"Limang beses sa isang araw kapag nasa good mood ka at sampung beses naman kapag nasa bad mood," agad na sagot ni Sil sa kaniya kaya naman napalakpak si Yorami habang natatawa. Napalunok na lamang ako dahil nakikita ko sa mga itsura nila na totoo 'yun.
"Kaya sagutin mo ang tanong ko, Sil. Pang-limang beses na ito ngayon."
"A.." napaisip-isip si Sil habang pilit na inaalala ang mga iyon, ilang sandali ay nagsalita si Sil sa kakaibang tono na mukhang ginagaya niya kung paano sinabi ni Yorami ang kaniyang introduction dati. "Magandang umaga! Si Rami ito, in short, Yorami De Guzman. P'wede niyo rin akong tawagin sa kahit na anong pangalan, kahit pa ang pangalan ni Kamatayan ay p'wedeng-p'wede niyong gamitin. Umm.. bakit ko 'to sinasabi sa inyo ngayon? Wala lang, natutuwa lang ako dahil ngayong umaga ay nakapatay ako ng isang tao. Malapit siya sa akin kaso napakapangit ng ugali niya kaya... heh? Bakit? Akala ko ba kailangan kong magpakilala e 'di ba sa pagpapakilala, kailangan mong ikwento lahat ng tungkol sa 'yo? Hindi 'yun biro a! Hindi ako nagbibiro, makinig kayo sa 'kin."
"Tama!" tuwang-tuwa na sabi ni Yorami habang pumapalakpak. Ilang sandali ay napabuntong-hininga siya saka napasimangot. "Bakit kaya ayaw nilang maniwala sa 'kin e totoo naman pinatay ko ang tito ko."
Napalunok ako at saka napapikit. Gusto kong hilingin na sana ay umalis na sila para makababa na ako at makabalik na akong muli sa campus. Pakiramdam ko ay isang kasalanan kung patuloy pa akong makikinig sa kanilang usapan.
Napalingon kaagad ako sa gilid ko nang may nagtapon ng kung anong bagay papunta sa puno kaya naman bigla akong nataranta na baka mapansin ako ng dalawa.
Ngunit sa hindi inaasahan, kaagad na hinila ni Yorami si Sil paibaba ng puno at muntik nang lumipad ang puso ko papunta sa ibang planeta dahil akala ko ay aksidente silang nakababa sa puno.
Nakita ko na parang nagmamadali ang dalawa ngunit nakatayo pa rin si Sil habang lumilingon sa paligid at mukhang hinahanap ang taong gumawa nu'n.
"Andito na pala kayo," biglang isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa 'di kalayuan ng puno. Nang makarating ito sa ilalim ng puno, nanlaki ang mga mata ko nang malamang si Mr. Ultimo 'yun kasama ang ibang Paramount. "Bakit kayo tumatakbo palayo sa amin? Kayo ang tunay na makapangyarihan sa school, tama?"
"Alam ko namang galit ka sa 'min, Yugto pero hayaan mo na kami," pakikiusap ni Yorami sa kaniya nang umabante siya upang protektahan si Sil na nasa likuran niya. "P'wede naman natin itong pag-usapan, tama?"
"Wala na, hindi na magbabago ang isip ko," pekeng ngiti na sabi ni Yugto saka tumingin kay Sil. "Bakit mo naman hinahayaan na protektahan ka ng babae?"
"Gwardiya ko siya," seryosong sagot ni Sil sa kaniya na para bang walang pakialam kahit na nasa harapan na nila ang kanilang kaaway. Agad akong napaisip, magkaaway ba talaga sila?
"Hayaan mo, Yugto, sasabihin ko ang lahat tungkol sa nangyari sa mga magulang mo," nakangiting singit ni Yorami sa usapan kaya naman bumaling ang atensyon ni Yugto sa kaniya. "Si tito ang pumatay sa kanila pero 'wag kang mag-alala, napatay ko na.."
Bago pa man matapos si Yorami sa kaniyang pananalita ay biglang umapoy sa galit ang mga mata ni Yugto saka kinuwelyuhan si Yorami.
"Narinig ko na 'yan! Paulit-ulit mo na 'yang sinasabi sa akin simula pa nu'ng dati pero kahit anong gawin mo, galit pa rin ako sa 'yo!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat