Chapter 94

Chapter 94
“Saan mo nakuha number ko?” kunot-noong tanong ko sa kaniya habang nakatingin siya sa akin.
“Your make up artist gave it to me earlier,” sagot niya.
Doon ko lang naalala na sinabi sa akin ni Selene kanina na binigay niya ang number ko kay James.
“Akala ko ba busy ka?” sarkastikong tanong niya pero inirapan ko lang siya.
Kinuha ko ang menu saka tinuro sa kaniya lahat ng gusto kong i-order.
“Wow, ikaw ba ang pumalit kay Wendell?” natatawang tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
Pinindot niya ang pindutan na nasa gilid saka sinabi lahat ng tinuro ko.
He smiled at me, “Thank you for letting me meet you, Miss Lara.”
Sinamaan ko siya ng tingin. I didn’t expect na siya pala ‘yon dahil sa typings niya! Besides I didn’t know his new number! Kung alam ko lang na siya pala ‘yon, edi sana hindi ako pumayag!
Sayang ‘yong dinala kong freebies na nasa sasakyan!
“Why did you get my number to Selene?” tanong ko.
He looked at me, “Wala lang, in case you miss me, edi you can free to message me.”
Inirapan ko siya, “As if.”
“Buti Clark let you meet your fan,” sarkastikong sabi niya.
“Hindi na kami nag-uusap simula no’ng umalis ako papuntang New York,” sagot ko, “Maybe he’s busy with his own business.”
He nodded, “Yeah, he should focus on his own business, hindi ‘yong pinapakialaman ang sa ‘yo,”
Tinaasan ko siya ng kilay na naging dahilan para matawa siya ng mahina.
Maya-maya lang ay dumating na lahat ng orders namin kaya tumahimik kami pareho. Kinuha ko ang mga gusto kong kainin at inilagay ito sa plato ko.
“Aren’t you busy?” tanong ko, he glanced at me.
“Sakto lang, I can handle my time naman. I’m working with my parents’ private architect,” sagot niya kaya napatango ako.
I have no choice but to act normal infront of him para hindi niya mapansing hindi ako komportable sa presence niya.
“Alyssa is with her boyfriend again since their relationship became publicize,” pagkwento niya.
Tahimik lang akong kumakain habang pinapakinggan siya.
James’ POV
Hindi mawala ang bilis ng tibok ng puso ko habang nasa harap ko si Lara. I can’t hide my happiness while I’m with her. Kahit na alam kong walang kwenta ang kinekwento ko, pinagpapatuloy ko pa rin para lang makausap ko siya at makasama pa siya ng matagal.
Natatawa at napapailing na lang ako sa tuwing iirapan niya ako, hindi na talaga nawala sa kaniya ang ganiyan. Napapansin kong napipilitan lang siyang tumawa o ngumiti sa harap ko pero binabalewala ko ‘yon dahil gusto kong maging komportable siya sa akin.
Napansin kong nahihirapan siyang hiwain ang steak niya kaya kinuha ko ang plato niya na naging dahilan para matigil siya. I smiled at her and use my fork and small knife. Ibinalik ko sa kaniya ang plato niya.
“Buti hindi ka kinukulit ni Clark,” ani ko saka sumubo sa pagkain ko.
She glanced at me, “He knew where he place himself,” sagot niya.
Ngumisi ako, “May konting manners pa pala ‘yan.”
“Yeah, unlike you,” pambabara niya saka inirapan ako na naging dahilan para matawa ako ng mahina.
Napatingin ako sa kaniya nang kumuha ulit siya ng kanin at nilagay sa plato niya. Natawa ako ng mahina.
“Ang takaw mo naman,” natatawang ani ko na naging dahilan para hindi matuloy ang pagsubo niya saka binitawan ang kutsara at sumandal.
“Edi ikaw mag-ubos lahat ng ‘yan!” inis na sambit niya saka sumandal sa upuan at pinagkrus ang braso bago ako sinamaan ng tingin.
Natawa ako kasabay ng pag-iling ko. Cute.
***
PAGKATAPOS naming kumain ay sabay kaming lumabas ng restaurant. Kanina niya pa ako hindi pinapansin kaya lumapit ako lalo sa kaniya na naging dahilan para lumayo siya ng konti.
“Do you have a plan for today?” tanong ko na naging dahilan para mapatingin siya sa akin.
She nodded, “Magpapa-spa ako.”
I chuckled, “Wow, stress ka ba?”
“Required bang ma-stress muna bago magpa-spa?” pambabara nito kaya natawa ako ng mahina.
“You haven’t changed,” sambit ko saka pinagkrus ang braso ko.
“Hindi naman kailangang magbago, I’m happy with who I am,” sagot niya saka deretso ang lakad papalayo sa akin pero mabilis ko siyang hinila at kinulong sa bisig ko.
Lara’s POV
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin knowing na magkayakap kami ni James, rinig ko ang pagtibok ng puso niya dahil kaharap ko ang dibdib niya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit na gusto kong umalis mula sa pagkakayakap niya.
“Why can't you give me a chance to make everything right?”
Mabilis akong napalayo sa kaniya nang marinig ang katagang binitawan niya. Kinunutan ko siya ng noo na naging dahilan para matawa siya ng mahina.
“You’re crazy,” naiiling na sambit ko.
He nodded, “Yeah, maybe. Started to be crazy when you left me saying you don’t need me,” sarkastikong ani nito na naging dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.
Yeah, he don’t know everything. He lived with the thought I don’t need him and I used him.
“Ano bang sinasabi mo riyan?!”
“Can’t you see? I’m doing everything to have a connection with you because I wanna make things right. If I did something wrong from the past, I fucking wanted that to make right!” sigaw nito na naging dahilan para mapaigtad ako. Napansin kong nakatingin na sa amin ang ibang mga tao kaya mabilis ko siyang hinila papasok sa sasakyan ko.
“Are you fucking out of your mind, James?!” sigaw ko.
“It’s… Phillip,” mahinang sagot nito, “You hate that name, Lara,” seryosong dagdag nito.
“Why are you doing this?” tanong ko, trying to calm myself from being mad.
“Because I love you,” sagot nito na naging dahilan para mapaawang ang bibig ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
“Nangyari na ang nangyari, James, you can’t change the past. We did something wrong from the past amd we don’t have to do something but to accept it. If you wanna make things right, then change your mind because you can’t correct what happened in the past,” malamig at mahabang sambit ko na naging dahilan para matahimik siya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung bigla na lang siyang nagkaganito simula nang magkita kami. Alam kong may konti pa akong nararamdaman na pag-asa na baka pwede pa pero may parte sa akin na takot ng magtiwala ulit sa kaniya.
I forgotten my trust issues and trusted him before but he ruined it, what if he would do the same thing?
“Please leave my car, I wanna… go home,” seryosong sambit ko na naging dahilan para mapatingin siya sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tignan siya dahil hindi ko kaya, feeling ko maiiyak ako kapag nakita ko siya.
“I will never stop chasing you until you let me love you,” seryosong sabi niya bago tuluyang lumabas ng sasakyan ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang maisara niya ang pinto ng sasakyan ko kasabay ng paghilamos ko sa mukha ko. Pinanood kong dere-deretsong umalis ang sasakyan ni James bago ako makahinga ng malalim.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata