Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 95
Chapter 95
I thought he was just joking when he told me he will never stop chasing me, but I was wrong. Sinadya kong magkulong sa condo ko nang isang linggo dahil alam kong pupunta na namansi James just to visit me— to annoy me to be exact.
Hindi ko alam kung nagiging masaya ba siyang nakikita ako o nagiging masaya siya kapag nakikita akong nakasimangot. It is been months since I met my-so-called-fan which is James.
Sa ilang buwan na ‘yon, hirap na hirap ako sa pagtatago kay James, nauubusan na rin ako ng palusot kung bakit palaging nasa boutique si James dahil tanong nang tanong sina Selene.
Sinagot ko ang tawag nang makitang si Selene ang tumatawag sa akin. Napalayo ko sa tenga ko ang telepono ko nang bumungad sa akin ang sigaw niya.
“Hoy, nandito na naman si engineer! May dalang chuckie, para sa akin ba ‘yon?” tanong niya.
“Oo, baka, sa ‘yo na lang,” sagot ko.
“Owshii, papunta si architect dito, omg!” kinikilig na sambit nito kaya nanlaki ang mata ko.
“Selene, lumayo ka, ‘wag kang lumapit sa kan—“
“Hi, architect!” Napapikit ako ng mariin nang marinig ang sinabi ni Selene.
“Nandito ba si Lara?” rinig kong tanong ni James mula sa kabilang linya na naging dahilan para mapakagat labi ako.
“Wala, e, busy pa rin,” sagot ni Selene.
Pinagsabihan ko kasi sina Selene at Daryll na kapag hinanap ako ni James ay sabihing busy ako. Kahit na puro sila tanong sa akin tungkol kay James, ni isa sa mga tanong nila ay hindi ko sinagot dahil ayaw kong lalo nila akong asarin sa kaniya.
“Nililigawan mo ba si Ma’am Lara?” tanong ni Selene. Napasabunot ako sa buhok ko.
“Tangina mo, Selene!”
“Oo, sa tingin mo mag pag-asa ba ako sa kaniya?” Gagong James, sinabayan pa talaga siya!
Pinatay ko ang tawag at hindi na hinintay pa ang susunod na sasabihin ko at dumiretso ako sa kwarto ko para mag-ayos. Nagsuot na lang ako ng jeans at simpleng vneck tshirt dahil hindi rin naman ako magtatagal sa boutique.
Sinuot ko ang eyesglasses at sombrero ko bago tuluyang lumabas ng condo at dumiretso sa sasakyan.
PAGDATING ko sa boutique ay binati ako ng mga saleslady na naaabutan ko, mukhang naninibago pa ang iba sa suot ko dahil hindi ako naka-dress. Simula kasi nang maging fashion designer ako, puro dress ang sinusuot ko, after seven years, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng jeans.
Tinignan ko ang bawat section para makita kung nandito pa ba si James pero mukhang umalis na siya dahil halos nailibot ko na lahat pero hindi ko siya nakita. Dumiretso ako sa opisina ko saka tinawagan si Selene na nandito ako. Wala pang limang minuto ay bunukas na ang pinto at bumungad siya sa akin.
“Hoy, omg ka, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni architect!” bungad nito sa akin kaya hindi ko siya pinapansin.
After 1 week, ngayon niya lang ulit ako nakita tapos ibubungad niya sa akin ‘yang James na ‘yan!
“‘Yong totoo, Lara, anong meron sa inyo?” tanong niya kaya naibaling ko ang tingin sa kaniya. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin, sinunod naman ni tanga. Binatukan ko siya na naging dahilan para mapalayo siya sa akin.
“Lara!” suway nito sa akin pero hindi ako nagpatinag.
“Walang namamagitan sa amin, isa pang tanong mo ng ganyan, hindi lang ‘yan matatanggap mo!” inis na sambit ko kaya napanguso siya.
Umupo siya sa harap ng lamesa ko, “E ba’t sabi niya nililigawan ka niya?”
Napairap ako, “Papaniwala ka na naman sa ganiyan, naiiling na sagot ko.
Napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito, nag-flashed sa screen ang pangalan ni Clark kaya sinagot ko ito agad. Hindi ako nagsalita.
“Hey… are you free later?” rinig kong tanong niya sa kabilang linya.
“Yeah,” maikling sagot ko. Tahimik lang si Selene na nasa harap ko habang nagkakalikot sa telepono niya.
“Can we meet later?” tanong niya, hindi ako sumagot, “Don’t worry, mamayang hapon naman,” dagdag nito.
“Sure, send,e the location.” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay namatay agad ang tawag.
Naninibago ako, ngayon na lang ulit kami nakapag-usap ni Clark, medyo tumahimik rin siya sa social media accounts niya pero tuloy pa rin ang movie na ginagawa niya. Tumingin ako kay Selene kaya napatingin din siya sa akin.
“Si Clark?” tanong niya kaya tumango ako, “Tinawagan niya ako kanina, tinatanong niya kung kumusta ka na raw,” pagkwento nito kaya napatango na lamang ako.
Hindi naman sa hindi ako interesado sa kaniya pero nakakatampo lang na ilang buwan na akong nandito sa Pilipinas pero ngayon niya lang ako kinausap. E kahit busy naman siya noon, palagi siyang gumagawa ng time para makausap ako. Naiintindihan ko naman na galit siya kasi nandito na ulit si James pero bakit damay ako?
****
NANG pumatak ang alas-kwatro ay lumabas na ako ng boutique at pinaharurot ang sasakyan sa location na sinend ni Clark. Malapit ‘yon sa university na pinag-aralan ko dati kaya kabisado ko ang daan. Gusto pa ngang sumama ni Selene dahil baka mapano raw ako pero sinabi kong si Clark naman ang kasama ko, I know he won’t do something that can make me in danger.
It took me thirty minutes bago makarating sa location na sinend sa akin ni Clark, napakunot ako dahil park ang nakita ko. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito, malaki rin ang pinagbago nito. Playground lang ‘to dati, e.
Tinext ko siya na nandito na ako, he replied na naghihintay raw siya sa gilid ng puno kaya lumabas ako ng sasakyan at hinanap siya. Inikot ko ang mata ko para tignan isa-isa ang mga puno pero nabigo ako. I was about to text him again when I heard a familiar voice.
“Looking for something?” Napalingon ako.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin si James na nakangiti sa akin, napaatras ako ng isang hakbang nang humakbang siya papalapit sa akin. I was about to turn around but he grabbed my wrist that made me stop.
“Saan ka pupunta?” tanong niya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero masyado itong mahigpit para mabawi ko.
“I’ll meet Clark.”
“Clark isn’t go here.” Napatingin ako sa kaniya.
“What do you mean?”
“Kakaalis niya lang, he told me you’ll go here kaya hinintay kita,” sagot niya.
It’s a trapped!
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, “Aalis na ako.”
Napasinghap ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa kamay ko, napatingin ako sa kamay naming magkahawak.
“Can we talk?”
Nagtama ang mga mata naming dalawa, naging seryoso ang mukha at tingin niya sa akin, ramdam ko ang mabilis na pagkalabog ng puso ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
I know at this moment, I’m slowly losing myself with his eyes…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat