Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Lost Pen
Third Person's POV
Ang mga estudyante ng DNHS ay kaagad natapos sa kanilang task sa unang araw ng Mission Quarter. Pagkukwentuhan na lamang sa kanilang mga kaklase ang kanilang ginagawa pagkatapos nu'n.
Kahit na sa araw na 'yun unang nagsimula ang Mission Quarter, hindi naman ibig sabihin nu'n na 'yun ay parte ng quarter na iyon. Tinatawag lamang introduction at lobby day ang araw na 'yun, sa araw na ito magsisimula ang totoong unang araw ng Mission Quarter.
Dahil wala nang klase at nagpahinga muna ang mga YJC sa kanilang mga trabaho upang mag-participate sa quarter, nakasarado ang gate ng lahat ng building at laging mananatili ang mga estudyante sa gymnasium. Ang mga Campus ang gagamit sa unang lumang gymnasium habang ang mga Paramount ay nakahiwalay sa kanila at nasa kabila na bagong gymnasium. Nakakapunta pa rin ang mga Paramount sa gymnasium ng Campus kung ito ay importante o may gagawing announcement sa loob.
Kahit na-realize ni Simi ang sinabi sa kaniya ni Kimi, naisipan niya pa rin na palaging susundan at titignan ang mga kaklase habang ginagawa nila ang mga tasks na ipinapagawa sa kanila.
Ang mga Paramount ang gagawa ng tasks para sa Campus habang may espesyal na tao ang pupunta na siyang gagawa sa tasks ng Paramount. Kaya gumamit ng ibang gymnasium ang Paramount para sa kanila dahil gusto nilang manatiling sikreto ang katauhan ng taong espesyal na iyon.
Nasa kalagitnaan na ng tanghali nang makatapos ng tatlong tasks ang section ng Aguinaldo. Tulad ng pinangako nila sa isa't isa, hindi sila umalis sa ngalan ni Simi.
Uminom muna sila ng tubig saka nagpahinga sa kanilang pole. Pinagpapawisan naman si Brian kaya pinaypayan niya ang kaniyang sarili.
"Ayos lang naman sigurong maghubad, 'di ba?" biglang tanong ni Brian sa kaniyang mga kaklase na ikinagulat ng mga babae.
"Wag kang maghububad dito, a?" matalim ang tingin na sabi ni Rhea sa kaniya ngunit biglang umakyat si Brian papunta sa itaas ng puno na siyang ipinagtaka ni Rhea. Napatingala siya. "Hoy!"
"Alam kong ayaw mo lang ako makitang maghubad kaya 'wag ka nang tumingala," sigaw sa kaniya ni Brian saka nagsimulang hubarin ang pang-itaas na damit niya.
Agad namang umiwas ng tingin si Rhea at nagpanggap na walang nakita. Nagpanggap na lamang siya na nakikipagkwentuhan sa iba nilang mga kaklase.
Si Charlotte naman ay kausap ang lalaking nerd. Tinatanong niya ito. "By the way, anong pangalan mo?"
"Hindi mo pala alam?" medyo gulat na tanong ng lalaki sa kaniya na siyang itinango lamang ni Charlotte. "A.. Grey Tagsa."
"O.." napatango-tango si Charlotte habang namamanghang tinitignan si Grey. "Grey pala, okay. Noted!"
"Di ba sabi mo sa akin kanina may itatanong ka sa 'kin?"
Muling naalala ni Charlotte ang tinutukoy ni Grey sa kaniya. "A.. oo. Ano sa tingin mo ang susunod na magiging task natin?"
"Sorry?" medyo naguguluhang tanong niya kaya nasabi ni Grey iyon sa kaniya. "Yun ang tanong mo, tama?"
"Oo," nakangiting sagot ni Charlotte na siyang ikinaliit ng isang mata ni Grey.
"Ma.. malay ko ba kung ano," pilit ang ngiting sabi ni Grey sa kaniya na siyang ikinasimangot ni Charlotte saka nagsimulang mag-isip.
Napabuntong-hininga si Rhea saka kinalabit si Charlotte. "Bakit mo pa tinatanong ang tungkol sa ganyang mga bagay?"
Sa kabilang banda naman ay kausap ni Bellas ang isa nilang kaklase na babae. "Ilang points na ang nakuha ninyo?"
"Ha?" nagtatakang tanong ng babae saka napakunot ng kaniyang noo. "What do you mean by 'ninyo'? 'Di ba ginagawa naman natin ito ng magkasama?"
"O!" napakalmot ng ulo si Bellas nang maalala ang tinutukoy ng babae. "Sorry, akala ko kasi nagkaniya-kaniya pa rin tayo kase parang kailan lang nu'ng nangyari 'yun, 'di ba?"
"O! I'm sorry, too. It made you traumatized?" nag-aalalang tanong ng babae sa kaniya na siyang ikinayuko lamang ni Bellas. Hinimas ng babae ang likuran ni Bellas. "It's okay, don't overthink about it anymore. Maayos na tayo ngayon."
Lahat ng estudyante ay naghihintay lamang ng susunod na magiging instructions para sa last task nila sa araw na ito. Kada isang araw, bibigyan lamang sila ng apat na tasks sa iba't ibang level. Una ang easy, medium, hard at expert.
Si Simi naman ay biglang umalis dahil naiihi na siya at sunod namang dumating si Pin pagkatapos ng preparations sa back stage ng gymnasium.
"Keep it up, everyone. Galingan natin para mataas ang points na makukuha natin sa quarter na ito!" pagchi-cheer sa kanila ni Pin kaya halos nabuhay muli ang gana ng mga babae nang makita siya.
Kilala talaga si Pin sa kanilang klase dahil sa kaniyang mala-prinsepeng kagwapuhan at maituturing siyang isang 'ideal prince charming'.
"Salamat, Pin!" nakangiting sabi ng isa nilang kaklase na may lihim na pagtingin sa kaniya noon. Nginitian siya ni Pin na siyang ikinamula ng kaniyang pisngi.
Bumulong sa kaniya ang kaniyang kaibigang babae. "Yung mga titig mo, best. Baka matunaw ka na niyan tulad ng isang sorbetes."
"Ma.." pinalo siya sa balikat ng babae saka sinenyasan siya na manahimik. "Marinig ka lang talaga niya ngayon, lagot ka talaga sa 'kin."
"Pin, hanggang kailan ka magtatrabaho sa YJC?" tanong sa kaniya ni Bellas na nacu-curious kung ano ang pakiramdam na maging bahagi ng YJC. "Maiinis talaga kami sa 'yo 'pag wala kang nai-contribute para sa 'tin."
"Eh?" nagtatakang tanong niya saka napalingon sa iba niyang kaklase. Napabuntong-hininga siya, napahawak sa kaniyang baywang saka ngumisi habang nakayuko ang ulo. "Kaya nga nandito na ako dahil sasama ako sa inyo ngayon."
"Yehey!" sabay-sabay silang nagtalunan sa tuwa maliban sa isa nilang kaklase na si Bellas. Hindi pa rin siya kuntento sa naging sagot ni Pin.
Tinalikuran niya ang kaniyang mga kaklase ng makaramdam ng pagiging out of place saka naisipang pumunta sa comfort room.
Dahil tinatawag itong 'comfort room', para kay Bellas, ito talaga ang lugar na komportable para sa kaniya. Nang makapasok siya sa second cubicle ay umupo siya sa ibaba ng toilet saka niyakap ang kaniyang tuhod.
"Anong nakakatuwa du'n? Ang sabi niya 'ngayon', malay niyo naman na ngayon lang 'yun mangyayari," malungkot na bulong niya sa kaniyang sarili saka sinubsob ang mukha sa magkayakap niyang tuhod. "Bakit kailangang mawalan ng isang parte ang Aguinaldo? Tapos nararamdaman ko pa na mukhang hindi namin kasama si Pin dahil sa pagkawala ng kaniyang presensya sa loob ng classroom lalo na ngayong quarter."
Sa kabilang cubicle ay narinig ng isang babae ang binubulong ni Bellas. Nang mabuksan niya ang pinto ay nataranta si Bellas at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya.
Iniisip niya na baka may nakarinig at 'yung gumawa ng ingay na 'yun ang taong nakarinig sa kaniya.
Kahit kinakabahan, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng cubicle kung nasaan siya at nakita ang babae mula sa pintuan ng kabilang cubicle.
"Umiiyak ka ba?" naiiyak na tanong ng babae sa kaniya na siyang ikinagulat ni Bellas.
"Umiiyak ka rin?" tanong naman ni Bellas pabalik sa kaniya nang mapansing nasa parehong sitwasyon sila ngayon.
Agad na nagkasundo ang dalawang babae at naisipang mag-usap sa itaas ng rooftop. Hawak ng babae ang susi ng gate dahil sinabihan siya ng kaniyang kapatid na isang Paramount na itago muna ang susi na iyon at dalhin na lamang niya ito kapag aalis siya.
Nang makarating na sila sa itaas, napatingala sila sa itaas at nasilaw dahil sa araw. Naramdaman din nila ang pag-init ng kanilang katawan kaya naman naghanap sila sa paligid ng bagay o lugar na p'wedeng masilungan.
Agad nakahanap si Bellas ng malaking payong at nakahanap naman ng dalawang upuan ang babae mula sa kabila. Nagtawanan sila nang makita kung ano ang kanilang nahanap saka pinatayo ang malaking payong at umupo na sila sa dalawang upuan.
"Ang ganda sanang pumunta rito kung hindi lang mainit," pilit ang ngiting sabi ni Bellas na itinango lamang ng babae.
Sabay silang lumingon sa isa't isa. Napalunok si Bellas ngunit biglang napahinto nang makitang nakangiti sa kaniya ang babae. "Harana Paris. Ikaw?"
Nu'ng una ay nagtataka si Bellas kung bakit 'yun sinabi sa kaniya ng babae ngunit kalaunan ay nalaman na nagpapakilala ito kaya nginitian niya rin ito pabalik. "Bellas Oakward."
Sa pagbabalik ni Simi mula sa pag-ihi, napakunot siya ng noo dahil narinig niya ang naging pag-uusap nina Bellas at Harana sa loob ng comfort room dahil nandu'n din siya nu'ng mga oras na iyon.
Napaisip siya na baka magkakilala ang dalawa at binalewala na lamang ito dahil kahit hanapin niya ang mga iyon, hindi niya sila matatagpuan dahil hindi rin naman niya alam kung saan sila nagpunta.
May napansin siyang kakaiba sa gate na malapit sa comfort room at papunta ito sa itaas ng building ngunit hindi na siya nag-abala pa na lumingon dahil nae-excite na siyang malaman kung ano ang magiging task ng mga Campus para sa huling task ng mga ito.
Pagkarating niya du'n, nakita niyang nagkalat-kalat na ang mga estudyante na para bang mga langgam. Mukhang may hinahanap silang kung ano. Ang iba ay nagsimula nang maghukay sa lupa, ang iba ay umakyat sa mga puno at ang iba naman ay palinga-linga sa paligid.
Nataranta siya nang ma-realize na nagsisimula na sila at ginagawa na nila ang kanilang task ngayon ngunit nagtaka siya dahil may naramdaman siyang kakaiba sa paligid. Isang madilim at mabigat na atmosphere na nanggagaling sa bawat isa.
Muli niyang naalala ang mga nangyari sa Mission Quarter nu'ng nakaraang taon. Nakaramdam na rin siya ng ganu'ng pakiramdam at isa lang ang ibig sabihin nu'n.
Napalunok siya habang nakatayo ng mag-isa sa gitna ng campus. Napasabi siya sa kaniyang isipan na ito ay simula na ng pagiging seryoso ng mga estudyante dahil ito ay isa laban sa lahat.
Magkukumpitensya sila para sa makukuhang puntos, ito ay tinatawag na 'Stuck On War'. Ang unang makakatapos ng task ang siyang makakatanggap ng mataas na puntos kaysa sa kaniyang magiging kasunod.
Kumaripas ng takbo si Simi habang hinahanap ang kaniyang mga kaklase sa paligid. Halos naikot na niya ang buong campus ngunit wala siyang nakitang kahit anong senyales na dumaan du'n ang kaniyang mga kaklase hanggang sa makita niya ang mga ito sa garden.
Napabuntong-hininga siya sa disappointment sa kaniyang sarili dahil inikot niya pa ang buong campus ngunit nasa likod lang pala ng building nila ang mga ito.
Pagkarating niya du'n, nalaman niya kung ano ang nagaganap sa mga oras na iyon. "Anong klaseng pen ba ang kailangan nating hanapin?"
"Yung pen daw ng principal, kulay blue ang ink pero wala nang ink sa loob nu'n," sagot ni Rhea sa isang kaklase habang tsinetsek ang mga halaman.
Napanganga si Simi nang makita kung ano ang nangyari sa mga tanim sa garden dahil ang iba rito ay nagkalat na sa lupa. Napasabunot siya sa kaniyang sarili habang umiiling-iling.
Nakita niya si Pin na tsinetsek ang matataas na damo kaya naman sumigaw siya. "Pin! 'Yung mga halaman sa garden, watak-watak na!"
"Ha?" kaagad na lumingon si Pin pagkatapos sumigaw ng dahil sa gulat at nakita ang makalat na paligid. Nanlisik ang kaniyang mga mata. "Anong ginawa ninyo sa mga halaman?"
Nabigla ang kaniyang mga kaklase ng dahil sa sigaw ni Pin dahil hindi pa nila ito naririnig na sumigaw ng ganu'n kalakas sa buong buhay nila. Nagmamadali nilang ayusin ang mga tanim at inilagay ang mga ito sa dati nilang kinalalagyan ngunit kitang-kita pa rin sa itsura ng mga halaman na watak-watak na ito.
"Sorry, Pin. Hinanap kasi namin sa ilalim nito ang pen na hinahanap natin."
"Sinisigurado lang naman namin na clear na ang area na 'to bago tayo umalis."
"Ako talaga ang dapat mag-sorry, Pin dahil ako ang nagsabi sa kanila na maghanap sa mga halaman."
"Ako naman talaga siguro ang dapat na mag-sorry dahil niyaya ko pa ang mga kaklase natin sa garden."
Sunod-sunod na sabi nila saka sabay na iniyuko ang kanilang mga ulo. Gumaan namang muli ang loob ni Pin saka napailing-iling. "Basta, 'wag niyo nang uulitin iyon. Ako nang bahala ang kumausap sa gardener para sa mga halaman.."
Sa likuran, biglang lumitaw ang isang nakakatakot at madilim na awra ng kung sino. Nang lumingon ang lahat sa kaniya, isang babaeng Paramount ang tumambad sa kanilang paningin.
Napalunok si Simi dahil kilala niya ang taong iyon. "Ms. Paris?"
"Anong. ginawa. ninyo. sa. halaman. ko?" inis na sabi niya habang iniisa-isa ang pagkakasabi ng mga salita. Pinipilit niya na hindi sila sigawan sapagkat naiintindihan niya na parte ito ng quarter.
"A.. e.. pasensya na, Ms.."
Bago pa man matapos sa pananalita ang isang estudyante ay sumingit na kaagad si Pin. "Ako na ang bahalang pumalit sa mga halaman dito, 'wag niyo lang kami i-disqualify."
"Disqualify?" natatawang tanong ni Ms. Paris saka inirapan si Pin. "Hindi ko kayo idi-disqualify dahil ibabagsak ko lang kayo."
"Pasensya na po talaga!" biglang sabi naman ni Grey habang nakayuko ang ulo sa harapan ni Ms. Paris. "Bigyan niyo na lang kami ng punishment, 'wag niyo kaming ibagsak."
Napaisip-isip si Ms. Paris. "May point ka diyan pero kaya niyo bang gawin ang lahat ng ipapagawa ko sa inyo?"
"Ano ba 'yung ipapagawa mo sa amin?" tanong ni Pin ngunit na-disappointed si Ms. Paris sa kaniya.
"Sagutin niyo muna ng oo o hindi bago ko sabihin. Are you willing to do everything I ask you to do?"
Napatingin sa isa't isa ang mga kaklase ni Simi saka tinanguhan si Ms. Paris. "We're willing to, Ms. Paris!"
"What the.." napaawang ang mga labi niya habang nakatulala sa kanila. "Ginawa niyo ba ngayon ang tinatawag naming 'non-verbal communication'?"
Napakunot ang lahat ng kanilang noo, napatingin sa isa't isa at inilingan siya. "No, Ms. Paris."
"Pin!" agad na sigaw niya kay Pin na siyang ikinabigla ni Pin. "Tinuruan mo ba sila?"
"No, Ms. Paris," diretsong sagot niya saka napasulyap kay Simi na nagtataka kung ano ang nangyayari. Pati sa paniniwala ni Simi ay ginawa rin ng kaniyang mga kaklase ang non-verbal communication.
Napabuntong-hininga si Ms. Paris at mukhang walang magawa. "Okay, I'll leave the garden to you. I'm not a gardener pero pagmamay-ari ko ang mga halamang nandiyan. Gusto ko, simula ngayon, kayo ang magiging gardener nito."
"Pasok na po ba kaming lahat sa YJC?" nagniningning ang mga mata na tanong ni Charlotte kaya napahinto si Ms. Paris at lumingon sa kaniya.
Nginitian niya ito. "No," at bumalik mula sa dating itsura ang mukha bago sila tinalikuran.
Napasimangot naman si Charlotte ngunit tumalon sa tuwa ang mga kaklase ni Simi. "Nice! Walang punishment."
"Bumalik na tayo sa paghahanap!" maawtoridad na sigaw ni Pin sa kaniyang mga kaklase kaya naman napaestatwa silang lahat. "Bakit?"
Agad silang nagkilos habang hinahanap ang pen na pinapahanap sa kanila para sa task na ito.
Sa pagtatapos ng usapan nina Bellas at Harana na nasa itaas ng rooftop, nagpaalam na si Bellas kay Harana na aalis na siya dahil babalik na siya ulit sa kanilang section.
Biglang napatigil si Bellas sa kaniyang paglalakad paibaba ng hagdanan nang tawagin siya ni Harana. Napalingon siya. "Bakit?"
"Alam ko kung ano ang task ngayon!" nakangiting sigaw ni Harana sa kaniya kaya muling bumalik si Bellas sa kaniya.
"Kung alam mo, sumama ka na sa akin at bumaba na tayo. Baka may makakita pa sa atin dito," pag-anyaya ni Bellas kay Harana saka hinila siya ngunit biglang napatigil nang may makitang kung anong shadow ng isang bagay na hawak ni Harana sa kaniyang shadow.
Nang lumingon siya kay Harana, inilapit ang bagay na iyon sa kaniyang mukha. "Task number four, find the lost pen of Mr. Ultimo slash the principal. Description, the pen has blue ink but now it's already gone."
"Seryoso ka? Ito talaga ang task?"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat