Chapter 92

Chapter 92
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig kong may kumatok do’n. Bumungad sa akin si Papa na nakapangtulog na.
“Pa, late na, ba’t gising pa kayo?” tanong ko kay Papa saka umalis sa balcony at pumasok sa kwarto ko.
Inilapag ko ang hawak kong baso saka umupo sa kama ko, tumabi siya sa tabi ko.
“Hindi na talaga kayo nag-uusap ni James, anak?” tanong ni Papa kaya natigilan ako.
“Pa naman, matulog na kayo, dapat gan’tong oras tulog na kayo, e.”
He shooked his head, “Mahal mo pa rin ba?”
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagtatanong ng gan’to out of nowhere knowing na alam niya kung gaano ako nasaktan noon dahil kay James.
Bigla kong naalala ‘yong nangyari kanina habang nasa eroplano kami.
*starts of flashback*
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa balikat ni James, e maayos ang posisyon ko bago ako matulog. Napakagat ako sa labi ko nang maramdamang pinipisil-pisil niya ang kamay ko. Hindi ako gumalaw mula sa pagkakasandal sa balikat niya kahit na nangangawit na ang leeg ko.
I smell his scent, ganitong-ganito ang amoy ng sasakyan at kwarto niya sa condo niya at mansion nila. I wonder bakit hindi pa rin siya nagpapalit ng perfume after seven years.
Bumalik sa akin lahat ng alaala namin no’ng masasabi kong akin pa siya. Gano’n na ba ako katanga noon at hindi ko napansin ang panloloko niya sa akin behind my back?
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo na naging dahilan para maipikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. I missed this feeling… laying on his chest while holding his hand, feeling his lips on my head.
“I missed you, Love…”
I missed you too, I missed everything about you, James… but I don’t wanna get hurt again by the same person.
Does it mean, he still love me? He missed me… but what if he just missed the feeling of being loved by me but don’t wanna comeback to me?
*end of flashback*
“Pa, past 12 am na,” sambit ko kay Papa na naging dahilan para matawa siya ng mahina kasabay ng pag-iling niya.
“O sige na, matutulog na ako. Ikaw rin anak, matulog ka na,” ani nito kasabay ng pagtayo niya kaya ngumiti ako tumango. Hinalikan niya ng mabilis ang noo ko bago maglakad.
Bago niya isara ang pinto ay napatingin ako sa kaniya dahil tinawag niya ako.
“Kung ipapairal mo ang takot mong sumubok ulit, habang-buhay kang may takot sa lahat.”
***
Napatingin ako sa labas ng marinig ang malaka na busina nanggaling sa labas, mukhang sina Daryll na ‘yan.
“Pa, alis na po ako!” sigaw ko mula sa sala kaya lumabas siya sa kusina at nilapitan ako.
“Ingat kayo, anak,” ani nito saka hinalikan ako sa pisngi, “‘Wag kalimutang tumawag, Lara,” paalala nito kaya ngumiti ako at tumango.
“Ingat sa biyahe, anak.” Napatingin ako kay Manang nang magsalita siya.
Tumango ako, “Opo, manang, pabantayan po si Papa, ‘yong mga bilin ko po.”
She nodded at me that made me smile. Nagpaalam din agad ako sa lahat dahil sinalubong na ako ni Selene sa gate. Pagpasok ko sa sasakyan ay bumungad sa akin ang pulang labi ni Daryll. Mukhang napagtripan na naman siya ni Selene.
Ewan ko ba bakit pumapayag siyang pagtripan ni Selene pero kapag sa iba, halos maging dragon siya!
“‘Wag ka ng magtanong, alam mo kung sinong gumawa nito,” pangunguna niya sa akin kaya natawa ako ng mahina.
“Ang ganda mo, baks,” pagpupuri ni Selene kay Daryll nang makapasok siya na naging dahilan para irapan siya ni Daryll.
Binuksan na ni Daryll ang engine kaya si Selene naman ay binuksan ang radyo.
“Miss Jiselle sponsored you on her new release style, hindi ko pa nasasabi ang schedule mo for photoshoot kasi baka tamarin ka, kailan mo gusto?” tanong ni Daryll sa akin na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya at matawa ng mahina.
He know me too well. May times talaga na tinatamad akong mag-photoshoot, ewan ko, feel ko lang tamarin.
“I’ll check my schedule first,” sagot ko na naging dahilan para magtama ang mata namin sa rear mirror saka siya tumango.
Inilabas ko ang cellphone ko sa bag ko saka binuksan ang social media account ko. Bumungad sa akin ang litrato ni Alyssa with a guy, I think this is her boyfriend since ‘still inlove’ ang caption.
Sumunod naman na picture ay ang bagong post ni Wendell, it was his picture with a girl, hindi ko alam kung girlfriend niya ito o hindi dahil walang caption ang post niya. He’s now a successfull engineer since nakita ko noon ang mukha niya sa billboard, he’s the number one engineer na nakilala agad after niyang maka-graduate sa college.
Wala akong balita tungkol kay Arthur dahil hindi naman siya ganoong active sa social media, hindi tulad ni Wendell na hindi na naalis sa kaniya ang pagiging adik sa social media.
Nag-scroll lang ako habang nasa biyahe kami, habang ang dalawa naman ay nagkakantahan at sinasabayan ang kanta sa radyo. Naglabas ng chips si Selene at ibinigay ang isa sa akin kaya binitawan ko ang telepono ko. Sinenyasan ko si Selene na hinaan ang radyo. Tumahimik rin sila pareho dahil may nakalabas na pagkain sa harap nila. Basta talaga pagkain, e!
“Hala, may boyfriend si Miss Alyssa?!” gulat na tanong ni Selene nang tumingin siya sa akin. I smiled and nodded at her, “I mean akala ko si architect ang boyfriend niya,” mahinang dagdag niya kaya natawa ako.
PAGDATING namin sa boutique ay busy ang lahat sa pagtatahi, binati ako ng mga saleslady na nakakasalubong ko at binibigyan ko lang sila ng isang tipid na ngiti. Napatingin ako sa isang section ng mapansin ang isang pamilyar na mukha, natigilan ako ng makita si James na pumipili ng damit sa men’s clothes.
Napatingin siya sa direksyon ko at kinawayan ako saka ngumiti kasabay ng paglapit niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ko ang pabango niya.
“Hi,” bati nito sa akin.
Napaiwas ako ng tingin, “H-hi.”
Umatras ako ng isang hakbang nang mapansing nakatingin sa amin sina Daryll at Selene, “I’ll go to my office, enjoy shopping,” sambit ko. Akmang aalis na ako nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“Are you free later?” tanong niya, napatingin ako kay Selene at Daryll na nakatingin din sa akin.
I gave him a smile, “No.”
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at malalaki ang hakbang kong umalis sa harap niya. Pagpasok ko sa office ko ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Malakas akong napabuntong-hininga kasabay ng pag-upo ko sa upuan. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at bumungad sa akin si Selene at ang mapang-asar niyang tingin.
Inirapan ko siya, umupo siya sa harap ng table ko.
“Ba’t parang may something kay Architect kanina?” tanong nito pero hindi ko siya tinignan.
Kapag talaga ganito ay iniiwasan ko ang mapang-asar niyang tingin dahil may times na magui-guilty ako for lying to them.
“Ewan,” kibit-balikat na sagot ko.
“Crush ka yata ni architect, e, kinuha number mo sa akin.”
Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya.
“Syempre single naman siya at mabait akong kaibigan, binigay ko,” nakangiting sambit nito ma naging dahilan para mapapikit ako kasabay ng pagsandal ko sa upuan.
“Selene, bakit mo binigay?!” sermon ko sa kaniya.
“Pareho naman kayong single, e. Sabi na, e, may pag-asa kayo, nararamdaman ko na ‘yon simula no’ng pumunta siya sa condo mo noon.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata