Chapter 93

Chapter 93
“Tigilan mo ako sa tingin mong ‘yan, Selene!” inis na sambit ko kay Selene nang hanggang ngayon ay inaasar niya pa rin ako.
Paano ba naman, kanina niya pa ako inaasar na may gusto raw sa akin si James!
“Hoy, ang gwapo kaya ni architect!” ani niya kaya binitawan ko ang ballpen na hawak ko saka tinaasan siya ng kilay.
“Gwapo mo na ‘yon?” taas-kilay na tanong ko.
“In-stalked ko ‘yong account niya kanina, kung hindi si Miss Alyssa ‘yong girlfriend niya, sino ‘yong nasa post niya? ‘Yong sillhouette na picture,” sambit nito saka inilagay ang point finger sa baba niya.
Nag-iwas ako ng tingin saka tumikhim bago ibinalik ang tingin sa binabasa kong contract. Hindi ko siya sinagot at sunod-sunod na lang ang pagpirma ko sa mga papel na nasa harapan ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkainteres kay James simula nang malaman niyang single si James, crush niya ba si James? Well, I can’t blame her, may itsura naman talaga si James, baka nga pati si Daryll ay gusto rin siya dahil mabilis pa namang maakit ang baklang ‘yon!
“Anong schedule ko ngayon?” tanong ko kay Selene habang hindi tinatanggal ang tingin sa papel. Silang dalawa ang naghahawak sa schedule ko dahil madalas ay hindi ko kasama si Daryll dito sa boutique dahil siya ang nagtitingin sa mga nagtratrabaho sa likod, pati ang mga damit na nakalagay sa labas na binabantayan ng mga saleslady ay tinitignan din niya.
Yup, ganiyan siya kasipag as my manager. He’s always making sure that everything is clean and neat.
“Mamayang lunch with architect James Colbert.” Sinamaan ko ng tingin si Selene na naging dahilan para matawa siya ng malakas, “Charot, wala kang schedule ngayon kasi magpapa-spa ka mamayang hapon. Bukas pa ‘yong photoshoot mo with Miss Jiselle,” sambit nito kaya napatango ako.
“Sasama ba si Daryll na magpapa-spa?”
Tumingin siya sa akin saka umiling, “Hindi, pati rin ako, e, may inaayos akong requirements ng kapatid ko, kailangang ako pumunta. Alam mo na, panganay,” ani niya kaya napatango ako. Pinagsama-sama ko lahat ng papel saka inilagay sa envelop at binigay kay Selene.
Paglabas niya ng opisina ay lumabas din ako at nilibot lahat ng section, mukhang wala na si James dito dahil hindi ko siya nakita sa bawat section. Dumiretso ako sa likod para tignan ang mga nagtatahi, busy ang lahat. Ang iba ay malapit ng matapos sa ginagawa nila, ang iba ay nagpapatulong rin sa mga maalam na nandito. Napangiti ako dahil sa pagtutulungan nila.
I can see their future, they will be a successful fashion designer soon. I can see that! I manifest!
Pumunta ako sa stock room para makita kung may mga stocks pa ba na tela para sa kanila. Sinenyasan ko si Daryll na lumapit sa akin.
“Ask all of them what they need on their style tapos i-order mo na lang, especially the five girls I’ve chose before, naalala mo pa?”
He nodded, “Yeah, may list sila rito.”
I nodded, “Okay, good.”
Mabilis din akong umalis do’n at bumalik sa opisina ko. Sakto namang tumunog ang telepono ko laya inilabas ko ‘yon mula sa bag, nag-flashed sa screen ang unknown number kaya napakunot ako.
From: Unknown Number
Message: Hi pue, kau pue bah c Miss Lara??? Poide k po bah mkausap???
I was about to click the back when unknown number texted me again. Where did this number get my number?!
From: Unknown Number
Message: I am your fan po, gz2 pue sna kta makta kc mlap8 lng po ung bhay nmin sa boutique nio po.
To: Unknown Number
Message: Okay, I’m Miss Lara, you can meet me later lunch sa malapit na restaurant ng boutique :)
This person is my fan after all, I don’t want to disappoint this person, I also want this person to give an opportunity to meet me. Wala rin naman akong gagawin mamaya since hapon pa naman ang appointment ko sa spa, marami pa akong oras na natitira.
Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ni Selene para ayusan niya ako. Wala pang limang minuto ay nakarating na siya at dala ang mga gamit niya.
“Saan ka pupunta? Mamayang hapon pa ang appointment mo, ah,” bungad nito sa akin kasabay ng paglapag niya ng mga make up niya sa maliit na lamesa na nasa gilid.
“I’ll meet one of my fans,” maikling sagot ko kaya natigilan siya.
“Fans? Saan?”
“Dyan lang, sa restaurant.”
“Sigurado kang fan mo ‘yan?” tanong niya, “Samahan na lang kita, gusto mo? Baka mamaya mapano ka, malalagot pa kami kay Tito Arman,” dagdag niya.
Umiling ako, “No, malapit lang naman. Tawagan ko na lang kayo kapag nagkaproblema,” sambit ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko para maumpisahan na niya akong ayusan.
It took us thirty minutes before I looked at the mirror. Tumayo ako saka inayos ang suot ko.
“Okay lang ba ‘to? Or magpapalit ako?” tanong ko sa kaniya na naging dahilan para mapatingin siya sa suot ko.
“‘Yong totoo, fan ang kikitain mo o si architect? Bakit kailangan pang mag-ayos?” taas-kilay tanong nito.
“Gaga, malamang fan kikitain ko, alangan magmukha akong dugyutin.”
“Wow, grabe, hiyang-hiya mukha ko sa ‘yo, Lara!” sambit nito na parang nagulat kaya natawa ako ng mahina.
Kinuha ko ang maliit na bag ko saka tinignan ang sarili sa malaking salamin na nasa gilid, I’m wearing a green sheath dress, nakalugay ang buhok ko at loght na make up lang ang nakalagay sa mukha ko. Inayos ko ang buhok ko bago ako tumingin kay Selene na nakatingin sa akin.
“Huwag niyo na akong hintayin, dederetso na ako sa appointment ko mamaya,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan para mapatango siya.
Sabay kaming lumabas ng boutique.
“Text mo ako kapag nagkaproblema, ingat ka, maraming camera,” pagpapaalala nito sa akin kaya tumango ako bago tuluyang pumasok sa sasakyan ko.
Kinuha ko ang telepono ko.
To: Unknown Number
Message: Hi, I’m on my way :)
Kasabay ng pagbukas ko sa engine ko ay ang pagtunog ng phone ko kaya kinuha ko ‘yon.
From: Unknown Number
Message: Oki pue, nasa loob na po aq ng risturant, nasa be ay pe po ako, nambir 2 ;)
Napataas ang kilay ko, wow, mayaman!
Binitawan ko ang telepono ko at pinaharurot ang sasakyan ko. Wala pang sampong minuto ay nakarating na ako sa labas ng restaurant. Medyo natagalan pa ako sa parking dahil hindi pa ako masyadong maalam sa pag-parking. Buti na lang walang naghihintay sa likod ko.
Nang maayos ang pag-park ko, lumabas na ako ng sasakyan at sinabi sa waiter ang VIP number ng sinabi ng fan ko kuno. Tinuro niya sa akin ang pangalawang table sa dulo kung saan nakarang ang glass sa apat na side para hindi makita ang taong nasa loob ng table.
Nagpasalamat ako sa waiter saka dumiretso sa tinurong table, dahan-dahan ang paglalakad ko dahil nagdadalawang-isip pa ako kung tutuloy ba ako dahil baka mamaya ay scam ang number na ‘yon.
Tumikhim ako saka malakas na bumuntong-hininga bago tuluyang nilapitan ang table. Natigilan ako nang makita kung sino ang naghihintay ro’n, mukhang napansin niya ang presensya ko dahil napatingin siya sa akin. A smile formed on his lips when he saw me. Ibinaba niya ang menu na hawak niya.
“Hi, Lara.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata