Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 76
Chapter 76
Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng kaba habang tinitignan ang mga judges na nasa harapan. May iba ring mga tao ang nandito at nilalapitan ang mga gawa naming mga contestants kahit na sa litrato lang nila nakikita.
Akala ko ay sa university gaganapin ang contest pero pagdating ko sa university ay biglang sinabi ng dean namin na sa mall malapit sa university gaganapin ang contest. Nandito rin si James, Wendell, at Arthur para daw mapanood ako. Kahit si Celine ay nalungkot dahil umaasa raw siya na makakatapak na siya sa building ng college pero hindi pa natuloy.
I just promised to her na puputa kami sa building ng college sa susunod. May maliit rin na stage sa harap kung saan doon rarampa ang mga model namin, may mga tao na ring nakaupo at mukhang hinihintay na mag-umpisa ang paligsahan. Napatingin ako kay James nang bigla niya akong tawagin, sinenyasan niya akong lumapit sa kanila kaya lumapit ako sa kanila.
“Time for Celine to change her clothes,” ani niya kaya napatango ako at nilapitan si Celine. Hinila ko ang isang bakal na de gulong kung saan doon nakasabit ang gown na ginawa ko.
“Are you ready?” nakangiting tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa isang tent. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang dalawang balikat niya kasabay ng pagtingin niya sa akin.
She smiled at me as she nodded, “Sana lang po ay hindi ako mamali ng lakad,” sagot niya.
Marahan kong hinaplos ang buhok niyang nakaayos na.
Kinuha niya ang dress kaya inalalayan ko na siyang isuot ito. May zipper ‘yon sa likod na natakpan ng hahawakan niyang parang balabal sa likod na nakakabit rin sa gown.
The dress I made is like a runway look, mahaba ito pero hindi niya maaapakan, fitted rin kaya bagay na bagay sa katawan niya dahil maganda rin ang kurba ng katawan ni Celine, butterfly ang theme ng ginawa ko dahil ibinagay ko ito sa kulay ng dress which is pink, habang ang nasa likod naman niya ay simpleng bulaklak ang design nito.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ni Celine dahil ayaw ni James na ipitan siya dahil kita ng konti ang cleavage ni Celine sa suot niya. Napangiti ako nang successful naming naisuot sa kaniya ang gown. Kinuha ko ang heels na dala niya saka ito isinuot sa paa niya.
“Oh my God, you are so stunning, Celine!” kinikilig na ani ko nang makatayo ako at titigan siya.
She giggled because of what I have said. Kurbang-kurba ang katawan niya na naging dahilan para mas lalong makita kung gaano siya kaganda at ka-sexy. Ang buhok niya ay nakalugay pero may nakaipit pa rin sa ulo niya na naging dahilan para mas lalong bumagay sa kaniya. She is perfect!
“Let’s take a picture first!” masayang ani ko kasabay ng paglabas ko ng telepono ko at pinindot ang camera.
Nakailang take kami ng pictures dahil sobrang ganda talaga niya, siya mismo ang naglagay ng make up sa sarili niya, pati na rin ang ayos ng buhok niya. Nang marinig namin ang emcee ay sumilip ako sa labas ng tent para tawagin sina James. Sakto namang napatingin sa akin si Wendell kaya sinenyasan ko siyang lumapit, niyaya niya sila James na naging dahilan para mapatingin sa akin at pumunta silang tatlo papalapit sa amin.
Parami na rin nang parami ang mga tao na naghihintay sa labas. Pumasok sila sa loob ng tent para tulungan si Celine.
“Ay wow, Celine ikaw ba ‘yan?!” gulat na tanong ni Wendell saka nilapitan lalo si Celine para ipakitang hindi niya ito namumukhaan na naging dahilan para matawa si Celine habang ako naman ay napangiti.
“Alam kong maganda ako, Kuya Wendell,” natatawa at proud na sagot ni Celine sa kaniya.
“Walk slowly, Celine,” seryosong paalala ni James kay Celine na naging dahilan para mapatango si Celine.
Ayaw kasi sana si James na mag-heels si Celine dahil baka matapilok pa siya habang naglalakad pero mapilit si Celine, wala tuloy nagawa si James kung hindi ang payagan siya.
“I love your style, Lara,” pagpupuri sa akin ni Arthur kaya napatingin ako sa kaniya kasabay ng pagngiti ko.
“Naks, salamat,” sagot ko saka tinapik siya sa balikat.
Tinaasan ko ng kilay si James nang magtama ang mga mata namin, he shooked his head bago siya yumuko para hawakan ang dulong gown ni Celine at makalabas nang maayos. Ginaya naman siya ng dalawa kaya pinauna ko silang makalabas. Napatingin ang ibang mga tao sa amin pero hindi namin sila pinansin.
Naririnig ko ang bulungan nila pero hindi ko ‘yon maintindihan, hinatid namin si Celine sa backstage kung saan naroon na rin ang ibang mga models at suot ang mga style ng mga contestants.
Ang iba ay inaayusan pa rin habang nasa gilid, ang iba naman ay kumukuha ng litrato, may kaniya-kaniyang mundo ang lahat.
“Kalma lang, ha? Pupunta kami mamaya sa harap,” pagpapaalala ko sa kaniya na naging dahilan para mapangiti at mapatango siya, “You are so beautiful,” dagdag na komento ko na naging dahilan para lalong lumaki ang ngiti niya.
Nagpaalam rin kami agad sa kaniya dahil tinawag na isa-isa ang mga pangalan ng mga contestants na kasama ko. Umupo kaming lahat sa harap, hindi pa rin mawala ang kaba sa akin dahil ito na ‘yon, kapag ako ang nanalo ay mangyayari na ang isa sa mga pangarap ko.
Napatingin ako kay James nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, he smiled at me that made me put a smile on my face. I intertwined our finhers, ramdam ko ang init ng kamay niya kaya naikakalma ko ang sarili ko kahit papaano.
“To begin with this contest, I would like to introduce to all of you the most gorgeous and fabulous fashion designer in our country!” masiglang sambit ng emcee na naging dahilan para magpalakpakan ang lahat.
Doon ko lamang napansin na ang iba ay mukhang nag-skipped sa klase at pumunta rito para mapanood ang contest, alam kong taga-SPU sila dahil sa unipormeng suot nila. Nailipat ang tingin ko kay Eunice na nakatayo sa gilid habang inaayusan ng isa sa mga kaibigan niya. I chuckled, isa siya sa mga contestants pero ang suot niya ay parang siya ang rarampa sa stage mamaya.
Ibinalik ko ang tingin sa harap, muling naibalik ang ngiti sa mukha ko nang makita ang hinahangaan ko na fashion designer, her designes are genuinely stunning to the point that you can’t get your eyes off on her works. She’s beautiful and sexy, kahit na nasa 40+ na ang taon niya ay mukha pa rin siyang bata. Hindi mo masasabing may anak at asawa na lalo na kung hindi mo siya kilala.
Halos wala akong makitang kulubot sa katawan niya, ni isang wrinkle ay wala yata siya dahil sobrang linis at kinis ng katawan at mukha niya. Sobrang entertaining rin niya kaya marami talagang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging talented at mabait niya. Kahit na halos kilala siya ng lahat, she is still treating one another like her friend, hindi siya ‘yong snob lalo na sa personal.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay ni James nang matapos ang speech at i-announced ng emcee na mag-uumpisa na ang paglalakad ng mga napili naming model. Nagpalakpakan naman ang lahat.
Sigawan at palakpakan na nagmumula sa audience ang naririnig ko, lumabas ang isang model kung saan nakasuot siya ng parang pang-night party. It was just a simple night gown but I can see the efforts creator did.
Habang tinatawag ng emcee ang pangalan ng mga contestants, lalong kumakabog ang dibdib ko. Magaganda ang gawa ng lahat, kung ako ang judge ay paniguradong mahihirapan ako dahil halatang pinaghandaan ito ng lahat. Lalo na ang mga gawa ng mga contestants na nasa third year college, ang lilinis ng mga gawa nila.
“Next gown is from Lara Saavedra!” rinig kong in-announced ng emcee. Narinig ko ang sigaw ni Wendell na nasa tabi ni James. Sinigaw niya ang pangalan ni Celine na naging dahilan para mapatingin sa direksyon namin si Celine.
I smiled at her as I nodded at her, giving her a sign that she can do it. She smiled at me before she looked at the audience and walk confidently.
Hindi ko na naintindihan ang komento ng emcee sa gown na ginawa ko dahil nakatutok ako sa lakad ni Celine at sa kung paano gumalaw ang gown dahil sa paglakad niya. Nakahinga ako ng maluwag nang tawagin na ng emcee ang susunod na contestant.
“My sister is so gorgeous with the gown you created, I am so proud of the both you,” bulong sa akin ni James na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya kasabay ng paghigpit niya ng hawak sa kamay ko at pagngiti ko sa kaniya.
Hindi ko mailabas ang mga salitang gusto kong sambitin dahil nandito pa rin sa akin ang kaba ko at tanging ngiti at tango lang ang ibinibigay kong sagot sa tuwing may sinasabi sa akin ang tatlong kasama ko.
Napatingin ako sa teleponong nakapatong sa lap ko nang maramdaman kong mag-vibrate ito. Celine texted me.
From: Celine
Message: Thank you for giving me this opportunity, Ate. My co-models here in backstage keeps on saying that I looked so beautiful with your gown. I am so proud of you, Ate Lara. You never fail to make my heart flutter! I love you sm! < 3
Napangiti ako nang mabasa ang message ni Celine. Kahit ano namang suotin niya ay babagay sa kaniya dahil perpekto siya, halos walang kulang sa kaniya. Ibinigay na ng Diyos sa kaniya ang lahat, kaya hindi na nakakapagtaka na ganito ka-protective si James kay Celine.
Patuloy pa rin ang sigawan ng lahat lalo na kapag kakilala nila ang maglalakad sa entablado. Inabutan kami ng tubig ni Arthur kaya binigyan ko siya ng maliit na ngiti.
Nagulat ako nang makitang nandito rin sina Tita Josephine at Tito Darwin, mukhang pinanood nila ang contest dahil may hawak na camera si Tita. Kumaway sila sa akin kaya kumaway rin ako pabalik, mabilis silang lumapit sa amin at umupo sa bakante kong upuan.
“Omg, your gown is so stunning, anak ko!” masayang pagpupuri at bungad sa akin ni Tita nang makaupo siya sa tabi ko.
“Thank you po, Tita, Celine is so gorgeous with that gown po,” masayang sagot ko kaya napatango siya bilang pagsang-ayon sa akin.
“Of course, kanino pa ba magmamana?” ani niya saka hinawi ang buhok niya kaya natawa ako ng mahina.
Napansin din ni James na nandito ang parents niya pero tinanguan niya lamang ang mga ito dahil busy siya na nakikipag-usap kila Wendell. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.
***
NANG matapos ang contest ay dumiretso ako kaming apat sa tent namin dahil nauna na ro’n si Celine. Sina Tito Darwin at Tita Josephine naman ay nagpaalam na dahil may meeting pa raw sila, cinancel lang raw nila ang meeting sa umaga para daw mapanood si Celine at makita ang gown na ginawa ko.
Ako lang ang pumasok sa tent at hinintay ako ng tatlo sa labas para daw may magbantay. Naabutan ko si Celine na tinatanggal ang make niya habang nakaupo at nakaharap sa salamin. Mukhang napansin niya ang presensya ko dahil napalingon siya sa akin.
Kahit na hindi niya pa tapos ang ginagawa niya ay agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap na naging dahilan para mapangiti ako.
“Thank you so much, Ate,” parang batang sambit niya sa akin kaya lalo akong napangiti.
“No worries, Celine, you are the only one I know na pwedeng isuot ang gown dahil sa ‘yo talaga siya babagay. You deserve it, Celine,” nakangiting ani ko. She giggled because of that before she held my wrist at hinila ako para makaupokami.
Muli siyang humarap sa salamin para ipagpatuloy ang pagtatanggal niya ng make up sa mukha niya habang ako naman ay sumandal sa upuan at nakangiting pinapanood lamang siyang ginagawa ang pagtatanggal ng kolorete.
Hindi ko maiwasang panoorin ulit sa utak ko kung paano maglakad si Celine kanina sa stage, parang gusto ko na lang siyang itago at dalhin sa mga lugar kung nasaan ako para hindi siya mawala sa paningin ko. She is so special to me.
Nang matapos na niyang tanggalin ang kolorete sa mukha niya ay tinulungan ko siyang tanggalin ang gown. Nang makabihis na siya ay pinapasok ko na sina James na naghihintay sa labas para tulungan akong ikabit ang gown sa mannequin na nandito dahil ilalagay lahat ng gown sa place ng fashion designer para i-examine ang bawat parte ng mga gown.
Kaya hindi pa sigurado kung kailan malalaman ang result ng mananalo sa contest, perp sinisigurado naman nila na bago matapos ang buwang ito ay hawak na ng SPU ang result.
Pinagtulungan naming ilagay sa mannequin ang gown dahil masyado nila itong iniingatan at ayaw na masira. Napapailing na lamang ako dahil nagbabangayan na naman si Wendell at James, kanina pa kasi reklamo nang reklamo si Wendell na sobrang hirap daw isuot ng gown, tapos si James naman ay ginatungan pa ang sinabi ni Wendell kaya hindi na naman matigil ang bunganga nila dahil ayaw nila magpatalo pareho.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat