Chapter 98

Chapter 98
PAGDATING ko sa mansion ay narinig ko ang bulungan nila, mukhang nakita nila akong papasok na ng mansion. Palihim akong natawa kasabay ng pag-iling ko, tahimik ang paligid kaya alam kong may surprise sila sa akin, pagpasok ko sa sala ay napaigtad ako nang biglang may pumutok na nagmula sa second floor.
“Happy birthday!”
Natawa ako ng mahina nang makita ang mga confetti na nagsisihulugan dito sa baba mula sa second floor. Nilapitan ako ni Papa at sinalubong ng yakap kaya napangiti ako. Mahigpit ko siyang niyakap.
“Happy birthday, anak,” bulong nito habang nakayakap sa akin kaya lalo akong napangiti.
“Thanks, Pa.”
“Happy birthday, Ma’am!” bati sa akin ng isang kasambahay kaya napatingin ako sa kanila. Doon ko lang na may hawak silang mga lobo. Mukha ba akong bata?
“Thank you po sa inyo,” sabi ko kaya napangiti silang lahat sa amin.
“Deserve niyo ng pagmamahal, Miss Lara. Biyaya ka rin sa amin,” sabi ni Manang kaya lalo akong napangiti.
“Biyaya po tayo sa isa’t-isa. Malaki po ang naitutulong niyo sa akin lalo na’t kayo ang nagbabantay kay Papa,” sagot ko.
Napatingin ako kay Papa nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at inilagay iyon sa balikat niya, natawa pa ako ng mahina nang marinig ang kanta na nagmumula sa gilid. Dahan-dahan ang bawat pagsayaw namin ni Papa, hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko.
“Pa, bawal iyakan,” biro ko nang mapansing namumula ang mata niya. Tumulo nang tuluyan ang luha niya kasabay ng pagtawa niya kaya napayuko siya.
“Ang tanda mo na, anak, parang ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, inaalalayan pa kitang maglakad, binabantayan pa kita, ngayon nagiging istrikto ka pagdating sa akin para mapanatili ang pagiging healthy ko.” Napangiti ako.
Pinunasan ko ang luha ni Papa, “Pa, hindi pa ako mamamatay, ‘wag muna.”
“Siraulo ka talaga,” naiiling na sagot niya saka pinunasan ang luha kaya natawa ako.
Pareho kaming natahimik habang sumasayaw pa rin nang dahan-dahan. Hindi ko alam kung talagang nakalimutan ni James na birthday ko ngayon o hindi niya talaga alam. Kahit si Clark ay wala ring bati sa akin, siya pa naman ang inaasahan kong unang babati sa akin!
Dahil siya talaga ang unang nagpapaalala sa akin na ngayon ang birthday ko!
Doon ko lang napansin ang mga nakakalat na lobo na nakasabit sa pader at railings ng hagdan. Ginawa talaga akong bata, e!
Meron pang lobo na nakalagay ang pangalan ko, napansin ko rin ang litrato ko noong bata pa ako. I’m proud of it tho, I looked cute with those pictures of mine na sinabit nila with the balloons.
Napatingin ako kay Papa nang mapansing may sinuot siya sa akin, nagulat ako nang makita ang kwintas na binigay sa akin ni James noon. This was the time when we went to Batangas for our christmas vacation.
“Pa…”
“Nakita ‘yan sa ilalim ng kama mo no’ng nagpalinis ako, ikaw talaga, hindi mo inaayos ang mga gamit mo bago umalis,” naiiling na sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila sa isang maliit na table kung saan doon kami uupo, mukhang may ginagawa na naman ang mga kasambahay dahil wala na sila rito. Hindi matanggal ang isang kamay ko mula sa pagkakahawak sa maliit na buwan na pendant ng kwintas.
Matagal ko na ‘tong hindi nakikita, nawala na nga sa isip ko ang kwintas na ‘to dahil tinapon ko lahat ng mga gamit na binigay sa akin ni James para makalimot ako noon. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko, hindi ko maalis tingin sa kwintas dahil hindi pa rin ako maka-get over na nandito pa pala ‘to. Ilang taon na, ngayon lang nila nakita?
Napatingin sa akin si Papa nang hindi ko pa galawin ang pagkain ko kaya napaayos ako ng upo at nginitian siya bago kinuha ang kutsara’t tinidor.
“Kumusta ang France, anak?” tanong ni Papa sa gitna ng kainan namin kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ayos lang po, Pa, marami nga lang meetings na pinuntahan para makita ang mga tagahanga,” nakangiting sagot ko sa kanila kaya napatango siya kasabay ng pagngiti niya.
“Paniguradong proud ang Mama mo sa ‘yo, anak,” sambit ni Papa bago sumubo sa pagkain niya kaya napatango ako.
“At paniguradong naiinis si Mama sa ‘yo kapag nagpapalipas ka ng kain mo, Pa,” dagdag ko sa sinabi niya kaya natawa siya kasabay ng pag-iling niya.
“Kung nandito ang Mama mo, paniguradong palagi ko siyang susuwayin para palagi siyang galit,” natatawang sambit niya, “Pareho kayo ng Mama mo, e, ang cute tignan kapag nagagalit,” dagdag niya kaya pareho kaming natawa.
Binisita ko si Mama no’ng nakaraan dahil hindi ako nakapunta sa death anniversary niya dahil nasa France ako no’n. Paniguradong mas maganda at masaya ang birthday ko kung kompleto kami. Hindi ko pa nasubukang i-celebrate ang birthday ko nang kasama si Mama, ‘yon talaga ang kulang sa buhay ko.
Kahit sinong iharap sa akin sa kaarawan ko, hindi mawawala sa akin ang pag-asang makasama ko ulit si Mama pati na rin sa kaarawan namin.
“Ba’t hindi mo sinusuot ‘yang kwintas na ‘yan? Ayaw mo ba? Maganda,” komento ni Papa habang nakatingin sa kwintas na ibinigay ni James sa akin noon.
“Pa naman.”
“Bakit? Bagay kaya sa ‘yo, dapat hindi mo ‘yan tinatanggal. Halatang matagal na pero kitang-kita pa rin ang kagandahan,” sabi niya.
“Regalo po ni James sa ‘kin ‘to noon.” Natigilan siya sa pagkain at napatingin sa akin nang marinig ang sinabi ko. Mukhang ngayon niya lang na-realized ang sinabi niya dahil napatikhim siya.
“Pasensya na, anak, hin—“
“Pa, paano kapag may nakagawa ng masama sa ‘yo sa past mo at gustong itama ‘yon, maniniwala ka pa po ba?” tanong ko nang putulin ko ang sasabihin niya.
Tumango siya, “Kapag sincere syempre.”
Binitawan ko ang utensils na hawak ko, “Paano malalaman kung sincere ang isang tao?”
“Bakit? Humihingi ng chance sa ‘yo si James?” tanong niya kaya napatingin ako nang deretso sa kaniya, “Mahal mo pa ba, anak?”
Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik sa harap niya. Hanggang ngayon hindi ko alam. Aaminin ko may times na hinahanap ko siya, gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kaniya pero nasa akin pa rin ‘yong takot na sumugal, na baka matalo na naman ako.
Hindi ko naiintindihan ang sarili ko, after seven years, hindi ako nawalan ng pag-asa na baka humingi siya ng tawad sa akin at ayusin ang relasyon namin. Ngayon namang ito na, nandito na siya, parang bigla akong natakot sa mga possibility na mangyayari.
“Hahayaan mo bang maramdaman mo na naman ang naramdaman mo noon, anak? Alam mo kung gaano ka nagsisi na hindi mo grinabbed ang chance na meron ka no’ng buhay pa ang Mama mo, alam mo kung ano ang mangyayari sa ‘yo kung papairalin mo ang pride at takot mong sumugal.” Napatingin ako kay Papa nang magsalita siya, sa nakikita ko ngayon, parang ibang Papa ang kaharap ko ngayon.
Sobrang seryoso niya pati na rin ang mukha niya. Nakita ko naman na ang pagiging seryosong side ni Papa pero hindi ko naman ine-expect na magiging seryoso siya while talking about James.
“Ayokong nakakaramdam ka ng pagsisisi sa bagay-bagay dahil alam ko kung gaano ka naaapektuhan, bilang Ama, ayaw ng isang Ama na nasasaktan ang prinsesa niya, prinsesa kita, Lara. At nakikita kong nagiging masaya ka sa kaniya. Hayaan mong ipaliwanag niya lahat kasi ‘yon ‘yong nag-iisang bagay na hindi mo ginawa noon, hindi mo siya tinanong kung bakit ganoon ang nangyari. Gumawa ka agad ng desisyon na nakasira sa mundo niyo pareho,” mahabang sambit niya.
Napayuko ako, hindi alam ang sasabihin kay Papa. Parang naubusan ako ng salita dahil sa sinabi niya. Yeah, that’s my mistake. I made a decision without knowing his side.
“Kung papairalin mo ang takot mo, hindi ka magiging masaya sa buhay mo.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata