Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
The End for Me and You
Third Person's POV
Disappointed si Pin na tignan ang kaniyang repleksyon sa harap ng salamin. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari kahapon nang tanungin niya si Sil kung magkasintahan ba sila ni Ms. Hermosa na ang tunay na pangalan ay Famiya Hermosa.
Flashback..
"Pasensya na, ha?" humarap si Yorami sa kanilang lahat habang malawak na nakangiti. "Kaibigan ko kasi 'to," tapos niyakap niya si Sil habang nakaakbay sa balikat nito. "Kilalang-kilala ko siya, ni hindi ko nga sila nakitang nagmahalan."
"Bakit niyo pala naitanong?" malamig na tanong ni Sil sa kaniya habang na kay Pin pa rin ang mga tingin.
Napalunok si Pin saka patagong sinulyapan ang kaniyang mga kaklase na mukhang kaunting-kaunti na lang ay gusto nang tumakbo paalis. Hindi nila inaasahan na makakatagpo at makakakita sila ng isang estudyante sa DNHS na kagaya ni Yorami na may creepy na awra.
"Ano ba.. 'wag kayong matakot," nilapitan ni Yorami ang mga kaklase ni Pin kaya naman mas lumakas ang takot na nararamdaman ng mga ito para sa kaniya. "Hindi naman ako nangangain ng buhay na tao."
Imbes na mawala ang takot nila, mas lalo pa silang natakot dito dahil naiisip nila na baka ay nangangain siya ng patay na tao.
Nakaramdam ng guilt si Pin ngunit namilit pa rin siya na patunayan ang kaniyang hinala kaya naman nagtanong ng permiso si Pin sa dalawa kung p'wedeng bang halughugin ang bag at itsek ang kanilang katawan upang makasigurado.
Nang matapos ang inspeksyon, tumunog na ang bell na nanggagaling sa old gym na hudyat na nagtatapos na ang araw na iyon para sa misyon.
End of flashback..
Mabigat pa rin ang loob ni Pin sa kaniyang sarili dahil binigo niya ang kaniyang mga kaklase at nasayang ang oras na iyon para lang patunayan ang kaniyang maling hinala.
Nang pumasok na ng paaralan si Pin, nakalimutan niyang ayusin ang kaniyang uniporme kaya may butones pang hindi naka-tuck in sa bandang itaas.
Pagdating niya sa old gym upang puntahan ang kaniyang mga kaklase, halos lumuwa ang mga mata ng ilan at ang iba naman ay nabilaukan sa kanilang pag-inom ng tubig.
Gulat namang sumigaw sa kaniya si Brian. "Woah! Woah! Woah! Balak mo na bang palitan ang katauhan mo, Pin?"
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Charlotte sa kaniya nang maramdamang may kakaiba kay Pin.
"Lutang ka nanaman siguro," seryosong sabi ni Rhea na mukhang disappointed sa kaniya.
"Lagi ka na ngang pinagtitinginan, mas lalo pang lumala," medyo inis na sabi ni Bellas dahil nakikita niya ang reaksyon ng kaniyang mga kaklase.
"Pasensya na," ngumiti siya apologetically sa kanilang lahat saka inayos ang butones ng kaniyang damit. "Inanusyo na ba ang magiging tasks natin ngayon?"
"Wala," malamig na sagot sa kaniya ng lahat at mukhang napalitan ang atmosphere sa pagitan nila.
Nakaramdam ng kaba at takot si Pin nang masaksihan iyon ngunit sabay-sabay na siyang tinalikuran ng lahat at nakipag-usap sa isa't isa.
Naramdaman niyang out of place siya ngunit pinigilan niya ang sarili na umalis dahil alam niyang kailangan siya ng kaniyang mga kaklase.
Bigla siyang napaisip kung talaga bang kailangan siya ng kaniyang mga kaklase. Napalunok siya nang wala siyang mahanap na sagot kaya naman kumaripas na lamang siya palayo sa kanilang pole.
Gulat namang napalingon si Charlotte sa tumatakbong si Pin saka nagtatakang lumingon sa iba nilang kaklase. "Anong nangyari kay Pin?"
"Hindi ko rin alam," malungkot na sagot sa kaniya ng isa nilang kaklase saka napabuntong-hininga. "Baka iniisip niya pa rin hanggang ngayon na kasalanan niya ang nangyaring pagkabigo natin kahapon."
"Uy!" biglang sigaw ni Brian habang pumapalakpak ng kamay. "Wag tayong mawalan ng pag-asa, ganito na talaga ang buhay. Kakausapin na lang niya mamaya si Pin para gumaan ang loob niya."
"Sinong.. niya?" nagtatakang tanong ng isa nilang kaklase kaya naman napahinto sina Grey, Brian at Bellas.
Sa kabilang bahagi, natagpuan ni Pin ang kaniyang sarili na nakatayo sa campus ng Underworld. Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang may nararamdamang lungkot sa loob.
"Bakit ako idinala ng mga paa ko rito?" nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili at sa hindi kalayuan at nakitang nakaupo si Simi sa kaniyang upuan habang nakatingin sa itaas.
Nang maramdaman ni Simi ang presensya ni Pin, kaagad siyang lumingon at napatayo. "Pin?"
Napalunok si Pin at hindi alam kung ano ang kailangang sabihin o sagutin kay Simi. Napatalikod na lamang siya saka kinuyom ang kaniyang mga kamao.
Kahit gaano niya gustong makita o makausap sa normal na paraan si Simi, natatakot siya na lumabag sa rules kaya hindi niya ito magawa. Aalis na sana siya sa entrance nang tumakbo si Simi papunta sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Pin nang makitang hinawakan ni Simi ang kaniyang braso. Paglingon niya, nginitian siya nito.
"P'wede ko na bang makuha 'yung hiniram niyo kahapon na walis at dustpan?"
Nagulat si Pin nang malamang iyon ang dahilan kung bakit nilapitan siya ni Simi kaya naman tinanggal niya ng dahan-dahan ang kamay ni Simi sa kaniyang braso.
"Dadalhin ko na lang dito mamaya," may pagkalungkot na sabi niya habang nakayuko ang kaniyang ulo. "May iba ka pa bang kailangan?"
Malungkot naman siyang tinignan ni Simi nang makita ang kaniyang itsura. "Ikaw, p'wede ba?"
"Ha?" agad na itinaas ni Pin ang kaniyang ulo habang nanginginig ang mga mata na tinitignan si Simi. "A.. anong ibig mong sabihin?"
"A.. wala!" agad na sagot ni Simi sa kaniya habang umiiling. "Bakit ka nga pala pumunta rito? Para tanungin sa akin 'yun?"
Muling napayuko ng ulo si Pin saka nanginginig ang mga bibig na sagutin siya. "Anong kailangan kong gawin para maging tulad mo?"
"Ha?" naguguluhang sabi ni Simi saka tinabingi ang kaniyang ulo. "Maging tulad ko? A! Paano maging president? Hindi ko alam."
"Bakit hindi mo alam?"
"Hindi naman ako ang tumayong president simula nu'ng bumagsak ako rito, 'di ba? Hindi mo ba napapansin kung sino sa ating dalawa ang nasa tabi nila sa lahat ng oras?"
Nang ma-realize ni Pin ang sinasabi ni Simi, lumiwanag ang kaniyang mata habang nakatingin kay Simi na napabuntong-hininga.
"Kaya mo 'yan, Pin!" pagchi-cheer sa kaniya nito saka kinalmot ang kaniyang ulo. "Wag mo naman akong tignan sa ganyang paraan," bigla siyang nataranta nang may ma-realize. "A! Hahaha.. bakit ko ba kinakausap ng normal ang isang tulad mo?"
Patagong ngumiti si Pin para kay Simi saka tinalikuran na siya. Du'n niya nalaman kung bakit du'n siya dinala ng kaniyang mga paa.
Pagbalik niya sa kanila, wala na ang kaniyang mga kaklase sa kanilang pole kaya nakaramdam nanaman muli siya ng mabigat na pakiramdam.
Kaunting-kaunti na lang ay mabibiyak na ang kaniyang puso nang biglang bumalik muli si Brian dahil nakalimutan niya ang kaniyang tumbler.
"Pin!" agad na tawag niya nang makita si Pin kaya naman nabuhayan ng loob ang lalaki.
Nang lumingon si Pin sa kaniyang kaklase, agad itong napatayo. "Anong ginagawa mo ulit dito, Brian?"
"E, ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
Napalunok si Pin nang marinig iyon saka dahan-dahang napayuko ng kaniyang ulo. "Kakarating ko lang."
"Hay.." medyo disappointed na sabi ni Brian saka lumapit kay Pin habang nakahawak sa kaniyang baywang. "Tara na!"
Gulat ang mukhang tinignan ni Pin ang nakalahad na kamay ni Brian sa kaniyang harapan. Huminga muna siya ng malalim saka pinalo ang kamay ni Brian bilang lowfive sa kaniya.
"Tara!" naiiyak na sabi niya habang nakangiti at hindi naman napansin ni Brian na ganu'n ang itsura ni Pin.
Napangiti naman si Brian nang malamang ayos na ang pakiramdam ni Pin sa kaniyang pagbalik. Nang makipagkita na sila sa kanilang mga kaklase, nakita ng dalawang lalaki na pinapagalitan ni Rhea sina Grey at Bellas.
"Akala niyo hindi naman napapansin 'yang pag-alis niyo ng patago?"
"Kayo, a? Anong ginagawa ninyo habang magkasama kayo?"
"Ipaliwanag niyo naman sa amin kung ano ang nangyayari!"
Nakayuko ang ulo ni Bellas na gustong-gusto nang sagutin ang kanilang mga tanong. Napalunok siya saka kumuha ng lakas ng loob upang magsalita.
"Pa.. pasensya na dahil dinamay ko pa si Grey!" malakas na sigaw niya na siyang ikinahinto nina Brian at Pin sa paglalakad.
Agad na lumapit si Pin nang maramdamang may nangyayaring kakaiba saka nag-aalalang tinignan si Bellas. "Anong nangyari?"
"Ang sungit mo kasing magtanong," nakangusong sabi ni Charlotte sa kaniya habang kumakain ng maingay. "Ayan, natakot sa 'yo."
"At manahimik ka rin sa pag-kain mo," inis na sabi sa kaniya ni Rhea saka hiniwa ang ulo ni Charlotte gamit ang kaniyang kamay. "Kain ka ng kain, kakakain mo pa lang naman kanina."
Pagkatapos nilang pag-usapan kung ano ang kailangang pag-usapan, sunod na sinabi ni Brian ang magiging task nila sa araw na iyon. "Ang main task ay ang nawawalang mannequin."
"Mannequin?" nagtatakang tanong ni Pin na siyang ikinayuko lamang ng lahat. "Walang sinabing ibang details tungkol sa main task?"
"Meron," malungkot na sagot ni Grey saka napabuntong-hininga at ipinikit ang kaniyang mga mata. "Nabubuhay ang mannequin."
"Sabi ko na nga ba at haunted mannequin ang pinapahanap sa 'tin!" nahihintakutang sigaw ni Brian ngunit sinenyasan siya ng kanilang mga kaklase na tumahimik.
"Baka naman ang ibig sabihin nila ay tao 'yung tinatawag na mannequin?" hindi siguradong sabi ni Pin kaya naman napaisip-isip ang lahat.
"Baka mukhang mannequin lang 'yung tao kaya ganu'n ang tinawag nila rito," sabi naman ni Grey kaya tumango-tango ang lahat bilang pagsasang-ayon. "Hay, salamat. Nakatulong naman pala ako."
"Tara na!" agad na yaya ni Pin sa kanila habang punong-puno ng pag-asa ang mga mata. "Kung hindi man tayo magtatagumpay sa main task, gawin na lang natin ang ibang task habang may oras pa."
"Ano ka ba," seryosong sabi ni Rhea nang muling maramdaman na may kakaiba sa sinasabi ni Pin. "Hindi mo kasalanan ang nangyari kahapon kaya 'wag kang magsalita ng ganiyan."
"Ano namang problema du'n?" nagtatakang tanong ni Brian kaya lumipat ang tingin ni Rhea sa kaniya. "Chini-cheer niya ang sarili niya."
Sa kalagitnaan ng pag-oobserba nila sa paligid upang hanapin ang mannequin, biglang nakasalubong ni Brian sa daanan sina Sil at Yorami.
Agad niyang nabitawan ang hawak na bote ng juice saka dali-daling kumaripas ng takbo ngunit kaagad siyang nahabol ni Yorami.
"Bakit ka tumatakbo?" malawak ang ngiting tanong ni Yorami sa kaniya na mas lalong ikinatakot ni Brian. "O.. ginagawa niyo yata ang tasks ngayon, 'no?"
"Gu.. guys! Andito 'yung mannequin!" kinakabahang sigaw ni Brian nang makita ang mga nakaguhit sa kaniyang balat na parang isang mannequin.
Malungkot na lumingon si Yorami kay Sil. "Nahuli niya 'ko."
"Parehas niyong nahuli ang isa't isa," seryosong sabi ni Sil saka napailing-iling. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na 'wag na tayong magpakita sa mga estudyante?"
"Teka.." biglang napaisip si Brian nang may mapansin sa kanilang usapan. "Hindi kayo isang.. Campus? Kasi isang bagay si Rami para sa main task namin ngayon."
"Campus pa rin kami," seryosong sagot sa kaniya ni Sil saka napabuntong-hininga. "Hindi ko kayang magpaliwanag kaya wala akong sasabihin."
"Kinakausap ka na nga, o.." nakasimangot na sabi ni Yorami ngunit hindi na siya nito sinagot. Napalingon na lamang siya kay Brian saka nginitian ang lalaki nang hawakan ang kwelyo ng kaniyang uniporme. "Ako na lang ang magpapaliwanag sa 'yo."
"A.. ayoko!" malakas na sigaw ni Brian kaya narinig ito ni Pin mula sa 'di kalayuan.
Sa kabilang banda naman, umalis na si Harana sa loob ng comfort room nang hindi dumating sina Bellas at Grey. Napangiti siya saka napabuntong-hininga. Iniisip niya na baka may nakaalam na ng ginagawa nila kaya naman pumunta na lamang siya sa ibang building upang antayin si Kimi.
Nang makaakyat na ang dalawa papunta sa rooftop, nilapitan ni Kimi si Harana saka hinawakan ang dalawang kamay nito.
"Harana, may importante akong sasabihin sa 'yo."
Bumilis ang tibok ng puso ni Harana nang makita ang seryosong mukha ni Kimi na nagpapaalala sa kaniya sa mga nangyari nu'ng nakaraan.
"A.. ano 'yun, Kimi?" napalunok siya habang mabigat na humihinga.
"Harana.." muling tawag ni Kimi sa kaniyang pangalan saka tumingin sa gilid niya. "Lumabag tayo."
Nanlaki ang mga mata ni Harana nang marinig iyon mula kay Kimi para sa pangalawang pagkakataon.
Naiiyak siyang harapin ni Kimi habang nanginginig ang bibig at boses. "Hindi naman dapat maging ganito ang future, 'di ba? Hindi ko man iyon mababago pero p'wede naman tayong bumalik sa normal kung lalabag tayo at tatakas."
"Ki.. Kimi.." nanghihinang sabi ni Harana saka napaiyak dahil naghalo-halo na ang emosyong kaniyang nararamdaman. "Hindi ganu'n kadali 'yun.."
"Harana, may isa pa akong gustong sabihin sa 'yo!" lakas loob na sabi ni Kimi ngunit nagpatuloy pa rin si Harana sa kaniyang pag-iyak. "Mahal kita, minahal kita sa loob ng isang taong hindi natin pagkikita."
"Mahal.. mo 'ko?" agad napahinto si Harana nang marinig iyon. "Bilang.. kapatid, 'di ba?"
Umiling sa kaniya si Kimi. "Hindi ko gusto na ituring kang kapatid, Harana. Halos iniisip ko na ang sarili ko na maikasal sa.."
Bago pa man matapos ang sinasabi ni Kimi kay Harana ay agad niyang tinulak ang lalaki.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, hindi nga tayo p'wedeng magkatuluyan!" sigaw sa kaniya ni Harana upang ma-realize ni Kimi na hindi iyon maaaring mangyari. "Hindi ba p'wedeng sumabay ka na lang sa agos kung ano man ang nangyayari ngayon? Nahihirapan din naman ako."
"Kaya nga tumakas na lang tayo, tumakbo palayo sa katotohanan," pamimilit ni Kimi sa kaniya saka hinawakan ang kamay ni Harana. "Ayaw mo rin naman na maging magkapatid tayo, 'di ba?"
"Dati 'yun, Kimi," nakayuko ang ulo na sabi ni Harana saka napakuyom ng kaniyang kamao. "Tanggap ko na siya, tanggap na kita bilang parte ng pamilya kaya bakit mo pa pinipilit na mangyayari ang gusto mong mangyari?"
"Hindi ko 'to tanggap," malungkot na sagot sa kaniya ni Kimi kaya naman napabuntong-hininga si Harana.
"Disappointed ako sa 'yo," agad niyang binawi mula kay Kimi ang kaniyang kamay saka tinalikuran siya. "Maayos na sa akin 'yung nag-uusap tayo ng patago sa rooftop na ito dahil nagbabaka-sakali ako na magbabago ka."
"Kung gusto mo na ituring kita na kapatid, bakit pa sa lugar na 'to?" naiiyak na tanong ni Kimi habang nakakuyom ang kamao dahil gustong-gusto niyang tumakbo papunta kay Harana. "Bakit pa dito sa lugar kung saan nagsimula ang lahat? Pinapaasa mo lang ako sa wala."
"Dapat baguhin mo na rin ang sarili mo sa paghihinala ng mali!" inis na sigaw ni Harana ngunit nasasaktan siya dahil alam niyang nasaktan niya si Kimi. "Maging magkapatid tayo na lang ang kulang para maging ayos na ang lahat, pumayag ka naman."
"Makasarili na ako kung makasali pero hindi!" hindi na nakayanan ni Kimi ang kaniyang pagtitimpi kaya naman kaagad siyang naglakad papunta kay Harana.
Sa kabilang banda naman, nakita ni Simi na bukas ang gate ng building ng ninth grade kaya umakyat siya upang tignan kung anong meron sa itaas.
Pagdating niya sa rooftop, nakita niyang muntik nang mahalikan ni Kimi si Harana ngunit kaagad siyang tinulak ni Harana palayo.
Nagulat si Harana nang makita si Simi. Nagkatitigan ang dalawang babae. "A.. andito na pala siya."
"Anong nangyayari?" kaagad na tumakbo si Simi papunta kay Kimi upang tulungan ito na tumayo. "Dito ka lang pala pumupunta sa tuwing umaalis ka ng campus. Ikaw ha.."
"Hindi," inilingan ni Harana si Simi. "Walang namamagitan sa aming dalawa at usapang kapatid lang naman ito."
"O!" napatango-tango si Simi. "Naalala ko nga na ikaw 'yung may pinuntahang kapatid sa Paramount dati, 'di ba?" nagpalipat-lipat ng tingin si Simi sa dalawa. "Magkapatid pala kayo."
"Aalis na 'ko," malamig na sabi ni Kimi saka nagmamadaling umalis sa rooftop.
Sa unang linggo ng pagkikita nina Harana at Kimi, hindi nila parehong inaasahan na sa dahan-dahang paglalapit muli ng kanilang loob sa isa't isa, muli silang paghihiwalayin ng tadhana.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat