Chapter 84

Chapter 84
Lara’s POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong sinabi ‘yon kanina, pero para hindi mapahiya ay pinandigan ko na lang.
I texted Clark earlier to wait me on the mall near my boutique, mabuti na lang at hindi na siya nagtanong at sinabing hihintayin niya raw ako dahil saktong nandoon siya ngayon. I can’t take another time na kasama ko sila, naiinis ako, hindi ko alam kung bakit!
Hindi ko alam kung sinama nila ako para makasabay akong kumain o para ipamukha sa akin na masaya na ‘yong taong binitawan ko noon.
Tahimik lang ako habang nasa daan kami papunta sa mall habang ang mga mata ko ay nakatingin lang sa bintana. Hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa bintana hanggang sa makarating ako, sakto namang nakita ko si Clark na naghihintay sa entrance habang nakasuot ng sunglass at sombrero, alam kong siya ‘yon dahil gano’n ang pormahan niya lalo na kapag nasa public para hindi siya makilala ng mga tao.
I looked at them, “Thank you for the treat, Miss Maxima,” sambit ko.
“You’re too formal, Lara, just call me by my name,” ani niya saka mahinang natawa kaya ngumiti na lamang ako at tumango.
I glanced at James, “Alis na ako, Clark is waiting for me.”
“Okay, thank you sa time, Lara,” sagot ni Alyssa kaya lumapit ako sa kaniya at nakipag-beso.
I glanced at James once again before I opened the door. Tumakbo ako papalapit kay Clark kaya napatingin siya sa akin. He smiled at me before he looked at James’ car. Hinila ko siya papasok ng mall nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Shit, wrong move!
Pumasok kami sa isang jewelry shop dahil ‘yon ang nakita kong walang katao-tao bukod sa nagbabantay rito. Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga nang makita ang mga taong nag-uumpisa ng dumami. May mga lumalapit na ring guard para walang makapasok sa loob ng jewelry shop, sinenyasan kong manahimik ang babaeng nagbabantay sa shop dahil nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa amin ni Clark.
Napahawak ako sa sintido ko, napatingin ako kay Clark nang bigla niyang hawakan ang braso ko, iginiya niya ako sa isang maliit na sofa para makaupo.
“Ouch!” Napasinghap ako nang maramdaman ang sakit sa paa ko, damn nagsusugat!
Akmang tatanggalin ko ang heels na suot ko nang biglang isagi ni Clark ang kamay ko at lumuhod sa harap ko, ipinatong niya ang paa ko sa hita niya at pinanood ko siyang dahan-dahang tinanggal ang heels ko. Nagdudugo ang likod ng paa ko kaya nailapat ko ang labi ko.
“Miss, do you have a tissue? Or med kit?” tanong ni Clark sa babaeng nakatingin pa rin sa amin.
“Y-yes, Sir,” mabilis na sagot niya saka umalis sa harap namin para kunin ang panggamot.
Tinignan niya ang sugar na nasa paa ko, “Bakit ka kasi tumakbo?” kunot-noong tanong niya sa akin.
“Pagkakaguluhan tayo sa labas kapag hindi tayo tumakbo,” sagot ko saka inirapan siya na naging dahilan para mapailing siya.
Ibinigay ng babae sa amin ang med kit, napansin ko ang pagnginig ng kamay niya kaya nginitian ko lang siya ng isang matamis na halik para hindi siya kabahan, she smiled back at me as she stepped her feet backward para lumayo sa amin ng konti.
“Ouch, dahan-dahan lang!” angil ko nang bigla niyang ipatong ang bulak sa sugat ko, hindi niya ako pinansin at marahan niyang tina-tap ang bulak sa sugat ko para mawala ang dugo ro’n.
Kinuha niya ang betadine na nakalagay sa gilid saka dahan-dahan itong binuhos sa sugat ko, naigalaw ko pa nang konti ang paa ko dahil naramdaman ko ang pagtulo nito pero hinawakan niya nang mahigpit ang paa ko para hindi tumulo sa sahig ang betadine. I’m just watching him.
Nang matapos siya ay tinanggal niya rin ang heels na nakasuot sa kabilang paa ko para ma-relax ang paa ko, thankfully walang sugat ‘yon. Umupo siya sa tabi ko, doon ko lang napansin na ang daming nakatingin sa amin at kinukuhaan kami ng litrato, mukhang hinihintay kaming lumabas.
Pumasok ang isang lalaki sa loob ng jewelry shop, “Sorry po, Miss Lara and Sir Clark but I guess you both should leave the mall? Since padami nang padami na po ang mga tao sa labas, baka po magkaproblema if ever po na mag-stay pa po kayo rito,” magalang na pagpapaliwanag nito sa amin. Mukhang siya ang manager kaya napatango ako.
“I’ll contact my manager first para may magsundo sa amin, sorry for the interruption,” kalmadong sambit ni Clark kaya ngumiti ang lalaki at tumango. He excused himself habang si Clark naman ay inilabas ang telepono niya para i-contact ang manager niya.
“My manager is on his way, let’s just wait for maybe five to ten minutes,” sambit niya nang itago niya ang telepono niya kaya napatango ako.
“Kaya mo bang maglakad?” tanong niya.
“Malamang, maliit na sugat lang naman ‘to,” sagot ko.
Kinuha niya ang heels kong nasa sahig saka ito lumapit sa babae, may sinabi ito sa kaniya pero hindi ko na marinig. Nakita ko ang babaeng inabutan siya ng paper bag at nilagay ang heels ko ro’n.
“Hoy, tanga, anong ginagawa mo? Anong susuotin ko?!” tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ko.
He chuckled, “Pinabili ko ng tsinelas ‘yong manager ko, hindi ka naman gold para buhatin kita.”
Kinurot ko ang tagiliran niya saka siya sinamaan ng tingin kaya natawa siya. Maya-maya lang ay dumating na ang manager niya, binati niya ako kaya binigyan ko lang siya ng isang maliit na ngiti, inilapag niya ang tsinelas para maisuot ko ito.
Lalong dumami ang guard sa labas para maalalayan kaming makaalis, hinawakan ni Clark ang bewang ko nang makalabas kami, nagsigawan ang mga tao habang ako naman ay halos nakayuko na habang si Clark ay nasa gilid ko para masiguradong hindi ako masasaktan. Nang tuluyan kaming makalabas ng mall ay saktong dumating ang isang kotse at agad kaming pumasok do’n.
Nakahinga ako ng maluwag nang maisara ni Clark ang sasakyan. Napasandal ako sa upuan saka ipinikit ang mga mata.
“I’m just hoping na ‘yon na ang huling katangahang magagawa ko,” sambit ko habang nakapikit kaya natawa siya ng mahina. Mabuti na lang pala at itong bagong sasakyan ni Clark ang sinakyan namin.
Bumili kasi siya ng bago last month kung saan pwede kaming mag-usap sa kung ano-anong bagay nang hindi kami naririnig ng driver, may glass rin sa pagitan para hindi kami makita kapag gusto naming hindi makita.
“So how’s your date with James Colbert?” tanong niya kaya napadilat ako at napatingin sa kaniya saka muling ipinikit ang mata.
“Date my ass, kasama si Alyssa, she was the one who invited me.”
“Are they together?” tanong niya.
“Yeah, maybe? They looked sweet naman kanina, they even called each other baby,” ani ko. I chuckled, “Baby baby.”
Napatingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay nang marinig ko ang pagtawa niya.
“Halatang bitter ka pa rin sa ex mo,” pang-aasar niya.
“No, bakit kasi baby tawagan nila, e ang tanda tanda na nila!”
Napailing na lamang siya.
“Are you still planning na magpagawa ng bahay?” tanong ni Clark, bigla kong naalala ‘yong sinabi ni Alyssa kanina.
“Nope, I changed my mind, mas okay na ako sa condo ko,” sagot ko.
Hindi rin naman ako palaging nasa condo dahil marami akong ginagawa at minsan ay sa office na ako natutulog. Sayang lang rin kapag nagpagawa ako. Baka magalit pa si Papa at isiping mas gusto kong mag-settle down sa mas malayo sa kaniya.
“Is it okay na hindi na kita samahan sa condo mo? I still have a shoot later kasi, sinundo lang talaga kita dahil mukhang kailangan mo talaga ang tulong ng isang gwapong tulad ko.” Tinignan ko siya nang nakakadiri, kahit kailan talaga sobrang lakas ng apog sa sarili!
Hindi ako nagsalita dahil wala akong ganang makipag-away sa kaniya ngayon, nagpaalam din agad ako sa kaniya nang makarating kami sa labas ng condo ko.
Pagpasok ko sa loob ay hinubad ko ang tsinelas ko saka dumiretso sa kwarto ko, itinaas ko ang paa ko para makita ang sugat ko, medyo tuyo na ito kaya gagaling na 'to nang kusa.
Binuksan ko ang closet ko para makapagpalit na ako ng damit dahil inaantok ako, ang aga ko ba namang nagising kanina para tignan ang mga workers ko.
Tinitigan ko ang bawat isang nasa loob ng closet ko, sa dami ng mga ito ay hindi ako makapili, actually hindi pa ito ang lahat ng damit ko dahil ang iba ay nilalagay ko na sa box, pinapamigay ko sa mga bahay-ampunan dahil hindi na kakasya rito at marami pa akong damit.
Halos lahat ng mga sinusuot ko na pangbahay ay puro regalo sa akin ng mga fans at fashiond designer mula sa iba't-ibang bansa. Kinuha ko na lang ang v-neck na color violet saka maikling short para mas maging komportable.
Sakto namang pagtingin ko sa bintana ko ay umaambon na sa labas. This is the right time to rest.
***
NAGISING ako nang marinig ang telepono kong kanina pa tumutunog, inaantok kong kinuha ‘yon saka dahan-dahang binuksan ang mga mata para makita kung sino ang tumatawag, muli akong napapikit nang mabasa ang pangalan ni Daryll. Inaantok pa ako!
“Hmm?” inaantok kong bungad sa kaniya.
“Where are you?”
“Condo,” mahinang sagot ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
“Alam mo na?” rinig kong tanong niya mula sa kabilang linya.
“Alin?” tanong ko.
Hindi siya nagsalita at narinig ko na lang na namatay ang tawag, padabog kong binitawan ang telepono ko saka muling bumalik sa pagkakatulog. Natutulog ‘yong tao tapos kay iistorbo!
Maya-maya lang ay nagising na naman ako dahil sa katok na nagmumula sa labas, kahit nasa kwarto ako ay rinig na rinig ang katok kaya napapikit ako nang mariin. Tinignan ko ang oras, it’s 8 pm in the evening, sinong tao ang bibisita sa akin nang ganitong oras sa mismong condo ko?!
Inis akong bumangon at inayos ang buhok bago lumabas ng kwarto at buksan ang pinto, bumungad sa akin si Daryll na seryoso ang mukha kaya napaayos ako, nawala ang antok ko. Kapag kasi ganiyan ang mukha ni Daryll ay alam kong may problema na naman sa kompanya.
Pumasok siya sa loob at umupo sa sofa kaya sinundan ko siya, tinignan niya lang ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Where did you go earlier?” tanong niya sa akin habang may pinipindot sa ipad niya.
“I went to a lunch with a friend?” ani ko nang may hindi siguradong boses. Just because I had a lunch, he’s mad?
“You’re with Clark.”
Tumango ako, “Yeah, after that lunch, nagkita kami ni Clark sa mall. Bakit ba?” kunot-noong tanong ko sa kaniya.
“Nasa news kayong dalawa, I told you na magdahan-dahan kapag nasa public ka, ‘di ba? Ngayon, ayan, laman ka ng news saying you and Clark are dating!” Halata sa boses niya na hindi niya gusto ang nangyayari, kinuha ko ang ipad nang ilagay niya ito sa lamesa.
Napaawang ang bibig ko nang makita amg litrato naming dalawa ni Clark, she’s kneeling in front of me while I’m sitting, hawak niya ang paa ko. This was the moment no’ng tinanggal niya ang heels ko.
A famous fashion designer Lara Saavedra and a world actor Clark Vargas are dating!
Binasa ko ang mga comments ng mga tao, iba’t-ibang side ang pinapanigan nila. Ang iba ay naniniwalang nagde-date kami dahil sa litratong ‘yon at ang iba naman ay hindi naniniwala dahil alam ng mga tao na marami na akong ni-reject na lalaki noon pa. Kung ano-ano ang pinagsasabi nila sa amin, ang iba ay shini-shipped pa kami habang ang iba naman ay sinasabing walang kwenta ang news dahil hindi raw ito totoo.
Napapikit ako nang mariin, doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Maraming tao ang naghihintay sa amin sa labas kanina kaya paniguradong isa sa mga ‘yon ang nagpadala ng balita sa nag-post ng article.
Dahan-dahan kong inilapag ang ipad, napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito, it was Clark. Tinignan ko si Daryll, he just nodded at me, sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsalita.
“Alam mo na?” bungad niya sa akin. I licked mynlower lip as I nod na para bang kausap ko siya.
“Yeah…” mahinang sagot ko. Nakatingin lang sa akin si Daryll, mukhang gusto niyang marinig ang pinag-uusapan namin dahil hindi naka-speaker ang tawag.
“Sorry, I didn’t expect that to happen,” marahang sambit nito sa kabilang linya.
Umayos ako ng upo, “Nangyari na, we can’t do anything about it.”
“My manager is doing his everything to drop off that article, don’t worry,” sambit niya.
I chuckled, “Hindi madra-drop off ‘yon, alam natin pareho kung gaano ka kataas, Clark, let’s just let the time, kukusa ring makakalimutan ‘yan ng mga tao,” sambit ko.
“Or let’s just pretend that we are dating?” tanong niya.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata