Homepage/A Different World/
26
"BAKIT mo naman ginawa ang bagay na iyon binibini? Alam kong labis kang nasaktan sa kasal nina Binibining Felicidad at Heneral Sebastian halos mamatay na ang iyong ina sa kaba binibini"
Ano naman?
"H-hindi ako nasaktan ano ka ba? Ginawa ko lang yon kasi gusto ko. Walang kinalaman ang kasal nila Sebastian" taas-noo kong sabi
"Kung yan ang iyong sabi" napa smirk na lang siya
Nandito kami sa likod ng hacienda nila
"Ilagay mo ang iyong pangalan dito binibini" sabi niya saka hinarap sa akin yung stickman na ginawa ko para sa kanya
"Maaari ko bang ilagay dito ang ibang pangalan?" Tanong ko
"Kung yan ang iyong nais" sabi niya
Nilagay ko na yung pangalan na "Aleeza Conception" yung Conception ay last name ni daddy
"Aleeza... kay gandang pangalan" sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapa ngiti
"Yan ang gusto kong maging pangalan ngunit Emiliana ang pinangalan nila sa akin eh"
"Ang ibig sabihin kasi ng pangalang Aleeza ay Joy. Yung parang sabon panghugas o di kaya saya o kagalakan" napangiti na lang ako
"Ikaw may ibig sabihin ba ang iyong pangalan? Ano nga pala ang totoo mong pangalan?" Tanong ko
"Enrique Leonardo Alferez Enriquez y Sebastian ang aking tunay na pangalan binibini. May kuwento kasi ang pangalan ko. Ang ninuno namin na sina lolo Ernesto ang nagsimula. Gusto niyang lahat ng panganay na lalaki ay nagsisimula sa letrang E yung pangalan. Eduardo ang ngalan ng aking ama. Ernesto naman ang pangalan ng aking kapatid. Ezakiel dapat ang aking pangalan ngunit dalawa lang kaming magkapatid kaya sa akin na lang ipinangalan ang pangalang Enrique. Ernesto ang ung lalaking anak, Ezekiel ang ikalawa at Enrique ang huli" paliwanag niya
"Ahh okay so Enrique din ang ipapangalan mo sa magiging anak mo?" tanong ko
Tumango tango siya bago magsalita "Oo binibini. Ngunit ang gusto ko Esteban ang una, Ezekiel ang ikalawa at Enrique ang huli. Lima ang gusto kong maging anak binibini. Tatlong lalaki at dalawang babae. Kung ikaw ang tatanungin anong gusto mong pangalan ng dalawang babae?" tanong niya saka napatingin na lang sa akin
"Para sa akin tatlong babae ang aking nanaisin. Eleanor, Astrid at Amatheia ang gusto kong pangalan nila"
"Anim na anak... Sige, ayos lang ba sa iyo ang anim na anak binibini?" tanong niya
"Ahh.. Ehh.." di ako makasagot
"Bakit may problema ba binibini?" tanong niya
"Ahh wala ang o-onti... Oo ang onti hahahah" kabaliktaran
"Marami na iyon binibini. Amatheia, Esteban, Ezekiel, Astrid, Enrique at Eleanor. Sila ang magiging anak natin sa hinaharap" ano....
Nag loading yung utak ko
"G-ganoon ba? Gusto pa kitang makilala ginoo"
"Kung yan ang iyong nais. Ang mga ninuno namin na sina Ernesto ang nagtayo ng bayan na ito binibini. Sila ang unang nakadiskubre ng bayan ng San Sebastian kaya pinagtulungan nila itong paunladin. Hanggang sa tuluyan na nga itong umunlad at naging isa sa pinaka mayamang bayan. Lahat ng mga tao rito ay mahal na mahal kami binibini. Hanggang sa makilala niya si Leonor ang aking lola.
Sabi ni Ina may kuwento rin daw ang pangalan kong Leonardo. Magkahawig daw kami ni lola Leonor kaya hinago nila ang pangalan niya sa pangalan ko. Pito ang naging anak nila lolo at lola na sina Emilio, Eric, Esteban, Emilia, Enrique, Elena at Eduardo.
Noong namatay na sila lolo Ernesto at lola Leonor si Emilio at Esteban na ang nagpatuloy ng negosyo namin. Ang naging anak ni lolo Eric ang siyang ama ng aking ama."
Wait nalilito ako. Ama ng ama? Ahh okay wow yung anak ng Eric na lalaki yung Tatay ng Daddy ni Leonardo? So yung anak ni Eric ay lolo ni Leo?
Okay gets ko na.
"Sa totoo lang binibini May mga bagay akong hindi maintindihan, madalas kapag iba sa aking paniniwala. Ngunit hindi ako mahirap umintindi, alam 'yan ng mga tao sa aking paligid. Madalas, bago ko sukuan ang isang tao, hahanap ako ng mga dahilan, nang paulit-ulit, hanggang sa wala na talaga, bago ako magpasyang bumitiw sa kanila.
Mas nanaisin ko ang masaktan sa katotohanan. Mas gusto ko kung sasabihin mo sa akin. Mas madali kong matatanggap, kaysa sa iba ko malalaman, kaysa sa punuin ako ng kasinungalingan, at kaysa gumawa ako ng sarili kong kasagutan.
Hindi ako gaya ng iba na madaling balewalain ang mga tumatakbo sa kanilang isipan. Kaya kung ako ang masusunod, mas gusto kong malaman ang lahat, kaysa isipin nang lubos kung saan banda ako hindi naging sapat."
Ha?
Una kong naalala si Sebastian. Bakit niya ako sinukuan ng walang dahilan?
Kung puwede lang pumili yung puso ko kung sinong pipiliin pipiliin ko si Leonardo.
"May tula nga pala akong ginawa binibini. Alam kong mahilig kang magbasa kaya ginawa ko yan. Nawa'y maibigan mo" sabi niya sabay abot ng tula
Sa unang pagbukas ng talaarawan,
Naging mulat kami sa nakaraan,
Pag-ibig ay walang hangganan,
Kahit na ilang taon pa ang pagitan,
Mananataling nakaukit sa puso't isipan.
At sa paglipat ng pahina
Puno ng pagtangis ang mga salita
Hinahanap ko ang galak sa nobela
Ngunit nabatid kong sa iba
Ang pagmamahal ay hindi laging pahinga
Ang bawat luhang pinakakawalan
Ay kakambal ng mapapait na mga pangaral
Ang lungkot ay 'di hadlang upang may matutuhan
Na ang sakripisyo ay kaakibat ng pagmamahal.
Wow siya ba talaga nag sulat neto?
"Ano ang masasabi mo binibini?"
"Maganda"
"Salamat binibini" yun na lang ang na sabi niya
"Sa tingin ko umiibig ako, nauuhaw ako" sabi niya kaya nagulat na lang ako
"Marahil ay hindi ka tunay na umiibig, uhaw ka lang. Nais mo lang mapunuan ang lahat ng puwang at kulang sa puso mong palaging nasasaktan. Naghahanap ka lang ng taong bibigyan ka ng atensyon kahit alam mong hindi pa sang-ayon sa mga gusto mo ang oras at panahon. Hindi ka umiibig, nauuhaw ka lang." tugon ko kaya nagulat siya
"Nevermind, nabasa mo na ba yung tumatawid sa mga siglo?" pagbasag ko sa katahimikan
Nakita ko lang yung librong yon sa library nila Emiliana kaya binasa ko
Pero bakit kaya ganon yung title?
"Hindi pa binibini, ano ba ang mayroon sa librong iyon?" tanong niya
"Gumuguhit at lumalandas paloob sa bawat salita,
ang hampas ng tintang nasasalamin ang banaag ng nakaraan,
Tumatalik pabalik sa mga kamay na siyang lumikha
sa mga taong kaulayaw at kumakandili tuwing ako'y nag-iisa."
Actually ako talaga yung nagsulat non haha
Sa totoo lang di ko alam kung bakit tragic yung ginawa kong ending sa story ko na yon
Kasi nasanay na ako sa mga kuwentong pambata,
Yung Katapusan ay palaging maligaya,
Ngunit tila namulat na ako sa reyalidad ng mundo,
May mga bagay palang hindi nakalaan sa'yo. Sa akin.
"Ihahatid na kita sa inyo binibini, baka hinahanap ka na nila" sabi niya saka naglakad lakad na
Sebastian...
Ito yung lagi naming nilalakaran pag hinahatid niya ako pa-uwi
"Sa karimlan na aking nilalakaran,
Ikaw ang siyang naging kanlungan.
Ang bawat kataga'y tila tatu na umuukit hanggang kalamnan.
Nag-iiwan ng simbolong liwanag sa karamihan.
Sa iyo natagpuan ang salitang matagal ng inaasam." nagulat naman ako bigla sa sinabi niya kaya napahinto kami pareho
"T-tula iyon binibini" sabi niya
"Ahh ganoon ba? Bakit hilig mo ang pagsusulat?" tanong ko at tinignan siya
"Madalas maitanong sa akin kung bakit mahal ko ang pag susulat. Bakit waring mga matatalim na kutsilyo ang tumatarak sa kanilang dibdib sa tuwing binabaybay nila ang bawat pahina. Bukod rito ay malaya ako at naihahayag ang sariling saloobin na hindi kayang maibigkas ng mga labi ko ay may isa pang rason.
Sa bawat pag kurba ko ng mga letra upang bumuo ng mga salitang sigurado'y mag-iiwan ng bakas at dugo na pawang nasa digmaan, ay rito, sa pag sulat ko lamang ika'y nagiging akin.
Sa blankong papel lamang ako nakagagawa ng ating istoryang walang sinuman ang kayang bumura. Kasama ang liwanag mula sa buwan, kapirasong papel at punong tinta ng panulat lamang ang aking kasangga.
Mga tulang hinabi sa talinghaga at binaybay ng makasalanang dila. Isipang ultimo dagat ay hindi kaya ang lalim. Gawa ng isang dalagita na pinangarap lamang ay makasama ka.
Wari ng aking puso na malayo ito sa reyalidad kaya't sumangga ako sa pag sulat.
Mamumulat ako isang umaga na kasama ka. Dalawang tasa ng kape upang simulan ang umaga. Mga halik at titig na nangungusap sa dalawang pusong nag-iibigan dahil walang salita ang kayang tumbasan. Tanging tibok lamang ng mga puso ang naririnig sa tuwing tayo'y magkahagkan. Mga ngiting kayang tumunaw ng galit sa dibdib. Mga katawan na nagiging isa sa pag sapit ng dilim. Tanging buwan lamang ang saksi sa ating pagmamahalan at ang langit ay puno ng mga butuing naririnig ang ating kahilingan.
Mamumulat ako isang umaga dahil isa nanamang panaginip ito kasama ka. At mag sisimula nanaman akong mag sulat ng ating istorya.
Dahil sa pag sulat ay akin ka." tugon niya
Okay?
"Ang mga gawing hindi na maalala,
sa mga akda mo'y aking nakita
tila isang liwanag na sumisilaw sa aking mata
ang pag asa na maibabalik pa at maalala,
ang kulturang akala'y limot na." pagpuri ko
"Sa tingin ko isa ka ring magaling na manunulat binibini" napatawa naman ako bago sumagot "hindi naman" yun lang ang nai tugon ko.
NANDITO na ako ngayon sa bahay. Magkasama kami ngayon ni Tanya habang nag chichikahan ng biglang may tumunog na gitara
Sumasamong pagluha ng ulap~
Na pilit pinipigilan ng buwan
Ngunit itinadhana na ang alapaap,
Na ang bahaghari ay masaksihan
Pagkakaitan man ng puting ilaw,
Ika'y diwata na angkin ang hiwaga
Nakahuhumaling at hindi nakasisilaw,
Ikaw ang liwanag na bigkas ni Bathala
Pagtatagpuin bang muli,
Sa itinakdang taludtod ng tula
Dahil pag-ibig ay hindi inihahalili,
At ikaw ang hinahanap na tuwa
Nasa kabilang sulok ka man,
Ng silid nitong ating sansinukob
Pag-iisahin sana ang ating upuan,
At basbas ng mga tala ay ipagkaloob
Taimtim man ang himig ng pag-asa,
Tahimik pa rin kitang ipaglalaban
Dahil pinipili ang senyales na pinag-isa,
Siyang bulong sa akin, ay iyong ngalan...
Wow ano yon?
"Bumaba ka dito binibini" masayang wika ni Leonardo
Agad agad akong bumaba
"Bulaklak para sa iyo binibini" sabi niya saka inabot yung red rose
Don't give me ang reason para magustuhan ulit yung mga bulaklak huhu
"Tinatanggap mo ba ang aking pag-sinta?" walang pag-aalinlangan niyang tanong
"Oo tinatanggap ko" tugon koI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobraa
29/01/2024
0Ang ganda ng story ❤️❤️
20/11/2023
0💜💜💜
26/05/2023
0Tingnan Lahat