Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Telephone Cup
Third Person's POV
Nagpatuloy ang Mission Quarter hanggang sa umabot na ang huling linggo ng Agosto. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi iyon naramdaman ng mga estudyante lalo na ng Section Aguinaldo.
Si Simi ay laging nakasunod sa kaniyang mga kaklase upang masiguro na walang nangyayaring masama sa kanila. Nakita niya rin ang naging pagbabago ng mga ito, lalo na si Brian.
"Ang bilis talaga ng araw, 'di ko napansing last week of August na!" hindi makapaniwalang sabi ni Charlotte kaya napatingin ang lahat sa kaniya.
"Kakasabi mo lang niyan kanina tapos inulit mo nanaman ngayon," medyo inis na sabi ni Rhea sa kaniya saka napabuntong-hininga.
"Nakatapos na rin naman tayo ng dalawang tasks ngayong araw, 'di ba?" tanong ng isang babae habang nagsusulat sa kaniyang notebook bilang attendance para sa kanilang section.
Ang notebook na iyon ay naglalaman ng bilang ng estudyante na pumasok sa kanilang section sa araw na 'yun, kung ilang task ang natapos at anong oras nila ito sinimulan at natapos gawin.
"Oo," sagot ng isa nilang kaklase at napatango-tango ang lahat bilang pagsasang-ayon.
"Paano kaya kung mag-focus na lang tayo sa main task? Magagawa naman siguro natin 'yun, 'di ba?" biglang suhestiyon ni Bellas kaya napalingon ang lahat sa kaniya. I mean, hindi naman natin kailangang ubusin ang oras natin sa ibang task kung hindi ito ang main task which is ang may pinakamalaking points sa lahat ng task."
"Tama ka nga pero paano kung mahihirapan tayo du'n?" pagsasang-ayon ni Pin sa kaniya kaya naman lumipat ng tingin ang lahat sa kaniya. "Okay, ang goal na lang natin ngayon ay ang main task. Sinong hindi uma-agree?"
Nanatiling tahimik ang paligid kaya naman napatango-tango si Pin habang pumapalakpak.
"Tapusin na natin ang araw na ito!" malakas na sigaw ni Brian bilang cheer sa kanila. Nagsigawan naman ang lahat bago magsimulang tumakbo palayo sa kanilang pole.
Dala-dala ni Pin ang flag ng kanilang pole na may nakasulat na 'Si Mata'. Sumunod naman sa kanilang likuran si Simi ngunit napahinto nang makita si Kimi mula sa 'di kalayuan.
Napabuntong-hininga siya saka napalingon muli sa kaniyang mga kaklase. Binalewala niya na lamang si Kimi at tumuloy sa pagsunod sa kaniyang mga kaklase.
Ang lahat ng estudyante ay abala sa paggawa ng kanilang mga napiling task na gagawin sa mga oras na iyon. Ang mga kaklase pa lamang ni Simi ang unang nakapag-isip na ang main task ang unang gagawin.
Bigla namang napahiwalay si Bellas sa kanila saka nagtungo sa comfort room ng mga babae. Pagkarating niya sa may pintuan, nakaabang na sa kaniya si Harana.
"Sa rooftop tayo ulit?" tanong ni Bellas kay Harana nang makalabas ito mula sa comfort room.
Tinanguhan siya nito. "Dala ko pa rin ang susi ngayon. Sisiguraduhin ko rin na walang makakaalam na pumupunta tayo sa building araw-araw."
"Sige," nakangiting sabi ni Bellas sa kaniya saka inantay na buksan ni Harana ang lock ng gate. "By the way, paano naman ang cooperation mo sa section ninyo? Hindi ba sila naghihinala sa 'yo?"
Napahinto si Harana nang mabuksan na niya ang lock ng gate. Napalingon siya kay Bellas na gulat ang mukha. "Bakit mo naitanong 'yan ngayon?"
"A.." biglang nataranta si Bellas. "Wala lang, nag-aalala lang ako na baka ako ang dahilan kung bakit hindi ka nakikipag-cooperate sa kanila. Mahirap pa namang bumagsak sa panahon ngayon."
"Gusto ko ngang bumagsak e," nakangiting ngunit bakas sa mukha ni Harana ang lungkot habang sinasambit iyon. Napansin naman iyon ni Bellas ngunit kaagad itong umakyat papunta sa itaas. "Tara na! Bilisan na natin."
Simula nu'ng maging magkaibigan ang dalawa, naisip nila na makipagkita sa isa't isa ng alas dos ng hapon hanggang alas kwatro dahil hindi na masyadong mainit-init sa itaas.
Parehas din sila na gustong makita ang sunset kaya naisip nila na sa oras na lamang iyon sila magkikita.
Pagkaupo nila sa dalawang upuan na nandu'n, nagsimula na silang magkwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay na lagi naman nilang ginagawa at walang katapusan ang kanilang pagkukwentuhan.
"Siya nga pala, biro mo lang naman siguro 'yung sinabi mo kanina, 'di ba?" pag-iiba ng usapan ni Bellas na siyang ikinahinto naman ni Harana.
"Yung alin?" nagtatakang tanong ni Harana saka inilagay sa likod ng kaniyang tainga ang kaniyang buhok.
Pilit naman siyang nginitian ni Bellas. "Yung tungkol sa gusto mo namang bumagsak."
"Hindi, a," umiiling na sagot ni Harana na siyang ikinagulat ni Bellas. "Bakit mo naitanong?"
"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni Bellas sa kaniya na muling tinanguhan ni Harana. Ilang sandali ay bumalik na rin sa normal ang kaniyang itsura saka napatingin sa malayo. "Kaya ba ayos lang sa 'yo na hindi ka mag-cooperate sa quarter na ito dahil gusto mong bumagsak?"
"Oo," nakangiting sagot ni Harana saka napatingin din sa malayo. "Ganito rin ang ginawa niya.."
"Niya?" nagtatakang tanong ni Bellas sa kaniya ngunit hindi siya sinagutan ni Harana. "Ayos lang kung hindi mo pa kayang magkwento pero.." napahinto siya saka nanunuksong tinignan si Harana. "Gustong-gusto kong malaman kung sino 'yan, ha?"
"Eh?" natatawang sabi ni Harana saka umiling. "Kaya ko namang magkwento ngayon."
"Ay, 'wag na," umiiling-iling na sabi ni Bellas na pakiramdam ay kasalanan niya iyon kaya napipilitan si Harana na sabihin ang kaniyang sikreto sa kaniya. "Baka napilitan ka lang, kilala na kaya kita."
Gulat siyang tinignan ni Harana saka nginitian siya. "Salamat sa pag-intindi mo sa 'kin, Bellas."
"Oo," tinanguhan ni Bellas si Harana habang nginingitian siya bitterly. "Pero.. Harana.. silent 's' kasi 'yun, Bella dapat hindi Bellas."
"E, akala ko Bellas ang pangalan mo? 'Di ba nu'ng tinanong ko kung ano ang spelling, sabi mo may 's' sa dulo?" naguguluhang tanong ni Harana sa kaniya kaya naman napahilamos ng mukha si Bellas. "Ay, mali ba ako?"
"Hindi," umiling siya. "Tama naman pero sa spelling lang mayroong 's' sa dulo pero kapag binigkas mo, wala nang 's'," nakataas ang dalawang kilay na paliwanag ni Bellas sa kaniya at mas lalo itong tinaasan nang makitang nakakunot ang noo ni Harana. "Hindi mo ba na-gets?"
Napasimangot si Harana. "Kaunti pa lang pero.." natawa siya. "Tina-try ko naman ang lahat ng makakaya ko para ma-gets 'yun."
"Gusto mo ba na ipaliwanag ko ulit 'yun sa 'yo?"
"Ay, hindi na! Malapit ko nang ma-gets 'yun, e. Tsaka sayang ang effort mo kung inulit mo pa 'yun."
Sa kabilang bahagi naman ay patuloy pa rin sa paghukay ang mga kaklase ni Simi habang si Simi naman ay nakaupo sa itaas ng puno upang makita ng klarong-klaro ang lahat ng kaniyang kaklase at kung ano ang kanilang ginagawa.
Napabuntong-hininga si Simi ngunit napangiti. "Kahit alam kong mukha akong CCTV sa kalagayang ito, ayos lang atleast nararamdaman ko na parang ginagabayan ko sila."
Narinig ni Pin ang sinabi ni Simi na iyon dahil hindi siya kalayuan mula sa puno kung saan si Simi nakaupo. Nagawa niyang sulyapan ito ng patago at nang tignan siya ni Simi ay bumalik siyang muli sa kaniyang ginagawa.
"Uy!" biglang tawag ni Brian na nakaagaw ng atensyon ng lahat. "May napansin lang akong kakaiba."
"Ano 'yun, Brian?" biglang tanong ni Rhea na napalingon dahil sa huling sinabi ni Brian.
"Napansin ko lang na mukhang naghahanap tayo sa wala," medyo naiinis na sabi ni Brian saka napaupo sa damuhan at pinunasan ang kaniyang pawis.
"Susuko ka na agad?" tanong muli ni Rhea sa kaniya saka napabuntong-hininga. Nilapitan niya si Brian saka tinapik ito sa balikat. "Kung pagod ka na, magpahinga ka na muna diyan."
"Salamat," mabilis na sabi ni Brian kaya naman naglakad na palayo si Rhea sa kaniya.
"Katulad tayo ng napansin, Brian," sunod na nilapitan ni Grey si Brian saka umupo sa tabi niya. Pinunasan niya ang suot niyang salamin gamit ang kaniyang uniporme. "Hindi lang tayo ang nakapansin nu'n, pati na rin ang ibang estudyante."
"Talaga?" naniniguradong tanong ni Brian sa kaniya na tinanguhan niya lang. Nag-snap siya ng kaniyang daliri. "Sabi ko na nga ba!" tapos napailing-iling. "Mahirap ba talagang hanapin ang nakahukay na telephone cup na 'yun? Naiinip na ako. Napapagod ang buong katawan ko sa kakahanap."
"Isang oras at kalahating minuto na tayong naghahanap dito, sa tingin mo kailangan na nating lumipat?" suhestiyon ni Grey kaya naman napaisip-isip si Brian.
Pinunasan na muna ni Grey ang kaniyang mukha bago suotin muli ang kaniyang salamin.
Agad na napatayo si Brian saka itinaas ang kaniyang kamay kaya napunta sa kaniya ang kanilang mga atensyon. "Lumipat na kaya tayo ng lugar, Pin? Mukhang wala naman 'yun dito."
Sumang-ayon ang lahat sa kaniya saka sabay-sabay na naglakad paalis. Nahuling bumaba si Simi saka pinagpag ang kaniyang palda. Bigla namang sumulpot si Kimi mula sa kaniyang likuran.
"Wahh! Ano ba!" malakas na sigaw niya na dahil pakiramdam niya ay inaatake siya ng isang nagwawalang kabayo. "Kimi?"
Nagtatakang sinundan ng tingin si Kimi na diretso lang naglalakad at mukhang hindi siya narinig na sumigaw.
Sumunod siya sa likuran nito. "Uy, ayos ka lang? Tahimik naman masyado."
"Medyo naiinis lang ako sa sarili ko," seryosong sabi niya saka napahinto bigla kaya nabigla si Simi. Lumingon siya sa kaniya saka hinawakan ang pisngi ni Simi gamit ang dalawa niyang kamay. "Bakit hindi ko pa 'yun sinunog? Dapat nga hindi ko na 'yun tinapon!"
"Ha?" nagtatakang tanong ni Simi dahil wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ni Kimi sa kaniya. "Teka.." napansin niya na nasa mukha niya ang kamay ni Kimi. "Huwag mo 'kong kausapin ng ganito ang lagay ko."
"Okay," medyo malungkot na sabi ni Kimi saka tinanggal kaagad ang kaniyang kamay mula sa pisngi ni Simi.
Nagtataka siyang tinignan ni Simi. "Ikaw pa rin ba si Kimi Habisora? Napaka-weird mo ngayon."
"Weird naman talaga ako!" malakas na sigaw niya na mukha bang pinaparinig niya ito sa lahat.
Sinenyasan siya na manahimik ni Simi. "Wag kang sumigaw na parang ewan diyan."
"Kahit naman may makarinig sa atin, hindi nila tayo bibigyan ng pansin," pagpapa-realize ni Kimi sa kaniya kaya napalunok si Simi dahil totoo naman iyon. "Pero dapat sinunog ko na talaga 'yun," napaupo si Kimi habang nakasabunot sa kaniyang sarili.
Nagulat si Simi saka nanliit ang kabilang mata. "Ikaw pa rin ba talaga ang Kimi na kilala ko? Ewan ka nga talaga."
"Halika na, Simi!" biglang tumayo si Kimi na muling ikinabigla ni Simi. Agad niyang hinawakan ang braso ni Simi saka hinila siya sa pagtakbo. "Gawin na natin ang main task!"
"Yung main task?" gulat na tanong ni Simi. "Hahanapin natin 'yung nakahukay nang telephone cup?"
"Oo!"
"Pero hindi naman tayo magkaklase."
"P'wede nga itong gawin by individual, 'di ba?"
"Pero sabi mo hindi tayo kasali rito dahil Underworld tayo!"
Napahinto si Kimi sa kaniyang pagtakbo kaya dahan-dahan ding napahinto si Simi. Lumingon si Kimi sa kaniya habang nakayuko ang ulo. "Ito lang naman ang task na gusto kong gawin bago magawa ng iba. P'wede mo namang ibigay sa kaklase mo na pinapansin ka kapag tinawag mo siya. Deal?"
"E, unfair 'yun sa 'yo," medyo may guilt na nararamdaman si Simi nang marinig iyon. "Tatapusin natin ng magkasabay tapos wala ka man lang makukuha mula du'n?"
"Sanay na ako sa mga ganyang bagay," pilit ang ngiting sabi ni Kimi saka napalingon sa kaniyang likuran. "Ano? Deal na ba?" muli siyang lumingon kay Simi. "Kailangan na nating bilisan bago ito mahanap ng iba."
Wala nang nagawa si Simi kundi ang pumayag sa sinabi ni Kimi kaya muli na silang tumakbo. Imbes na isa-isa nilang tignan ang bawat lugar kung nandu'n ba nakahukay ang telephone cup, pumunta lamang si Kimi sa likod ng building nila.
Nagtataka namang tumingin si Simi sa kaniya. "Dito? Imposible na itago nila rito 'yung telephone cup."
"Alam kong nandito 'yun dahil dito tinapon ang telephone cup," seryosong sabi ni Kimi saka hinawak-hawakan ang lupa na para bang may kung ano siyang pinapakiramdaman du'n. "Malapit lang 'yun dito, sigurado ako."
"Hinukay kaya ang telephone cup, hindi tinapon," medyo hindi naniniwalang sabi ni Simi ngunit ginaya pa rin ang ginagawa ni Kimi.
"Kilala ko kung sino ang humukay nu'n," seryoso pa ring sabi ni Kimi ngunit hindi pa rin kumbinsido sa kaniya si Simi. "Kung may naramdaman kang malambot na lupa diyan, hukayin mo na 'yan dahil nandiyan ang telephone cup.."
Bago pa man matapos ang pananalita ni Kimi ay kaagad nang sumigaw si Simi. "Nahulog 'yung kamay ko!"
Agad na napalingon si Kimi sa kaniya habang gulat ang mukha. Dali-dali niya itong nilapitan saka napangiti nang makita ang kamay ni Simi na nakaipit sa lupa.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Tulungan mo 'ko!" naiiyak na sabi ni Simi kaya naman hinukay na ni Kimi ang lupa at nakitang hawak na ni Simi sa kamay ang telephone cup. "Ano 'to?"
"Yung telephone cup!" medyo malakas na pagkakasabi niya na siyang ikinagulat ni Simi. "Nahanap mo, Simi! Hay.. salamat."
Natuwa naman si Simi dahil naramdaman niya na nakatulong siya sa kaniyang mga kaklase kahit hindi siya maaaring sumali sa Mission Quarter.
"Dadalhin ko na ito kay Brian, samahan mo 'ko Kimi!" nakangiting yaya ni Simi sa kaniya saka tumayo. Sinundan naman siya ni Kimi sa kaniyang paglalakad.
Sa paghahanap ni Simi sa kaniyang mga kaklase, sina Bellas naman at Harana ay papaalis na sa rooftop.
Bababa na sana si Bellas sa hagdan nang bigla siyang tawagin si Harana. Napahinto siya at napalingon sa kaniya. "Bakit, Harana?"
Tumakbo sila papunta sa isa't isa at napahinto nang makatayo sa harap ng isa't isa.
"Bellas, may kailangan pa akong sabihin," nakangiting sabi ni Harana na siyang ipinagtaka ni Bellas.
Naiisip niya na mukhang nangyari na ito at naulit lamang muli sa araw na iyon. Nagtanong siya. "Ano ba 'yun?"
"Bellas.." nakangiting sabi niya saka mas inilapit ang mukha kay Bellas. "Alam ko kung saan nakatago ang telephone cup na main task nating hanapin."
"Sa.. saan?" gulat na tanong ni Bellas habang nakangiti ang mukha. "Pag nahanap natin 'yun, ibibigay natin 'yun sa.."
Agad sumingit si Harana sa kaniyang sinasabi. "Hindi na natin 'yun p'wedeng hanapin ngayon, Bellas. Alam kong may nakakita na nu'n sa mga oras na ito."
"Ha?" naguguluhang tanong ni Bellas saka dahan-dahang napasimangot. "Sayang naman pero paano mo nalaman?"
"Kilala ko kung sino ang nakakaalam kung saan nakatago 'yun," pilit ang ngiting sabi ni Harana ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pagkalungkot. "Alam kong du'n siya pumunta at may isinama siya para hanapin 'yun."
"Paano niya naman nalaman?" nagtatakang tanong ni Bellas dahil wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ni Harana. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Harana ang tungkol du'n.
Dumaan ang malakas na hangin na humawi sa kanilang mga buhok mula sa kanilang mukha. "Ako ang nagtago ng telephone cup na 'yun du'n kahit ang kapatid ko ang dapat na magtatago du'n."
"So, tinulungan mo lang ang kapatid mo na itago 'yun du'n?" napatango-tango si Bellas dahil pakiramdam niya ay naiintindihan na niya ang mga nangyayari. "Isang Paramount ang kapatid mo, 'di ba?"
"Oo," nakangiting sagot ni Harana sa huling tanong ni Bellas sa kaniya. "Pero hindi ko 'yun ginagawa para tulungan ang kapatid ko, ginawa ko 'yun para tulungan 'yung taong nakaalam kung saan nakatago ang telephone cup ngayon."
"Bakit?" medyo malungkot na tanong ni Bellas dahil mali ang kaniyang naisip, akala niya ay naiintindihan na niya ang lahat ngunit bigla siyang napaisip. "A! Alam ko na. Kaibigan mo 'yung taong 'yun kaya tinulungan mo, 'no?"
"Hindi ko alam.." dahan-dahang napayuko ng ulo si Harana habang nanginginig ang bibig at nakakuyom ang kamao.
Sa kabilang banda naman, itinapon ni Simi ang telephone cup papunta kay Pin nang tawagin niya ang pangalan nito.
Nang saluhin ito ni Pin, biglang dumating si Ms. Paris na mukhang gustong abutin ang telephone cup.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat