Chapter 72

Chapter 72
“Cheers!” sabay-sabay na sigawan namin nila Tita nang mag-toast kami para sa first wine namin ngayong bagong taon.
Natawa ako ng mahina nang biglang sumayaw si Tito Darwin kasama si Papa dahil biglang nag-play ng kanta si Celine. Umupo ako sa tabi ni James na tahimik lang na umiinom ng wine habang pinapanood sila Tito na parang baliw ma sumasayaw habang pinagtatawanan sila nina Tita at Celine.
"You okay?" tanong ko sa kaniya na naging dahilan para mapatingin siya sa akin.
He nodded, "Yeah, but I'm tired, pinagod mo ako kanina," mahinang sagot niya kaya mahina ko siyang siniko sa tagiliran niya.
"Watch your mouth," suway ko sa kaniya kaya natawa siya ng mahina kasabay ng pag-akbay niya sa akin.
After we did the thing earlier, mabilis kaming nag-ayos dahil bigla ba namang kumatok si Papa at Tito Darwin sa pinto kaya sa sobrang takot na mahuli ay bigla kong naitulak si James.
Tapos pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng malalakas na torotot nilang dalawa kaya mabilis kong isinara ang pintuan, narinig ko pa ang tawanan nila mula sa labas na para bang pinagplanuhan nilang gawin ang bagay na 'yon.
Basta talaga magkasama na silang dalawa, nagiging hyper na sila. Kumuha ako ng graham na nakahain sa gitna saka kumuha ng pasta para sa aming dalawa ni James. Dinamihan ko ang pasta dahil paborito niya ito.
Naghati kaming dalawa sa iisang plato at tahimik lang na kumain habang busy silang lahat na nagtatawanan at nagsasayawan. Napatingin ako kay Celine nang maupo siya sa tabi ko kaya napagitnaan nila akong magkapatid.
"You looked happy," komento ko nang makita ang saya sa mukha niya.
She nodded happily at me, "Opo, ganito na lang kasi ulit naging masaya sila Mommy st Daddy," masayang ani niya niya na naging dahilan para mapangiti ako.
Muli siyang tumayo at lumapit sa mga pagkain, sinubuan ko si James ng graham.
"How's it?" tanong ko sa kaniya nang hindi napalitan ng expression ang mukha niya.
Napatango siya, "It's quite good," tumatangong ani niya kaya napangiti ako.
Natawa ako ng mahina nang ilabas ni Tito ang mga binili niyang paputok kanina saka binigyan si Papa, habang si Tita naman ay lumayo sa kanila dahil baka maputukan siya, natawa pa ako ng mahina nang humihingi si Celine kay Tito pero nilayo ang mga paputok sa kaniya na naging dahilan para mapasimangot siya.
Lumapit sa amin si Tito at binigyan ng paputok si James, kinuha niya ang plastic para makapili siya ng paputok dahil iba’t-ibang paputok ang binili ni Tito kanina.
Napaawang ang bibig ko nang ibigay sa akin ni James ang poppop.
“What?” tanong niya nang hindi ko ito kunin sa kaniya.
“Bakit ‘yan? Mukha ba akong bata? Kay Celine na lang ‘yan!” ani ko sa kaniya, kinuha ko ito at akmang tatayo na ako para lapitan si Celine pero pingilan ako ni James.
“‘Yan nga ang sa ‘yo para hindi ka maputukan,” sambit niya na naging dahilan para irapan ko siya.
“I’m not kid anymore,” inis ko sambit ko sa kaniya.
“Kahit na, bawal ka sa mga delikadong paputok,” sagot niya saka hinila ako na naging dahilan para muli akong mapaupo. Inirapan ko siya pero hindi niya ako pinansin.
Tinawag kami ni Papa pero napatango lamang ako dahil ayaw akong payagan ni James, mukha ba akong bata para putukan ang sarili?
“Hindi naman kasi ako mapuputukan!” inis kong sambit sa kaniya.
He chuckled as he lean to whisper on my ear, “Naputukan kita kanina.”
Mabilis ko siyang hinampas sa braso dahil biglang lumapit sa amin si Celine na may hawak na pagkain.
“Ang manyak mo!” bulong ko sa kaniya na naging dahilan para matawa siya.
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang itapon ang pieces na nasa loob ng box ng poppop habang sila Papa naman ay nagpapaputok malapit sa dulo ng rooftop. Malawakan ang rooftop nila kaya pwede kang tumakbo kahit saan. Actually pwede ngang mag-camping rito dahil maganda ang view mula rito sa taas, kitang-kita rin ang mga kumikinang na bituin mula sa kalangitan.
Napatingin ako kay James nang bigla niyang ibigay sa akin ang isang mahaba na kulay green, ito ‘yong kapag sinindihan, iilaw hanggang sa maubos ang haba nito, hindi ito delikado dahil hindi naman ito pumuputok.
Tumayo si James at kinuha ang isang lighter na nakalagay sa gilid bago niya sinindihan ang hawak niya, napangiti ako nang makitang umilaw ang dulo ng hawak niya hanggang sa dahan-dahang lumiit ang kahabaan nito.
Tumayo ako at nilapitan siya, sinenyasan kong sindihan niya rin ang hawak ko na naging dahilan para sundin niya ako. Lalong lumaki ang ngiti ko nang umilaw ang hawak ko, ang cute tignan!
Nang maubos ang hawak ko ay kumuha pa ako sa hawak ni James.
“Tayong dalawa tapos picture tayo,” masayang sambit ko sa kaniya na naging dahilan para matawa siya. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa gilid skaa hinanap ang camera at hinarap ito sa amin.
Sinindihan niya ang hawak naming dalawa kaya in-start ko na ang timer sa camera saka kami tumingin sa camera at ngumiti. We took many pictures with different poses together with the thing that we are holding. I think lusis ang tawag rito.
Nakisama rin sa amin si Tita at Celine kaya sama-sama kaming nag-picture habang may hawak kaming lahat, si Tito at Papa naman ay may sariling mundo kaya hindi namin ginugulo. Pinindot ko ang video para kuhanan kami na may kaniya-kaniyang lusis. Napatingin kaming lahat sa direksyon nila Tito at Papa nang makuha nila ang atensyon namin.
Napasigaw sa saya si Celine dahil sa ganda ng nakikita niya. Sinindihan na kasi nila ang isang fountain na nasa gilid, iniharap ko nag camera do’n para makita sa camera ang fountain na malakas ang ilaw dahil sa pagsindi nila Tito.
Napatingin ako kay James nang higitin niya ang bewang ko para mapalapit sa kaniya habang ang isang kamay niya naman ay nakalagay sa bulsa ng hoodie niya. He smiled at me as he winked on me that made me chuckle, ibinalik ko ang tingin ko sa fountain na malakas pa rin ang ilaw.
“Wow…” komento ko nang kasabay ng pagkaubos ng fountain ay biglang may lumabas sa loob no’n na naging dahilan para magkaroon ng fireworks sa kalangitan. Nagsigawan naman silang lahat dito.
Lalong lumaki ang ngiti ko dahil may mga iba ring nag-umpisa ng mag-fireworks mula sa kabilang village at kitang-kita pa rin dito ang mga fireworks, kinuhanan ko iyon ng litrato, I giggled when I saw a heart shape in the sky. Niyakap ko ang bewang ni James habang hindi inaalis ang tingin sa madilim na kalangitan dahil sa iba’t-ibang kulay at hugis na pinapakawala ng mga tao.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ang mga fireworks, tumakbo ako papalapit sa railings nang may marinig akong may nagpapaputok mula sa labas. Nakita ko ang isang lalaking lumabas sa bahay nila kasabay ang mga kaibigan niya, nagpapaputok sila labas. Halata sa kanila na masaya sila dahil rinig na rinig rito ang pagtawa nila mula sa ibaba.
Tumabi sa akin si Celine na masaya rin ang ekspresyon sa mukha habang pinapanood ang mga taong nagpapaputok sa ibaba, pagkatapos nilang sindihan ang paputok ay mabilis silang tatakbo papalayo ro’n at sabay-sabay naman silang magsisigawan kapag narinig na ang pagputok nito.
Napatingin ako kay Tita nang abutan niya ako ng salad kaya nginitian ko siya saka kinuha ang salad bago umalis sa harap ko para bigyan ang iba. Si James ay nakaupo lang sa gilid habang ang mga mata niya ay nakatingin sa akin, mukhang pagod talaga siya pero hindi naman kami papaalisin dito nila Tita dahil kailangang sabay-sabay kaming bababa rito.
“Ate, may lusis pa ro’n, gusto mo?” tanong ni Celine na nasa tabi ko na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya saka tumango. Lumapit kami sa isang table kung saan naroon ang mga paputok na pinamili nila. Lusis lang ang kinuha namin kahit may iba pang paputok do’n dahil baka pagalitan kami.
Sinindihan namin ang lusis na hawak namin saka namin ito itinaas na naging dahilan para mapangiti kami lalo pareho dahil sa ganda nito. Nakisabay rin sa amin si Tita kaya sinindihan ko ang lusis na hawak niya, tulad ng ginawa namin ni Celine ay itinaas niya rin ang lusis na hawak niya kaya lalo akong napangiti.
Ang dami pa ring pagkain na nakahain sa table dahil puro tawanan lang kami at tikim lang sa mga pagkaing nandito. Nang maubos ang lusis na hawak namin ay nagpaalam akong pupuntahan lang saglit si James habang silang dalawa naman ay nagsindi pa ng lusis.
“Do you wanna go to your room na?” tanong ko sa kaniya kasabay ng pag-upo ko sa tabi niya. He glanced at me before he closed his eyes as he shooked his head.
“You’re enjoying, Love,” sagot niya, halata sa boses niya na inaantok na siya at gusto ng magpahinga.
“It’s okay, na-enjoy ko naman na masyado,” ani ko na naging dahilan para dahan-dahan niyang buksan ang mga mata niya.
“Are you sure?” tanong niya na naging dahilan para ngumiti ako kasabay ng pagtango ko, “Okay,” sagot niya saka tumayo kaya inilagay ko ang kamay ko sa likod ng bewang niya.
Sabay kaming lumapit kila Tita na busy pa rin sa lusis na hawak nila.
“Tita, una na po kami, inaantok na po kasi si James,” pagpapaalam ko kay Tita na maginh dahilan para mapatingin siya sa amin. He glanced at James before he looked at me.
“Too early, anak,” sagot ni Tita.
I smiled at her, “Okay lang po, Tita, you all can enjoy pa rin naman po, James have to rest na po kasi, marami po kasi siyang ginawa kanina,” sagot ko sa kaniya.
“Okay, goodnight, anak,” ani niya saka hinalikan ako sa pisngi.
Nagpaalam rin kami kila Tito at Papa, ayaw pa nga sana kaming paalisin nila Papa pero kailangan na talagang magpahinga ni James, ramdam ko na rin ang antok sa akin kaya gusto ko na rin matulog.
Sa bandang dulo ay napapayag rin namin sila kaya tuluyan na kaming bumaba sa rooftop at iniwan silang nagsasaya roon.
Pagpasok namin sa room niya ay pareho kaming dumiretso sa kama at humiga, niyakap ako ni James kaya niyakap ko rin siya. I kissed his forehead while my eyes are close. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong katawan ko.
Tahimik lang kami pareho hanggang sa tuluyan kaming makatulog.
***
Nagising ako nang marinig ang telepono na kanina pa tumutunog. Napansin kong telepono ‘yon ni James kaya inaantok ko itong kinuha. Tinignan ko si James at mahimbing na mahimbing ang tulog niya. May tumatawag sa kaniya pero unknown number ito, I looked at him again, nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ko ba siya o hindi dahil halatang pagod na pagod siya.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni James mula sa pagkakayakap sa akin saka dahan-dahang tumango at lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag. Tahimik na rin ang paligid kaya alam kong natutulog na rin sila Tito’t Tita. It’s 5 o’clock in the morning, there’s someone who’s calling him at this hour?
Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsalita, I muted my microphone.
“Hello? Oh my god, you answered my call!” Nagising ang diwa ko nang marinig ang boses ng babae mula sa kabilang linya.
“Hey, James, are you there? I kept on calling you earlier for me to greet you a happy new year but you didn’t answer my texts and calls, are you busy? I miss you na kaya, can we meet?”
“Why aren’t you speaking? Did I wake you up? Are you still sleepy? Oh my god, I’m sorry. Okay, I’ll let you sleep muna, I’ll call you again later.” After she said that, the call suddenly ended.
Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga narinig ko. Hindi ko masasabing simpleng usapan lang ang ganito dahil sa way ng pakikipag-usap at boses ng babae. Hindi ko rin masasabing si Eunice ‘to dahil hindi naman ganito ang boses niya. I don’t think this is a random call or wrong call since that girl called him by his name.
Pinindot ko ang message para basahin ang mga texts niya.
From: Unknown Number
Jamessss
I miss you :( can we meet?
Are you free later?
9:43pm
Hey
Why aren't you answering my calls, I miss your voice na :(
How’s Tito and Tita nga pala? Ang tagal na rin since I had a talk to them.
Should I come to your house later?
12:00am
Hey, babe! Happy new year, I guess you’re with your parents rn, don’t wanna bother you but please do call me if ever you read this message, I miss you so much, babe :(
Napakuyom ako nang mabasa ang mga mensahe ng babae sa kaniya, ni isang tuldok ay wala siyang ni-reply sa babae. Sobrang dami ng mga messages ng babae, baka abutin pa ako ng pagsikat ng araw bago ko matapos lahat ng ‘to.
Tahimik akong pumasok sa loob at inilapag ang telepono niya. Humiga ako sa tabi niya saka humarap sa kaniya. I wanna wake him up for me to ask him who’s that girl, why she keeps on calling amd texting him like that. It feels like she’s acting like she’s the girlfriend here or something. Iba ang dating sa akin ng mga mensahe niya, hindi ‘yon mensahe bilang kaibigan.
Is he cheating on me?

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata