Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Where We Used to Be
Third Person's POV
"Harana, mukhang malungkot ka yata," nag-aalalang sabi ni Bellas nang makitang nakasimangot ito. "Iniisip mo pa rin 'siya'?"
Napalingon si Harana kay Bellas nang malamang nahulaan nito ang nasa isip niya. "O.." napangiti siya ng pilitan. "Siguro nga iniisip ko pa rin siya."
"E kung kausap mo na lang kaya siya ngayon?" suhestiyon ni Bellas na siyang ikinabigla ni Harana. "A, sige. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa."
Alam ni Harana na hindi niya p'wedeng makita si Kimi upang hindi siya lumabag sa rules ngunit sa kanilang muling pagkikita ni Bellas sa rooftop, na-realize niya na kailangan niya itong makausap.
"Salamat, Bellas," nakangiting sabi ni Harana saka niyakap siya ng mahigpit.
Ikinagulat naman ito ni Bellas kaya namula ang kaniyang pisngi. "Heh? Bakit?"
"Pina-realize mo sa 'kin na 'yun lang ang tanging paraan para maalis na siya sa isipan ko kaya salamat," nakangiti pa ring sabi ni Harana kaya naman napangiti si Bellas nang malamang nakatulong siya sa kaniyang kaibigan.
"Buti naman at may naiambag din ako sa iba," niyakap rin pabalik ni Bellas si Harana habang nakapikit ang mata at nakangiti. "Dati, may tao ring natulungan ako kaya sinuklian ko siya nu'ng nakita ko siyang malungkot kagaya mo."
Nang makabitaw na ang isa't isa kanilang yakap, muling napatanong si Harana. "Sino naman ang taong 'yun?"
"Si.." magsasalita na sana siya nang bigla niyang napaisip ang rules. "I mean kaklase ko siya."
Nagulat si Harana dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin kung bakit hindi naituloy ni Bellas ang kaniyang sinasabi. Napangiti siya. "Parehas lang pala tayo na may taong hindi p'wedeng makita, 'no?"
Nang bumaba na ang dalawa sa hagdanan, nauna nang umalis si Harana dahil nagmamadali siya na hanapin si Kimi.
Nang maiwan si Bellas sa gate upang i-lock na ito, nag-krus ang kanilang landas ni Grey na siyang ikinaestatwa ng dalawa. Napalunok si Bellas habang gulat namang napalingon ng dahan-dahan si Grey sa kaniya.
"Anong ginagawa mo sa building sa mga oras na ito?" gulat na tanong ni Grey saka nilapitan si Bellas. "Umakyat ka? Pero paano? Wala naman sa 'yo ang susi."
Hindi nakaimik si Bellas kaya naman na-misunderstood ni Grey ang pangyayari.
"Teka!" napatakip siya ng kaniyang bibig habang gulat na gulat ang itsura. "Wag mo sabihing.. sa.. sabihing nasa YJC ka rin tulad ni Pin?"
"Hindi a!" agad na lumingon sa kaniya si Bellas na gulat ang mukha. Na-misunderstood muli ni Grey ang pangyayari.
"O baka naman nasa Paramount ka na?"
"Hindi rin, ano ba!" mahinang sigaw sa kaniya ni Bellas saka hinila siya papalayo sa building.
Nang makarating na sila sa field kung saan walang taong naglalakad du'n, sinenyasan niya si Grey na umupo sa tabi niya sa ilalim ng isang silungan.
"Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat basta makinig ka ng mabuti dahil hindi ko na ito uulitin," seryosong sabi niya kaya naman sinunod ni Grey ang kaniyang utos. Napahawak siya sa kaniyang noo. "Paano pa magiging sikreto ito kung sasabihin ko na ito sa 'yo?"
Sa kabilang banda naman, si Kimi ay nagpaalam kay Simi na aalis siya upang mag-cr. Sa pagtatakbo ni Harana upang hanapin si Kimi, hindi niya alam na nasa likuran niya lang pala ito.
Nakatingin sa baba si Kimi habang naglalakad ngunit kaagad niyang nakilala ang pamilyar na amoy ng cologne ni Harana. Alam niya ito dahil dati pang gumagamit ng ganu'ng brand ng cologne si Harana.
"Harana!" biglang tawag ni Kimi sa kaniya kaya naman napahinto si Harana sa paglalakad.
Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at naging mabigat ang paghinga. Habang inaalala niya ang mga pangyayari, lakas-loob siyang lumingon kay Kimi.
"Kimi!" tawag niya sa pangalan nito saka tumakbo papunta sa kaniya. Aakmang yayakapin na niya ito nang makitang gulat ang itsura ni Kimi. Agad siyang napayuko ng kaniyang ulo. "Pa.. pasensya na.."
"Ayos lang," umiiling-iling na sabi ni Kimi habang gulat pa rin ang itsura. "Sa.. totoo lang, mas ayos na 'yung ganito lang tayo."
Niyaya ni Harana si Kimi papunta sa rooftop sa dating building kung saan sila nag-aaral nu'ng nakaraang taon bago napunta si Kimi sa Underworld. Binuksan ni Harana ang gate nito at sinigurado ring naka-lock ito bago sila umakyat papunta sa rooftop.
Nang makarating sila du'n, muling bumalik ang kanilang mga alaala na nangyari sa lugar na iyon.
"Ang rooftop ang pinakapaborito mong lugar, 'di ba?" tanong ni Harana kay Kimi upang mabawasan ang kaba na kaniyang nararamdaman kahit papaano. "Ma.. matagal na rin tayong hindi nag-usap kaya sana hindi ka mananatiling tahimik habang kinakausap kita."
"Wala akong masabi sa tuwing ikaw ang kinakausap ko," kinakabahang sabi ni Kimi sa kaniya habang nakaiwas ng tingin. "Hindi na rin ako nasanay na kausapin ka ng normal tulad nu'ng dati."
"Pero.." agad napalingon si Harana kay Kimi habang punong-puno ng saya ang mga mata. "Tayo lang dalawa ang nandito kaya hindi na natin kailangang mag-alala na lumabag sa rules."
Nagulat si Kimi sa kaniyang narinig saka kinakabahang lingunin si Harana. "Ayoko lang na bumagsak ka sa Underworld tulad ko."
"E paano kung 'yun lang ang paraan para magkasama tayo ulit?" naiiyak na sigaw ni Harana sa kaniya na mas lalong ikinagulat ni Kimi. Bumilis ang tibok ng puso ni Harana kaya napayuko siya. "Lagi tayong.. pinaghihiwalay ni Sakuna.."
"Kasi nagagalit siya sa akin," nakangiting sabi ni Kimi saka napabuntong-hininga at tumingin sa langit. "Alam mo? Hindi ka pa rin nagbabago sa akin kahit isang taon na tayong hindi nag-uusap."
"Siyempre naman," nakangiting sabi ni Harana saka ginaya ang ginawa ni Kimi. "Magkapamilya tayo, 'di ba?"
"Magkapamilya?" nagtatakang tanong ni Kimi ngunit nanatili pa rin sa langit ang kaniyang tingin. "Magkaano-ano ba tayo?"
"Magkapatid, 'di ba?" nakangiting sabi ni Harana na siyang ikinagulat ni Kimi. Sa sobrang laki ng kaniyang mga mata, nabigla si Harana sa kaniya.
Napayuko si Kimi ng kaniyang ulo at tanging labi lang ni Kimi ang nakikita ni Harana sa mga oras na iyon. "Oo, tama ka nga. Magkapatid pala tayo."
"Heh?" gulat na tanong ni Harana saka napalunok. Kahit kinakabahan at nanginginig ang kaniyang mata na tignan si Kimi, nagawa niya pa ring sabihin ito. "Ano pala ang turing mo sa 'kin?"
"Akala ko kasi.. wala lang ako sa pamilya natin," malungkot na sagot ni Kimi saka tinalikuran si Harana. "Wala naman talaga ako dati du'n nu'ng una, 'di ba?"
"Wa.. 'wag mong sabihin 'yan, Kimi," umiiyak na sambit ni Harana ngunit sa bawat pagtulo ng kaniyang luha ay agad niya itong pinupunasan. "We.. welcome ka naman sa pamilya anytime."
"Paano kaya kung hanggang ngayon wala pa rin ako du'n.." biglang humangin ang paligid na para bang niyayakap ang dalawa upang mas lalong tumindi ang lungkot na kanilang nadarama. "Ano kaya ang nangyayari sa mga oras na ito?"
Sa kabilang banda naman, pagkatapos i-kwento ni Bellas ang mga nangyayari, naiintindihan na lahat ni Grey kung bakit siya laging umaalis ng patago sa grupo.
Sa kanilang paglalakad, nakita nila si Brian na umakyat ng puno habang nakangiti na tumitingala sa itaas.
Napabulong si Grey saka hinila si Bellas papunta sa gilid upang magtago. "Anong ginagawa ni Brian diyan?"
"E.. ewan ko," nahihiyang sambit ni Bellas habang nakatingin kay Grey. "Te.. teka, bumitaw ka nga."
"Shh.." pagpapatahimik ni Grey sa kaniya saka napaisip-isip. "Magkatulad kaya kayo ni Brian? May tinatagong lihim sa 'tin. Sigurado akong may kinakausap siya diyan."
"Pabayaan na natin sila," inis na sabi ni Bellas saka napabuntong-hininga. "Hindi ko naman inasahang ganito ka pala. Mahilig ka bang mangialam sa buhay ng may buhay?"
"Nahawaan lang ako ni Si.." napahinto kaagad si Grey sa kaniyang sinasabi saka kinakabahang lumingon sa paligid. "Basta, nahawaan lang ako."
"Alam ko naman kung sino ang tinutukoy mo," malungkot na sabi sa kaniya ni Bellas na siyang napansin naman ni Grey. "Bakit kailangang may matanggal na importanteng tao sa section natin?"
"Huwag ka ngang sumimangot diyan," pagchi-cheer sa kaniga ni Grey saka lumingon muli sa puno kung saan umakyat si Brian. "Basta ang kailangan nating gawin ay alamin kung sino ang kinakausap niya at bakit kailangan niya pang magtago tulad mo. Pagkatapos nu'n, yayain na natin siyang bumalik sa grupo dahil hinahanap na tayo ng mga nu'n. Ginagawa pa naman nila ngayon ang main task."
"Sige, sige," wala nang nagawa si Bellas kundi ang sumang-ayon sa sinasabi ni Grey dahil pakiramdam niya ay talo siya rito.
Nang makalapit sila sa ilalim ng puno na iyon, nanlaki ang mata ng lahat nang magkatinginan sila.
"Brian?" sabay na sigaw nina Grey at Bellas nang makita si Brian na nakaupo sa itaas habang kasama si Simi.
"Ka.. kayo!" gulat na sigaw ni Brian sa kanila habang nakaduro. "A.. pa.. a.. ano ba talaga ang dapat kong itanong sa inyo?"
"Ewan ko!" tanging nasabi ni Bellas dahil wala na rin siyang masabi, nahahawa rin siya sa pagpa-panic ni Brian.
"Akyat kayo, dali-dali!" mahinang sigaw ni Simi sa kanila saka sinenyasan sila na umakyat. Sinunod lang ng dalawa ang sinabi niya saka umupo.
Pinakalma muna nina Brian at Simi ang dalawa bago magsimulang magpaliwanag. Napatango-tango ang dalawa nang marinig iyon.
"Hindi mo naman sinabi sa amin na nilalabag mo ang rules ng patago para sa kaniya," kahit papaano ay gumaan na rin ang loob ni Grey dahil muli niyang naiintindihan ang mga pangyayaring hindi niya naiintindihan nu'ng una tulad nu'ng kay Bellas. "So, parehas pala kayong dalawa na nakikipagkita sa isang tao ng patago."
"Ngayon lang kami ulit nagkita ni Simi," pagpapatama ni Brian sa sinabi ni Grey kaya naman napatango-tango na lamang ito. "Simi, ipinagdarasal ko talaga lagi na sana sa susunod na examination ay makabawi ka para makabalik ka na sa section natin."
"A.. hahaha.." pilit na natatawang sabi ni Simi habang kinakalmot ang kaniyang ulo. "Siyempre, babawi ako sa susunod. Hintayin niyo 'ko, a?"
"Siyempre naman!" nakangiting sagot ni Bellas na parang bata na bibilhan ng gusto niyang laruan.
"Wala nang maglalaban na Top kung wala ka hanggang sa graduation natin," pambibiro ni Grey habang nagkukunwari na malungkot ang mukha.
Inis naman siyang tinignan ni Brian. "Grabe ka naman magsalita kay Simi, parang sinasabi mo na rin na wala na siyang pagkakataon na bumalik sa section."
"Bakit ka nagagalit?" medyo naiinis na tanong ni Grey sa kaniya kaya nang maramdaman ni Simi ang tensyon sa pagitan nila, sinenyasan niya ang dalawa na manahimik.
"Wag niyong lakasan ang mga boses ninyo kung ayaw niyong maparusahan."
"Ayos lang sa amin 'yun," nakangiting sabi ni Bellas saka napatingin sa dalawang lalaki. "Kaya nga kami nandito ngayon dahil handa kami kung mangyayari man iyon."
"Tama," nakangiting sabi ni Grey bilang pagsasang-ayon kay Bellas.
"Eh!" inirapan niya ang dalawa saka inekis ang kaniyang kamay. "Ngayon niyo lang 'yan na-realize dahil nakita niyo 'ko."
"Kumalma kayo, pakiusap lang," pilit na pinipigilan ni Simi ang pagsigaw dahil ayaw niya na may ibang makakarinig sa kanila sa itaas ng puno. "Kung may gusto man kayong sabihin, sabihin niyo na bago kayo bumaba. Twenty minutes ay kaya na, 'no?"
"Twenty lang?" nakasimangot na tanong ni Brian na itinango lamang ni Simi bilang sagot. Napakapit kaagad siya sa braso niya. "Ayoko! Kulang 'yun, kulang."
"Isip bata ka ba?" inis na tanong sa kaniya ni Bellas saka napabuntong-hininga. "Ganito ka pala talaga pagdating kay Simi."
"Huy, ano ba. Makipagkwentuhan na lang tayo kay Simi habang may oras pa," pagtatawag ni Grey ng atensyon ng dalawa kaya naman natahimik ang mga ito.
Ilang sandali ay nagsimula na silang magkwentuhan samantalang sina Harana at Kimi ay nanatili pa ring tahimik simula nu'ng sinabi ni Kimi ang tungkol sa kung ano ang mangyayari kung hindi siya napunta sa pamilya ng Paris.
"Wala rin namang saysay kahit na mangyayari iyon, 'di ba?" napalingon si Kimi kay Harana na biglang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Napangiti si Kimi. "Di ko inasahan na kaya mo pa rin akong titigan sa ganiyang paraan hanggang ngayon."
"Hindi.. naman kita.. tinititigan," nakalobo ang bibig ni Harana habang pilit na tinatago ang hiya na kaniyang nararamdaman. "Sa totoo.. lang.. gusto lang kitang makausap ngayon para.. 'di.. na.. kita maisip."
"Maisip?" natatawang tanong ni Kimi saka ngumiti ng totoo. "Iniisip mo pa rin pala ako, akala ko galit ka sa 'kin tulad ni Sakuna."
"Hindi ko naman kayang magalit sa 'yo," naging maluwag ang pakiramdam ni Harana kaya sinubukan niyang humarap kay Kimi. Nang makita niya ang mukha nito na tumatawa ay napatalikod siya. "Tu.. tumigil ka na nga sa pagtatawa. Wa.. walang nakakatawa."
"Ha?" napatigil bigla si Kimi sa kaniyang pagtawa. "Nahihiya ka ba sa 'kin?" napabuntong-hininga siya saka napangiti nang maalala ang nakaraan. "Parang dati lang, ako pa 'yung nahihiya sa inyong dalawa lalo na sa 'yo."
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," natatawang sabi ni Harana saka dahan-dahang lumingon kay Kimi. "Mahilig ka pa ring sa mga nangyayari sa nakaraan. Mabuti naman at hindi ka nagbago sa akin, Kimi."
Nang marinig iyon ni Kimi ay nanlaki ang kaniyang mga mata habang pilit na tinatago ang tuwang kaniyang nararamdaman. "Pa.. parang bumabalik ako sa nakaraan nu'ng tinawag mo 'ko sa aking pangalan."
Napahinto si Sakuna mula sa loob ng bagong gymnasium saka napahawak sa kaniyang dibdib. Nagtataka siyang tumingin dito ngunit mas lalong nagtataka ang dalawang lalaki nang makita ang kaniyang itsura.
"Why?" nilapitan siya ni Vladi saka tinaasan siya ng kilay. "Do you feel butterflies in your stomach?"
"Hindi!" inis na sigaw sa kaniya ni Sakuna saka napabuntong-hininga. "Paki-expelled nga nito sa school, principal."
"Yun nga rin ang iniisip ko na gawin sa kaniya," seryosong sagot ni Yugto sa kaniya saka hinila si Vladi. "Vlad, alam mo namang wala sa mood si Sakuna kasi kakatapos lang ng kaniyang period, 'di ba?"
"Yugi," lumabas ang ugat mula sa ulo ni Vladi nang muli nanaman siyang tinawag ni Yugto sa pangalang 'Vlad'. "Alam mo namang ayoko na tinatawag mo 'kong ganyan kaya p'wede namang dagdagan mo ng letter 'i' sa huli, 'di ba?"
Lumabas din ang ugat mula sa ulo ni Yugto nang muli nanaman siyang tinawag ni Vladi sa pangalang 'Yugi'. "Same to you, my 'best' friend."
"Wala talaga kayong silbi kahit kailan," inis na sabi ni Sakuna nang masaksihan muli ang away ng dalawa. "Wala namang saysay 'yang pinag-aawayan ninyo, Yugi at Vlad."
Napahinto ang dalawa saka gulat na lumingon kay Sakuna. "Did you just call us to the name we hated the most?"
"Dapat masanay na kayo du'n kaysa naman pag-awayan niyo pa 'yan every time," pangangaral niya sa dalawa saka napaupo habang nakahawak pa rin sa kaniyang dibdib. "Nakaramdam lang ako kanina ng kakaibang feelings, siguro nanggagaling 'to kay Harana."
"Why? Hindi naman kayo magkambal 'di ba?"
"Huh? Sa kambal lang ba naa-apply ang ganu'ng weird phenomenon?"
"Hindi ako sigurado kung totoo ba na connected ang dalawang magkapatid sa isa't isa pero pakiramdam ko ay ito ang nararamdaman ni Harana sa mga oras na ito," nadidiring sabi ni Sakuna saka malakas na pinalo ang sahig.
"Hey, tiles ang sahig kaya 'wag mong paluin," biglang sabi ng isa nilang kaklase kaya naman tinanguhan ito ni Sakuna.
"Ano ba 'yung nararamdaman mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Vladi saka isinandal ang dalawa niyang kamay na magkaway sa isa't isa sa likod ng kaniyang ulo.
"Magaan at.. masarap sa pakiramdam," napapikit si Sakuna nang sambitin niya ang huli. Napalunok siya saka tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. "Hindi naman ako p'wedeng umalis ngayon sa gym para hanapin siya kaya anong dapat kong gawin?"
"Baka naman may gusto ka lang sa akin kaya nararamdaman mo 'yan," pambibiro ni Yugto sa kaniya habang nakapogi sign.
Inis siyang tinignan ni Vladi saka inirapan siya. "In your dreams, Yugi."
"Whatever, Vlad."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat