Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 96
Chapter 96
Clark’s POV
*starts of flashback*
“Thanks, bro,” ani ko saka tinapik ang balikat ni Clark kaya ngumiti siya sa akin.
“I know all these years, she’s into you, I can’t just avoid to overreact sometimes,” sabi niya kaya napangiti ako, “She’s trying to get over you, I watched her suffer from pain but I know you’re the only one who could bring back the Lara,” dagdag nito.
Tumingin siya sa akin, “Bring the Lara back, Colbert,” ani nito saka ngumiti kasabay ng pagtapik sa balikat ko.
“I promise, Vargas.”
*end of flashback*
“I’ll call my manager first,” ani ni Lara kaya napatango ako, lumayo siya sa akin ng konti. Pinanood ko siya habang kausap niya ang manager niya, ngayon ko na lang siya nakitang ganiyan ang suot
Simula kasi nang maghiwalay kami ay napansin kong palagi na siyang naka-dress kaya nakakapanibago na naka-jeans siya ngayon. Lumapit siya sa akin saka sinenyasan akong umalis na kaya tinuro ko sa kaniya ang sasakyan ko.
I tried to hold her hand but she just glared me. Choosy ampota!
Sabay kaming pumasok sa sasakyan ko, nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Pasalamat na lang ako dahil hindi siya umangal kanina at pumayag siyang makausap ko siya. I wanna be with her kahit ngayong araw, this is one of the special days for the both of us, and I don’t wanna missed this chance.
Sinadya kong dalhin siya sa dagat kung saan madalas naming puntahan noong college pa kami pareho. She looked at me, I just smiled at her. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at dumiretso malapit sa kubo. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito, huli kong punta rito ay no’ng kami pa.
“Anong ginagawa natin dito?” kunot-noong tanong niya. Hindi ako sumagot at hinawakan ko ang kamay niya, palihim akong napangiti nang hindi niya ito bawiin at hinayaan lang ako. Magkahawak ang kamay naming naglakad papalapit sa tubig. Umupo kami pareho sa buhangin at hinayaan ang tubig na yakapin ang mga paa namin.
Papalubog na rin ang araw, her favorite scene. Palihim akong napatangin sa kaniya, she’s looking at the sunset while her hair is flying because of the wind. My favorite thing to watch that I’d never get tired of. Tahimik lang kami pareho habang nakatingin ako sa kaniya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya.
Marahan akong napabuntong-hininga saka tumingin sa dagat. It’s been seven years when I last felt this feeling.
Lara’s POV
After seven years, this is the first time that I came here again, with the same person… but the difference is I can’t call him mine.
Hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko dahil gusto ko ring mahawakan ang kamay niya.
I wanna tell him to comeback to me but I’m scared that I might get hurt. I’m scared that if I gave him a chance, he’d do the same thing. I’m scared to feel the pain again.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ako tumingin sa kaniya dahil sa awkwardness na nararamdaman ko.
“Seven years ago…” Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya, deretso ang tingin niya sa dagat, nailipat ang tingin ko sa kamay naming magkahawak nang maramdaman kong lalo niya itong higpitan.
“It was hard for me to accept the fact that you ended our relationship like it was nothing to you,” ani niya, nailapat ko ang labi ko saka napaiwas ng tingin sa kaniya. I blinked twice.
“I tried to divert myself to everything just to forget you, our memories, but it’s always haunting me like I should’ve not let you go when you asked me to set you free.”
Hindi ako nagsalita at tahimik lang na nakikinig sa kaniya. I hope he also knew that my life became miserable when I lost him. Hindi lang naman siya ang nasaktan, hindi lang naman siya ‘yong nag-suffer sa hiwalayan namin. I just had no choice…
“Ilang taon akong nagtiis na panoorin ka sa malayo, tignan ka sa magazines, basahin ang article na tungkol sa ‘yo para lang malaman ko kung ano ng nagaganap sa buhay mo,” sambit niya saka natawa ng mahina, “You don’t know how proud I am of you, I watched you slowly reaching your dreams on your own, without my help…”
“Kaya no’ng nakita kita sa event, parang nabuhayan ulit ako, sabi ko sa sarili ko no’n, this is my chance to own you again, to make you mine once again,” natatawang sabi niya, “But I lost hope when I thought you and Clark has something,” naiiling na ani nito.
“But Selene told me you two aren’t together because you’re focusing on your company.”
Nagtama ang mga mata namin, naramdaman ko na naman ang mabibilis na pagtibok ng puso ko.
“Give me a chance to prove my faithfulness to you again, I can’t see my future with anyone, I can’t see my future without you.”
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya na naging dahilan para makita ko ang nag-uumpisa ng mamulang mata niya.
“I can’t…” mahinang sabi ko.
“Lara…” He was about to hold my hand pero hinawi ko ito para hindi niya mahawakan. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.
“Please don’t ruin my life again,” halos nagmamakaawang sambit ko.
I’ll never let anyone make me feel useless again, not anymore, not this time…
“Lara nam—“
“I can’t give you a chance, find someone new, cheat on them, and be a manipulative sad boy, but please… not on me,” naiiling na sambit ko. Pinipigilan ang sariling pumatak ang mga luhang gusto ng tumulo.
Lumalayo ako sa kaniya pero pilit siyang lumalapit sa akin.
“Lara, tangina, ano bang nagawa ko noon?! Hindi ko alam kung bakit mo ‘ko iniwan! Napagod ka ba? Nawala pagmamahal mo dahil naging busy ako? If I knew na gano’n ang mangyayari, hindi ko tinanggap ‘yon! Lara, hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko, may kaniya-kaniyang opinyon ang utak ko noon!” sigaw niya kaya natigilan ako.
“Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan mo, kasi no’ng mga oras na ‘yon,alam kong hindi si Lara ang kausap ko! Hindi si Lara na minahal at minamahal ko! Gusto ko ring malaman ‘yong totoo!”
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko, walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko kahit na marami akong gustong sabihin. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya ‘yong dahilan pero masyado akong napipipi sa nangyayari ngayon.
I was about to turn around and walk my feet away from him when he held my wrist. Hindi ako lumingon at nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang mahigpit niyang hawak ang wrist ko.
“D-do you wanna know why we came here?” tanong niya pero hindi ako nagsalita. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
“H-happy anniversary, Love…”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat