36

NAGISING na lang ako sa hindi pamilyar na lugar. Isa itong kubo. Wala akong maalala.
"Gising kana pala Emiliana, ipinagluto kita ng iyong makakain" si kuya Lucas... nilagay niya yung sopas malapit sa kama na hinihigaan ko.
"K-kuya? Nakabalik kana pala sa Pilipinas... Kamusta?" Tanong ko, naging seryoso naman agad ang mukha niya saka tinignan ako ng seryoso.
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan Emiliana, noong nakita kita puro dugo ang tiyan mo kahit hindi naman ito ang tinamaan ng baril... Nagdadalang tao ka ba?" Napatigil naman ako dahil sa sinambit niya
So ang ibig sabihin nakuhanan ako? Patay na ang dapat sanang anghel namin ni Leonardo
Hindi ko na napigilan ang pag-patak ng mga luha ko habang nakatingin sa kawalan.
Tinignan ko si kuya Lucas saka tumango ka kanya bilang tugon.
"Patawad..." lumapit siya sa akin saka umupo sa kama at niyakap ako.
Kasalanan ito ni Sebastian.
Tunay ngang nagdadalang tao ako ngunit ito'y namatay din dahil kay Sebastian.
"Si Sebastian ba ang ama?" Natauhan ako ng biglang nagsalita. Umiling-iling muna ako bago mag-salita "Si Leonardo ang ama. Kami ang tunay na nagmamahalan" tugon ko
"Leonardo... Si Heneral Enriquez ba kamo?" Gulat na tanong nito. Tumango ako.
"Oo. At si Sebastian naman ang dahilan kung bakit namatay ang bata. Sumugod siya sa tahanan namin ni Leonardo at pinatay sila Ate Felicidad at ang kasintahan niyang si Manuel" tumulo na ang mga luha ko ng tuluyan at ngayon ay ang lakas na ng pag-tangis ko
"Tunay nga ang sinabi ni Ama. Hindi por que matagal mo na siyang kilala ay alam mo na ang buong pagka-tao niya. Hindi ko lubos akalain na kaya niyang patayin ang kaibigan niya..." Pinipigilan nitong tumulo ang mga luha niya.
"Kasalanan ko ito. K-kung hindi ako sumama kay Leonardo edi sana buhay pa ang anak namin at sila Ate..." patuloy pa rin ang aking pag-tangis
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Emiliana. Wala kang kasalanan sadyang hayop lang ang lalaking iyon. Hijo de puta!" Halos mapatalon na ako sa lakas ng sigaw niya
"Patawad sa aking tinuran. Oh siya kumain ka na." Kinuha niya yung pag-kain at akmang susubuan na ako pero natigilan siya ng bigla akong mag-salita
"Malaki na ako kuya. Kaya ko ng kumain mag-isa. And can you please leave me alone?"
"Marunong ka rin pala ng wikang ingles. Kung gayon sige aalis na ako. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka pa" wika nito saka lumabas na at marahang sinara ang pintuan.
HAPON na ngayon at malakas din ang pag-buhos ng ulan. Puno ng masasamang ala-ala at masasayang ala-ala ang ulan.
Natauhan ako ng biglang may kumatok
"Binibini, pinapatawag ka po ni Senyor Lucas" agad akong tumayo saka sumunod sa kanya.
"Aalis ako mamaya at makakasama ko si Sebastian sa pagpupulong, may nais kabang sabihin sa kanya?"
Ano namang sasabihin ko sa kanya? 'Fuck you ang panget mo sana maging ampalaya ka sa next life mo' pero ang cringe eh haha
"Wala. Wala akong nais sabihin sa lalaking yon" inis kong tugon saka napataray na lang. Umupo ako sa salas malapit kay kuya Lucas.
Napangiti ako ng biglang tumigil ang ulan at nakita ko doon ang buwan na natatakpan ng mga ulap.
Nawala ang mga ngiti ko ng bigla kong maalala yung gabing iyon
"Tignan mo ang buwan binibini..." napatingin naman ako "Kay ganda nito. Sana'y madala kita jan pero paano? Ngunit kahit gaano pa kaganda ang buwan ay may mas maganda pa rin dito, Ikaw"
Am i falling hard? Nahhh bitch
"Naalala ko noong bata pa ako gusto kong maging Astronaut pero ayaw ng mga magulang ko... Yung astronaut ay Astronawta. Sila yung pumupunta sa iba't ibang planeta tulad ng Hupiter, Saturno, Urano, Asoge at iba't iba pang mga planeta. Pumupunta din sila sa Buwan"
"Ang galing! Gusto ko rin na magung Astronawta binibini" sa tono niya parang manghang-mangha siya
Ang cute niya tignan—
Loyal ako kay Leonardo...
Pero base sa nabasa ko 1959 pa naimbento yung Astronaut
"Ikaw mahal ko nais mo rin bang maging Astronawta at pumunta sa buwan?" Tanong ni Sebastian
"Hindi na. Masaya na akong tinititigan ang mga ito" yun lang ang naitugon ko
Tumango tango na lang siya
Nagulat naman ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko
"Ikaw binibini... Para kang isang buwan. Hindi ko kayang abutin pero kaya kong titigan..."
Ang linyang iyon ni Sebastian ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. 'Hindi ko kayang abutin pero kaya kong titigan'
"Ayos ka lang?" natauhan ako ng biglang magsalita si kuya Lucas
Tumango lang ako bilang tugon.
"Ano ang pangarap mo? Kunyari may Ginoong aayain kang pakasalan siya, saang lugar mo gustong siya'y ayain kang magpakasal?"
Siguro may natitipuhan si Kuya tas humingi ng tips sa akin
"Sa Northern Lights! Narinig ko minsan na kung panonoorin mo ang Northern Lights kasama ang isang espesyal na tao sa unang pagkakataon na magkasama, mananatili kayong magkasama magpakailanman" paliwanag ko
Oh imagine to have a man who's gonna propose to me under the northern lights. What a lucky woman
"Bakit mo nga pala naitanong?"
"May natitipuhan akong binibini, Si Binibining Isabella, magkababata kami at noon pa lamang ay nais ko na siyang ligawan"
You mean that Isabella bitch who's with Sebastian?
"Hayy nako kiya kung ako sayo wag na kung ayaw mong masira ang kinabukasan mo." naiinis kong wika
"Bakit naman?" takang tanong nito
"Basta. Ayoko sa kanya."
"Malapit nang umalis ang haring araw. Nais mo bang panoorin natin ito?" tumango ako
Hinila niya ako palabas. May lawa pala rito pero basa yung ibang upuan kasi nga umulan eh
Once upon a time, my heart was for Sebastian and his heart was for me not until I knew all of his secrets.
Now I know, the sun signifies end too.
Now that I have 4 months and 3 weeks here, dapat na malaman ko na agad kung sino ang pumatay kay Emiliana.
Ipinikit ko na ang mga mata ko.
"Mag ingat ka Aleeza dahil nasa tabi mo lang ang pumatay kay Emiliana at papatay sa inyong lahat."
"Kung ganon sino? Anong pakay niya sa amin?"
"Ikaw lang ang makakasagot niyan Aleeza ngunit tandaan mo napakalapit niya lang sayo." tuluyan ng umalis yung babae
Hindi kaya si Sebastian yon? Or si Leonardo?
Papatayin ako ni Sebastian dahil sa labis niyang pagmamahal sa akin.
Wala namang dahilan si Leonardo para patayin niya ako. Nagmamahalan kaya kami.
Sino paba ang puwedeng gumawa  niyon?
Hindi kaya si Tanya? Si Ama?
Nasa akin ang lahat ng atensyon noon kaya maaaring si Tanya.
Sinabi sa akin ni Ama na ako ang kahihiyan ng pamilya kaya maaaring siya rin?
Si Lucero... May galit ang pamilya nila sa pamilya nila Emiliana kaya siya yon! Nakasisiguro akong siya yon.
Dahil sa galit na iyon kaya niya kami papatayin ngunit ako ang uunahin niya.
Oo si Lucero nga.
WALA na si Kuya Lucas umalis na siya kanina. Nandito din ako sa Hacienda namin
"Ama--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig kong may kausap siya
"Sino? Sinong nakaaalam na ako ang pumatay sa asawa ni Antonio?" pasigaw na tanong ni Ama.
Antonio? Antonio Luna? Gaga
Antonio Dela Vega y Monteverde Rafael...
Siya yung kapatid ni Ama. At pinatay ni Ama ang asawa ni Antonio kaya ba...
Pero kung alam nila bakit sila nananahimik? Hindi kaya hindi talaga nila alam tas may iba pa silang dahilan kung bakit sila galit sa amin?
Ngunit noong nagkita kami ni Lucero parang wala lang sa kanya eh.
Kung may iba pang dahilan dapat ko itong malaman.
"Ang iyong anak si Emiliana, pumunta siya sa Hacienda Monteverde sa Hacienda nila Don Javier Hidalgo. Sa tingin ko may nalalaman siya at nais niyang siguraduhin kung totoo ba ang nalaman niya. Hindi mo siya labis na kilala ngunit ako oo. Pinasundan ko siya sa isa sa aking mga tauhan at ang sabi nila bago daw siya pumunta sa Calle Escolta De Vigan pumunta muna siya sa Sementeryo ng Paco at dinalaw ang puntod ng kaniyang lolo na si Javier Hidalgo. Sa tingin mo pano niya ito nakilala kung simula pa lang sa pagkabata niya ay hindi mo ito pinakilala?"
"Nais mo bang patayin ko siya? Kung ganon sige. Hindi ko naman siya anak eh. Anak siya ni Felicidad kaya gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Napatay ko na rin ang karibal niyang si Clarita. Wala manlang siyang kamalay-malay na kambal niya iyon. Kung alam ko lang na mahina pala ang utak niya edi sana si Clarita na lang ang aking kinuha." tugon ni Ama
Clara Margarita...
"Hindi ko muna siya papatayin. Pabalikin mo siya dito sa inyong Hacienda at ipakita mo sa kanya na importante siya, na siya ang paborito mo. Kung dati man ay mahina ang utak niya pero ngayon hindi na. Alam niya kung nasaan ang Misteryosong obra ng iyong Ina kaya kung pababayaan mo lang siya'y mauunahan ka na ng iba"
Kung mahina ang utak ni Emiliana may pinagmahan siya. Walang iba kundi ikaw Mariano kasi hindi mo manlang naisip na marami akong alam.
Siguro yung kausap niya ay lolo ni daddy kasi magkapareho sila ng mindset.
"May punto ka Carlito"
Kapangalan niya din yung lolo ni daddy huhu
Sana makita ko yung mukha mong lalaki ka. Nakita ko kais yung family picture nila tas isa doon yung lolo ni daddy na Carlito din yung pangalan.
Lumabas na yung lalaki pero sa lamesa lang ako nakapag tago kaya ang ending ay nakita niya ako.
"Alam kong nakikinig ka sa pinag-usapan namin pero... Magaan ang loob ko sa iyo kaya palalampasin ko ito" laking gulat ko ng makita ko siya
Ang aking lolo huhu
Yung lolo ni daddy
"Maaari ba kitang mayakap?" tanong ko, napakunot naman ang noo niya pero niyakap ko pa rin siya
"It's nice to see you My lolo, manganganak ang asawa mong si Catalina sa taong isang libo, walong daan at siyam na pu't anim, Trinidad ang pangalan nito at magkakaroon ng walong anak si Trinidad. Ang isang anak niyang si Florida magkaka-anak din tas Carlo ang pangalan. At si Carlo ang daddy ko!!"
Mabata bata pa siya eh sa tingin ko magka age lang kami
"At ayon na nga lolo, where's my pamasko?" hindi siya tumugon "Ko fine. Manghuhula ako at tandaan mo bukas ipapakilala ng Ama mo si Florida at siya ang magiging asawa mo. Bye lumayas kana--" sorry lolo
Natauhan ako ng biglang may lumabas
Si Ama.
"Anak, nais kong ipakilala sa iyo ang iyong lolo si Javier--"
"Kilala ko na siya at alam ko ang pakay mo sa akin. Nasa tagong lugar ng Hacienda Monteverde ang obra. At hindi mo na kailangan magpanggap A-ama... Ayos lang" nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ama
"Patawad sa lahat ng nagawa ko sa iyo anak... A-at salamat rin. Buhay ko ang kapalit ng obrang iyon at kung hindi ko ito mahahanap tiyak kong papatayin nilaa ako"
"Nasa tabi mo lang ang papatay sayo... Mag-ingat ka Aleeza" that line from a girl
ISANG BUWAN na ang lumipas pero wala pa rin akong nalalaman. Shet 3 months na lang huhu
Dapat na magmadali na ako bago pa ako maunahan.
Nasa tapat ako ng hukay ng asawa ni Javier Hidalgo at kasalukuyan ko itong hinuhukay hanggang sa may makita akong letra.
Kung sino ka man,
Nais kong ipaalam sa iyo na nasa hukay ito ng aking asawa na si Javier Hidalgo. At kung nakuha mo na ito pumunta ka sa tagong lugar ng Hacienda Monteverde. Hindi sa loob ng bahay kundi sa labas. Huwag mong kalimutang ibalik ang sulat na ito kung saan mo ito kinuha.
-Faye
Nilagay ko na sa kinuhaan ko yung sulat at inayos na yung hinukay ko.
Akmang pupunta na ako sa hukay ni Javier Hidalgo ngunit nakarinig ako ng ilang yapak kaya agad akong nagtago
May dala itong mga bulaklak at pagkain ngunit hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil may sumbrero ito.
Tinanggal niya din ito at laking gulat ko ng makita ang mukha niya
Si Javier Hidalgo.
Batang bata pa ito...
"Magandang gabi aking sinta, alam kong nakikinig ka sa akin ngunit nais kong malaman mo na pinapatawad na kita. Alam kong isinumpa mo ako kaya eto bata pa rin ako at hindi tumatanda. Hindi rin namamatay. Isinumpa mong maging imortal ako pero ayos lang. Mahal kita higit pa sa galit ko sa iyo."

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    MalinayMarielle

    ang ganda sobraa

    29/01/2024

      0
  • avatar
    OrtecioJessica

    Ang ganda ng story ❤️❤️

    20/11/2023

      0
  • avatar
    VentinillaJesselyn

    💜💜💜

    26/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata