Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 97
Chapter 97
Hindi ko alam kung ilang buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang nangyari sa dagat dahil pagkatapos no’n ay pabalik-balik na naman ako sa New York para asikasuhin ang branch ko ro’n. Nag-focus ako sa trabaho ko kahit na palagi akong ina-update ni Selene tungkol kay James.
They found out na may past kami ni James kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang aminin sa kanila ang totoo dahil nakokonsensya rin ako na nagsisinungaling ako sa kaniya. Kahit na todo iwas ako kay James, hindi pa rin siya tumitigil sa kakakulit sa akin, may times nasisigawan ko na siya kapag nasa boutique kami kaya napapatingin sa amin ang mga nakakakita pero mukhang wala silang pakialam.
Kahit na halos sundan ako ni James sa mga napupuntahan ko, hindi nadadawit ang pangalan naming dalawa sa issue, parang hinahayaan na lang kami ng media. Napatingin ako sa paligid para hanapin sina Selene dahil kakarating ko lang mula sa France.
May fashion show kasi akong in-attend-an, I even saw Celine there pero hindi ko siya nilapitan dahil wala naman akong balak magtagal sa fashion show. Sobrang laki ng pinagbago niya, nalaman kong kaka-graduate niya lang pala, photography pa rin pala ang course na kinuha niya. Rinig ko rin na part time niya ang pagmo-model, well bagay niya naman dahil lalong gumanda ang katawan niya, komportable siyang nagsusuot ng mga dress na fitted.
Kinaway ko ang kamay ko nang makita sina Selene, mabilis silang lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.
“Hoy, grabe na-miss ka namin!” sambit niya kaya natawa ako ng mahina.
“Nasa’n pasalubong?” singit ni Daryll kaya naibaling ang tingin ko sa kaniya.
“Mamaya ‘yang pasalubong, deretso tayo sa boutique,” nakangiti kong sambit sa kaniya kaya napatango siya. Hinawakan niya ang isang wrist ko, ginaya rin siya ni Selene na hinawakan ang kabilang wrist ko.
Sabay-sabay kaming lumabas ng airport.
HABANG nasa biyahe kaminay puro tawanan lang kami, nilakasan ko ang radyo at sinabayan namin ang kanta. Halos sumigaw na si Selene nang nasa mataas na part na ‘yong kanta. Maganda ang boses niya pero minsan, mas magandang patahimikin na lang, e!
Pagdating namin sa boutique ay napakunot ako dahil sarado ang boutique. Masyado pang maaga para magsara, ba’t ang aga? Napatingin ako sa dalawa, they winked on me kaya napataas ang kilay ko. Naiiling akong pumasok sa loob.
Napatili ako nang marinig ang sunod-sunod na paputok.
“Happy birthday, Ma’am Lara!” sabay-sabay na sigawan nila. Napansin kong halos lahat sila ay nandito, kompleto rin ang mga saleslady kaya napangiti ako.
Napatingin ako sa dalawa, they smiled at me.
“Birthday ko ba?” natatawang tanong ko kaya natawa rin sila.
“Malamang nakalimutan mo na naman, ganiyan ka naman, e,” singit ni Daryll kaya natawa na naman kaming lahat.
Lumapit sa akin si Selene at sinindihan naman ni Daryll ang cake na hawak ni Selene, napangiti ako habang pinapanood sila.
“Blow your candle na, Ma’am!” masayang sambit ng isa kaya lalo akong napangiti.
Aaaa, I love them so much!
Pinikit ko ang mata ko bago ko inihipan ang cake na hinanda nila. Nagpalakpakan ang lahat kaya lalo akong napangiti.
“Thank you so much, July workers,” masayang ani ko sa kanila.
“Kulang pa ‘to, Ma’am, lalo na sa aming ire-release ang style sa susunod,” singit ng isa kaya napatingin ako sa kaniya.
“You deserve all the blessings you are receiving, guys.”
“Kainan na!” malakas na sigaw ni Selene kaya nagsigawan ang lahat na naging dahilan para matawa ako.
Nagkumpulan sila sa isang table kung saan nando’n ang mga pagkain. Pinanood ko lang silang nagtatawanan habang kumukuha ng kaniya-kaniyang pagkain. I took a picture with them while they are laughing and talking with each other.
Sa sobrang busy ko, hindi ko na namamalayan ang panahon. Pasalamat na lang ako na may pangalawang pamilya ako na pinapahalagahan ako ng sobra.
“Ma’am, may boyfriend ka na po ba?” Napatingin ako sa isang saleslady nang bigla niya akong tanungin.
Napatingin sa akin ang lahat kaya natawa ako ng mahina, may pagkachismosa rin pala ang mga ‘to!
Napatingin ako kina Daryll at Selene na nakatingin sa akin gamit ang mapang-asar na tingin kaya natawa ako ng mahina kasabay ng pag-iling ko. Hindi ko sinagot ang tanong at lumapit ako sa lamesa para makakuha rin ng pagkain.
“Halatang may tinatagong kung ano ‘tong si Lara,” rinig kong bulong ni Daryll kay Selene kaya napatingin ako sa direksyon nilang dalawa, tinaasan ko sila ng kilay na naging dahilan para mapa-peace sign sila sa akin. Napailing na lamang ako saka kumuha ng plato sa gilid.
Mag-stay lang rin ako ng ilang oras dito bago umuwi sa mansion dahil alam kong may handaan din do’n. Konti lang ang kinuha kong pagkain para marami akong makain mamaya kapag nakauwi ako sa mansion.
Kaya pala tanong nang tanong si Papa kanina kung anong oras akong uuwi, hindi ko naman napansin ang petsa dahil ang nasa isip ko ay ang makapagpahinga. Halos wala kasi akong pahinga sa France dahil doon ang una kong gustong i-release ang style na ginawa ng mga workers ko since sa buong mundo, France at New York ang nangunguna sa list kung saan maraming bumibili sa company ko.
Umupo ako sa gilid habang nagtatawanan silang lahat, lumapit sa akin sina Daryll at Selene at hinila ang mga upuan para makatabi ako.
“Pumunta rito si James?” tanong ko saka sumubo sa pagkain ko.
Natigilan ako sa pagnguya nang ma-realized kung ano ang sinabi ko. Nanlaki ang tingin ko kasabay ng pagtingin ko sa kanilang dalawa, mukhang natigilan at nagulat din sila sa naging tanong ko.
“Ay oh, kumakalampag na ang Lola niyo!” pang-aasar ni Selene kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi pa siya pumupunta rito simula no’ng isang araw, busy raw, e,” singit ni Daryll. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatiling tahimik.
“‘Yong totoo, Lara, mahal mo pa?” tanong ni Selene bago siya uminom sa drinks na hawak niya.
Nagkibit-balikat ako, “Hindi ko alam, wala naman akong pakialam,” sagot ko.
Narinig ko ang pagtawa nila pareho pero hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain ko para makapunta na sa mansion.
Kahit si Clark ay wala pa akong natatanggap na message mula sa kaniya. Nakakatampo na talaga siya, halos hindi na nga kami nag-uusap tapos pati ba naman birthday ko, nakalimutan niya!
NANG matapos akong kumain ay nakipag-usap lang ako sa kanila, puro tawanan lang kami habang nag-uusap usap. Si Selene ay nagpalaro pa para daw malaman kung gaano ako kakilala ng mga workers ko.
Nagtanong ba naman si Selene tungkol sa akin, hindi tuloy makasabay ang bagong saleslady dahil ngayon niya palang ako makikita sa personal. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa akin, halatang mahiyain pa siya dahil palagi siyang nakayuko at tanging pag-iling o pagtango lang ang isinasagot niya kapag kinakausap siya ng mga kasama niya.
Natawa pa ako ng mahina nang sunod-sunod na silang pumila para magbigay ng message sa akin, halatang pinagplanuhan lahat dahil inuna talaga nila ang bagong saleslady kaya inabot sa kaniya ni Daryll ang mic.
Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya, parang nagdadalawang-isip siya kung magsasalita siya o hindi, palihim pa akong natawa nang mapakamot siya sa batok niya bago tumingin sa akin.
Maganda siya lalo na kapag tinititigan, kailangan niya lang ng ayos at confidence sa sarili.
Sinenyasan na siyang magsalita dahil baka busy ako kaya natawa ako ng mahina.
NANG matapos silang lahat na bigyan ako ng mensahe ay sunod-sunod na rin silang nagpaalam.
“Sigurado kang kaya mo?” tanong ni Daryll sa akin nang makarating kami sa parking lot.
Tumango ako, “Don’t worry about me, Daryll, I can handle myself.”
He smiled, “Naks, ganyan rin ang sinabi mo noon, anong nangyari sa ‘yo? Naligaw. Jusko, ‘wag ako, Lara!”
Natawa ako kasabay ng pag-iling ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan ko. Napatingin ako sa telepono ko, umaasang may babati sa akin na isang tao pero malakas akong napabuntong-hininga nang wala akong matanggap na mensahe galing sa kaniya, puro unknown number ang nandito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat