Habang naglalakad lakad ang isang binata bigla siyang may naka banggang babae. Sa tansya ng Binata mga 9 o 11 na taong gulang ang bata. "Uhmm s-sorry po. Hindi ko po sinasadya na mabangga ka" nahihiyang sambit ng dalaga "Ayos lang iyon binibini" puna ng binata. May hawak na bolpen at makapal na kuwaderno ang dalaga at tila naliligaw ito. "B-bakit ganyan ang iyong itsura binibini?" nagtatakang tanong ng binata Ayos lang naman ang itsura ng dalaga ngunit namamaga ang kaniyang mga mata at tila nasobrahan ito sa pag iyak. "K-kasi lagi na lang busy si daddy sa work niya at wala na siyang time sa amin nila mommy. Lagi din sila nag-aaway nila mommy and I think gusto na nilang maghiwalay" naiiyak na sambit ng batang babae "Maaari kitang tulungan pero bago kita tulungan ano muna ang iyong pangalan?" tanong ng binata "Sabi ni mommy dapat daw di ako nakikipag usap sa strangers tas wag ko daw sasabihin yung name ko and wag sasama sa kanila kasi baka daw kidnapin nila ako" tugon ng batang babae saka lumayo ng onti sa binata "Sa tingin mo bakit kita kinakausap at iniintindi kung dudukutin kita?" depensa ng binata sa sarili "Sasabihin ko sa iyo kung susundin mo ang gagawin ko" na eexcite na sabi ng batang babae "Hayy sige na nga" napipilitan na sabi ng binata "Do what I said and repeat what I said" sabi ng batang babae "I promise na tutulungan ko ang magandang babae na nasa harapan ko ng walang kapalit" sabi ng batang babae Inulit naman ng binata ang sinabi ng batang babae "Okay so.... Aleeza Maximiliana Valdez po ang aking pangalan" sabi nito "Ikaw po ano naman po ang inyong name?" tanong ng batang babae "Bago ko sabihin sa iyo ang aking pangalan maaari ko ba sa iyo ikuwento ang pinaka paborito kong nobela na ako mismo ang gumawa?" tanong ng binata Tumango tango naman ang batang babae at tila naeexcite ito sa ikukuwento ng binata sa kanya. "Noong unang panahon--" pinutol ito ng batang babae "Wait wait wait wait wait, sa tuwing nag wawatch ako ng novels puro noong unang panahon ang una kong naririnig o di kaya once upon a time, puwede bang yung iba naman?" naiiritang tanong ng batang babae "O sige kung yan ang iyong gusto" wika ng binata at nagsimula nang nag kuwento "Noong taong 2009 may babae na nangangarap na maging isang tanyag na historyador o di kaya maging isang tanyag na manunulat. Ngunit noong lumaki na siya nag bago na ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Mas inu-una niya ang pagsasaya kasama ang kaniyang mga kaibigan kaysa sa pag-aaral. Ngunit huwag mo siyang husgahan dahil lahat ng pangarap ay nagbabago at ang lahat ng tao ay nagbabago. Isang araw hindi niya namalayan na nasa ibang panahon na pala siya. Napunta na pala siya sa taong 1841 sa panahon ng mga Kastila. Hindi siya nainiwala sa pag-ibig hanggang sa makilala niya ang binatang nagngangalang Sebastian" "totoo po ba ang time travel? kasi kung totoo babalik ako sa nakaraan. sa panahon ng mga ninuno namin" sabi ng batang babae "bakit mo naman gugustuhin na makabalik sa nakaraan? pano kung may mahanap ka na lalaki tas iibigin mo siyang tunay?" tanong ng binata at sa boses nito parang nag babanta pa siya. "Hindi po ako mag aasawa at kahit kailan never po ako magkakagusto. Baka hopeless romantic to" taas-noong sabi ng batang babae "sa itsura mo parang inosente na batang paslit ka ngunit sa kaugalian mo parang ang... Ahh... basta kahit kailan huwag kang magsasalita ng tapos dahil hindi mo pa alam ang mga mangyayari sa hinaharap" payo ng binata sa batang babae "madaldal ba ako" wala sa sariling tanong ng batang babae "medyo... madaldal na hindi?" patanong na sagot ng binata kaya nagtawanan ang batang babae at ang binata "Hinahanap kaya ako nila mommy, daddy at Hannah? pero pano kung hindi? pano kung ayos lang sa kanila kung nawawala ako? pano kung hindi nila ako mahal?" nag-aalalang tanong ng batang babae "huwag ka nang mag Isip isip ng ganiyan Aleeza. Wala ka bang tiwala sa pamilya mo? hindi mo ba sila pinagkakatiwalaan? at kung hindi ka nila mahal bakit ka nila pinalaki, pinag-aral sa maayos na paaralan, binibigay lahat ng gusto at bakit ka nila binigyan ng magandang buhay kung hindi ka nila mahal?" tanong ng binata sa batang babae upang mapagaan ang loob nito "Oo nga no... pero pano kung hindi talaga? lunurin ko kaya ang sarili ko sa napakalalim na lawa para mag-alala sila sakin?" na eexcite na tanong ng batang babae "Mag hunus dili ka Aleeza" biglang sabi ng binata kaya napakunot ang noo ng batang babae "Hunus dili? Alam mo ba na sa lola ko lang yan naririnig? pag may naiisip ako na gawin at hindi niya ito nagustuhan sasabihin niyang nag hunus dili ako kaya na-alala ko tuloy siya... kamusta na kaya sila nila mommy? Speaking of hunus dili, anong ibig sabihin niyon?" tanong ng batang babae "Ang ibig sabihin ng hunus dili ay mag isip ka muna bago gawin ang bagay na gusto mo o bago gumawa ng hakbang dahil laging nasa huli ang pagsisisi" paglilinaw ng binata sa batang babae "ahh okay kaya pala.... Eh yung pilya ano yung pilya? yung ibig sabihin niyon?" tanong ng batang babae saka napatingin sa binata "ang ibig sabihin ng pilya ay maharot o malikot. puwede ring makulit" tugon ng binata sa batang babae
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda sobraa
29/01/2024
0Ang ganda ng story ❤️❤️
20/11/2023
0💜💜💜
26/05/2023
0Tingnan Lahat