Napapikit ako ng mariin nang pagbukas ko sa locker ko ay may mga chuckie do'n. Kinuha ko 'yon lahat at dinala sa room. Binigay ko kila Eunice ang mga nakuha ko sa room. Ang tagal na rin simula nang may naglalagay ng mga pagkain sa locker ko, kung hindi naman sa locker ay sa upuan ko kaya minsan, pinagpiye-piyestahan nila ang upuan ko. Napatingin ako sa direksyon nila James, he smiled at me kaya hindi ko siya pinansin at dumiretso sa upuan ko. Simula nang umamin siya sa akin ay palagi na siyang ganiyan, hindi na ako tinatantanan, minsan gumagamit pa siya ng iba para makausap ako. NANG matapos ang buong klase ay dumiretso ako sa dress making room dahil kailangan ko pang tapusin 'yong tinatahi ko. 'Yon kasi 'yong ipapakita nila sa isang fashion designer na pupunta rito sa november kaya kailangang matapos agad dahil september na. Malapit ko naman nang matapos 'yon dahil minsan ay nagpapagabi talaga ako rito para mabilis kong matapos. Inilabas ko ang sketchpad ko at ang natapos ko ng matahian, kaunti na lang ang itatahi bago dumiretso sa design. Kinuha ko ang phone ko saka nagpatugtog habang itinutuloy ko ang ginagawa ko. Iginugol ko lahat ng oras ko sa pagtatahi, minsan naman ay napapatigil lang at maagang umuuwi dahil pinapatawag ako sa production namin. Madalas, ako ang tinatawag nila para pumalit sa isang umaakto rin kapag hindi sila makakapunta. May isa pang network na kumausap sa akin no'ng nakaraan at kinukuha ako bilang artista nila pero hindi ako pumayag. I told them I want to live my life peacefully and I'm not into acting. Mabuti na lang at naintindihan nila 'yon at hindi na ako pinilit. But if I change my mind, tawagan ko lang raw sila. Ni isang beses, hindi pumasok sa utak ko ang pagiging artista dahil sa buong buhay ko, fashion designer talaga ang pinu-push ko. Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong bumukas, James texted me again. From: Pelipe Message: Nasa dress making room ka? Hatid kita sa inyo mamaya :) To: Pelipe Message: Get lost. I turned off my phone and continue what I’m doing, I told him many times that I’m not interested to him but he keeps on saying he doesn’t care and it doesn’t matter for him. Sinadya kong magpagabi talaga para masiguradong hindi niya ako mahihintay. Kinuha ko na rin lahat ng pang-design na dala ko saka ito ikinalat sa lamesa para makita kung ano ang bagay sa itinahi ko dahil malapit na rin akong matapos do’n sa part na ginagawa ko. Isang part lang muna ang tatapusin ko dahil alas-otso na rin. Paniguradong wala na si James sa labas sa ganitong oras. Inayos ko ang mga pinaggamitan ko at tinapon ko ‘yong maliliit na sinulid na hindi na magagamit saka pinatay ang machine. Sinigurado ko ring malinis ang pinagtahian ko saka pinatay ang ilaw at lumabas. Paglabas ko ay tahimik na ang paligid, hindi ko rin nakita si James kaya nakahinga ako ng maluwag. Paniguradong umuwi na ‘yon sa kanila. Ibinalik ko sa faculty room ang maxi dress na itinuloy kong tahiin kanina. Mabilis akong napatingin sa pinto nang marinig ko itong sumara. Napakunot ako dahil may lalaki roon. “Hi, Lara.” My toes started to tremble as I heard his voice, it’s kinda scary. Nanatili akong nakatayo roon, trying to calm myself from trembling. “Who are you?” tanong ko nang makita ang mukha niya. He just smiled at me. “Sobrang sipag mo naman, kanina pa kita hinihintay lumabas sa dress making room,” sabi niya. Hinawi ko ang kamay niya nang hawakan niya ang dulo ng buhok ko. “Don’t tell me hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ko,” natatawa niyang sabi saka pumunta sa likod ko at dahan-dahang hinawi ang buhok ko. My tears started to fall as he started to smell my shoulder. I want to fight but my toes are trembling, I can’t even move my fingers because of this horrendous feeling of mine. Napasinghap ako nang dumapo ang kamay niya sa private part ko habang inaamoy-amoy niya pa rin ang balikat ko. “S-stop!” Mabilis ko siyang siniko at tumakbo sa pintuan pero kulang ang lakas ko para maikot ang door knob. I tried to scream, asking for help but the guy just laughed on me while watching me crying and screaming. Tangina, matapang akong babae pero bakit hindi ko kayang lumaban sa mga oras na ‘to? Humarap ako sa kaniya, “P-please, stop.” He chuckled, “Why would I? Matagal na rin kitang pinagmamasdan sa malayo. Kahit na balot na balot pa ang suotin mo, nakahubad ka pa rin sa mga mata ko,” sabi niya saka dahan-dahang lumapit sa akin. I want to run but I can’t move my feet! Narinig kong may gumagalaw sa doorknob. “T-tulong! May t-tao ba riyan?” sigaw ko. Napangiwi ako nang bigla akong hilain ng lalaki at hinalikan sa labi habang ang kamay niya ay nasa pang-upo ko. Nagulat ako nang biglang may humila sa akin papalayo sa lalaki. I saw James punching the guy nonstop. Paulit-ulit niya itong minumura kasabay ng pagsuntok niya sa kaniya. Hindi ko siya magawang pigilan, duguan na rin ang lalaki dahil tumatalsik na ang dugo niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Galit… Takot… Hiya… Sakit… Hindi ko alam! Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay mabilis kong nilapitan si James. “James, tama na!” sigaw ko habang hinihila siya pero hindi siya tumigil. “Phillip James Colbert!” Bigla siyang napatigil nang banggitin ko ang pangalan niya. Bigla akong napaatras nang makita ang itsura niya. Sobrang nakakatakot ang itsura niya at matalim ang tingin, may dugo rin sa pisngi niya. Napatingin ako sa lalaki, halos hindi na siya makilala dahil putok na putok ang mukha niya. “S-stop, n-nakabawi ka na, tama na…” I’m trying to convince him despite of his horrendous face. Dahan-dahan siyang tumayo kaya hinawakan ko ang braso niya para makalma siya. Mabilis niya akong hinila at sinara nang malakas ang pinto at hinayaan ang lalaking nakahandusay lang sa sahig. Hindi ko magawang umangal dahil sa takot at kaba ko. Hinayaan ko siyang ipasok ako sa kotse niya. Nang makapasok siya sa loob ay hingal na hingal pa rin siya. Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. “I-I’m sorry,” mahina kong sabi. I licked my lowerlip when he didn’t talk. Inilagay niya ang kamay niya sa manobela kaya nanatili akong tahimik. Kinuha ko ang panyo ko sa bag saka lumapit sa kaniya, iniharap ko ang mukha niya sa akin saka dahan-dahang pinunasan ang dugo at pawis sa mukha niya. Kahit nakakaramdam ako ng ilang at nginig ay nilabanan ko iyon. Tumikhim siya nang umayos ako ng upo. “From now on, susunduin at ihahatid na kita,” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Akmang magsasalita na ako pero mabilis niya akong pinigilan. “Kung aangal ka, ‘wag ka na lang magsalita. I won’t let anyone harass you,” dagdag niya kaya napatikom ako. “I’m your suitor and my responsibility is to protect you.” “Hindi pa ako pumapayag na manligaw ka,” sabi ko. “Wala akong pakialam.” Mabilis niyang binuksan ang engine ng sasakyan saka pinaharurot ito. “Have you eaten?” tanong niya na para bang walang nangyari kanina, umiling ako. Huminto kami sa isang fast food chain, akmang lalabas na siya nang pigilan ko siya dahil napansin ko ang suot niya. “May dugo,” sabi ko saka tinuro ang damit niya kaya napabuntong-hininga siya at sinara ang pinto. “Putangina mo, Phillip James!” bigla kong sigaw kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. I heard him chuckled. Bigla ba naman siyang maghubad sa harap ko! May pagkadugyot rin naman pala ‘tong kumag na ‘to! Feels like I'm okay knowing his presence is with me… Sabay kaming lumabas at nag-order ng pagkain namin. Ako na ang nagpresintang kumuha ng pagkaing in-order namin saka umupo sa harap niya. Iniiwasan ko talagang tignan siya dahil kahit ko siya tignan, alam kong nakangisi na naman siya sa akin. “Stop smiling, hindi nakakatuwa,” malamig na sabi ko kaya natawa siya nang mahina saka sumubo sa pagkain niya. Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang baba ko at pinaharap sa kaniya. “Ouch!” angil ko nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko. “May pasa ka,” mahina niyang sabi kaya tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa mukha ko saka itinuloy ang pagkain. “Do you know him?” tanong niya saka uminom sa drink niya. “Ayokong pag-usapan,” sagot ko kaya natahimik siya. NANG matapos kami, mabilis rin kaming umalis dahil 10:30pm na. Nagulat pa ako nang pagtingin ko sa phone ko ay maraming missed calls and texts ni Papa! 122 missed calls from Papa 312 messages from Papa Mabilis akong nag-type at sinabing bigla akong tinext ng production ko para sa scenes ko at baka hindi na ako makauwi. Malakas akong napabuntong-hininga. Napatingin ako sa labas, malapit na pala kami sa bahay kaya mabilis ko siyang pinigilan. “What?” tanong niya. “Makikita ni Papa ‘yong pasa ko,” mahinang sabi ko sa kaniya. “Sa condo ka na lang muna,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Wala na akong pakialam sa kung ano ang kapalit nito pero hindi pwedeng malaman ‘to ni Papa. He would probably go to our university and report it to the dean, ayokong magka-issue sa university. Pagdating namin sa condo, malinis at maayos ang paligid. May TV pa do’n, kompleto rin ang mga gamit. Maluwag siya kung isang tao lang ang titira rito, pwede nga yata tatlong tao ang tumira rito, e. "I'll go to your house first, kukuha ako ng susuotin mo," rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. "'Wag na, ayos lang, wala namang pasok buka—” “Kung natatakot kang malaman ng Papa mo na manliligaw mo ako, nagpaalam na ako sa kaniya bago pa man ako umamin sa 'yo.” Napakunot ako, “What?” "He's not mad, Lara. You don't have to worry, sinabi niya pa nga sa aking i-push ko ang panliligaw ko sa 'yo dahil bagay raw tayo."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat