Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Hidden Card
Third Person's POV
Sa pagpasok ng unang linggo ng Septyembre, ang lahat ng estudyante ay mas lalong nate-tense sa kung ano ang susunod na magiging task.
Habang patagal ng patagal, mas lalong humihirap ang tasks na ginagawa nila.
Si Ms. Paris na ang tunay na pangalan ay Sakuna Paris, siya ay nakaupo ng mag-isa sa pinakadulong bahagi ng gymnasium. Mukhang iniiwasan niya ang ibang mga tao dahil gusto niya munang mapag-isa.
Napansin iyon ng kaniyang ibang kaibigan. Nilapitan siya ni Mr. Ultimo na Yugto Ultimo ang buong pangalan. "Iniisip mo pa rin ang tungkol du'n? Nagdaan na ang isang linggo."
"Hindi ko 'yun makakalimutan," medyo may pagkainis na sabi niya saka napabuntong-hininga. "Buti at wala 'yun sa kamay ng Underworld na 'yun nang makarating ako du'n."
"E, nakita mo pa rin naman pala siya na lumabag sa rule," sumingit naman si Vladi Lavid. Napaupo siya sa kabilang upuan sa tabi ni Sakuna saka inekis ang kaniyang paa habang nakaakbay sa upuan ni Sakuna. "Gawin niyo na mamaya ang punishment niya.."
Bago pa man matapos ang sinasabi ni Vladi ay sumingit na si Sakuna. "Wag na, hayaan mo na siya. Hindi naman 'siya' ang gumawa nu'n."
"Sinong siya at 'siya' ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Yugto dahil kahit magkaibigan sila ay wala namang kinukwento si Sakuna tungkol sa kaniyang buhay at pamilya.
"Basta magkaibang tao ang dalawang 'yun," napakalmot si Sakuna sa kaniyang leeg saka dabog na tumayo. "Sumasakit nanaman puson ko."
"Lumagpas na nga sa palda mo," tinuro ni Vladi ang likuran ng palda ni Sakuna na siyang ikinagulat naman ng babae. "Magpalit ka na du'n, shoo, shoo."
Nang makaalis na si Sakuna, napabuntong-hininga si Yugto. "Bakit kasi ayaw niyang magkwento sa atin?"
"Wag na nating pilitin ang tao kung ayaw niya," sagot ni Vladi sa kaniya habang nagkibit-balikat. "Isa lang ang ibig sabihin nito, Yugi."
"Stop calling me 'Yugi'," inis na sabi ni Yugto sa kaniya bilang paalala. "Pero alam kong nasa Underworld ang tinutukoy niya at dalawa lang naman ang nandu'n."
"Yup," nakangising sabi ni Vladi. "At mukhang may ideya na ako kung sino 'yun."
Kinakabahan naman siyang tignan ni Yugto saka napapikit ng kaniyang mata nang isandal niya sa kaniyang ulo ang dalawa niyang kamay na magkahawak. "Don't try anything illegal."
"Yes, I will," abot tainga ang ngisi na sabi niya kaya naman napabuntong-hininga si Yugto.
"Don't do it Vlad," pakikiusap ni Yugto sa kaniya ngunit mas lalong nagalit si Vladi sa kaniya.
"Don't call me 'Vlad', Yugi."
"It's not my care anymore, Vlad."
"Aish, stop it."
"No, I wont."
Sa kabilang banda naman, sina Simi at Kimi ay nanatili sa kanilang campus dahil nagplano sila na manatili sa campus buong araw.
"Walang aalis ha?" pagpapaalala ni Kimi sa kaniya na siyang itinango lamang ni Simi. "Pero teka, paano ako makakapag-recess at lunch?"
"Bahala ka," nanunuksong sabi ni Simi habang nakangisi. Binuksan niya ang kaniyang bag saka inilabas ang kaniyang baunan. "Naisip ko kahapon na magbabaon ako kaya may dala ako ngayon at hindi ko na kailangang pumunta sa canteen."
"Edi ikaw nang mautak," naasar na sabi ni Kimi saka inilobo ang bibig.
"E, akala ko pa naman mare-realize mo na kailangan mo na ring magdala ng baon simula ngayon kaya sinabi ko ang plano sa 'yo kahapon," binuksan na ni Simi ang kaniyang baunan upang kumain dahil recess na.
Naaawa namang tinitignan ni Simi si Kimi na mukhang pinipigilan lang ang paglalaway sa kaniyang pagkain kaya naman inabutan niya ito ng isa niya pang baunan na dapat ay kakainin niya mamayang lunch. "O, ito. Sa 'yo na."
"Hindi mo naman ako kailangang kaawaan," seryosong sabi ni Kimi saka napalunok dahil nagugutom na talaga siya.
Nakita naman iyon ni Simi kaya inilapag niya sa paanan ni Kimi ang baunan. "Kumain ka na."
"Wag mo ngang ilagay diyan ang pagkain," inis na sabi ni Kimi saka nagsimulang kumain.
Susubo na sana si Kimi nang mapansin niya si Simi na nakatingin sa kaniya. Napahinto siya saka inilagay muli sa baunan ang kutsara. "Akala ko ba para sa akin na 'to?"
"Para sa 'yo na nga talaga 'yan," napabuntong-hininga si Simi saka napatingin sa kaniyang baunan. "Pero hugasan mo ang baunan ko pagkatapos mong kumain."
"O, sige," tinanguhan ni Kimi si Simi saka nagsimula na ang dalawa na kumain.
Nang matapos na sila, dali-daling tumayo si Kimi saka nagsimulang maglakad palabas ng entrance nang mapahinto siya. Napaisip-isip siya saka galit na lumingon kay Simi. "Paano ko huhugasan ang baunan mo kung bawal lumabas ng campus ngayon?"
"Maghanap ka ng paraan!" sigaw sa kaniya ni Simi kaya biglang sumeryoso ang mukha niya. "Biro lang, lumabas ka na nga."
Nang makaalis na si Kimi, tumayo na si Simi saka napalingon sa paligid. Napahawak siya sa kaniyang baywang saka napabuntong-hininga bago kunin ang walis upang ipagpatuloy ang pagwawalis na hindi niya natapos sa nagdaang linggo dahil lagi niyang sinusundan ang kaniyang mga kaklase.
Sa paglalakad ni Kimi papunta sa washing area upang hugasan ang baunan ni Simi, nakasalubong niya si Sakuna du'n na naghuhugas ng kamay.
Naramdaman naman kaagad ni Sakuna ang presensya ni Kimi kaya sinarado niya ang gripo saka nag-shake ng kaniyang basang kamay upang matuyo ito. "Bakit kaya walang pampatuyo ng kamay dito sa washing area?"
"Dahil nasa labas naman ito," sagot ni Kimi saka lumapit sa isang gripo at hinugasan ang baunan.
"Tama ka nga, katulad mo rin ang washing area," inis na sabi ni Sakuna sa kaniya saka nilapitan si Kimi. "Kaya wala ka sa pamilya dahil nasa labas ka lang."
"Ayos lang ba 'yun sa 'yo?" nakangiting tanong ni Kimi saka lumingon kay Sakuna. "Kulang ng isang miyembro ang pamilya natin?"
Nanlaki ang mga mata ni Sakuna saka agad na sinampal sa mukha si Kimi. Inis na inis niyang tinignan si Kimi nang tumagilid ang mukha ng lalaki. "Wag mo nga isipin na kasama ka sa pamilya namin! Anong 'pamilya natin'? Wala ka du'n! Nu'ng una, wala ka naman du'n!"
Dabog na umalis si Sakuna ngunit agad siyang sinundan ni Kimi saka hinawakan siya sa kamay.
"Ngayon lang tayo ulit magkakausap, sa ganitong paraan pa talaga?" nakangiting tanong ni Kimi sa kaniya kaya naman mas lalong lumala ang galit na nararamdaman ni Sakuna para sa kaniya. "Hindi ba p'wedeng batiin mo muna ako ng 'long time, no talk'?
"Ang lakas ng loob mo!" agad na kinuhang muli ni Sakuna ang kaniyang kamay mula sa kamay ni Kimi saka tinulak siya kaya nadapa si Kimi papunta sa lupa. "Umalis ka na! Ayaw na kitang makita! 'Wag ka nang magpapakita sa akin, lalo na sa kapatid ko!"
"Lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana," nakangiting sabi ni Kimi habang nakakibit ang balikat.
Mas lalong napakunot ang noo ni Sakuna dahil sa inis. "Gustong-gusto na talaga kitang burahin sa mundo. Sana, totoo na lang na hindi ka talaga nag-eexist."
"Ang sakit mo naman magsalita," nakangising sabi ni Kimi sa kaniya ngunit pagtalikod ni Sakuna ay napasimangot ito. Nagpanggap pa rin siya na inaasar si Sakuna. "Ganyan na ganyan mo ba ako ka-hate?"
"Mas sobra pa diyan," galit na sabi ni Sakuna saka dabog na umalis. "Sinisira mo araw ko lagi kahit ang layo na ng campus mo sa amin."
Nang makaalis na si Sakuna ng tuluyan, muling binalikan ni Kimi ang baunan habang seryoso itong tinitignan. Hinugasan na niya ito gamit ang dishwashing liquid at sponge na nasa gilid ng washing area bago bumalik sa kanilang campus.
Pagkabalik niya, nakita niyang natutulog sa upuan si Simi habang yakap ang kaniyang bag at bukas ang zipper nito na lalagyan ng kaniyang mga baunan.
Tahimik na inilagay ni Kimi ang baunan sa upuan ni Simi nang biglang iminulat ni Simi ang kaniyang mga mata. "Andito ka na pala.."
"Natagalan ba ako?" tanong ni Kimi nang makaupo na siya na siyang tinanguhan lamang ni Simi bilang sagot.
"Ano na kaya ang nangyayari sa kanila du'n? Nag-aalala ako pero wala naman akong kailangang alalahanin pa."
Napatingin si Kimi kay Simi nang makita ang abot taingang ngiti nito habang nakatingin sa tambakan ng basura.
Nanliit ang kabilang mata ni Kimi habang pilit siyang nginingitian. "Nandiyan ba ang mga kasama mo?"
"Ini-imagine ko na wala 'yan sa harapan ko!" inis na sigaw ni Simi sa kaniya habang nakaturo sa tambakan ng basurahan. "Grabe, nakakapagod."
Biglang nagtaka si Kimi sa sinabi ni Simi. Naisip niya na baka naglinis si Simi nang wala siya kanina sa campus dahil napansin niya ang walis at ang dustpan ay wala na sa kanilang dating kinalalagyan.
"Tulog ka na ulit, sigurado akong nabo-bored ka rito," pagdadahilan ni Kimi na siyang ipinagtaka ni Simi. Sinunod na lamang ni Simi ang sinabi ni Kimi at nang makatulog na siya ay naglinis naman si Kimi bilang kapalit niya.
Sa kabilang banda naman, katulad ng pinag-usapan ay ginagawa lamang ng section Aguinaldo ang main task.
Napahinga ng malalim si Pin dahil sa araw na 'yun, ang magiging task ay tungkol sa nakatagong baraha.
"Ang tanging sinabi lang sa atin ng Paramount ay queen card ang kailangang hanapin," nakasimangot ang mukhang sabi ni Charlotte na siyang ikinasimangot din ng lahat.
"Tapos hindi naman tayo sigurado kung ano ang kulay nu'ng queen card. Baka mamaya kulay black pala 'yun imbes na red," sabi ng isa nilang kaklase habang nakaekis ang kamay.
Napakunot ng noo si Rhea. "Kulay red ba ang queen card?"
"Di ko alam," nagkibit-balikat ang babae sa kaniya. "Hindi naman ako sugalera."
"Kailangan na lang nating gawin ang lahat para mahanap 'yun, kahit anong mangyari," pagchi-cheer ni Pin sa kaniyang mga kaklase kaya naman namamanghang tinignan ng mga babae si Pin.
Sumingit naman si Brian sa usapan habang nakahawak sa kaniyang baywang. "Kaya naman.. saan tayo magsisimula ngayon?"
"Sa library kaya?"
"Sa.. field."
"Sa comfort rooms."
Napalingon ang lahat sa tatlong sunod-sunod na sumagot. Unang napatingin ang lahat kay Rhea na ang suhestiyon ay sa library.
"Bakit sa library?" tanong ni Pin sa kaniya kaya naman napaisip-isip si Rhea.
"Sa library kasi.." mas lalong napakunot ng noo si Rhea. Naging tahimik ang paligid sandali hanggang sa makaisip na siya ng sagot. "Kasi maraming mga libro du'n at may tsansa na itago nila du'n ang card."
Sunod namang tumingin si Pin kay Grey na ang suhestiyon ay sa field. "Bakit sa field?"
"My instincts," tipid na sagot ni Grey kaya agad siyang nilapitan ni Brian saka inakbayan siya.
"Ganyan pala ang mga nerd? Malakas 'yung extinct!"
Nanliit ang kabilang mata ni Grey nang marinig iyon. "Instinct 'yun, Brian, hindi extinct."
"A, okay!" napakalmot sa ulo si Brian nang malamang nagkamali siya.
Sunod namang tumingin si Pin kay Bellas na ang suhestiyon ay sa comfort rooms. "Bakit naman sa comfort rooms, Bella?"
"Ayan!" nag-snap ng daliri si Bellas nang marinig na tama ang pagkakabigkas ni Pin sa kaniyang pangalan. Gulat naman siyang tinignan ng lahat kaya napaubo-ubo siya. "I mean kaya ko napili ang comfort room dahil walang masyadong pumupunta du'n. Sa nagdaang linggo, wala namang section na sumubok na maghanap sa comfort rooms para sa mga main tasks."
"O.." napatango-tango si Pin. "Okay, okay. May point naman kayong lahat kaya naman idaan na lang natin sa voting ang lugar na pupuntahan natin."
"Sige!" sabay-sabay na sagot ng lahat kaya naman gumawa sila ng malaking bilog habang sina Rhea, Grey at Bellas ay nakatayo sa gitna ng bilog.
"Sinong gustong bumoto para sa library?"
Nagsitaasan na ang ilang mga estudyante ng kanilang kamay kaya nagbilang na si Charlotte. Nag-thumbs up siya bilang senyas na tapos na niyang bilangin ang lahat.
"Sinong gustong bumoto para sa field?"
Kaunti lang ang tumaas ng kanilang kamay kaya naman agad natapos si Charlotte sa kaniyang pagbibilang saka sinenyasan muli si Pin.
"Sinong gustong bumoto para sa comfort rooms?"
Dalawa lang ang nagtaas ng kamay para rito, si Bellas at si Brian. Nagtataka namang tinignan ni Brian si Grey. "Bakit hindi ka nagtaas ng kamay para sa comfort rooms?"
"May sarili akong boto kaya 'yun ang iboboto ko."
Lumipat naman ng tingin si Brian papunta kay Rhea. "E, ikaw?"
"Same kay Grey," tipid na sagot niya habang nakaturo kay Grey na nasa tabi niya.
Napakalmot ng ulo si Brian saka napalingon sa paligid. "E.. ikaw, Pin?"
"To be honest, kahit may point si Bellas para sa comfort room, ayokong maghanap du'n," pilit ang ngiting sagot ni Pin sa kaniya kaya mas lalong nainis si Brian.
"Bakit naman ayaw mo? Kung may point naman, bakit hindi natin subukan? Mukhang may tsansa naman na du'n nakatago 'yun lalo na puro puti ang lahat."
"Kahit na," pagpipilit ni Pin saka napabuntong-hininga. Ipinikit niya ang kaniyang mata saka napahawak sa kaniyang noo. "Wag kayong magalit sa akin, girls, pero paano kung may nag-cr na babae sa comfort room at sa mga oras na 'yun ay nandu'n tayo at naghahanap, 'di ba walang respeto 'yun?"
Mas lalo pang namangha ang mga kaklase nilang babae nang dahil sa sinabi ni Pin. Wala namang nagawa si Brian kundi ang manahimik na lang dahil totoo rin ang sinabi ni Pin.
"Since mas marami ang bumoto para sa library, lahat tayo ay pupunta du'n para maghanap," desisyong sabi ni Pin kaya naman ang lahat ay sumabay sa kaniya.
Muli, umalis ng patago si Bellas sa grupo nila saka tumakbo papunta sa comfort room dahil du'n siya inaantay ni Harana. Kumbaga ito ang kanilang waiting place bago pumunta sa destinasyong gusto nilang puntahan, sa rooftop.
"Salamat sa paghintay!" nakangiting bungad ni Bellas sa kaniya kaya naman agad na lumabas si Harana sa comfort room.
Umakyat na sila papunta sa building at sinigurado ni Harana na naka-lock ito bago sila umakyat ng tuluyan sa rooftop.
Ang hindi alam ni Bellas, napapansin lagi ni Grey ang ginagawang pag-alis ni Bellas sa grupo lalo na nu'ng ang naging suhestiyon ni Bellas ay sa comfort room.
Kaya niya sinabi kanina na ang kaniyang suhestiyon na sa field pupunta ay isang instinct ay upang makita ang magiging reaksyon ni Bellas. Tumama ang lahat ng kaniyang hinala kaya naman nilapitan niya si Pin upang magpaalam.
"Cr muna ako, hindi ako iihi ha?" sabi niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan bilang kunwari na gustong-gusto nang lumabas ng kaniyang dumi.
"Sige, sige, humabol ka na lang," tumatango-tangong sabi ni Brian na siyang ikinagulat ng lahat dahil hindi naman sa kaniya nagpaalam si Grey. "Magkaibigan na rin naman kami kaya ayos lang na payagan ko siya, 'di ba?"
Napabuntong-hininga na lamang si Pin saka tinanguhan si Grey. "Sige, pumunta ka na lang sa library."
Pagkaalis ni Grey, napansin ni Pin kung ano ang tinutukoy ni Grey sa kaniyang pagpapaalam. Alam niya na hindi ito iihi o ilalabas ang kaniyang dumi dahil may ibang lugar siyang pupuntahan.
Nang makarating na ang lahat sa library, nagulat ang lahat nang makitang may ibang section ang pumasok du'n at siguradong hinahanap din nila ang nakatagong baraha du'n.
"Nandito nanaman ang section na walang president," nakangising tukso ng isang lalaki na siyang itinango ng lahat.
"Kawawa naman sila, pero thanks to you guys dahil p'wede nang gawin ang mga tasks individually or by pair."
"Sana matanggalan pa kayo ng isang estudyante para p'wede na ring gawin ang main task individually or by pair."
Binalewala na lamang nila ang sinasabi ng mga iyon dahil malakas ang kanilang pakiramdam na may Paramount na makakaalam ng ginagawa nila at paparusahan din sila para sa paglabag ng rules.
Samantalang si Grey sa kabilang banda ay napahinto nang makitang sarado ang gate ng building. Napaisip siya at napatango-tango dahil iniisip niya na hindi pumasok ng building si Bellas at baka pumunta ito sa ibang lugar at nilampasan niya lamang ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat