Chapter 74

Chapter 74
Buong biyahe namin ni Wendell ay puro bangayan lang kaming dalawa dahil sa sobrang pikon niya sa akin. Hindi ko ba naman tigilan sa pang-aasar tungkol ro’n sa sando, pero sa bandang huli ay sinabi niya pa rin sa akin kung kanino ‘yon.
Sa kaibigan daw talaga ng pinsan niya ‘yon, ‘yong mataba raw na kaibigan ng pinsan niya. Paano ako maniniwala sa explanation niya e ‘yong sando na nasa sasakyan niya ay para sa mga mapapayat lang, hindi kakasya ‘yon sa matana dahil hindi fitted ang sandong ‘yon.
Manloloko na nga lang si Wendell, sa akin pa. Sorry siya, maling tao ang niloko niya!
Parang ang bilis nga lang dahil nakarating agad kami sa bahay, nabitin tuloy ako sa pang-aasar sa kaniya! E no’ng last year naman, parang natatagalan pa ako kapag siya ang naghahatid sa akin!
Pagpasok ko sa loob ay wala pa rin si Papa. Yayayain ko pa sana si Wendell dito kaso alam kong hindi rin ‘yon papayag dahil sa sobrang pagkapikon niya sa akin.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng comfortable na damit bago umupo sa study table ko at kinuha ang reviewer ko dahil may exam kami bukas sa dress making. Napatingin ako sa ibaba nang biglang may nahulog na papel, binuklat ko ‘yon at nakita kong ‘yon ang form ng para sa contest sa dress making.
Marami pala ang benefits ng contest na ‘to once na manalo ka. Pwedeng mailagay ang design mo sa isang sikat na clothe branch, bibigyan ka pa ng 30k, at i-sponsor-an ka, wala nga lang nakalagay kung anong sponsor ang ibibigay. Kinuha ko ang ballpen ko saka pinirmahan ang form.
I think there’s nothing wrong about trying, kinuha ko ang phone ko saka tinignan ang mga litratong nakuhanan ko ng picture no’ng nasa Batangas pa kami ni James. Kumuha lang ako ng idea sa bawat picture, kinuha ko ang sketchpad at lapis ko saka nag-umpisang magguhit para sa magiging style ko sa contest. Maraming idea ang pumapasok sa utak ko dahil sa dami ng nakuha kong picture.
***
ALAS-OTSO na ng gabi pero nakaharap pa rin ako sa table at nagguguhit pa rin, hindi ko alam kung pang-ilang drawing ko na ito dahil sa sobrang dami ng ideas na pumapasok sa utak ko ay marami na rin akong naiguhit para sa contest.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko pero hindi iyon nilingon dahil alam kong si Papa ‘yon.
“‘Nak, kumain ka na muna, kanina ka pa riyan,” rinig kong ani ni Papa na naging dahilan para mapatigil ako sa pagguhit ko at mapatingin kay Papa.
Binitawan ko ang lapis ko saka tumayo at sabay kaming lumabas ni Papa. Napatingin ako sa kaniya nang dalawang plato ang ilagay niya sa lamesa.
“Hindi ka pa rin kumakain, Pa?” tanong ko sa kaniya kasabay ng pag-upo ko sa harap niya.
“Hindi pa, hinihintay kita, e,” sagot niya saka kumuha ng utensils at inilapag sa plato.
Kumuha ako ng kanin na nakahain na sa lamesa. He is supposed resting right now.
“Halatang busy ka sa ginagawa mo,” ani ni Papa sa gitna ng pagkain namin na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya kasabay ng pagsubo ko sa pagkain ko.
Tumango ako, “Opo, may contest po kasing ino-offer sa akin ‘yong prof namin sa dress making kaya inaagahan ko na ‘yong pagguhit para sa pagtatahi na lang ako ma-stress,” mahabang sagot ko kaya sabay kaming natawa.
“Stress stress, e kaya mo naman lahat,” naiiling at natatawang ani ni Papa kaya napangiti ako. Uminom ako sa juice na tinimpla niya.
“Kumusta po ang trabaho?” tanong ko.
“Ayos naman, walang bago, tumaas nga lang ang posisyon ko ngayon,” sagot ni Papa kaya muli akong napatingin sa kaniya, “May bagong uniform na nga ako, e. Ginawa na kasi akong manager do’n sa pinagtratrabahuhan ko,” dagdag niya na naging dahilan para magliwanag ang mukha ko sa tuwa.
“Deserved mo ‘yan, Pa, sipag mo, e,” masayang sambit ko na naging dahilan para mapangiti siya.
“Mahal na mahal tayo ng Diyos.”
PAGKATAPOS naming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas para makapagpahinga na si Papa dahil masyado ng late para sa kaniya ang ganitong oras dahil maaga talaga siyang natutulog.
Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa kwarto at mabilis na naghilamos saka muling umupo sa study table ko. Tinignan ko ang cellphone ko kung may text ba sa akin si James pero wala pa rin siyang text hanggang ngayon. Mukhang nagpapahinga na ‘yon ngayon dahil sa pagod.
Hindi na niya kasi pinatapos ang after classes niya dahil dumiretso na agad siya sa practice niya, in-excuse lang namin siya para hindi siya mamarkahan ng absent sa attendance niya.
Ibinuklat ko ang sketchpad ko, doon ko lamang napansin na marami na akong design na nagawa, mahigit sampo na yata ito, tinitigan ko ang bawat style na ginawa ko para makita kung ano ang pinakamaganda na isali sa contest. I am planning to make Celine as my model, size niya ang kailangan ko rito dahil matangkad siya at maganda ang katawan niya.
Hindi ko pa nga lang siya nakakausap para sabihin ang balak ko sa kaniya, hindi rin ako sigurado kung papayag siya dahil hindi naman siya pumupunta sa building ng college. Isinara ko ang sketchpad ko at dumiretso sa kama ko para magpahinga.
Hindi ko alam kung makakapasok ba bukas si James dahil hindi pa kami nakakapag-usap simula nang umalis siya sa university para pumunta sa practice niya, ni hindi ko nga alam kung may susundo sa akin bukas knowing na baka nakalimutan ni James na sabihan sina Wendell at Arthur.
Kinuha ko ang isang unan at niyakap ‘yon dahil ayaw akong dalawin ng antok ko. Kinuha ko ang telepono ko saka binuksan ang social media ko, bumungad na naman sa akin ang sabog na messenges, friend requests, at notifications. Hindi ako nag-abalang buksan ang mga iyon at nag-scroll agad ako. Puro litrato ng mga friends ko sa social media ang bumungad sa akin kung saan may kaniya-kaniya silang porma habang nasa loob ng university, ang iba ay nasa labas ng university ang background nila.
Napahinto ako sa isang post nang makitang post ‘yon ni James. It was my picture holding a lusis habang nakataas ang kamay ko at nakangiting nakatingin doon. Ngayon ko lang nakita na may post pala siya na ganito.
Look, my girl is so happy! What a gorgeous creation.
Iyan ang isang caption niya sa isang litrato ko na mag-isa. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang nakatitig sa sarili kong halatang masaya at mag-eenjoy sa hawak ko.
Ang pangalawang litrato ay kasama ko si Tita at Celine, we are holding a lusis too, we looked so happy in the picture. Nakahawak sa braso ko si Celine pero hindi ganoong kita ang mukha niya dahil naka-hoodie siya at natakpan ang mukha niya mula sa gilid.
My best girls in one picture. < 3
Lalo akong napangiti nang mabasa ang caption niya ro’n. Pinindot ko ang comment sa mismong post na ‘yon, I chuckled when some of them are asking who’s the girl whom wearing a hoodie. Ang iba ay pinupuri ako dahil maganda raw ako kahit nakagilid. Ang iba naman ay sinasabing ang sweet ni James dahil sa post niya. Ang iba rin ay nagsa-sana all na naman dahil magkasundo raw kami ng parents ni James.
I also find myself lucky knowing I have no problem to his family, they loves me so much the way I loved them.
HINDI ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig sa mga litrato na pinost ni James dahil naabutan ko na lang ang sarili kong chinarged ang phone at umayos ng higa kasabay ng paghikab ko.
***
Napatingin ako sa labas nang matapos akong kumain dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si James. Mukhang hindi niya ako susunduin ngayon, kahit sina Wendell at Arthur ay wala pa rin, usually ay mga ganitong oras ay nandito na sila. Kinuha ko ang gamit ko saka dumiretso sa labas para hindi ako ka-late dahil magco-commute na lang ako.
Nauna na kasi si Papa kanina dahil may aayusin pa raw siya sa mall kaya hinayaan ko na lang at nagpaiwan na muna ako. Mahigit tatlong minuto pa ang lalakarin ko para makalabas sa street at makahanap ng jeep dahil nga walang dumaraan na jeep dito.
Kinuha ko ang payong sa bag ko dahil mainit na at masakit sa balat ang sinag ng araw pero agad akong napatigil sa paglalakad nang makita ang pamilyar na sasakyan na papalapit sa akin. Huminto ang sasakyan sa harap ko, is Arthur.
Bumaba ang bintana ng sasakyan niya, “Good morning, Lara,” nakangiti niyang bati sa akin kaya napangiti ako.
Umikot ako para umupo sa passenger seat, “Good morning,” bati ko pabalik sa kaniya.
Inikot niya ang sasakyan para umibaw ng direksyon.
“Buti pala nakita ko ‘yong chat ni Colbert kanina sa GC namin, hindi makakapasok si Wendell, e,” sambit niya habang nakatingin sa harap na naging dahilan para mapatango ako.
“Bakit daw?” tanong ko.
“Ewan, hindi niya sinabi,” sagot niya na naging dahilan para dahan-dahan akong mapatango at ilipat ang tingin sa bintana.
Ngayon ko lang ulit nakita si Arthur na dinala ang sasakyan niya, halatang wala siyang choice kung hindi dalhin ang sasakyan niya dahil hindi makakapasok si Wendell, paniguradong hindi rin makakapasok si James ngayon dahil hindi naman siya ‘yong nagsundo sa akin.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko saka hinanap ang pangalan ni James para i-text siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang text sa akin.
PAGDATING namin sa room ay nakauniporme na ulit ang lahat at ang iba ay busy na nagbabasa sa mga reviewer nila dahil may exam kami sa second subject this morning. Kasabay ng pag-upo ko sa upuan ko ay ang pagkuha ko ng notebook ko sa bag ko para mag-review sa dress making dahil hindi ako nakapag-review kagabi.
Hindi ko naman na kailangang mag-review sa exam namin ngayong umaga dahil madali lang naman ‘yon, baka nga puro essay lang ang ipagawa, e.
Napatingin ako sa likuran ko nang biglang may kumalabit sa akin, nakita ko ang kaklase kong nakatingin sa akin.
“Pwede patulong rito? Hindi ko kasi mahanap ‘yong tamang solution,” ani niya saka pinakita sa akin ang notebook niya kaya tumango ako. Sinenyasan ko siyang lumipat ng upuan at tumabi sa akin para maituro ko sa kaniya ang hindi niya maintindihan.
Siya ang pinakatahimik dito sa classroom, halos nagsasalita lang siya sa tuwing natatawag siya para sumagot, pero most of the time ay tahimik lang siyang nakatingin sa labas o ‘di kaya sa notebook niya.
***
PAGKATAPOS ng buong klase namin sa araw na ‘to ay agad akong lumabas ng dress making room. Tinext ko si Arthur na mauna na siyang umuwi dahil may pupuntahan ako, nang ma-isend ko ang message ko ay dinial ko naman ang number ni Celine para kitain siya.
Hindi ko siya matawagan kaya tinext ko na lang siya na hihintayin ko siya sa labas ng building nila dahil may sasabihin ako.
Dumiretso ako sa sakayan ng jeep dahil malayo rito ang building ng mga junior high. Pagbaba ko ay umupo ako sa bench saka muli siyang tinext na nandito na ako sa harap ng building nila, nag-reply naman siya agad na papalabas na siya ng room kaya tinago ko na ang telepono ko.
Maya-maya lang ay nakita ko na siyang tumatakbo papalapit sa akin kaya napangiti ako kasabay ng pagtayo ko.
“Hi!” masigla niyang bati sa akin kaya lalo akong napangiti.
“May gagawin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya na naging dahilan para umiling siya.
“Wala na po,” sagot niya kaya napatango ako.
Hinawakan niya ang braso ko kasabay ng paglalakad namin para lumabas ng university. Dumiretso kami sa isang meryenda house kung saan puro street foods ang narorooon. Um-order lang ako ng pagkain namin, kumpara kay James ay paboring-paborito ni Celine ang street foods kaya lalo kaming nagkakasundo lalo.
“Ano pong sasabihin mo?” tanong niya sa akin nang mai-served sa harap namin ang mga in-order ko.
Iniharap ko sa kaniya ang screen ng phone ko para ipakita ang form dahil kinuhanan ko ‘yon ng litrato kanina bago ko pa man ibigay sa prof namin.
“I want you to be my model,” ani ko na naging dahilan para mapaawang ang bibig niya, “Maganda kasi ang katawan mo at paniguradong babagay sa ‘yo ang style na gagawin ko,” nakangiting dagdag ko.
“Seryoso ba ‘yan, Ate?” Halata ang pagkagulat sa mukha niya kaya lalo akong napangiti kasabay ng pagtango ko.
“Sa ‘yo lang babagay ‘yon kaya ikaw ang gusto kong maging model, saka may alam ka rin sa modeling kahit papaano. So kapag contest day na, susuotin mo ang itatahi ko para ma-judge ng mga judges,” mahabang pagpapaliwanag ko sa kaniya.
“So you mean pupunta ako sa building ng mga college?” tanong niya kaya napatango ako, she giggled because of that.
Dati niya pa kasi gustong pumunta sa college building pero hindi niya magawa dahil takot siyang mapagalitan ni James.
“Is it okay to you?” tanong ko sa kaniya na naging dahilan para masigla siyang tumango, abot tenga ang ngiti niya kaya natawa ako ng mahina. She’s beautiful!
Umpisa na kasi ng pagtatahi kaya kailangan ko ng umpisahan ‘yon, mabuti nga lang at nakapagpasa agad ako ng form at may ilang buwan pa ako para matapos ang style ko bago pa man dumating ang contest day.
“I’m glad that I’m the one you chose to be your model, Ate.”
I gave him a sweet smile, “I’m glad na pumayag ka, without you baka wala akong model,” natatawang ani ko sa kaniya kaya natawa rin siya ng mahina.
“Thank you for boosting my confidence, Ate Lara.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata