Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 68
Chapter 68
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay James habang inaayusan ang sarili at nakatingin sa salamin.
It is 2pm in the afternoon, late kaming nagising kanina at tamad pang bumangon kaya ngayon lang kami nakapag-ayos. He told me last night na may plano siya, e, so I'm expecting na kakornihan na naman 'to.
He even bought me a dress for me to wear this now, it was quite simple but elegant. I appreciate this kind of gift pero sobrang mahal! Pinagsabihan ko nga siya kanina na dapat ay hindi na niya ako paggastusan ng ganitong klaseng halaga dahil magiging luma rin naman at hindi ko magagamit kapag hindi na kasya.
Kulay pula ang dress at above the knee kaya sinuot ko ang sandals na binili niya rin para sa akin. Sinuot ko ang clip na ibinigay sa akin ni Celine dahil dinala ko 'yon, I even put a lip balm on my lips para maging shiny.
Napatingin ako sa reflection ni James sa salamin nang pumunta siya sa direksyon ko para tignan din ang sarili sa salamin. He glanced at me, tumayo ako at humarap sa kaniya, inayos ko ang polo niya dahil napansin kong hindi 'yon nakaayos.
"Don't you wanna tie your hair?" tanong niya saka hinawakan ang nakabuhaghag kong buhok.
Umiling ako bilang kasagutan, "I'm not comfortable."
Kinuha ko ang maliit na bag na nasa gilid ko saka sinuot ito, sumunod ako kay James nang mauna siyang maglakad, pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang lumabas sa kwarto. May mall kasi malapit dito sa hotel. Paglabas namin ay umaambon pa rin sa labas, mukhang masama pa rin ang panahon hanggang ngayon.
"Wait me here," ani niya saka tumakbo kaya pumunta ako sa gilid para doon siya hintayin.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan niya sa harapan ko kaya mabilis akong sumakay sa loob. Kinuha ko ang tissue na nasa likuran saka pinunasan ang katawan ko dahil naambunan ako.
This is our last day today, so we have to enjoy our day.
Hininaan ko ang aircon habang nasa biyahe kaming dalawa, tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa mall. Sakto namang tumigil ang ulan kaya hindi ko na kailangang tumakbo dahil sa parking lot kami huminto.
Pagpasok namin sa loob ay may kaniya-kaniyang mundo ang lahat, may bumibili, may kumakain, ang iba ay nakaupo sa mga upuan at nagkwekwentuhan. Naramdaman ko ang kamay ni James na gumapang sa bewang ko saka ako hinigit papalapit lalo sa kaniya.
Pumasok kami sa isang boutique sa second floor, tahimik ang paligid pero may ibang mga pumipili rin. Binati kami ng isang sales lady, kumpara sa mga boutique na napapasukan ko sa city namin ay mas malaki at maluwag ito kaya maraming mga nakakalat na designs sa paligid.
Tumingin ako kay James.
He smiled at me, "You can get an idea by looking at these, Love," ani niya saka umupo sa gilid kaya sinundan ko siya ng tingin. Sinenyasan niya akong magtingin kaya nag-umpisa akong hawakan ng marahan ang bawat tela ng isang item.
Actually, magaganda lahat at unique ang mga designs, hindi ko nga alam kung iisang brand lang ba lahat ng 'to dahil hindi ako nakakaramdam ng uncomfortable feeling habang hinahawakan ko ang bawat tela nila. Para sa akin ay halos perpekto ang lahat, wala kang makikitang sobrang sinulid, as in malinis at maayos.
"Excuse me, pwede po bang picture-an ang mga item?" tanong ko sa isang sales lady nang mapadaan siya sa likuran ko.
"Yes po, Ma'am," sagot niya na naging dahilan para mapangiti ako. Nagpasalamat ako agad at kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Kinuhanan ko ng litrato ang mga item na nagugustuhan ko dahil sa design.
Pini-picture-an ko rin ang mga materials na ginamit sa item dahil may nakalagay sa likod ng item.
****
KANINA pa ako paikot-ikot dito sa boutique at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiikutan ang lahat, madalas kasi akong napapahinto kapag may nakakakuha ng atensyon ko. Marami na rin ang nakuhanan ng litrato.
These fancy clothes motivates me to continue pursuing my course because I know one day, I would have a boutique like this where all my simple yet elegant designs would be number one to all the branches in this country.
Napatingin ako sa direksyon ni James, he is talking to someone over the phone. Umakyat ako sa dalawang hagdan dahil meron pang mga designs na nakakalat sa loob nito, napaawang ang bibig ko nang mapansing designs ng mga ibang sikat ma fashion designer ang nandito.
Hinawakan ko ang bawat item at kinuhanan ng litrato ang mga nakakuha ng atensyon ko lalo na sa mga designs ng mga kilalang fashion designer dito sa bansa.
Napatingin ako sa isang babae na nagtitingin rin ng nga item, kanina ko pa siya napapansin, minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na para bang may gusto siyang sabihin o ano.
Pumunta ako sa pinakadulo dahil sinabi ng sales lady kanina na may mga bagong labas na design do'n from famous fashion designer. Kinuha ko ang isang item at tinignan ang bawat parte nito, sobrang simple lang pero halatang babagay sa may morenang balat.
Isinabit ko ito at kinuhanan ng litrato ang harap at likod nito pati na rin ang materials na ginamit.
PAGKATAPOS kong maglibot-libot ay bumalik na ako sa labas. We were about to go outside but someone called my name. It was the girl who's looking for an item earlier.
"I-ikaw po ba 'yong nasa movie?" tanong niya. She told me the title of the movie I was in. I guess she watched that movie too.
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil pati rito sa Batangas ay may nakakakilala pala sa akin dahil sa movie na ginawa namin with Miss Anne.
Napatingin ako kay James saka ibinalik ang tingin sa babae at dahan-dahang tumango. Nagliwanag ang mukha niya dahil sa isinagot ko sa kaniya.
"Sobrang ganda mo po, Ate! Pwede pong pa-picture? Ang galing niyo pong um-acting ro'n!" masayang sambit ng babae na naging dahilan para mapangiti ako kasabay ng pagtango ko bilang pagpayag na makakuha ng litrato kasama ako.
"Ahm, Kuya pwede po bang picture-an niyo kami?" tanong ng babae kay James kaya napatingin sa akin si James bago ngumiti sa babae at tumango.
Pumwesto kaming dalawa, inilagay ng babae ang kamay niya sa braso ko saka ngumiti sa camera kaya ngumiti na lang rin ako.
"Thank you po, Ate Lara!" masayang sambit niya nang matapos kaming makuhanan ng litrato ni James.
Agad rin kaming nagpaalam na lalabas na.
"Sana all sikat," biro ni James habang naglalakad kami kaya natawa ako ng mahina.
"Sikat my ass," mahinang sagot ko na naging dahilan para mapatigil siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kaniya.
"Yeah, I'll fuck your ass later," bulong niya sa tenga ko na naging dahilan para mahampas ko ang braso niya at mapalayo sa kaniya.
"Gago ka, napakamanyak mo! Nasa public tayo!" suway ko na naging dahilan para matawa siya. Lumapit siya sa akin at hinigit muli ang bewang ko para lalo akong mapalapit sa kaniya.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko dahil bigla itong tumunog. Celine texted me.
From: Celine
Message: Hi, Ate, sorry for the late greetings but merry christmas! How's your days in Batangas with Kuya? Sayang, hindi tayo magkasama sa pasko, btw I have a gift for you, pero I'll give it to you na lang kapag nakabalik na kayo. :)
Napangiti ako nang mabasa ang message niya habang naglalakad kami ni James papalabas sa mall.
To: Celine
Message: Merry christmas, Celine, uuwi na kami mamaya, so you can still celebrat the christmas with us, kaso baka late na.
After I sent my message, agad kong itinago ang telepono ko. Paglabas namin ng mall ay dumiretso agad kami sa parking lot. Hindi na rin umuulan ngayon.
"Saan pa tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya kasabay ng pagsara ko ng pintuan ng sasakyan niya.
He looked at me, "Somewhere," sagot niya saka natawa ng mahina, I chuckled.
Inilabas ko ang telepono ko para tignan ang messages ko, ang daming nag-text sa akin na binabati ako ng merry christmas, ngayon ko lang rin napansin na tinext ako ni Wendell kaninang umaga, pati si direk ay tinext ako.
Ni-reply-an ko lang sila isa-isa, giving a merry christmas back. Pagkatapos kong ma-reply-an lahat ay ni-logged in ko ang social media account ko, halos laman ng feed ko ay ang mga litrato ng mga friends ko sa social media with a caption 'merry christmas'.
Isa na ro'n si Wendell, may suot siyang sombrero ni Santa Claus saka malaki ang ngiting nakatingin sa camera. Ang mga post naman ng iba ay kung hindi ang mukha nila, mga handa naman nila ngayong pasko.
They all looked happy in the picture. Ang iba ay cinelebrate nila ang christmas with their friends and family, ang iba naman ay cinelebrate ang christmas with their dogs katulad ni Clark.
Mag-isa na lang kasi sa buhay si Clark, wala na ang parents niya, only child lang rin siya tapos wala pa siyang girlfriend kaya tinuturing niyang pamilya ang mga aso niya. Kahit na may mga kaibigan siya ay minsan, hindi siya sumasama sa kanila lalo na kapag ganitong okasyon dahil mas gusto niyang kasama ang mga aso niyang i-celebrate ang mga ganito.
Noong nasa shoot pa nga kami ay madalas siyang tinutukso ng mga kaibigan niya dahil hindi pa rin siya nagkaka-girlfriend, minsan naman ay may pinapakilala silang babae pero sinasabi lang ni Clark na hindi siya interesado saka titingin sa direksyon ko.
Binuksan ko ang bluetooth ng phone ko para ma-connect sa sasakyan ni James, nag-play ako ng kanta habang nasa daan kami at nag-scroll lang ako sa account ko. Mag-6pm na rin.
Napatingin ako sa labas at nakita kong may mga tinitinda for remembrance.
"Love, can we stop over? May bibilhin lang ako," ani ko kay James saka tinuro ang mga paninda sa labas kaya napatingin siya sa akin at tumango.
"Wait lang, maghahanap ako ng parking," sagot niya kaya tumango ako.
Pagbaba namin ay dumiretso kami sa mga paninda, marami ang tao kaya maingay ang paligid. Minsan ay nilalagay ni James ang dalawang braso niya sa dalawang gilid ko para hindi ako masagi ng mga tao.
Bumili ako ng mga damit para kay Papa at sa family ni James. I even bought a keychain, dalawang pares 'yon para sa aming dalawa. Bumili rin ako ng dalawang hoodie na black para parehas kami ni James.
"Ako na ang magbabayad," ani ni James saka lumapit sa nagtitinda, "Ate, do you accept card here po?" rinig kong tanong niya na naging dahilan para matawa ako. Hinila ko siya para mapalayo sa nagtitinda saka inabot ang bayad ko.
"What?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Cash sila rito, Phillip," natatawang ani ko na naging dahilan para mapatigil siya at mapatango.
Naglibot pa kami sa ibang nagtitinda at bumili ng kung ano-ano para pangpasalubong sa kanila. Bumili rin ako ng kwek-kwek para sa aming dalawa ni James bago kami tuluyang umalis do'n.
"Ano 'yan?" tanong niya saka tinuro ang hawak kong pagkain.
"Kwek-kwek," sagot ko saka isinubo ang isa. Halata sa itsura niya na parang nandidiri siya.
"Masarap?" tanong niya kaya tumango ako.
"Give it a try," ani ko saka itinaas ang kamay ko para subuan siya, "May egg 'yan sa loob," dagdag ko.
Halata namang hindi siya pamilyar sa pagkaing 'to dahil never ko pa siyang nakitang kumain ng streetfoods. Tinitigan niya lamang ang pagkain.
"Hindi makukumpleto ang buhay mo kung hindi mo matitikman ang streetfoods," ani ko, he glanced at me before he looked at the food, "Bilis, nangangawit na ako!" reklamo ko sa kaniya. He chuckled.
Dahan-dahan niyang sinubo ang ibinigay kong pagkain sa kaniya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niya para makita ang reaction niya.
"How was it?" tanong ko, napatango siya saka nag-thumbs up sa akin na naging dahilan para mapangiti ako, "I told you, masarap 'to," dagdag ko saka tumawa ng mahina at ibinigay sa kaniya ang isang baso kung saan nando'n rin ang suka at kwek-kwek.
Sumandal siya sa sasakyan niya saka muling kumain ng kwek-kwek kaya lalo akong napangiti. Sumubo akong muli sa pagkain ko.
"Tara," ani niya saka umalis sa harap ko, akmang aalis na siya nang tawagin ko siya.
"Saan?" tanong ko dahil hindi siya pupunta sa sasakyan niya.
Lumingon siya sa akin, "Bibili ng kwek-kwek, kulang e, masarap," ani niya na naging dahilan para matawa ako at mapatango, "Wait me here," dagdag niya kaya tumango ako.
Napailing ako habang pinapanood siyang naglalakad para lumapit sa nagtitinda ng kwek-kwek. Parang kanina lang diring-diri siya tapos ngayon, kumukusa ng bumili dahil kulang sa kaniya 'yong kanina.
Napaawang ang bibig ko nang makita kong inilagay lahat no'ng nagtitinda 'yong kwek-kwek sa plastic saka ibinigay ito kay James. Binili niya lahat! Ibinigay niya ang one thousand pesos sa tindero saka umalis na at hindi na hinintay ang sukli.
Anak ng pucha, ang takaw!
Masaya siyang lumapit sa akin at ipinakita sa akin ang kwek-kwek na binili niya saka kinuha niya ang basong hawak ko para lagyan 'yon ng kwek-kwek.
"Ang dami naman nito!" angil ko sa kaniya kaya natawa siya ng mahina saka sumubo sa pagkain niya.
"Ubusin mo lang 'yong kaya mong ubusin, kaya ko namang ubusin 'tong lahat, e," sagot niya na naging dahilan para matawa kami pareho kasabay ng pag-iling ko.
"Mas masarap pala 'yong mga ganitong luto kesa sa mga nasa restaurant," komenta niya sa gitna ng pagkain namin kaya tumango ako dahil tama naman siya.
Ang mahal ng mga nasa restaurant tapos mas masarap pa rin ang mga pagkain sa labas. Maybe that is the thing that simple people can be proud of, hindi man sila makabili sa mga fancy restaurant, atleast meron silang streetfoods na mas masarap pa sa kinakain nila sa mamahaling resto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat