Chapter 14

I'm not a fashionista pero lahat naman daw ng sinusuot ko ay bagay sa'kin even if they really find it weird sometimes, but it's something daw din kasi na na fi-fit talaga sa'kin dahil sa maputi ako.
"Let's go!"
Rinig ko pang sigaw ni papa kaya nagmadali na akong bumaba at sumakay sa kotse ni papa. Si ate naman ay sa sasakyan ni kuya Nash, habang si kuya ay may dala ring sariling sasakyan.
Mga 20 minutes lang kapag byinahe ang layo galing sa bahay namin papunta sa gaganapin na mass at libing. Papa started the engine at isinandal ko ang ulo sa upuan. From there, I saw a lot of people passing by having their own business. Some are walking papuntang mall and some are at the bus stop waiting for a ride.
"Kami nalang ng mama mo ang pupunta kina Yella Mira. We still have things to do pagkatapos ng libing at siguro pupunta na lang kami doon kapag natapos na."
Biglaang usal pa ni papa while concentrating driving.
"Sige po pa."
Pag sang-ayon ko pa. That means that I am able to attend school today. Maaga pa naman ngayon dahil seven o'clock pa at ten pa naman mag sta-start ang program.
Humikab ako sa kadahilanang kulang ako ng tulog, inayos kong hiniga ang ulo sa upuan at umidlip muna saglit.
Naalimpungatan na lang ako ng niyuyugyog ako ni mama at mabilis naman akong lumabas sa kotse.
Nag start na ang mass nang makarating kami kaya dahan-dahan nalang kaming umupo sa bandang likod. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin kung sino ang nandidito at tumingin nalang ako sa harap kung sino ang nagsasalita.
Natapos ang mass at sumunod naman ang pagbibigay mensahe ng pamilya, kamag-anak at kaibigan sa yumaong minamahal. Unang nagbigay ng eulogy si aling Yella na ngayon ay mugtong-mugto ang mga mata. Kahit wala pa man sinasabi ay naiiyak na siya. 'Di nagtagal ay nagsalita rin ito ngunit hindi din nito kinaya at humagulhol na ito. Tinulungan naman siya ng mga anak upang maupo na muna.
Matapos makapag bigay ng mensahe sa lahat ng mga kaanak ay nakita kong tumayo ang isang babae na may katangkaran. Sa tindig at awra pa lang ay nakikita kong elegante na ito, ngunit nang makatayo at sumilip sa kabaong ni Kyera ay bigla itong nanlumo at umiyak. Nakita ko kung paano niya pinakalma ang sarili at nagsimula ng magsalita.
"Kyera is a friend of mine."
panimula niya pa saka binalingan ng tingin si aling Yella na ngayon ay tumigil na sa kakaiyak at pina kinggan nalang ang sinasabi ng babae sa harap.
"Alam namin ang sikreto ng isa't isa. Kapag may problema ako sa kanya ako unang-una lumalapit at gano'n din naman siya."
She added at sinabi ang naging memories nila sa isa't isa. But what caught my attention the most is when she say..
"She changed. Hindi na siya kumikibo tuwing kinakausap ko siya sa room, lagi na rin siyang umiiwas sa mga tao and what hurts me the most is I became a useless friend to her. Sanay akong lagi siyang nag ce-cellphone dahil chine-check niya lagi ang comments sa IG post niya. We all know that Kyera is famous. Pero ibang-iba ang Kyera na nakikita ko sa mga panahong iyon. Lagi siyang nakatingin sa cellphone niya pero hindi gaya ng dati na palagi itong naka ngiti."
Nawala ang ngiti ng babaeng nagsasalita at napalitan ito ng awa at pagka lungkot.
"Sorry kung ngayon ko lang ito sinabi tita kasi nangako ako kay Kyera na hindi ito makakarating sa'yo. Sabi niya ay ayaw ka raw niyang pag-alalahanin pa."
She sobbed at patuloy na pinupunasan ang luhang lumalabas sa pisngi niya.
"I-I don't know kung ano ang naging problema ng kaibigan ko, ang b-bait niyang tao para maranasan niya ang gano'n to the point that she took herself gone for a li-lifetime. If only I knew, If only I k-knew.. S-sana ay napigilan ko s-siya. S-sana ay masaya pa r-rin kaming nag kwe-kwentuhan ngayon."
She said between her cries and I began to feel the mournings of all the people na nandidito.
"S-sorry tita kung naghihintay lang ako na s-sabihin sa'kin ni Kyera kung anong nangyari sa k-kanya. S-sana ay k-kinulit ko nalang siya hanggang sabihin niya sa akin kung a-ano man ang pinagdadaanan niya. I should've done something para m-maiwasan n-niyang magpakamatay."
She sobbed once again na ngayon ay yinakap naman ni aling Yella. 'Di rin nagtagal ay sinimulan ng ilibing ang katawan ni Kyera.
Natapos ang libing na puno ng mga iyak at pagdadalamhati.
Samo't saring mga iyak ang bumalot sa lugar nang maglakad na ang lahat papauwi at nakita namin kung paano tanggihan ni aling Yella ang mga kaanak na umuwi. Naka tunganga lang siya sa puntod ng anak.
I sighed.
Tinawag ako ni papa at sinabing mag commute nalang daw ako at nagmamadali sila kaya tumango ako.
Pinagmasdan ko ang sementeryo.
"Iniiyakan ba ng pamilya lahat ng taong nililibing dito?"
Tanong ko sa sarili habang kinakapa ang pisngi. Ang matagal kong pinipigilang luha kanina ay kusang nagbagsakan isa-isa.
"Kasi kung oo, ang swerte niyo naman."
Tukoy ko pa sa mga nailibing na.
"Ako kaya? Iiyakan din kaya ako ng mama't papa ko kapag patay na ako?"
I can feel the sadness in my voice
"Eh ang ate at kuya? Pagsisisihan din kaya nila na hindi man lang nila ako nakilala ng lubusan pag nawala na ako?"
I said between my cries.
I witnessed another funeral today and everytime nakaka kita ako ng pamilyang nagdadalamhati sa pagkamatay ng anak, lagi lang akong napapatanong sa sarili. Parati lang akong naiiwan sa pagbabakasakaling ganoon nga ang gagawin ng pamilya ko.
Some daughters didn't want to see their family cry because of them and some daughters want to. At isa ako doon na gusto ko silang makitang umiyak ng dahil sa akin. I know it may sound crazy at siguro baliw nanga siguro ako. Even in that way, even in that cry, maramdaman ko man lang na mahal nila ako kasi iniiyakan nila ako.
Even in that single tear basta galing sa kanila, masaya akong maramdaman man lang 'yon na umiiyak sila. Hindi dahil lang sa iniingatan nila ako, kundi anak at kapatid nila ako..
Kahit iyon lang...
Kahit 'yon lang..
Kilalanin man lang nila ako bilang parte sa pamilyang kinabibilangan ko..

Komento sa Aklat (214)

  • avatar
    Honey Mae Resolme

    Good movie

    10/08

      0
  • avatar
    Frince Dacara

    I like this app because I love reading

    21/02

      0
  • avatar
    CabintoyJhem

    wow Ang Ganda 😊😊😊

    10/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata