Homepage/A Different World/
11
"ATE may bisita ka po Manuelito ho ang pangalan" wika ni Tanya, Manuelito? Sino yun? My gosh huhu
Dali dali akong bumaba at pag baba ko nakita ko doon si Koronel Sebastian, pano naging Manuelito kung Sebastian? Huhu
"Magandang Hapon binibini" wika ni Manuelito, maganda pa ako sa Hapon hehe
"M-magandang Hapon din seb- Manuelito pala hehe, ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko at nginitian siya
"Nais lang sana kitang dalawin binibini dahil naka abot saamin ang balita na hindi na daw tuloy ang kasal ninyo ni Heneral Sebastian" wika ni Manuelito, huwag na huwag mong mabanggit ang pangalan n'ya dahil na broken ako huhu #emo
"Nais din sana kitang makausap binibini" dagdag pa niya
"Nag uusap na nga tayo eh" saad ko at tinawanan siya
"Sa pribadong lugar sana binibini kung saan walang makakakita saatin" wika ni Manuelito, my gosh mamaya isa kang Arabo tas tawagin mo nalang akong dear
Tumango lang ako at lumabas na pumunta kami sa hardin at doon umupo. Naalala ko nanaman ang masasayang araw namin ni Sebastian kung saan walang nakapipigil sa aming pagmamahalan, naalala ko din nu'ng araw na nag confess siya saakin sa lugar na toh tas naka-upo din kami kung saan naka-upo kami ngayon ni Manuelito
"A-ano nga pala ang nais mong sabihin saakin?" tanong ko at pilit na ngumiti but I can't huhu
"Matagal na kitang nakikita sa aking mga panaginip binibini, Isa ka sa mga kasama ko noong pinatay ako" wika ni Manuelito
"My gosh wag mo akong pag isipan ng masama, mabait ako pinanganak akong may takot daw Diyos tas tuwing December lagi kong kinukumpleto yung simbang gabi, nag sisimba din ako tuwing linggo kaya wag mo akong pag isipan ng masama kung ayaw mong ipapulis kita" saad ko
"Hindi kita pinagiisipan ng masama binibini, nais ko lang sabihin na may kakilala ka bang Arturo ang pangalan?" tanong niya
"Wala bakit?" tanong ko aat tinignan siya, naalala ko nanaman yung moment namin si ano... Sebastian.
"Dahil isa siya sa mga pumatay saakin sa aking panaginip, at ikaw naman kasama mo si Ginoong Sebastian nu'ng araw na iyon at tinawag niyang Ama si Arturo" wika ni Manuelito
My gosh pa'no kung... Eh diba sabi sa telegrama para kay Sebastian pinatay na ni Ama yung tunay na Ama ni Sebastian? Eh bakit ganun?
"Hindi ako NBI o P-DEA kaya wag mong sabihin saakin yan lalo na ngayon ang dami kong iniisip baka tumaas nanaman ang blood pressure ko" saad ko with my maarte boses saka tinarayan siya
"Bakit nag hiwalay kayo ni Heneral Sebastian?" tanong niya, napatigil ako sa ginagawa ko nang dahil sa sinabi niya at tila isa ako istatwa na hindi makagalaw
"Ahh kase sa totoo lang ayaw ko siyang hiwalayan kaso iyon ang itinakda ng tadhana, gustuhin man namin kaso marami nang hadlang sa pag-iibigan namin, Actually kanina nangyari yung bagay na pinaka-ayaw kong mangyari... Kanina ay ano huli na naming pagkikita at paguusap yung nangyari kanina gustuhin ko mang makipag balikan sa kanya kaso hindi ko alam kung paano, kailan, saan at bakit ko iyon gagawin" malungkot kong sabi
"May maitutulong ba ako binibini?" tanong ni Manuelito
"Wala hehe" saad ko
"Ikaw ang pinakamatapang na babae na nakita ko binibini. Noong pumasyal kayo ni Heneral Sebastian nakita kita na inaway ang isang guwardiya sibil, hindi ko alam ang dahilan ngunit alam ko na may dahilan ka kung bakit mo iyon ginawa binibini" wika ni Manuelito
"Gaano mo kamahal si Ginoong Sebastian?" tanong ni Manuelito
"B-bakit mo naman natanong? Whyyy?" tanong ko
"Basta binibini" wika ni Manuelito
"Uhh I don't know" saad ko
My gosh- di nga pala siya nakaiintindi ng wikang Ingles huhu
"You don't know? Magandang sagot binibini" wika niya at pasimpleng tumawa
"My gosh nakakaintindi ka ng wikang Ingles?" gulat kong tanong sa kanya
"Oo binibini, isang Amerikana ang aking ina at isa namang Espanyol ang aking Ama" wika niya
"Ahh okay by the way nais kitang makilala kaya sabihin mo saaking ang iyong mga inpormasyon" saad ko at nginitian siya
"Hah?" tanong niya
"Ahh ano ang totoo mong pangalan? Ano ang mga talento mo? Saan ka nag aral?" tanong ko, my gosh para naman ako stalker nito
"Manuelito Sebastian Tinio y Vasquez, nag aral ako sa Unibersidad de Santo Tomas, Ateneo, universidad ateneo de manila, at sa Unibersidad ng Madrid sa Espanya" wika niya
"Okay" tipid kong sabi, ayoko ng taga Ateneo, dahil doon nag aral si Sebastian
"The moon is beautiful isn't it?" tanong niya at tumingin sa itaas, my gosh what is this?
Naalala ko yung sabi ni Sebastian na 'Ang ganda ng bahaghari noh?' and it means Loving you is hoping to be with you always tas yung ibig sabihin ng sinabi ni Manuelito ay I love you
My gosh ang bilis tumiklop ng lalaking toh nanggigigil ako, The moon is beautiful isn't it daw pero sa araw naka tingin.
"Ayos ka lang ba binibini?" tanong ni Manuelito
"Ahh oo naman hehe may naalala lang ako" saad ko at nginitian siya
"Si Heneral Sebastian ba kamo binibini?" tanong ni Manuelito, yes hindi ka nagkakamali.
"Oh siya kailangan ko nang umalis binibini at mag gagabi na, paalam" dagdag pa niya, hay salamat at umalis na din yung lalaking yun
Pumasok na ako sa loob at pagkapasok ko doon nakita ko si Ama na naka-upo sa sofa namin at tila pinapanood niya ang bawat kilos na aking ginagawa
"Nakita ko kayo ni Manuel kanina, kung hindi ka maikakasal kay Sebastian edi kay Manuelito na lang" wika ni Ama
"Mahal ko po si Sebastian" saad ko
"Kung mahal mo siya paano mo nagawang ibunyag ang sikreto ng Ama niya?" tanong ni Ama
"Dahil dapat niyang malaman ang sikretong matagal nang tinatago sa kanya, alam na din naman niya na hindi niya tunay na Ama si Don Antonio eh" saad ko
"P-pano?" tanong ni Ama
"Hindi ko po alam, nagising na lang po ako na alam na niya ang tungkol sa tunay niyang pagkatao na siyang karapat dapat" saad ko
"At tiyaka bakit po ayaw ninyong malaman ni Sebastian na hindi niya tunay na Ama si Don Antonio? May ginawa po ba kayong masama kay Ginoong Arturo?" sarkastiko kong tanong, kahit hindi niya aminin alam ko na.
"Wala at bakit mo naman yan iniisip?" tanong niya at itinaas ang kanyang mga noo "W-wala po" saad ko
"Tama na yan Emilio at Emiliana anak, kumain na tayo at masamang pinag aantay ang pagkain" wika ni Ina, buti pa si Mudrakels mabait pero etong si papi...
Pumunta na kami sa hapag kainan at kumain na dahil tulad ng sabi ni mader earth, masamang pinag aantay ang pagkain.
Nang matapos na kami kumain nag hugas na si Ina at umakyat na ako sa taas tas nag kulong sa kuwarto ko saka naligo na at nagbihis.
Pupunta ako sa tagpuan namin ni Sebastian at handa na akong ibaba ang aking pride chicken joy, handa na ako... Oo na marupok na... Mamayang alas ten PM na ako pupunta sa tagpuan namin ni Sebastian at kung wala siya doon mag-iiwan na lang ako ng letra ng pagtanggap na hindi talaga kami.
Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ko na siya mahal kasi kahit anong pagmomove on ang gawin ko hindi ko talaga siya makalimutan. Laging bumabalik yung masasaya naming araw ni Sebastian, ang dami na talagang nag bago sana hindi ko nalang ginawa yon para sana kami parin hanggang ngayon.
Umiglip muna ako dahil alas seven pa lang.
"Magandang umaga Sebastian, kamusta kana? Ang tagal natin di nagkita ah" saad ko at nginitian siya 1 week and 3 days...
"Bumalik ako dahil akala ko'y may babalikan pa ako ngunit wala na pala... Ang bilis mo naman makalimot sinta" wika ni Sebastian na siyang ikinagulat ko, What the fudge?
"A-anong ibig mong sabihin? Hehe" saad ko at tinawanan pa siya upang kumbinsihin ngunit seryoso parin siya huhu, Iniisip ba n'ya na two timer ako? Wag naman sana
"May namamagitan ba sainyo ng Koronel?" tanong ni Sebastian kasama ang seryoso niyang tono, Ang OA naman nito ni Sebastian
"Ang OA mo naman hahaha, walang namamagitan saamin ni Colonel Sebastian ikaw lang ang mahal ko" saad ko at tinawanan siya, Hindi ko na napansin na napapalo ko na pala yung dibdib ni Sebastian kakatawa
"Ahh patawad" saad ko
"Ano ang ginagawa mo sa loob ng isang linggo at limang araw na wala akong binibini? araw araw ka ba nakikipag kita sa koronel na iyon?" seryosong tanong ni Sebastian, gano'n naba talaga ang tingin mo saakin? Huhu ang manhid mo naman pero ang OA ko rin haha
"Hindi... Hindi ako nakikipag kita sa kanya namasyal lang ako kanina ngunit habang namamasyal ako nakita ko ang Koronel ngunit hindi ko siya kinausap siya ang kumausap saakin" saad ko at nginitian siya, Ang ganda ko talaga lahat gusto akong kausapin
Tumango naman ang heneral bago mag salita "Mag kita tayo mamayang gabi" wika ni Sebastian
"Anong oras?" tanong ko at nginitian siya, oh baka mamaya big deal nanaman sayo kung bakit ko tinatanong kung anong oras huhu
"Mamayang alas ocho y cincuenta de la noche" wika ni Sebastian hah? Anong oras yun?
"Anong oras ba yun?" tanong ko, kumuha ako ng papel at ballpen saka binigay iyon sakanya at sinenyasan na isulat n'ya kung anong oras ba iyon
Binigay na n'ya saakin yung papel at ang oras na nak sulat ay 8:50 ng gabi tumango naman ako at nginitian siya
"Kailangan ko ng umalis binibini nag kita nalang tayo mamayang hatinggabi" wika ni Sebastian at umalis na
Pumasok na ako sa loob pag alis ni Sebastian at nakita ko doon sila Kuya Lucas, Ate Felicidad at Tanya nag babasa, si kuya Lucas diyaryo ang binabasa habang si ate Felicidad at Tanya ay libro ng binabasa
Di nalang ako nag talk dahil di din naman nila ako pinapansin dahil busy silang lahat sa pag babasa
Na bobored na ako ngayon kaya't naligo na ako para ready mamaya at natulog, pag nagising ako at time sisiputin ko si Sebastian pero pag hindi naman bahala siya sa buhay n'ya bukas nalang ako mag eexplain.
Pagka gising ko tinignan ko yung orasan 7:30 pm na at narinig ko ng sumigaw si Felicidad at sinabing bumaba na ako agad agad akong bumaba at kumain na kami.
Pagka tapos namin kumain ako na nag hugas para pampalipas oras pag tapos ko mag hugas tinignan ko yung orasan at 8:03 PM na 47 minutes pa huhu
Umakyat na ako sa taas para maligo ulit para mabango at fresh pagka ligo ko nag bihis ulit ako ng magandang dress dahil yung suot ko kanina pang tulog yun mamaya ko nalang sosoutin pag uwi ko
Naligo ako sa pabango para sobrang bango, tinignan ko yung oras ay 8:39 PM na, aalis ako ng bahay pag 8:45 na. Tinalian ko na yung buhok ko at nag sapatos na nag pabango ulit ako pati yung buhok at sapatos ko saka jewelry and kamay ko pinabanguhan ko dahil ayokong maging hindi kaaya aya ang amoy
Tinignan ko yung orasan at 8:44 na kaya't umalis na ako dahil medjo malayo yung tagpuan namin ni Sebastian mga 5 minutes pag lalakarin
Di ako nahirapan sa mga bantay dahil may isang way para makalabas at secret na yun haha
Pag punta ko sa tagpuan namin ni Sebastian nakita ko si Sebastian na naka upo kaya't nilapitan ko siya
"Magandang gabi binibini akala ko hindi kana pupunta" wika ni Sebastian at niyakap ako, niyakap ko rin siya syempre dahil na miss ko siya
"Maupo ka muna binibini" wika ni Sebastian at umupo saka sumandal sa may kahoy umupo na ako at sumandal din saka tinignan si Sebastian
"Saksi ang mga bituin sa ating pagmamahalan sinta" wika ni Sebastian at nginitian ako nginitian ko din siya cuz why not diba?March 7 2020 ang araw kung kailan ako napunta sa panahon na ito at ang araw kung kailan ko unang nakita si Sebastian Alvarez, May 1 1841 na kaya't may 6 months nalang ako dito...
Maaalala pa kaya ako ni Sebastian after 179 years? Sana oo kasi ako hindi ko makakalimutan si Sebastian kahit ilang years pa. Ang pag pag-ibig sa kabila ng panahon
"Kung mawawala ako tapos hindi na ako maaaring makabalik sa'yo kahit gustuhin ko pa man, anong gagawin mo?" tanong ko at nginitian siya
"Mag iintay ako sa ngalan ng pag ibig mo binibini" wika ni Sebastian at nginitian din ako
"Talaga mag iintay ka ng 179 na taon?" tanong ko at nginitian ulit siya, baka mamaya tigok kana non.
OMG-- huhu ang pinaka huling gabi na walang nakapigil sa pagmamahalan namin ni Sebastian, hindi ko maiwasang maiyak dahil hindi ko tanggap huhu.
Tinignan ko ang orasan at alas ten na kaya nag ayos na ako at nag dala ng papel tas ballpen para kung wala si Sebastian nais ko paring malaman niya na mahal na mahal ko siya at never iyon magbabago.
Lumayas na ako sa Hacienda at pumunta na sa tagpuan namin ni Sebastian ngunit walang tao...
Katahimikan.
Okay lang yan atleast pumunta ka dito. Umupo na ako sa damuhan at sumandal sa kahoy ng puno na lagi naming ginagawa ni Sebastian pag nandito...
Kinuha ko yung ballpen tas papel na dala ko saka na sulat na.
Magandang Gabi Sebastian,
Kamusta kana?, alam kong hindi naging maganda ang una at huli nating pagkikita ngunit nais ko na malaman mo na mahal na mahal kita at hindi ito magbabago kailanman.
Nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at huwag kang magpapalipas ng gutom pero kung ayaw mong kumain edi wag matitigok ka rin naman eh yun lang bye.
=E
W@l@ n@ bul0k n@.
Tiniklop ko na yung papel at nilagay sa inuupuan ni Sebastian saka umalis na.
Wala na akong pake kay Sebastian.
Sana nga wala na.
Nang makarating na ako sa Hacienda namin pumasok na ako at umakyat sa kuwarto ko saka natulog na.
***
KAKAGISING ko lang at nakaligo na rin ako saka nakapag almusal na. Hindi parin umuuwi si Kuya Lucas hanggang ngayon at pinaghihinalaan ko rin siya. Naaalala ko noong nag usap silang dalawa ni Ama na mention niya yung Arturo na pangalan at alam niya rin na yung Arturo yung tunay na Ama ni Sebastian.
Lumabas na ako sa Hacienda at wala na akong pake kay Sebastian.
Meron pa pala...
"Binibini" wika ng lalaki sa likod ko. Hinarap ko siya at nakita ko si Manuelito kase may mata ako.
"M-manuelito ano ang iyong ginagawa dito?" tanong ko
"Nais lang sana kitang ipasyal binibini, Maaari ba?" tanong niya at nginitian ako
"S-sige" tipid kong tugon. Sumakay na kami sa kalesa, saan naman kaya kami pupunta ng lalaking toh?
Pogi naman siya, Singkit ang mga mata niya, matangkad siya, maputi, matangos ang mga ilong, at nakakaattract yung Adams Apple niya-- hindi pala hehe
Nawawala ang mga mata ni Manuelito sa tuwing tumatawa siya saka ang liit din ng kanyang mouth huhu saka mukha pa siyang matalino pero matalino naman talaga siya eh. Pero bakit isa lang siyang Colonel?
I mean bagay sa kanya ang maging heneral
"Bakit hindi ka heneral?" tanong ko kay Manuelito at nginitian siya
"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo na yan binibini?" tanong ni Manuelito
"Oo" saad ko at nginitian ulit siya
"Kaagaw ko si Heneral Sebastian sa ranggo ng pagiging heneral, matagal ko nang pangarap na maging isang Kapitan Heneral ngunit inagaw saakin ni Sebastian ang ranggo ng pagiging heneral, Isa lamang Tinyente Heneral si Sebastian kaya kung magiging Kapitan Heneral ako mas mataas na ang posisyon ko sa kanya" wika ni Manuelito
"Ayaw mo bang maging Gobernador-Heneral?" medyo seryoso kong tanong
"Gusto ngunit alam ko na hindi ako magiging isang Gobernador-Heneral" wika ni Manuelito
"Alam mo ba kung gusto mo dapat maniwala ka na magiging totoo yon" saad ko. Noong bata nga ako pangarap ko na makapunta sa 19th-century tas naniwala ako na magkakatotoo yun tas naging totoo nga. Pero late na hehe
Hindi na ako nakarinig ng anumang tugon mula kay Manuelito at nginitian niya lang ako.
My gosh na eenjoy ko na maging kasama tong Manuelito na toh huhu
"Saan nga pala tayo pupunta Manuelito?" tanong ko at tinignan siya
"Pupunta tayo sa simbahan ng San Agustin binibini at pag tapos mamamasyal na tayo" wika niya at nginitian ako, linggo nga pala ngayon hehe
Magpapakasal ba tayo? No never
"Nandito na tayo binibini" wika ni Manuelito at bumaba na, nang makababa na siya inilahad niya ang kanyang mga palad at binigay ko naman yung kamay ko at inalis na nang makababa na.
Naalala ko nanamn si Sebastian.
"Halika na binibini" wika ni Manuelito at nag lakad na, sabay lang kami ng lakad ni Manuelito
Habang nag lalakad kami papasok sa simbahan nahagip ng mata ko si Heneral Sebastian na hawak yung letter na iniwan ko kahapon tas nakalagay sa likod non W@l@ n@ bul0k n@.
OMG nakakahiya huhu, pero sino ba siya? Hindi ako nahihiya, hindi nga.
Nang matapos na niyang basahin yung letter ko para sa kanya nilagay na niya sa bag niya yung letter tas napahinto siya nang makita ako
Eye contact.
"Ayos ka lang ba binibini?" tanong ni Manuelito
"Ahh oo hehe halika na at naka langhap ako ng masamang hangin dito sa labas, sa tingin ko may masamang espiritu na gusto akong lapitan kaya halika na, I don't claim bad energys" saad ko
Pumasok na kami ni Manuel sa loob ng simbahan at nakinig na sa misa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobraa
29/01/2024
0Ang ganda ng story ❤️❤️
20/11/2023
0💜💜💜
26/05/2023
0Tingnan Lahat