Homepage/A Different World/
01
8 YEARS EARLIER
"Kung hindi para sa atin ang buhay na ito, ipagdadasal kong muli tayong magkita ... sa tamang panahon ... sa tamang buhay."
"Ate wake up" pag gising saakin ni Eli
"Kanina pa ako gising." Saad ko
"Tsk ba't di kapa bumabangon jan?" tanong niya at inirapan ako
Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa CR saka naligo dahil baka mag aya si Gia wala kasi kaming pasok ngayon.
Pagkatapos ko maligo tinignan ko yung phone ko dahil may tumunog na chat 'gusto mo gumala besh? Libre ko' saad niya 'sige' reply ko
8:00 AM palang at sobrang aga pa para sa gala namin ni Gia kaya mang bubugbog muna ako ng mga tamad dito
"Hoy mag linis kayo ng bahay" sigaw ko, nakita kong naka higa lang sila Hannah at Eli naiinis din ako kasi ang dumi ng table puro balat ng pagkain tas puro hugasan
"Tinatamad ako ikaw na mag linis Eli" naiinis na wika ni Hannah tas nanood na ulit
"Kasi naman eh Biyernes na Biyernes nag day off pa si yaya" wika ni Eli at napakamot nalang sa ulo
"Ang arte nyo, mag linis na kayo jan bibigyan ko kayo ng pera pag nag linis kayo" saad ko at nginitian sila na may pang-aakit
"Wehhh nasan yung pera?" tanong ni Hannah
"Eto oh" saad ko hawak hawak yung 10k
"Pangbili namin ng album?" masayang wika ni Eli
"Oo" saad ko
"Hoy Eli ikaw yung nag hugas ako yung maglilinis" wika ni Hannah saka kinuha yung walis
Pumasok ng ako sa kuwarto ko at nilinis dahil may baby na nang-gulo sa kuwarto ko yung anak ni Tita pina-alagaan saakin kahapon dahil mag ma-mall daw siya
Anak anak kasi tas saakin pa paalagaan tas iyak pa ng iyak, binasag pa nga yung flower vase ko dito eh tas pinunit yung libro ko huhu
Kay tita ko talaga papabayaan yung libro, sasabihin ko sa principal namin pinunit ng bata
Ang mahal mahal pa naman nyon
Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko at nag chat na si Giavana Alves
Siya: 'Hoy ali nasan kana?'
Ako: 'papunta na ako jan'
Siya: 'shugalogs mo baks'
Ako: 'Syempre kanino paba ako magmamana edi kay Mudrakels'
Ako: 'May ikukuwento pala ako sayo mamaya bakla'
Siya: 'gege'
Hindi ko na siya nireplyan dahil hindi ko naman alam ang irereply sa gege na word kaya di nalang ako nag talk.
Bumaba na ako at akmang aalis pero may chismosang nagsalita
"Hoy ate saan ka pupunta?" tanong ni hannah
"Gagala kami ni Gia" saad ko
"Okay" saad nya Umalis na ako sa bahay at pumunta sa bahay nila Gia.
"ALEEZANG panget nandito ako sa likod mo, Heler ang laki laki ko tas di mo ako makita" wika ni Gia kaya hinarap ko siya at abot tenga ngayon ang ngiti niya
Crush siguro ako ng bruhang babae na toh
"Mas panget ka, saan tayo pupunta betch?" Tanong ko
"sa Intramuros" wika niya at nginitian ako
Boring.
"Okay" tipid kong sabi. Sumakay na kami sa kotse gano'n din si Gia at nag drive na siya
nandito na kami this place is so old and historical malamang ang tagal tagal na neto tas sasabihing modern ng iba? May pagka shungaers din yung mga kaibigan ko pero ako din naman eh hehe
Naglakad lakad na kami ni Gia, basta bahala na kung saan kami dadalin ng mga mahiwaga naming paa na mabaha yung kuko.
"Yun na nga baks ano na yung ikukwento mo saakin?" tanong ni Gia habang naglalakad
"So ano kasi ehh... Nakalimutan ko na huhu" saad ko
"Pu--sheet kang babae ka exite na exite pa naman ako tas nakalimutan mo lang pala" naiinis niyang wika
"Wait eto na naalala ko na" saad ko
"So ano na nga?" tanong ni Gia at abot ears ang ngiti
"Kilala mo ba si Patricia? Naiinis ako sa kanya tas naalala ko matatanggal na yung leeg niya dahil sa chismis nung nakaraan may hinuli kasi sa kanila" saad ko
Tumawa muna si Gia bago magsalita "Gags ka hahahah napicturan mo ba? Kung oo I send mo saakin tas iba-black mail ko siya, sasabihin ko ipopost ko yung picture kung hindi niya tinigilan yung jowa ko" saad ni Gia
"Sige teka isesend ko sayo" saad ko
Sinend ko na kay Gia at tawa siya ng tawa habang tinitignan yung pictures
"Let's talk about history of the Philippines, alam mo ba noong 1841 may kamukha kang babae, Maria Emiliana Aguinaldo yung pangalan niya, jowabols daw siya ng dating Gobernador-Heneral na si Sebastian Alvarez pero parang hindi raw mahal ni Sebastian si Emiliana girl, kumabaga na force marriage lang sila" wika ni Gia
"Ituloy mo interesado ako" saad ko
"Sige it's a rare momment din kasi na interesado ka sa History kaya itutuloy ko na" wika niya
"19 si Emiliana tas 21 si Sebastian nung kinasal sila so 2 years age gap sila, nung kag 1842 na may nakilalang babae si Sebastian Clarita yung pangalan so bale siya yung sumira sa relasyon ng dalawa" wika niya
"So dahil sa galit ni Emiliana pinatay niya si Clarita but in a harsh way, tinanggal niya lahat ng kuko ni Clarita sa paa at kamay, at pagkatapos non pinaligo niya si Clarita sa napakainit na tubig tas binitay siya, naligo din si Emiliana sa sariling dugo ni Clarita" wika niya
"Grabe napaka harsh naman ng Emiliana na'yan, ba't kaya may mga ganyang tao noh?" tanong ko
"Ewan, baka siguro sa labis na sakit at galit na nararamdaman nila" wika niya
"So hindi alam ni Sebastian yung brutal na pagkamatay ni Clarita pero hindi parin napapatunayan na ginawa talaga yon ni Emiliana dahil may kapatid siya si Felicidad Aguinaldo-Guillermo, yung asawa niya si Heneral Guillermo" wika niya
"Okay so anong connect ng mag asawa sa brutal na pagkamatay ni Clarita?" tanong ko
"Si Guillermo wala pero si Felicidad sa tingin ko meron, sabi nila lahat daw ay gagawin ni Felicidad para sa kapatid niyang si Emiliana at ito yung pinaka paborito niyang kapatid mas pinapahalagahan niya rin si Emiliana kaysa sa bunso nilang kapatid si Tanya Aguinaldo, sabi rin ng mga apo nila ampon lang si Tanya kaya hindi siya ganoon pinahahalagahan ng pamilya" wika niya
"Kawawa naman si Tanya, balikan natin yung case sa brutal na pagkamatay ni Clarita" saad ko
"So ayun na nga, ng malaman ni Sebastian na may kinalaman si Emiliana pinag buhatan niya ng kamay si Emiliana, 3 days after that namatay si Sebastian pero hindi talaga siya namatay, kinaya niya pang makatakas" wika niya
"Pinaghihinalaan ko si Felicidad" saad ko
"Same" wika ni Gia
Hindi mo namalayan na nasa harap na pala kami ng Fort Santiago huhu
"Arat pasok tayo dito" sabi ni gia
"sige" sabi ko so ayun na nga guys pumasok na kami sa loob and nag chikahan kami ni gia tas nag picture picture kami nilibot namin ang Fort Santiago hanggang sa na padpad kami dito sa Dungeons papasok saba kamu kaso biglang may tumawag kay Gia
"OMG yung jowa ko na na-meet ko sa omegle" saad nya tas tumalon talon
"Mauna kana sa loob besh susunod nalang ako" saad nya
"K" tipid kong sabi.
So pumasok na ako then habang nag lilibot ako may nakita akong book nilapitan ko yubg book tas binuksan ko ito, its empty wala akong makita na kahit na anong words sa book nililipat ko yung bawat page baka sakali kasneg may nakalagay na words pero wala talaga kinuha ko yung book parang ninakaw ko naren ganern nung ilalagay ko na sana sa bag ko yung book may nakita akong naka ipit na letter binuklat ko yung book kung saan nakalagay yung letter then may nakita akong nakasulat babasahin ko na sana kaso biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Aleeza Maximiliana Valdez" sigaw ni gia, Wow thank you sa full name. nilagay no yung book sa bag ko tas lumapit kay gia
"Oh there you are, Nagugutom na ako kain muna tayo" saad nya
Ba't parang ang conyo pakinggan sa pandinig ko? Huhu
"Sige kumukolo na din naman yung tyan ko eh hehe" saad ko.
Habang kumakain kami bigla akong na ihi
"besh iihi lang ako saglit" saad ko
"sige besh" saad ni gia pumasok na ako sa CR habang umiihi ako may narinig akong nag mamartsya pag tapos kong umihi lumabas na ako pero wala naman akong nakita na tao lumabas nalang ako at nagpatuloy sa pag kain.
*****
MAAGA akong nagising ngayon 5:00 AM palang gising na ako kaya't naligo na agad ako at pagtapos kong maligo nag luto na ako ng pag kain para di na mag-luto sila Hannah mamaya dahil maaga din yung pasok nila ngayon pag tapos ko mag luto ginising ko na sila Hannah at Eliza sabay sabay na kami kumain ngayon, Time Check its 6:00AM naligo na sila Hannah at Eliza 6:20 AM sila na tapos maligo pag tapos nilang maligo at mag ayos umalis na kami ako na yung nag drive dahil wala si daddy ngayon.
"Hoy teka yung bayad? Nag linis kami kahapon eh" wika ni Hannah
Kinuha ko yung dos sa bag ko tas binigyan sila ng tag piso
"Piso lang?" naiinis na tanong ni Eli
"Edi mag time travel kayo sa 19th-century ng Pilipinas tas yung piso malaki na yung halaga nyan pero hindi n'yo yan magagastos kasi iba pa yung itsura ng piso sa 19th-century ng Pilipinas hehe" saad ko
"By the way kilala n'yo ba si Sebastian Alvarez?" tanong ni Eli
"Oo diba siya yung dating Gobernador-Heneral? Tas asawa niya si Maria Emiliana Aguinaldo, tas sabi ni Lola ninuno daw natin sila, hindi na rin daw nasundan yung angkan ng mga Aguinaldo dahil daw namatay yung Lucas" wika ni Hannah
"Oo nga po, kinalaban din po ni Sebastian yung Katipunan noong 1892 tas matanda na siya nun ewan ko kung ilang taon na pero 21 kasi siya nung naging Gobernador-Heneral eh" wika ni Eli
"Ang bata niya naman naging Gobernador-Heneral, may anak ba si Emiliana at Sebastian?" tanong ko
"Meron po apat po yung anak nila si Clara, Enrique, Hilaria at Joaquin" wika ni Hannah
"Tila pinagkakaabalahan mo ang paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mag-asawa" saad ko at may halong pang-aasar sa boses
"Si ate kung makapag-salita kala mo nabuhay sa 1841" wika niya at tinarayan ako
"Di naman sa pinag ooverthing kita pero pano kung mapunta ka sa panahon ng mga Kastila tas makita mo si Sebastian?" tanong ko
"Tas pag ako si Emiliana 10 yung anak namin" kinikilig na wika ni Hannah
Landi ng itsuserang palaka na toh
Its 6:55 AM 5 minutes nalang mag sisimula na yung class namen kaya binilisan ko yung pag lalakad habang nag lalakad ako nakasalubong ko si Gia
"4 minutes nalang mag i-start na yung class bilisan na naten mag lakad lagi nalang tayong late huhu" saad ni Gia.
Nakapasok naman kami ng payapa ni Gia dito sa classroom pero sa kasamaang palad na late kami ng 1 minute dahil nasa pinaka taas pa yung classroom namin.
Kakatapos lang ng class namin naiinis ako dahil binungangaan kami ng prof namin
***
"Besh anong kakainin mo?" tanong ni Gia
"pagkain" saad ko
"tsk anong pagkain kasi?" iritado nyang tanong
"Kahit ano basta pagkain" saad ko at tinarayan siya
"okay pero walang kahit ano basta pagkain dito eh, mag hanap ka na ng uupuan natin ako na oorder" saad nya
"Erkey" ma-arte kong saad at naghanap na ng mauupuan namin ni Giavana
Habang umoorder si Gia nang kakainin namin habang ako naman ay nakahanap na ng uupuan namin.
Pag tapos namin kumain pumunta ako sa library at nag basa ako syempre alangan naman kumain
Habang nag babasa ako biglang may nag text saakin kaya tinignan ko 'New Message From Hannah' yung naka lagay
Siya: 'Ate pupunta ka sa mall mamaya diba?'
Ako: 'oo bakit?'
Siya: 'i bili mo ako ng ballpen ubos na yung ballpen ko eh'
Ako: 'akina pera mo ibibili kita.'
Siya: 'tsk I bili mo kase ako alam mo naman na laging nauubusan ng ballpen yung pinaka maganda mong kapatid eh tas pasalamat ka nga tinanggap ko pa yung piso'
Ako: 'Pasalamat ka nga din binigyan pa kita ng pera, yung iba nga jan walang pera eh pero kung gusto mo yan magastos punta sa sa 20th-Century sa panahon nila mommy, magagastos mo yan doon promise pero hindi ka makakabili ng album kasi wala pang album doon'
Siya: 'Gigil moko, gigil kita, kwits lang tayo'
Hindi ko nalang siya nireplyan dahil hindi ko alam yung irereply ko.
Nilagay ko na yung book na binabasa ko sa lalagyan tas umalis na sabay na kaming pumunta na gia sa History class namin
3:00PM na natapos yung class namin sa lahat ng subject nag bihis na kami ni gia pag tapos naman namin mag bihis
***
pumunta na kami sa bagong bukas sa mall kasi nag aya si Giang panget
"grabe ang daming tao dito" saad ni gia
"oo nga" saad ko
"Doon tayo sa starbucks" wika ni Gia
Starbucks lover si Gia.
"libre mo?" tanong ko
"tsk oo na" saad nya pumasok na kami sa starbucks at umorder nag chichikahan kami ni gia habang umiinom para din kami shunga dito na tawa ng tawa.
"Kuwentuhan mo pa nga ako about history" saad ko
"Okay, noong 1845 may heneral na nagngangalang Daniel Guillermo, kalaban niya si Gobernador-Heneral Alvarez, baliw na baliw kaya si Guillermo sa asawa ng Gobernador-Heneral na si Emiliana at dahil doon naging strikto na siya sa asawa niya, hindi na niya pinapalabas si Emiliana sa bahay nila, alam mo din ba na dalawang araw hindi kumain si Emiliana? Kinulong siya ng Gobernador-Heneral sa kuwarto niya para raw mag silbing aral" wika niya
"Bakit kaya ganon yung mga mayayaman sa 19th-century? Ang o-OA tas advance pa mag isip pag nakitang magkasama sa iisang lugar sa kabilugan ng buwan sasabihin magkasintahan kahit hindi naman" naiinis kong wika
"Actually yun din yung dahilan kung bakit sila kinasal, may iba dapat na papakasalan si Emiliana si ano Gabriel, politiko yung dahilan kung bakit sila dapat ikasal pero nung nangyari yon wala nang kasal na naganap sa pagitan ni Gabriel at Emiliana, gusto din kaya ni Gabriel at Emiliana ang isa't isa" wika niya
"Gusto din kasi ni Sebastian si Emiliana sa mga panahon na yon pero nawala yung pagmamahal niya nung makita at makilala niya di Clarita, si Sebastian din yung nag-isip ng pangalan na Clara para sa una nilang anak" wika niya
"Kawawa naman talaga si Emiliana, kung ako yun iinom ako magdamag tas ibabalibag si Sebastian" naiinis kong saad
"Wehh? Hindi mo kaya yun, sarili nga niyang asawa sinasaktan niya ikaw pa kaya?" tanong ni Gia
"Ahh basta kung yung iba nahuhulog dahil sa kasungitan at ugali bg babae puwes magagawa ko din yon noh pero ako dapat si Emiliana para mabago ko yung kasaysayan" saad ko
"Pepreno diba ninuno niyo yung nga Aguinaldo? Sila Emiliana? Si Emiliana, yung anak niyang si Clara, yung anak ni Clara si Margarita, yung anak ni Margarita si Cristina, yung anak ni Cristina si Lola Carmen mo, yung anak ng Lola Carmen mo si tita Karla tas ikaw" wika ni Gia
"Kabahan ka na" wika niya
"Ayoko nga, ayokong kabahan" saad ko
"Pero mag-aasawa kaba?" tanong niya
"Hindi, bata palang ako ayoko na mag-asawa dahil nakakatamad gumising pag umiiyak yung anak mo tas basta, nagsusulat ako ng mga nobela tas lahat ito ay patok edi yung mga leading man nalang yung asawa ko tas mag fa-fake scenarios na lang ako" saad ko
"Pero fake scenarios nga lang diba?" tanong ni Gia
"Fantasy is better than reality, okay na ako sa fake scenarios kase atleast sumasaya ako kahit fake lang diba? Pero kung bibigyan ako ng chance na mag time travel nag ti-time travel ako sa past sa 19th-century ng Pilipinas" saad ko
"Para makita si Sebastian?" tanong niya
"Hindi, gusto ko lang makita yung dating Pilipinas, or kung totoo ba yung imaginations ko, kung totoo ba yung mga fake scenarios ko? And kung totoo ba yung mga taong sinusulat ko sa mga nobela ko" saad ko
"No offense ha? Pero sa tingin ko hindi totoo" wika ni Gia
"Di mo sure, kasi what if yung nangyari sa past yung naiimagine ko? What if totoo lahat pero hindi saakin nangyayari kundi sa ibang tao? Edi malas sila kasi puro tragic sinusulat ko" saad ko at tinawanan yung sarili ko
"Oo nga noh? Pero ang mabuti pa ay umuwi na tayo baka kasi bungangaan ako ni inang Cynthia" wika ni Gia at tumawa kaya tinawanan ko nalang din siya
Umuwi ka kami.
***
Pag pasok ko sa bahay nakita ko sila Eliza at Hannah si Eliza nag babasa si Hannah naman nag cecellphone
"Hoy ate nasan na yung ballpen ko?" tanong ni Hannah
Napakagandang salubong at napakahusay magsalita.
"Wala akong nabili" saad ko
"Tsk nubayan kasi naman eh" naiinis niyang wika
"Ikaw na nga lang nagpapabili ikaw pa galit, bukas nalang kita ibibili" saad ko
"K fine" tipid niyang sagot
pumunta na kaming tatlo sa kanya kanya naming kwarto si Eliza tulog na tas si Hannah cellphone is life matutulog na sana ako kaso biglang nag chat si dad
'pupunta tayo sa bahay ng lola nyo bukas'
text ni dad ni like zone ko sya tas finorward yung message ni dad kila Hannah at eliza si Hannah ni like zone ako tas si eliza naka Sent lang yung message. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobraa
29/01/2024
0Ang ganda ng story ❤️❤️
20/11/2023
0💜💜💜
26/05/2023
0Tingnan Lahat