Eye to Eye

There's one similarity of you and me,
We're both normal until we got thrown out.
We still live even we don't exist anymore
In their vision, mind or dreams.
***
Simi's POV
"Brian, ibaba mo 'ko!" pamimilit ko sa kaniya habang dinadala niya ako papunta sa mga kaklase ko.
Napahinto at natahimik naman sila na siyang ikinatuwa ko kaya sumabay na ako sa flow.
Nginitian ko si Brian na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa akin kahit gustong-gusto nang sumabog ang puso ko sa kaba. "Brian, salamat sa pagiging lalaki mo sa 'kin. Naa-appreciate ko ang naging efforts mo. Kahit patay na ako, naririnig mo pa rin kung anong sinasabi ko."
"Nararamdaman ko na nandito pa rin si Simi," biglang sabi ni Brian sa kaniya habang kumikinang-kinang ang mata. Napatingin siya sa langit. "O, mahal kong Simi, sana ay makabalik.."
Bago pa man siya matapos sa kaniyang pananalita ay binato ko siya ng maliit na bato. Napakagat ako ng labi ko habang inis siyang tinitignan. "Wag mo 'kong matawag na ganyan!"
"Kita niyo?" parang wala sa sariling sabi ni Brian sa mga kaklase ko habang nakaturo sa akin. "Naramdaman ko ang pagmamahal ni Simi para sa 'kin kaya magsitigil kayo sa pakikipag-away. Bring peace to each other.."
Bago nanaman siya matapos sa kaniyang pananalita ay binato ko siyang muli. "Mag-isip na kayo ng magiging pangalan ng Pole."
"O!" bigla niyang itinaas ang kaniyang daliri upang tawagin ang atensyon ng lahat. "By the way, kailangan na nating mag-isip ng magiging pangalan ng Pole natin," bigla siyang nagseryoso saka napahinga ng malalim bago muling magsalita. "Sa mga gustong mag-solo, duo, trio o magkaniya-kaniya, p'wede na kayong umalis. Pero sa ngalan ni Simi na President natin, hindi ako magsosolo. Patunayan natin sa kaniya na kaya natin kahit hindi na natin siya nakakasama."
Naging maluwag ang pakiramdam ko nang makitang sumasang-ayon ang lahat sa sinabi ni Brian saka mas lalong dumikit sa isa't isa habang nakabilog.
Nakita ko namang nginitian ni Charlotte si Rhea at niyakap naman ni Rhea ng mahigpit ang kaibigan habang naiiyak. "Sorry!"
"Mabuti naman at nagkaayos na kayo," nakangiting sabi ni Bellas saka niyakap din ang dalawa. Nakaka-heartwarming na tignan sila. Mas gusto ko 'to kaysa sa nakikita ko kanina.
Nagsimula na silang mag-usap usap at kahit hindi ko marinig ay alam ko na magkakasundo sila sa magiging pangalan ng pole.
Muling nagsalita ang speaker. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang hindi pa pala kami late. "Attention to all students. Listen to me please," lumingon ang lahat ng estudyante sa babae. Nanlaki ang mga mata ko nang malamang ito ang Paramount na nakausap ko nu'ng nasa garden ako. "Magsisimula na sa mga oras na ito ang Mission Quarter. Naging handa naman siguro kayo para sa araw na 'to, 'di ba? Ito rin ang pinakamasayang quarter na mangyayari sa buong school year natin ngayon dahil walang mangyayaring discussions, no more answering long quizzes, do your projects and practice for your performance outputs. Our marks will be graded based on the criteria. Individual or not, it will be added for your points but take note, kung gagawin ninyo ang task ng mag-isa, mas mataas ang markang makukuha. Do you understand?"
"Yes, Ms. Paris!"
Napalingon sa isa't isa sina Brian nang marinig iyon ngunit napangiti lamang siya saka nagtawanan. Napangiti na rin ako nang malamang walang aalis sa section kahit anong mangyari, kahit mataas pa ang makukuhang marka. Walang makasarili sa section namin dahil mas kilala ko sila kaysa sa ibang tao.
"The first task will be speaking infront of everyone about who you are and what pole are you in," agad na sabi ng babae na siyang nagpatahimik sa lahat. "Why? May problema ba?"
Itinaas ng isang estudyante ang kaniyang kamay at pinahintulutan naman siya na magsalita. "Kailangang isa-isa o magpapaunahan kami?"
"The same strategy tulad ng nakasanayan, paunahan. This is a mission, remember? Kung sino ang unang matatapos, siya ang may mapo-promote."
Nagkatinginan ang mga estudyante sa isa't isa at ramdam ko ang talim ng kanilang mga titig. Napalingon akong muli sa mga kaklase ko ngunit wala na sila sa lugar kung saan sila nakatayo kanina.
Natataranta akong lumingon sa entablado at tulad ng inaakala ko, nasa taas na nga sila at sama-sama pa. Napabuntong-hininga ako nang may biglang humawak sa balikat ko.
Napasigaw ako ng malakas na para bang nakakita ako ng multo. Pagtingin ko sa taong iyon, napabuntong-hininga ako nang malamang si Kimi iyon.
"Ginulat mo naman ako," napahawak ba ako sa dibdib ko habang humihigop ng hangin. "Bakit ka kasi biglang susulpot na lang sa kung saan?"
Sinenyasan niya ako na kumalma. "Kalma, pinagtitinginan ka kanina ng mga tao nu'ng sumigaw ka. Daig mo pa ang artista ng horror movie sa lakas ng sigaw mo."
"Kasalanan mo kasi 'yun," sabi ko saka binalewala na lamang siya dahil nakatuon ang atensiyon ko sa mga kaklase ko.
Bago pa man sila makapagsalita ay napatingin ako kay Pin na nasa gilid lang ng entablado at mukhang nakatingin sa direksiyon ko. Napalingon ako sa paligid upang hanapin kung sino ang tinitignan niya at hindi ko naman masabi kung sino dahil sa dami ng tao sa loob.
Muli akong lumingon sa kaniya ngunit nanatili pa ring nasa gawi namin ang kaniyang tingin. Nag-assume na ako na ako ang tinitignan niya.
Tinaas ko ang daliri ko ngunit nanatili lamang siyang nakatingin. Napailing ako saka iniyuko ang ulo ko, hindi siya nakatingin, nakatitig na siya ngayon sa akin.
Muli kong inangat ang ulo ko saka nakipagtitigan sa kaniya. Nagtagal ito hanggang sa sabay-sabay na sumigaw ang crowd ng 'boo'.
Bumalik sa reyalidad ang isipan ko ngunit bigla akong tinapik ni Kimi sa balikat. Lumingon naman ako sa kaniya. "Umalis na tayo."
"Ayoko nga," kalmadong sagot ko sa kaniya saka muling lumingon sa mga kaklase ko na naninibago sa mga nangyayari. "Magagalit sa akin si Brian kapag umalis ako kahit alam kong kailangan nila ako ngayon."
"Hindi naman tayo kasali sa Mission Quarter, may naalala ka ba rati na may Underworld na nagpa-participate sa quarter na 'to?" pagpapa-realize niya sa akin na siyang ikinahinto ko. Agad naman niyang nalaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon. "O, 'di ba? Ngayon mo lang ba naisip 'yun?"
"E, wala naman silang sinabi na may Under.."
Bago pa man ako matapos sa aking sasabihin ay sumingit na si Kimi. "Hindi naman nila 'yun sasabihin dahil nakasaad sa rule natin. Memorise mo ba ang ninety-nine rules ng school?"
Napakunot ako ng noo saka napaisip. Pilit kong inaalala ang rule na tinutukoy ni Kimi at matagal bago ko muling naalala ito. 'Yung rule number twelve!
Napatingin akong muli kay Kimi. "Pero ayoko pa ring umalis, gusto kong protektahan ang mga kaklase ko."
"Ano naman ang magagawa mo nang dahil sa rules natin bilang mga Underworld? Kung gusto mo pang bumalik sa pagiging Campus, sumunod ka na lang sa rules para hindi bumaba ang marka mo."
Sinundan ko si Kimi sa pag-alis ngunit napahinto at napalingon sa mga kaklase ko na pababa na sa entablado habang patuloy pa ring sumisigaw ang crowd ng 'boo' sa kanila.
Naging mabigat ang loob ko ngunit tumalikod na ako upang hindi ito madagdagan. Kinuyom ko ang mga kamao ko saka dabog na naglakad upang maabutan si Kimi. Babalik din ako sa Campus, 'wag kayong mag-alala.
Nakakapagtaka kung bakit napatitig sa akin kanina si Pin o kung ako ba ang kaniyang tinititigan. May gusto ba siyang sabihin sa akin gamit ang mga titig na 'yun?
Napaisip din ako na baka tinuruan na rin siya ng mga Paramount kung paano gamitin ang non-verbal communication skills nila sa pakikipag-usap. Ano ba ang gusto niyang iparating sa akin? Hindi naman ako nakakaintindi nu'n.
Tutal walang tao sa canteen ngayon, naisip ko na ito ang dahilan kung bakit gustong umalis si Kimi sa loob ng gymnasium.
Ang lahat ay nasa loob ng gymnasium dahil Mission Quarter. Hindi rin magtatrabaho ang mga nasa YJC dahil kailangan nilang mag-participate, mga estudyante pa rin naman sila ng school na 'nag-eexist' pa rin hindi tulad naming dalawa ni Kimi.
Nakita kong kinuha ni Kimi ang isang bote ng milktea na nasa loob ng freezer saka inabot sa akin ang isang milktea na hawak niya sa kabila niyang kamay.
Nang makaupo na siya ay sumipsip na siya sa straw nito. "Gahh.." napabuntong-hininga siya dahil sa refreshment. "Nakaka-miss uminom ng milktea sa previous campus ko," napatingin siya sa akin saka napaubo. "Este, previous campus nating dalawa."
"Hindi mo naman kailangan na isali pa ako diyan kung ayaw mo," medyo bitter na sabi ko saka uminom na rin. Biglang na-stuck sa lalamunan ko ang tapioca balls kaya napaubo ako.
Nataranta siya saka nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa cashier. "Teka, anong gagawin ko? Tubig ba?" tinanguhan ko siya kaya kumaripas siya ng takbo papunta sa loob na siyang ikinahinto ko.
Nang makabalik na siya ay ininom ko ang inabot niya sa akin na tubig saka muling napaupo. Sinenyasan ko naman siya na umupong muli. "Kumalma ka, Kimi. Hindi pa naman ako mamamatay."
"Muntik na akong mamatay kanina!" inis na sigaw niya saka kinalmahan ang pagkakasabi sa huling salita. "Magdahan-dahan ka kasi."
"Hindi ko naman kasalanan 'yun."
"Kasalanan mo talaga 'yun."
Hindi na kami muling nagkibuan dahil hindi naman ako mahilig makipagtalo lalo na sa mga taong tulad niya, hindi marunong makaintindi.
Pagkatapos uminom ni Kimi ng kaniyang milktea ay kaagad itong umalis nang walang paalam. Binalewala ko na lamang siya saka pumunta muli sa mga kaklase ko.
Malungkot naman ang mukha ni Brian nang makasalubong ko siya kaya nilapitan ko siya. "Ano nanamang nangyari?"
"Pinipilit ko lang magpakatatag!" napakuyom siya ng kaniyang kamao habang nakangiti na nakatingin sa langit. "Hayaan mo, Simi. Hindi mo na kailangang mag-alala para sa amin. Magiging ayos din kami, okay?"
Alam kong nagpapanggap lang siya na hindi niya ako nakikita kaya inintindi ko na lamang ito. "Wag mo nang isipin na nag-eexist ako, okay? May makakarinig sa 'yo, ayoko namang bumagsak ka rin sa Underworld tulad ko."
"Gagawin ko ang lahat para makapasa sa quarter na ito!"
Mukha namang mino-motivate niya ang sarili niya kaya napangiti na lamang ako saka nilampasan siya sa paglalakad. Bumalik na akong muli papunta sa campus ng Underworld.
Nang makabalik ako du'n, nakita kong nakatayo si Pin sa pagitan ng dalawang upuan. 'Yun ang upuan ko at ang upuan ni Kimi.
Tahimik ko siyang nilapitan saka napabuntong-hininga. Napalingon naman siya kaagad sa akin. Parang bumagal ang takbo ng paligid at nagiging slowmo ito sa paningin ko.
Nang lumingon na siya ng tuluyan sa akin, tinuro niya ang upuan. "Umupo ka diyan."
Sinunod ko na lamang ang sinabi niya saka umupo rito. Napalingon ako sa mga basurahang nakatambak sa gilid at nakakalat sa paligid. Maglilinis na lang ako rito mamaya 'pag nakaalis na si Pin.
"Anong gusto mong pag-usapan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya ngunit nakita ko lang na may hinila siyang malaking steel box kaya nagkaroon na ako ng ideya kung ano ang gagawin niya.
"Alam mo naman siguro ang mga rules sa lugar na ito, 'di ba?" ramdam ko ang malamig na tinig ng pagkakasabi niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Sumusunod lang siya rules, kumalma ka.
"May nilabag nanaman ba ako?"
"Hindi pa ba halata?" medyo masungit na sabi niya saka binuksan ang steel box. Tumambad ang naglalakihang bote ng mga mayonnaise, toyo at ketchup na hindi ko nakita sa canteen kanina. Kaya pala mukhang walang laman ang canteen.
Napapikit na ako ng mata ko na para bang inaantay ang pagbuhos niya sa akin ng mga iyon ngunit wala akong naramdaman na pagbuhos.
Pagbukas ko ng mata ko, nasa tabi ko na rin si Kimi habang nakaupo sa kaniyang upuan. Kasama na namin ngayon 'yung babaeng Paramount na sa pagkaalala ko ay si Ms. Paris.
Sabay na ibinuhos ni Pin ang mga bote papunta sa ulo namin kaya napapikit akong muli ng aking mata.
Napasigaw naman si Kimi. "Natamaan ang mata ko ng toyo!"
"Hindi ko na problema 'yun," malamig na sagot sa kaniya ni Ms. Paris habang patuloy pa ring binubuhos ang bote ng toyo at ketchup sa ulo niya.
Si Pin naman ay inubos muna ang isang bote ng mayonnaise bago siya kumuha ng bago. Puro mayonnaise lang ang ibinubuhos niya sa akin na siyang ipinagtataka ko.
"Tumigil ka nga muna! Ang hapdi na ng mata ko!" galit na sigaw ni Kimi kay Ms. Paris ngunit hindi siya nito pinakinggan. Nakita kong napakuyom ng kamao si Kimi saka biglang tumayo at sinakal si Ms. Paris. "Ano bang akala mo sa sarili mo? Isa ka nga talagang sakuna!"
"Mr. Habisora," agad na tawag sa kaniya ni Pin ngunit hindi siya nilingon nito. "Please, kumalma ka," pinipilit niyang pakalmahan si Kimi ngunit mukhang wala siyang naririnig.
"Kung natamaan ang mata niya, p'wede naman sigurong mag-apply ng exception 'di ba?" kinakabahang sabi ko kaya napalingon sa akin silang lahat maliban kay Kimi. "Ako na ang tatanggap sa punishment niya pero sabihin niyo sa amin mamaya kung bakit kasali si Kimi sa punishment."
"Wag kang makialam, wala kaming pakialam," seryosong sabi ni Ms. Paris kaya naging mabigat ang loob ko. "Walang exception ang dapat i-apply sa isang Underworld. Katulad ng nasa paligid ninyo, mga basura rin kayo."
"Ms. Paris, nilalabag na ninyo ang rule number seven," pagpapaalala sa kaniya ni Pin kaya napalingon si Ms. Paris sa kaniya.
Mukhang walang nagawa si Ms. Paris kundi ang manahimik saka napalingon kay Kimi. "Bumitaw ka na."
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang kumalma na ng kaunti ang itsura ni Kimi ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang inis.
Napalingon siya sa akin nang makaalis na si Sakuna. Mukhang nagdadalawang-isip siya ngunit hindi ko alam kung sa anong bagay siya nagdadalawang-isip, basta nagpapalipat-lipat lang siya ng tingin sa akin at sa kaniyang dinaraanan.
Nang makaalis na sila ay lumingon si Ms. Paris sa amin at mukhang naintindihan naman 'yun ni Pin dahil kumuha siya ng bote ng mayonnaise ulit.
Nang kami na lang ang naiwan sa lugar, bigla ko siyang tinanong. "Bakit puro mayonnaise?"
"Gusto mo ba ng ketchup o ng toyo?" sarkastikong tanong niya ngunit ramdam ko naman na parang kunwari lang iyon.
"P'wede pala akong mamili?"
"Wag ka nang magsalita," agad na sabi niya saka patuloy na ibinubuhos sa ulo ko ang mayonnaise. Nakita ko namang walang ekspresyon ang kaniyang mukha kaya 'di ko masasabi kung malungkot ba siya o masaya.
Naisip ko na lang na paliguan ang sarili ko gamit ang mga mayonnaise na ibinubuhos niya sa ulo ko. Pinunasan ko ito sa iba't ibang parte ng katawan ko.
"Salamat sa libreng paligo," nakangiting sabi ko sa kaniya habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko habang si Pin naman ay nagulat sa ginagawa ko.
"Tumigil ka nga sa ginagawa mo," nakaiwas ang kaniyang tingin nang sabihin niya 'yun. Ilang sandali ay muli kong nasaksihan ng harap-harapan ang paboritong kalmot niya sa tainga.
Author's note: Kung hindi niyo po naalala 'yung mga rules, p'wede po ninyong balikan 'yung previous chapters hanggang chapter 8. Nakalagay du'n 'yung mga basic rules kaya hanggang du'n na lang muna 'yung mga isusulat kong rules per chapters. Nagpopokus po kasi ako sa flow nu'ng story kaya wala munang ganu'n po and may sinusunod po akong word count kaya 'di ko po pwedeng isingit ito at the end of the chapter o 'di kaya ay babaan 'yung word count nu'ng chapter para kumasya ang mga rules. Hindi rin po lahat ng rules ay isusulat ko sa story, 'yung mga importante lang para walang masayang na energy XD. By the way, sumusunod pa rin po ako sa word count ng story kahit may isiningit akong note.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Joshua Bañares

    ganda

    07/05/2025

      0
  • avatar
    YangBangtan

    kakabasa ko pa lang, gandaaa!!

    24/04/2025

      0
  • avatar
    MingFyona

    angas po uwu

    17/11/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata