Homepage/Underworld, Campus and the Paramount/
Back to Zero
You live for what? What I live for?
Is it good or bad?
I live for praise and you live for escape,
It is neither good and bad.
***
Simi's POV
"Maliban sa parusa na 'yun, ang parusa ay mananatili ka sa mabaho at mabasurang campus na ito hanggang sa mailipat ka bilang Campus ulit o sa Paramount."
Napatango-tango ako sa sinabi ni Kimi. Bawal akong pumunta sa campus ng Campus o Paramount at bawal na rin akong makipag-usap sa ibang estudyante maliban kay Kimi.
"Yun lang?" nabitin na tanong ko sa kaniya kaya napakunot siya ng noo.
"Anong 'yun lang'?" medyo nairitang tanong niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "Anong magagawa ko kung ang lakas ng takbo ng adrenaline ko ngayon?"
"Anong akala mo sa Underworld? Pagkakaroon ng crush?" mas nakumpirma ko na nairita siya nang bigla niyang taasan ang boses niya sa akin. "Hindi ka ba iiyak o maiinis sa sarili mo kung bakit ka bumagsak dito?"
"Ha?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Anong akala mo sa 'kin, ganu'ng tao? Dumating na ang maitim na tadhana sa buhay ko. Kumbaga sa isang bagyo, hindi mo ito mauutusan na umalis sa buhay mo kung ayaw niya."
Napatango-tango siya saka napatingin sa malayo. Mukhang malungkot ang mukha niya ngunit tinatago niya lamang ito.
May bigla akong napansin sa mga oras na 'yun tungkol sa nasabing parusa para sa amin. "E.. kung bawal nang magpakita sa Campus at Paramount, bakit nakikita pa rin kita du'n?"
"Hindi naman ako nahuhuli ng mga Paramount kaya walang problema," nakangiting sagot niya sa akin ngunit alam kong peke lamang iyon. "Kahit din na alam ng mga Campus na nandu'n ka, wala ring silbi 'yun dahil hindi ka nila papansinin."
"Parte rin ba 'yun ng rule?" tanong ko sa kaniya na siyang nagpakunot ng kaniyang noo. "I mean hindi naman nila gagawin 'yun kung hindi parte ng rules ng school 'yun, 'di ba?"
"O.." napatango-tango siya. "Ngayon ko lang napansin," nag-snap siya ng kaniyang daliri habang natatawa. "Okay, salamat dahil pina-realize mo 'yun sa 'kin."
Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siya, kaya ba napunta siya rito dahil hindi niya nage-gets ang mga lessons nila o ano? Hay.
Medyo matagal ang oras ngunit dumating na rin ang dismissal. Naging boring ang oras dahil sobrang awkward nu'ng atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Kimi, siguro dahil na 'yun sa baguhan pa lang ako du'n at hindi ko naman siya kilala.
Katulad ng nangyari kanina, kahit nagkasabay kami ng mga kaklase ko sa paglabas sa gate ay mukhang hindi nila ako nakikita. Ayaw talaga nila akong tignan dahil sumusunod sila sa rules at ayos lang 'yun sa akin as long as hindi ako nagca-cause ng gulo sa mga kaklase ko.
Nakita ko ring napahinto si Pin at mukhang gusto akong lapitan ngunit hindi siya tumuloy. Naisip niya siguro na baka mapaparusahan siya at ayos lang din 'yun sa akin dahil gusto ko na may tumayong ibang President sa classroom habang hindi pa nagsisimula ang Missiom Quarter.
Alam ko na kahit sa madaling panahon ay gusto kong iparamdam kay Pin na siya ang mas karapat-dapat na maging President. Paano kaya kung sinabi niya na lang sa mga kaklase namin na siya ang iboboto nila, edi sana walang problema kahit nasa Underworld na ako. At isa pa, may President ba na p'wedeng hindi na nag-eexist sa school? Pambihira.
Nang makauwi na ako sa bahay ay sinalubong kaagad ako sa pintuan ng mga magulang ko. Nagmano na ako sa kanila saka umakyat papunta sa kwarto ko.
Hindi ito ang unang beses na ginawa nila sa akin ito kaya hindi na ako nagulat, hindi rin naman nila ito ginagawa sa akin araw-araw. Isa lang ang ibig sabihin kung bakit sinalubong nila ako sa pintuan at 'yun ay ang tungkol sa resulta.
Nang makababa na ako ay sinalubong nanaman muli nila ako sa hagdanan, nakataas ang dalawang kilay habang abot tainga ang mga ngiti.
"Naanunsiyo naman siguro ang mga resulta kanina, 'di ba? Teka, bakit nagkulay berde ka?" tanong ni mama sa 'kin. Umiling lamang ako saka pilit siyang nginitian. Hinugasan ko na ang mukha ko sa loob ng banyo.
"Kamusta naman ang naging resulta? Tumaas ba ang marka mo?" dagdag naman na tanong ni papa sa akin.
Kinurot siya ni mama sa kaniyang tagiliran. "Ano ka ba! Kahit naman katulad pa rin sa dati ang marka niya ay ayos lang basta hindi siya bumagsak."
Napangiti na lamang ako ng ngiting malungkot, 'yun bang pinipilit mo na lang ngumiti dahil alam mong kabaligtaran ang nangyari.
"O?" napapangising tanong ni papa na kaunting-kaunti na lang ay tatalon na sa tuwa na parang nanalo ng isang bilyon sa loto. "Anong ngiti 'yan, Simi? Pumasa ka ba? O ang mas malala, napunta ka na sa Paramount?"
"Nice!" tuwang-tuwa na sabi ni mama saka nagtalunan sila sa ere ni papa habang nakahawak sa kamay ng isa't isa. "Kailangan na nating magdiwang para sa.."
Agad na akong sumingit sa sinasabi ni mama bago pa niya matapos ito. "Hindi niyo na kailangang magdiwang, ma.. pa.."
"Huwag ka ngang maging mahiyain sa amin, Simi," tinusok ni papa ang aking tagiliran gamit ang kaniyang daliri. "Minsan lang 'to mangyayari."
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin," nakayuko ang ulo ko habang sinasambit iyon. Ayokong makita ang kanilang magiging reaksiyon kapag sinabi ko ang totoo. "Ang totoo kasi.. na.. napunta na ako sa Underworld."
Katulad ng inaasahan, natahimik ang paligid at tanging tunog ng kumukulong tubig ang maririnig. Abot hanggang sa kasuluk-sulukan ng sala ang aming hininga habang hindi pa umiimik.
"Underworld ba 'ka mo?" paniniguradong tanong sa akin ni mama na siyang ikinatango ko lamang ngunit medyo mabagal. "Bumagsak ka ba?"
Tinanguhan ko ulit siya ngunit walang ano-ano ay bigla akong sinapak ni papa at lumipad ang aking katawan papunta sa pader kung nasaan ang bintana. Tumama ang likuran ko sa grills nito bago dahan-dahang napaupo sa sahig.
"Bumagsak ka? Ha? Anong klaseng balita 'yan!" galit na galit na sigaw ni papa saka nilapitan ako at muli akong sinapak sa kabila kong pisngi. "Pinapaaral ka namin, pinapakain ng maayos tapos ito ang maririnig namin sa huli?"
Lasang-lasa ko ang lansa ng dugo na lumalabas sa bibig ko. Nanggagaling ito sa gum ngunit napalunok na lamang ako.
"Tama na 'yan," pagpapatigil ni mama kay papa hindi dahil naaawa siya sa akin o dahil ayaw niyang makitang sinasapak ang kaniyang anak. "Wala na tayong magagawa sa katotohanang bobo ang anak mo."
"Ha?" galit siyang tinignan ni papa. "Wala akong anak na bobo tulad niya, baka naman may nakabuntis sa 'yo na ibang lalaki."
"Ano?" inis siyang nilapitan ni mama. "Anong akala mo sa 'kin, lalakero? Ikaw ang nangangaliwa sa ating dalawa, tandaan mo 'yan!"
Ito ang pinakaayaw kong tagpo sa loob ng bahay namin. Mga malalakas na sigaw, mga pagsigaw ng masasakit na katotohanan, mga sapakan, bugbugan at iba't ibang paraan ng sakitan. Ayokong may masasaktan at ayokong may mangyayaring hiwalayan.
Ngunit anong ginawa ko? Binigo ko sila. Ang pagkakaroon na nga lang ng mataas na marka ang magpapasaya sa kanila, hindi ko pa nagawa. Mali ba na pinabayaan ko ang pag-aaral ko? Saan ba ako nagkulang? Sana mapuno ko ito kahit kaunti lang.
Pilit kong inaalala ang mga nangyayari sa nakaraan habang pilit na sinasarado ang tainga sa alitan nina mama at papa. Kung hindi ang examination ang dahilan kung bakit bumagsak ako, saan at bakit hindi ko nalaman?
Dahan-dahan akong umakyat papunta sa kwarto ko habang lumulunok ng laway. Kasabay ang dugo sa gums ko na siyang nagpapalansa ng aking panlasa ngunit tiniis ko lamang iyon saka uminom ng tubig mula sa maliit na lalagyan ng tubig sa loob ng kwarto ko.
Pagkaupo ko sa kama, kaagad kong tinawagan ang principal. Naka-save sa contacts ng mga estudyanteng nag-aaral sa DNHS ang cell phone number ng principal para matawagan namin siya anytime.
Nu'ng unang subok ko ay biglang nag-hang up ang cell phone ngunit nu'ng sinubukan ko ulit ay sumagot na ang principal.
"Bakit ka napatawag, Sonata?" pagtatanong sa akin ng principal kaya napaisip ako ng mabuti kung ano ang una kong itatanong sa kaniya.
May rule kami na hangga't maaari ay magtanong lang ng isang tanong sa tuwing magtatanong ang isang Campus sa isang Paramount. Dapat ang tanong mo ay straight to the point, hindi 'yung tanong ka ng tanong pero isang tanong lang naman ang kailangan mo.
"P'wede ko bang.."
Bago pa man ako matapos sa aking pananalita ay biglang sumingit ang principal na para bang alam na niya kung ano ang itatanong ko sa kaniya. "Bukas pa maaaring makuha ang mga report cards at performance stats. May iba ka pa bang tatanungin?"
Katulad ng inaasahan, tama ang naging hinala ko. Ano pa ba ang p'wedeng itanong ng isang Campus sa principal kung bumagsak ito sa Underworld nang hindi nalalaman kung paano o saan siya nagkulang.
"Wala na, Mr. Ultimo. Pasensya na sa abala," pagpapaumanhin ko sa kaniya saka hinintay na babaan ng principal ang tawag.
Napakurap-kurap ako nang makitang hindi pa niya hinung-up ang tawag. Muli kong inilapit ang aking tainga sa cell phone nang bigla siyang magsalita. "Kung wala ka nang tanong, gusto ko lang sabihin na male-late ang pagpasok ng Mission Quarter dahil sa magiging preparations ng school head para rito. In short, kailangan mong magtiis sa campus ng Underworld for few days bago mo muling makita at makasama ang mga kaklase mo. Too bad to say na ang isang President ay napunta sa Underworld dahil sa poor performance niya sa school. That's all and I'll hang up the call now."
Nang babaan na niya ako ay napahinga ako ng malalim. Kahit hindi ako nakakaramdam ng lungkot, naramdaman ko na may lumabas na malamig na luha mula sa kaliwa kong mata. Kung may tears of joy, ang tawag naman dito ay tears of frustration.
Hindi ako lumabas ng kwarto dahil alam kong hindi nila ako pakakainin sa mesa lalo na't nalaman nila na bumagsak ako. Hindi naman ako galit sa kanila ngunit napapaisip ako kung bakit mahalaga sa kanila ang mataas ng marka.
Ang sinabi kanina ni mama tungkol sa marka ko na kahit hindi ito tumaas basta makapasa lang ay ayos na sa kaniya huwag lang ako bumagsak ay pawang kasinungalingan. Alam ko na ine-expect niya pa rin na makakakuha ako ng mataas na marka tulad ni papa.
Pinunasan ko na agad ang aking luha. Hindi ito ang oras para umiyak ako sa bagay na nangyari na. Hindi totoo ang tadhana at hindi ito pinagplanuhan ng tinatawag nilang 'tadhana' ngunit nangyari ito dahil sa pagiging pabaya ko. Kailangan kong magsikap at mapunta sa Campus ulit hangga't hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa ako at hinding-hindi ako susuko.
Natulog ako nang hindi kumakain. Kahit tumutunog ang tiyan ko ay pinilit ko pa rin na ipikit ang mata ko at matulong ng mahimbing.
Nagkaroon ako ng isang masamang panaginip tungkol sa akin na nakatayo sa gitna ng campus ng Paramount. Nu'ng una ay walang tao sa paligid tulad ng nakita ko nu'ng pumunta ako sa classroom kanina.
Umulit ang mga pangyayari, kung ano ang ginawa ko kanina ay 'yun din ang ginawa ko sa panaginip ngunit huminto ang lahat at biglang umiba ang tagpo nu'ng lumabas ako sa classroom. Sunod-sunod na naglitawan sa paligid ko ang mga kaklase ko habang nakatalikod sa akin, nagbubulungan sa isa't isa.
Nilapitan ako ni Rhea at Charlotte. "Kamusta, President? Ano ang pakiramdam na mapunta sa Underworld?"
"Hindi maganda, bakit?" pilit na ngiting sagot ko sa kanila na siyang tinawanan nilang dalawa. Sunod-sunod na ring nagtawanan ang iba kong mga kaklase. "Bakit kayo tumatawa?"
"Mapupunta na ako sa Paramount, Simi," nilapitan naman ako ni Pin habang nakangiti sa akin. Nginitian ko rin siya.
"Mabuti naman para sa 'yo, good luck a?" pilit na ngiting sabi ko ngunit sa kaloob-looban ay sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung dahil ito sa sakit o ano.
"Hindi mo na kailangang mag-good luck sa akin, Simi. Halata naman na mas nararapat ako na maging President kaysa sa 'yo," nagulat ako nang sabihin niya 'yun. "Nagulat ka? Siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat sa President naming kasali naman sa Top pero bumagsak."
"Paano na kami niyan kung patay na ang President namin?" singit naman ni Brian kaya sunod-sunod na lumapit sa akin ang mga kaklase ko at gumawa ng malaking bilog ng mga tao sa gitna ng corridor.
Ang mas kinatatakutan ko, sabay-sabay nilang ibinigkas ang limang salita habang pumapalakpak kasabay ng pagkakasabi nu'n. "Our. President. Is. Already. Dead."
Naramdaman ko na may tumulak sa akin patalikod kaya nahulog ako sa isang malalim na butas habang may mga papel na hinuhulog sa butas na iyon. Unti-unting natakpan ang aking paningin ng kulay itim hanggang sa makarating ako sa dulo nito ay biglang nagising sa reyalidad.
Sunod na tumunog ang tiyan ko na hudyat na gutom na gutom ako. Pinilit kong bumangon mula sa aking higaan ngunit nahulog ako mula sa kama at natamaan ang mukha ko sa sahig. Tumama ang matigas na bahagi ng sahig sa nagdurugo kong gums kanina kaya muli akong nakalasa ng malansang dugo.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kusina saka naghanap ng makakakain na parang isang hayok na hayok nang kumain na aso.
Nakasalubong ko si papa na mukhang kakalabas pa lang mula sa banyo dahil may hawak siyang tuwalya. Napahinto siya nang makita ako at napayuko naman ako nang makita siya.
"Hindi ka pa kumakain, 'di ba?" tanong niya sa akin ngunit hindi ko siya sinagot dahil kahit anong gawin ko ay hindi niya ako pahihintulutan. "Natulog ka nang hindi kumakain, tama?"
Hindi pa rin ako sumagot kaya naman sinapak niya ako sa pisngi muli. Nilapitan niya ako saka hinila ang buhok ko papunta sa taas ng sobrang lakas.
"Bakit hindi ka sumasagot? Tinatanong na kita ng kalmado ngayon!"
Hindi pa rin ako sumagot kaya muli niya akong sinapak. Ang kaninang nagdudurugo kong gums ay mas lalong lumala. Napatitig siya sa mata ko saka dahan-dahang nag-iba ang emosyon ng kaniyang mukha.
Ilang sandali ay napapikit siya ng kaniyang mata saka napahilamos ng mukha. "Anong ginagawa ko sa sarili kong anak?"
Kahit gusto kong magulat ay hindi ko magawa dahil sumasakit ang buong mukha ko sa lakas ng pagkakasapak ni papa sa akin kanina.
"Simi, sabihin mo nga sa 'kin.." dahan-dahan siyang humarap sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay ng mahigpit. "Nagkulang ba ako? Hindi ba ako naging mabuting ama sa 'yo nitong nakaraang buwan o nakalipas na mga taon?"
Napakurap-kurap lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. "Ayos lang sa akin kahit magalit ka, matuwa ka o maiyak ka. Ayoko lang na ikaw ang makaranas ng mga nararanasan ko kasi mahal kita, ikaw ang papa ko."
Nanlaki ang mga mata ko saka agad na napapikit ng mata. Alam kong sasapakin nanaman niya ako dahil tinawag ko siyang papa. Sa pagkakaalala ko kanina, ang sabi niya ay wala siyang anak na bobo tulad ko at baka may nakabuntis na ibang lalaki kay mama.
Walang kung ano-ano ay bigla akong niyakap ni papa mula sa mahina hanggang sa nakakasakal na yakap. Napalunok ako habang nakatingin sa gripo na nasa lababo.
"Oo nga, bakit hindi ko 'yun nakita, naramdaman at naisip? Pagpasensyahan mo ang papa mo. Sana mapatawad mo pa ako sa kabila ng pagiging masama ko."
Pilit ko na lamang sumagot kahit ang sakit ng bibig ko. "Hindi naman ako galit sa inyo dahil kayo lang ang kailangan ko."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
07/05/2025
0kakabasa ko pa lang, gandaaa!!
24/04/2025
0angas po uwu
17/11/2024
1Tingnan Lahat