Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Mission Begins
Simi, I love how brave you are,
But hate the way you're unlucky.
Kimi, I love how simple you are,
But hate the way you keep on pretending.
***
Simi's POV
Wala naman masyadong nangyari sa mga nagdaang araw. Katulad ng normal, hindi naman kami nagkikibuan masyado ni Kimi. Ayoko ring magbukas ng topic dahil gagantihan niya lang ako tulad ng ginawa niya sa akin.
Ngunit ngayon, sa araw na ito, araw ng lunes ay magsisimula na ang Mission Quarter. Pakiramdam ko ay ito ang magiging pinakamasaya at pinaka-thrilling na quarter sa buong school year ko sa DNHS. Maliban sa makakasama ko nang muli ang mga kaklase ko, may tsansa na magkakausap kami kahit patago lang.
Ang Mission Quarter ay tungkol sa teamwork. Kung walang teamwork, walang maiipong points. Ito ay ginagawa by group, hindi by individual kaya importante ang communication. Mataas ang tsansa na mabibigyan ako ng pagkakataon na makausap ang mga kaklase ko dahil ako ang President nila.
Sa pag-apak kong muli sa campus na kinasanayan ko, rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid. Pinagbubulungan nila ang Section Aguinaldo.
"Paano na sila niyan?"
"May section ba na patay na ang President?"
"Ano nang gagawin nila?"
"Mapipilitan naman siguro na palitan ang President nila, 'no?"
Kahit gusto kong magalit, sumigaw at magwala ay hindi ko nagawa dahil ayokong lumabag sa rules. Baka mamaya mas tatanggalan pa ako ng tsansa na makasama ang mga kaklase ko at 'yun ang pinakaayaw ko.
Huli kaming nagkausap at nagkita ni Kimi sa entrance ng Underworld nang magpaalam na kami sa isa't isa. Nag-good luck pa kami sa isa't isa bago tuluyang maghiwalay ng landas. Sana naman ay magkita na sina Kimi at ang mga kaibigang naiwan niya.
Napuno ang gymnasium ng mga Campus, sa kabilang gymnasium naman ang mga Paramount. May ibang Paramount na nandito sa loob ng gymnasium tulad ng principal, si Pedagago at si Pedagaga.
Hinihintay ko na lang ang mga kaklase ko sa gitna nang makita ko sila mula sa kalayuan na nakapila sa pinakagilid. Agad akong pumunta du'n saka pumila sa likod. Napalingon ako sa ibang linya at nakitang may suot na scarf sa ulo ang ilang estudyante na may nakalagay na 'President'.
Tinanggal ko ang suot kong necktie saka sumulat ng 'President' bago ito itali sa ulo ko. Sumingit ako papunta sa harapan na siyang ikinangiti ni Rhea ngunit sandali lamang dahil agad na siyang umiwas ng tingin.
Kahit ganu'n, pakiramdam ko ay magiging maganda ang resulta ng Mission Quarter. Ayokong mag-isip ng negatibo ngayon. Totoo, walang halong kasinungalingan.
Nagsalita na si Pedagago nang makaakyat na siya sa entablado. "Good morning, ladies and gentlemen. Let us give a warm welcome to the Mission Quarter."
"Welcome, Mission Quarter. Join and have fun together. Wish you luck from now and forever!" sabay-sabay na sigaw naming lahat pagkatapos ay napalakpak.
"Handa na ba kayo?"
"Aye, aye! Mabuhay!"
"Handang-handa na ba talaga?"
"Sir, yes, Sir!"
"Kung handa na, sumigaw ng.."
"Attention to all DNHS. Do your best, don't worry for the rest. We are all united here! Start to love each other here!"
Pagkatapos ng introduction ay ipinaliwanag na ni Pedagago ang criteria para sa Mission Quarter. "Lately, naisip namin na baguhin ng kaunti ang criteria para sa school year twenty fifty-one hanggang twenty fifty-two. Katulad nu'ng naunang version, kailangang may teamwork pero this time naisip namin na may isang section na walang president."
Napatango-tango ako at nakita ko namang nagbulungan ang mga estudyante. Anong section naman kaya ang walang president? Kawawa naman sila.
"Alam namin na bawal mag-apply ng exceptions pero palalampasin na lamang namin ito sa ngayon. Since ang Section Aguinaldo ng Tenth Grade ay walang president, p'wede nang makakuha ng points ang isang grupo kahit by individual or by partner ito gawin. Do we all agree with it?"
"Yes, Sir!"
Halata namang mag-aagree ang lahat kahit na ayaw nila ngunit ang sabihin na walang president ang section namin? Mali 'yun.
Gusto kong sumigaw upang maagaw ang atensyon nila ngunit hindi ko 'yun nagawa. Hindi dahil natotorpe ako o naduduwag, hindi ko lang 'yun magawa dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi sila mag-aapply ng exception sa isang Underworld.
Nagulat din ako nang makitang tuwang-tuwa ang mga kaklase ko maliban kay Brian na hindi pa rin masyadong nakikipaghalubilo sa iba naming kaklase. Gusto ko siyang makausap ngunit hindi ako sigurado kung papansinin niya ba ako dahil sumusunod siya sa mga rules.
"So, the criteria are; performance equals to seventy points, all-out skills equals to sixty points, one done task equals to fifty points, teamwork, participation or cooperation equals to forty points and cleanliness and neatness around your pole or place equals to thirty points. Instead of using the term 'Section', papalitan natin ang pangalan ninyo into 'Pole'. Kailangang iba ang pangalan ng pole ninyo dahil Mission Quarter ito, katulad ng ginagawa natin nu'ng last school year, nu'ng last last school year at nu'ng andito pa ang mga dating Paramount. Ang lahat ng presidents sa bawat section ay pumunta na sa harapan para ibigay ang inyong spots. Are we all clear?"
"Yes, Sir! No more questions, Sir!"
Nagsimula nang mag-usap ang aming section tungkol sa magiging pangalan ng pole habang ako ay pumunta na sa mga pedagogue. Alam kong ako pa rin ang president ng section namin, sinabi lang nila 'yun dahil hindi na nga ako 'nag-eexist' sa school na 'to. Hindi nila p'wedeng tanggalin ang isang president sa kaniyang posisyon kung ito ay na-elect na maliban na lang kung lumipat ng ibang section o nag-transfer papunta sa ibang school. Nakasaad 'yun sa rule number twenty five.
Napa-rub ako ng baba ko. Paano ko naalala 'yung rule number twenty five kung hanggang rule number twenty pa lang ang name-memorise ko? Hindi ko pa naman sinisimulan ang pagbabasa nito.
Sinabi sa akin ng pedagogue na sa ilalim ng matandang puno ang aming spot kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa mga kaklase ko. "Lahat ay pumunta sa matandang puno malapit sa building ng Eigth Grade."
"May narinig ako na sa matandang puno ang spot natin, tara na!" nagmamadaling sigaw ni Charlotte saka hinila si Rhea kaya sumunod na rin ang iba naming kasama.
"By individual? Pwe!" biglang sigaw ni Brian nang makarating kami sa isang matandang puno sa ilalim nito.
Nagulat ang lahat sa kaniyang naging asal maliban kay Pin na wala rito dahil alam kong nagtatrabaho na siya sa ilalim ng YJC o Youth Job Committee. Nagboluntaryo siguro siya na sumali du'n dahil sinabihan siya na may potensyal siya na maging Paramount.
"Bakit bigla kang nagagalit diyan?" sinungitan siya ng isa naming kaklase. "Wala ka na ngang ginagawa diyan maliban sa pag-uupo, gumaganyan ka pa."
"Bakit pa kasi nila isinali 'yung teamwork sa criteria kung p'wedeng maging individual ito, edi mahihikayat ang ibang section na magkaniya-kaniya.."
Bago pa man matapos si Brian sa kaniyang pananalita ay pinutol na ito ni Charlotte. "Sabi nga ng pedagogue, exempted tayo. Ibig sabihin, sa atin lang naa-apply ang exception na ito dahil ang section lang natin ang walang 'President'."
"Edi mahihikayat pa rin nila ang mga kaklase natin na mag-solo o by partner gawin ang tasks, 'di ba?" tinaasan ni Brian ng boses si Charlotte na ikinainis ng lahat, hindi naman ito ang unang beses na naging ganiyan si Brian sa amin. "O, sige, kunwari may teamwork pa ring mangyayari ngayon, sa araw na ito. Pero paano bukas? Sa susunod na bukas? Sa bukas ng bukas ng bukas? Maraming magbabago kahit sa simpleng exception na 'yun dahil pagbabago pa rin naman 'yun!"
"Hindi kita maintindihan!" sigaw sa kaniya ni Charlotte saka dabog na umupo. Nagsimula na siyang umiyak. "Wala naman akong sinabi na maghihiwalay tayo."
Sunod-sunod na nagkagulo ang mga kaklase ko. May grupo na sinisigawan si Brian dahil sa pagiging masama nito at sinisigawan naman sila ni Brian pabalik dahil alam kong hindi niya gustong magpatalo. Ang mga natira naman ay nakisabay sa pag-iyak ni Charlotte habang dinadamayan ang isa't isa.
Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ngayon dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Hindi ba nila ako nakikita? Andito pa ako, o!
Napahinga ako ng malalim 'yung parang vacuum na humihigop ng hangin. Napabilang ako ng isa, dalawa at tatlo pagkatapos ay sumigaw ng malakas. "Magsitigil nga kayo! Lahat kayo!"
Halata namang narinig ako ng ibang section kaya napalingon sila ngunit nang malaman nila na ako ang sumigaw ay muli silang bumalik sa kanilang gawain.
Ang mga nag-iiyakan ay tumahimik na ngunit ang alitan ng mga grupo na kaaway ni Brian at si Brian ang hindi pa tumitigil. "Ano ba kayo, bakit kayo nag-aaway? Kahit hindi na ako nag-eexist sa school na ito, andito pa rin ako!"
"Bahala kayo basta magkaniya-kaniya na lang kami. Tara na girls, umalis na tayo," pag-aanyaya ng isa naming kaklase sabay hila papalayo ng kaniyang mga kasama.
Kahit mabigat ang kalooban ko ay binalewala ko na lamang iyon. Alam kong babalik din ang mga 'yun.
"Oo nga, dapat na talaga na maghiwalay na tayo," biglang sabi pa ng isa naming kaklase na lalaki na sa pagkakatanda ko ay katabi ni Brian. Kasama niya 'yung nerd na muntik nang matapilok sa ginawa ni Brian sa kaniya nu'ng examination. "Hindi na namin matiis ang ugali mo, Brian. Ayaw din naman naming sumama sa mga babae kaya aalis na lang kami sa pole na 'to. Pack one, pack all pa naman 'to at ayokong bumagsak."
"Ayokong mapunta sa Underworld, kayo na lang ang bahala na mag-isip ng pangalan ng pole a?" pagpapaalam naman ng tatlong babae saka umalis kasabay ang mga lalaki.
Napanganga ako habang pinagmamasdan sila na maglakad palayo. Mas lalong naging worst? Sana talaga hindi ako napunta sa Underworld. Ito ba ang ibig sabihin ng panaginip ko? Baka may galit din sila sa puso para sa 'kin ngayon.
Ang naiwan na lamang sa ilalim ng puno ay si Rhea, Charlotte, 'yung isang babae na nag-cheer up sa akin nu'ng examination, ako at si Brian. Tahimik lamang ang paligid sa pagitan namin at mukhang walang gustong magsalita.
"Ayusin niyo 'to, please.." pagmamakaawa ko habang nakayuko ang ulo. "Ayokong maghiwalay tayong lahat. Ayoko ng ganito. Huwag niyo naman sanang sirain ang kadena ng Aguinaldo, made of gold pa naman 'yun."
"Kung magkakaniya-kaniya kayo, umalis na kayo sa punong 'to," maawtoridad na sabi ni Brian saka umakyat sa sanga ng puno. "Ayokong makita ang pagmumukha ninyo kung may galit kayo sa 'kin. Paiyak-iyak ka pa, Charlotte. Matanda ka na nga."
"Manahimik ka nga!" sigaw ni Rhea sa kaniya saka inalalayan si Charlotte na tumayo. Tumingin siya sa kaklase naming babae. "Tara na, Bellas."
Napakunot ng noo ang babae. "Bella 'yun! Be.. Lla! Silent 's' kasi 'yun, Rhea," nagdadabog pa habang nakanguso. 'Yun pala ang pangalan niya.
Katulad ng ginawa ko kanina ay pinagmasdan ko lamang sila na umalis. Wala akong magagawa, sigurado naman ako na susunod pa rin sila sa rules kahit anong gawin ko. Hindi ko naman kaya na wala akong gawin pero anong magagawa ko? May magagawa ba talaga ang isang hindi nag-eexist na tao?
Biglang sumitsit si Brian na mukhang ako ang tinatawag. Sinenyasan niya ako na umakyat sa puno kaya sinunod ko na lamang ito.
Pagkarating namin sa pinakataas na bahagi nito na natatabuan ng makakapal na dahon at maraming sanga ay sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya.
Pagkaupo ko sa tabi niya ay nagsimula nang manliit ang kaniyang mga mata. Nagulat ako. "Brian?"
"Ayokong umiyak ngayon, Simi," nakakagat sa labi na sabi niya habang nakaiwas ng tingin sa akin. "Bakit ako iiyak? Mga babae lang naman 'yun!" narinig ko pa na suminghot siya.
Nanliit ang isa kong mata. Ha? Ganu'n siya umiyak? Hindi ko siya binu-bully sa isipan ko a pero hindi lang ako makapaniwala na ganu'n siya umiyak. Liliit muna ang mata niya na parang isang matanda na nawalan ng salamin sa mata tapos bigla na lang sisinghot? Ang bilis niya namang umiyak, mabilis din kaya siyang paiyakin?
"Pero.. bakit mo 'ko kinausap, Brian? Hindi ka ba natatakot?" biglang tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsinghot.
Lumingon siya sa akin kaya napakurap-kurap ako. Namumula na kaagad ang mukha niya, halatang-halata dahil maputi ang balat niya. "Saan ako matatakot, Simi?"
"Siyempre, sa paglabag sa rules," sagot ko sa kaniya saka napabuntong-hininga. "May parusa kaya kung lalabag ka sa rules."
"E may parusa ba na p'wedeng ibagsak ako kaagad sa Underworld?" biglang tanong niya kaya napahinto ako at napatulala sa kaniya. "Joke lang," tapos ngumiti siya ng sobrang lawak. Kitang-kita pati ang kaniyang mga gilagid.
Napabuntong-hininga ako saka inirapan siya. "Wag na 'wag kang magpapasaway dahil hindi na ako nag-eexist upang tulungan ka tulad nu'ng nakaraan."
"Alam ko," natatawang sabi niya saka dahan-dahang nagseryoso. "Hindi naman ako magaling makipaghalubilo sa mga kaklase ko dahil nga 'warfreak' daw ako pero gustong-gusto ko rin namang ayusin ang ugali ko. Hindi para sa kanila, kundi para sa sarili ko."
"Pumunta ka sa vulcanizing shop, ipaayos mo du'n," pambibiro ko sa kaniya ngunit halatang hindi siya natuwa rito dahil nanatiling seryoso ang itsura niya. "Joke lang," panggagaya ko sa kaniya at du'n pa siya tumawa.
Tumawa siya na halos mabutas ang kaniyang tiyan at mapunit ang kaniyang bibig. Ako ang natatakot para sa kaniya kaya nag-aalala ko siyang tinignan.
"Baliw ka talaga, President!" natatawa paring sabi niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan.
Nakita ko na muntik nang mag-slide pababa ang kaniyang pwet mula sa sanga ng puno kaya nagmamadali ko siyang hawakan sa tiyan tulad sa pag-akbay saka inilapit siya sa akin. "Gumising ka nga sa katotohanan! Mahuhulog ka na, o!"
Agad siyang napahinto sa kaniyang pagtawa saka napatulala. "Simi.."
"Ano?" agad na tanong ko nang tawagin niya ako. Nagtataka ko siyang tinignan nang makitang nakatulala pa rin siya habang nakatingin sa akin. "Uy, ayos ka lang?"
"Simi.. p'wede bang mahulog na lang ako sa 'yo?"
Sandaling napahinto ang aking paghinga at naramdaman ko ang tinatawag nilang 'paru-paro sa tiyan' ngunit agad kong binura ang pag-iimagine na iyon.
Pinalo ko siya sa balikat. "Gusto mo bang sapakin kita? Ang bigat mo kaya!"
"Ha?" napasimangot siya saka napatingin sa kaniyang tiyan. Nanlaki ang kaniyang mga mata saka lumingon sa akin at nagsimulang umatras habang dinuduro ako. "I.. ikaw ha, Simi! Pa-tsansing ka, a? Balak mo lang palang hawakan ang pinakamamahal kong tiyan!"
"May bilbil ka pa nga, e. Dalawa," panunukso ko sa kaniya kaya mas lalong lumaki ang kaniyang mga mata. "Ramdam ko 'yun, a."
Napapikit siya ng kaniyang mata saka tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay saka nagsimulang umiling-iling. "Ang.. ang bastos mo, Simi!"
"Ano ka, babae?" nanliliit ang matang tanong ko saka napabuntong-hininga. "Brian, tutal.."
"Wahh! Si Simi talaga, pa-tsansing!" biglang singit niya sa sinabi ko na siyang ikinagulat ko dahil sumigaw pa siya.
"Shh.." pagpapatahimik ko sa kaniya kaya napasilip siya sa pagitan ng dalawa niyang daliri. "May makakarinig sa atin, umayos ka nga."
Agad naman siyang nagseryoso saka bumuntong-hininga. Bumuntong-hininga rin ako dahil hindi ako makapaniwalang ganu'n siya ka-immature. So, nakita ko na ngayon ang other side ni Brian? Wow.
"Simi, hindi naman Brian ang pangalan ko," seryosong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Magsasalita na sana ako upang sabihin na huwag niya akong lokohin ngunit agad siyang nagsalita. "Bradley Ian Crozett. Brian kasi nanggaling sa 'Br-' ng Bradley at '-ian' sa Ian."
Napakurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala na hindi Brian ang totoo niyang pangalan. Napasimangot ako saka inis siyang tinignan na parang batang inagawan ng spaghetti sa party. "Ang ganda naman pala ng pangalan mo, bakit hindi mo sinabi sa akin ng maaga na hindi 'yun ang totoo mong pangalan? Hmph."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat