Chapter 19

“’cause I’m in love every single time I see you
And I feel heaven when I see you smile, smile
wishing that one day you’d be mine, mine”
Nang tumingin ako sa stage ay naka tingin na pala sa akin si Grey. Ngumiti ako at ngumiti rin sya pabalik, pero mas nagulat ako nang iniba nya ang lyrics sa bridge na part at diretsahang tumingin sa aking mga mata.
“I heard of a love comes once in a lifetime
so I’ve never known anybody like you
and it’s so good that I’ve never dreamed nobody like you
surely now you are that love of mine”
Sa buong minuto na lumipas ay nakatingin lang ako sa kanya habang nakanta at nakapikit. Ang ngiti ko kanina ay kusang nawawala dahil I don’t know what to feel. It’s just a song that he put another lyric to it but why do I feel different when I assumed that the song is for me?
Yumuko ako at pinahid ang luhang nagbabadyang kumawala.
Hanggang kalian pa ba ako masasaktan ng dahil sa’yo Grey?
“Woww! What a great performance Grey! Once again let’s give a hand for Grey from the Department of Law!”
Nang malapit na siya sa kinaroonan ko ay dali-dali ko naman pinahid ang mga luha sa mata.
“Binibiro lang naman sana kitang kumanta pero sineryoso mo naman.”
Tukso ko pa kunwari sa kanya nang makalapit sya, tumawa sya pabalik at ginulo kunti ang naka lugay kong buhok.
“Cebuanians are you ready for the dance performance of PAC!!!?”
Dahil sa excited na tanong ng MC ay agad naman na nagsigawan ang lahat.
“Okay seems like kanina pa kayo reading-ready kaya naman let’s give it up for the Dance Performance of our PERFORMING ARTS GROUP!!!”
Agad naman kaming nagsipalakpakan ni Grey nang makitang nagsi form na sa kani-kanilang choreo sina Sam.
“Woooohhh!! Go Sammm!!”
Cheer ko pa nang magsimula silang sumayaw. People were hyping in every beat of music they jive. Noong una ay akala ko tapos na ang performance nila dahil nagsi exit na ang iba nilang kasama pero may pahabol pa pala at laking ngiti ko nang si Sam at ‘yong isang lalaki na lang ang nasa stage at pinatugtog na nga ang sexy music. Dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng tao.
“Ang ganda mo Saaamm!!! Be minneeee!!”
Sigaw ko pa at natawa na lang sa akin si Grey seeing how I always react everytime sasayaw sa harap ko si Sam. She saw and heard me so she winked at me dahilan upang mas maghiyawan ang mga lalaki na nasa tabi ko na ipinagtataka ko dahil mga babae naman ang katabi ko kanina.
Sa kaka sigaw nga nila ay hindi nila namalayan na natatapakan na ng isang lalaki ang paa ko, at first ay hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman din naramdaman ang sakit pero ngayon ay parang nararamdaman kong may mahapdi na sa paa ko kaya pagsasabihan ko na sana sila na huwag masyadong malikot pero nagulat ako nang hinila ako ni Grey at pumagitna sya sa lalaki kong katabi.
Hinawakan nya sa braso ang lalaki dahilan upang matigilan ito at kinausap, gusto ko sanang marinig kung ano ang sinabi ni Grey dahil mas lumakas pa ang sigawan ng mga tao nang matapos ang performance nina Sam. Pag lingon ko sa katabi ko ay nagsi alisan agad ang mga lalaking kinausap niya.
“Saan sila pupunta? Tyaka bakit ka pumagitna eh ico-confront ko na sana sila?”
Tanong ko pa sa kanya nang tumingin sya sa’kin ng nag aalala.
“Is your feet okay? Sa susunod kasi wag kang basta-basta tumatabi sa kung sino lang. Buti nga’t paa lang ang naapakan sa’yo.”
Sagot nya pa ng naka simangot na hindi ko na naman mabasa kung ano ang laman ng utak nito at ganito na lamang mag react. Hindi na ako naka sagot sa kaniya nang dumating si Sam sa tabi namin at inaya kaming umalis dahil maingay uli ang crowd. May mag peperform kasi uli.
“Wala ka pa ring kupas kong makapag react tuwing sumasayaw ako Mira ah?”
Puna naman ni Sam habang naglalakad kami at tatawa-tawa syang nagpupunas ng pawis. Agad ko din naman syang inabutan ng tubig.
“Wait, what happened pala to your feet?”
Habol nya pang tanong, but before I could utter a word ay may bigla na lamang huminto sa harap ko. Na recognize ko agad ito dahil sya lang naman ang naka apak ng paa ko kanina.
“Sorry, hindi ko namalayan na naaapakan ko na pala paa mo.”
Aniya sabay abot sa akin ng malaking bulak, bandage, alcohol at m-milk shake?
“A-ahh, thank you, sana maging maingat ka na sa susunod.”
Puna ko pa at kukuhanin ko na sana ang bigay nya pero una na itong nakuha ni Grey at itinira nya sa kamay ng lalaki ang milk shake nyang dala. Tumingin naman ako sa kanya at wala lang itong emosyon. Umalis naman kaagad ang lalaki after kunin ito ni Grey.
“Another bakod ulit Grey noh? Ano ba ‘yan sana pala tinotoo ko ang kiss kanina sa sayaw para hindi ako matameme sa inyong dalawa! Kaloka!”
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya dahil muntik pala sila mag kiss kanina at hindi ko man lang iyon nakita!
Kinulit nang kinulit ko si Sam about doon sa guy na naka duo nya sa sayaw habang nililinis ni Grey ang pasa ko sa paa. I felt awkward kaya pilit ko nalang kinukulit si Sam.
“Nako ha wag Mira dahil may jowa ‘yon. Anyway, tara punta tayo sa mga booths! Super excited na ako ma try ang weeding booth baka doon ko ko pa makilala ang makakapag patameme sa akin!”
Excited nya pang sabi at tinawanan lang namin sya ni Grey dahil alam namin na as if she would dareto have that kind of relationship sa kung sino-sino lang.
She wouldn’t dare to betray her parents. Kaya ayaw pa daw ni Sam mag boyfriend dahil once na syang binalaan ni tita na kapag nagpa ligaw ito ay si tita na mismo ang maghahanap ng mapapangasawa nito. Yes, walang tanong-tanong asawa agad. Kumbaga Sam couldn’t dare to have an arrange marriage thing.
Sa kalagitnaan naman ng pag-iisip ko ay may bigla na lamang humablot sa aking braso, dahilan upang makaladlakad ako sa kung sino mang humablot sa’kin.
“Wait, sino ka ba? Aray ha, nasasaktan ako!”
Sigaw ko pa pero parang wala lang itong naririnig at patuloy ito sa paglalakad. Nakita kong agad naman na humabol sa amin si Grey at Sam.
Sobrang bilis ng pangyayari at ang tangi ko na lang narinig sa kasama ko ay
“I’m sorry Mira, inutusan lang akong gawin sa’yo ito.”

Komento sa Aklat (214)

  • avatar
    Honey Mae Resolme

    Good movie

    10/08

      0
  • avatar
    Frince Dacara

    I like this app because I love reading

    21/02

      0
  • avatar
    CabintoyJhem

    wow Ang Ganda 😊😊😊

    10/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo