Chapter 65

Chapter 65
"Napagod ako but it doesn't mean susuko ako," dagdag niya na naging dahilan para mapangiti ako.
"Why do you ask?" taas-kilay na tanong niya na naging dahilan para umiling ako.
"Wala lang," nakangiting sagot ko. Natawa pa ako nang mahina dahil halatang hindi siya satisfied sa isinagot kong tanong.
Sinubo ko sa kaniya ang hawak kong fries bago ko sinunod na isubo sa kaniya ang ice cream.
Ngayon ko lang na-realized na sobrang daming nagbago sa akin because of this person, I realized that the moment I met him, I became lucky already, until now.
Sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas, mukhang walang balak tumigil, hindi naman namin nabalitaan kung may bagyo ba o wala dahil maayos naman ang weather noong huli naming tinignan.
Iginilid ko ang mga pagkain namin saka humiga at sinenyasan ko siyang humiga sa tabi ko. Pumatong siya sa akin at inihiga ang mukha sa dibdib ko na naging dahilan para mapangiti ako.
Nilagay ko ang isang kamay ko sa likod niya at hinagod ito habang ang isang kamay ko naman ay pumunta sa ulo niya at marahang sinuklay ang madulas niyang buhok gamit ang daliri ko.
Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya.
"Love?" rinig kong sambit niya sa kalagitnaan ng pagsusuklay ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Wala lang, I love you," mahinang sambit niya saka humarap sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"I love you always," sagot ko sa kaniya.
Niyakap ko siya nang mahigpit, pareho lamang kaming tahimik habang pinapakiramdaman ang lamig ng panahon. Simula ng dumating siya, parang nakalimutan ko ng mabuhay nang mag-isa, nasanay na akong nariyan siya palagi.
Nanatili kaming magkayakap hanggang sa narinig kong may kumatok sa pintuan namin, narinig ko pang nay ibinulong si James kaya natawa ako ng mahina, kumusa na siyang tumayo at dumiretso sa pintuan para buksan ito habang ako naman ay umayos ng higa.
Mukhang binigyan kami ng pagkain dahil may hawak na meryenda si James, it's 12pm in the afternoon pero mukhang hindi na kami kakain dahil kakakain lang namin ng breakfast kanina.
Inilapag niya sa tabi ng french fries ang meryendang ibinigay nila saka humiga sa tabi ko.
"Do you wanna eat?" tanong niya sa akin pero umiling ako dahil busog pa ako.
"What do you wanna do now?" tanong niya sa akin kaya malagkit akong tumingin sa kaniya at nginisian siya. A smile plastered on his face.
"Wow, game agad?" nakangising tanong niya sa akin na naging dahilan para tumango ako bilang kasagutan.
Pumatong ako sa kaniya, I chuckled when he licked his lower lip. Hinawakan ko ang dalawang bewang niya nang marahan para asarin siya.
Natawa siya ng mahina nang bigla kong sundutin ang bewang niya, I guess I found his weakness. Dahil nga hindi ako nakabawi sa pagkiliti niya sa akin ay ngayon ako babawi.
I started tickling him that made him laugh so loud.
"L-Lar— damn! S-sto— hoooo—"
Napatawa ako nang malakas dahil hindi niya mapatapos ang gusto niyang sabihin dahil sa pagtawa niya, sinusubukan niyang paalisin ako sa ibabaw niya pero mas malakas ako sa kaniya ngayon.
"Isa! K-kapag ak— ako t-talaga n-nakab— nakabawi!" Malakas siyang napatawa kaya lalo ko siyang kiniliti. Nahanap ko ang ibang kiliti niya sa katawan na naging dahilan para balik-balikan ko 'yon.
"P-puta, tama naaa!" Malakas na sigaw niya saka napahagalpak ng tawa na para bang wala ng bukas pero hindi ako tumigil. Lalo ko pa siyang kiniliti na naging dahilan para pareho kaming mahulog sa kama.
Napahagalpak na naman kami ng tawa dahil sa nangyari, halos hindi na ako makahinga at sumasakit na ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Umayos ako ng higa sa sahig habang pinapakalma pa rin ang sarili kahit na hindi ko mapigilan na matawa dahil nagfla-flashback sa utak ko ang mukha ni James kanina.
That was so hilarious!
Puro paghabol ng hininga namin ang naririnig sa buong kwarto, nagmamanhid rin ang kamay at paa ko dahil sa lamig.
Nang maikalma namin ang sarili namin ay tumayo si James saka inilahad sa akin ang kamay niya para matulungan ako sa pagtayo. Kinuha ko 'yon at nagpahila ako sa kaniya hanggang sa tuluyan akong makatayo.
"Ganyan ka ka-wild kahapon," bulong niya na naging dahilan para kurutin ko ang tagiliran niya.
"Kahit kailan napakabastos mo!" reklamo ko kasabay ng pagsama ng tingin ko sa kaniya at tinalikuran siya para kumuha ng tubig sa maliit na ref.
Umupo siya sa mini bar kaya umupo rin ako sa tabi niya kasabay ng pag-abot ko sa kaniya ng iinumin niya.
"Tangina, hindi ko naman inakalang ganiyan ka kagaling pagdating sa kama!" natatawang sambit niya nang mailunok niya ang tubig na ininom niya na naging dahilan para mapakunot ako ng noo.
"Para kang gago, pagkiliti lang naman ginawa ko sa 'yo," inis na sagot ko kaya natawa siya ng mahina kasabay ng patingin niya sa akin.
"Bakit? May sinabi ba akong hindi sa pagkiliti ka magaling pagdating sa kama?" nang-aasar na tanong niya, "O inaamin mong magaling ka rin sa kama?" nang-aasar na dagdag niya saka niya tinaas ang dalawang kilay niya ng paulit-ulit na para bang gustong-gusto niyang napipikon ako.
Umayos ako ng upo saka napatikhim ng mahina, "Ewan ko sa 'yo."
Nag-umpisa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, medyo humina na rin ang ulan mula sa labas, hindi katulad kanina na sobrang lakas.
Kinuha ko ang meryenda namin na nakalagay malapit sa kama namin saka ito ikinalat sa maliit na table para kainin namin. Makunat na ang fries pero lasang-lasa ko pa rin ang sarap, ito talaga ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko sa fast food chain na 'yon, dahil kahit makunat na ay nalalasahan mo pa rin 'yong sarap, pero mas masarap pa rin ang malutong at bagong luto.
"Bukas, uuwi na tayo pero hindi ka manlang nag-enjoy rito." pagbabasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"I told you it's okay, Lara. Ikaw lang talaga ang dahilan kung bakit tayo pumunta rito, sorry for bringing you here at the wrong time," sagot niya sa akin kaya nginitian ko siya para bigyan siya ng kasiguraduhan.
"Meron pa namang next time, Love," sagot ko sa kaniya na naging dahilan para mapatango siya.
"Wait," sambit niya saka inilabas ang telepono niya kaya napatingin ako ro'n. Napakunot ako dahil bigla niyang tinawagan ang numero ko na naging dahilan para tumunog ang telepono ko.
Nang makuha ko ang telepono ko ay napatingin ako kay James dahil bigla niya itong inagaw. Tinaasan niya ako ng kilay saka muling ibinalik ang tingin sa screen.
"Pota, anong klaseng pangalan 'yan, Lara? Sobrang sweet mo ha!" reklamo niya nang mabasa ang ginawa kong pangalan sa kaniya. 'Pelipe'.
"What? Maganda kaya," natatawang sambit ko sa kaniya na naging dahilan para ismiran niya ako. Pinatay niya ang tawag at pinalitan ang pangalan niya into 'Love' saka ito binigay sa akin kaya natatawa ko itong kinuha.
"Ilang buwan na tayo tapos Pelipe talaga? Seriously, Lara Saavedra soon to be Lara Colbert?" inis na tanong niya na naging dahilan para lalo akong matawa.
"Ba't ka galit?" nang-aasar na tanong ko sa kaniya.
"Ba't ka galit?" He mocked that made me laugh again as I pinched his cheeks.
"A-aray! Lara, masakit!" reklamo niya kasabay ng pagtanggal niya sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Naglilihi ka ba at ako ang napagtri-trip-an mo ngayon?!" inis na tanong niya na naging dahilan para matawa na naman ako kasabay ng pag-iling ko.
Napahawak ako sa panga ko dahil nararamdaman ko na ang pagngawit nito.
INUBOS lang namin ang meryenda namin bago siya nagpaalam na aayusin niya raw ang bath tub dahil sabay kaming maliligo. Hinayaan ko na lang siya dahil ayos lang naman 'yon sa akin.
Binuksan ko ang bag namin para ilabas ang isusuot namin, buti na lang pala at maraming dalang jacket si James kaya dalawa na ang inilabas ko para sa akin ang isa.
I even took a picture with myself together with the clothes we will wear later. Couple kasi ang jacket na 'yon dahil 'yon ang iniregalo niya sa akin before pero naiwan ko ulit sa kwarto niya 'yon noong natulog ako ro'n kaya nagulat ako dahil nakita kong nasa loob ng bag niya. Saka ko lang napansin na 'yon ang jacket namin dahil nabasa ko ang pangalan naming dalawa sa shoulder part ng jacket. Maliit lang 'yon pero mababasa pa rin. It's a maroon jacket.
Habang hinihintay si James ay binuksan ko ang social media ko, hanggang ngayon ay marami pa ring nadadagdagan na likes, comments, at shares ang post ko na litrato ni James. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na basahin 'yon at nag-scroll na lang ako. Minsan naman ay pinapanood ko ang video na dadaan sa feed ko.
Nang lumabas si James ay half naked na siya kaya pumasok na ako sa loob ng cr, maayos na ang lahat dahil mabula na ang bath tub. Tinanggal ko lahat ng saplot ko saka dumiretsong umupo ro'n, sakto namang pag-upo ko ay ang pagpasok muli ni James dito.
Hindi niya sinara ang pinto dahil wala namang makakakita sa amin. Napapikit ako dahil nare-relax ang katawan ko, ramdam rin ng balat ko ang bulang yumayakap sa katawan ko, it's quiet good to feel something like this.
First time kong maligo sa ganito, sa bath tib dahil hanggang shower lang naman ako. Saka lang ako nakakapunta sa mamahaling lugar kapag si James ang kasama ko. Bigla kong naalala si Wendell at Arthur, nasa'n kaya sila ngayon?
Si Wendell ay mukhang maayos naman na dahil hindi na siya nagiging broken kapag umiinom sila, 'yon ang kwento ni James sa akin noon habang nasa shoot ako. Si Arthur naman ay hindi ako sigurado, dahil na rin sa sinabi niya sa akin kanina. I'm just hoping that everything would be clear to him. James told me parang once in a blue moon lang kung magkagusto si Arthur kaya paniguradong sobrang special no'ng taong gusto niya. Ngayon na lang ulit siya nagkagusto, naguguluhan pa siya.
Hindi ko alam kung aware do'n si James pero kung sino man ang babaeng mapipili ni Arthur, sana ay tamang tao para sa kaniya. Kahit naman siguro sino ay hihilingin na sana nasa tamang tao ang kaibigan mo dahil sobrang hirap na makitang nasasaktan ang taong malapit sa 'yo.
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig kong tinawag ni James ang pangalan ko. Ngayon ko lang napansin na nakaupo na rin pala siya sa kabilang side kung saan magkaharap kaming dalawa. Malaki ang bath tub kaya hindi kami nagsisingitan.
"Okay ka lang? Anong iniisip mo?" tanong niya na naging dahilan para bigyan ko siyang iling bilang kasagutan sa tanong niya.
"Wala, ang sarap lang sa pakiramdam nito," nakangiti kong sagot kasabay ng paghiga ko sa ulo ko sa gilid. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ko ang tubig na yumayakap sa katawan ko.
Naramdaman kong hinawakan ni James ang kamay ko mula sa ilalim ng tubig kaya napatingin ako sa kaniya. May inabot siya sa aking pangtali kaya kinuha ko 'yon at ginawa kong messy bun ang buhok ko.
"Bagay ko?" tanong ko sa kaniya dahil hindi naman ako nag-iipit. Ngayon lang ako nag-ipit ng ganito, I think this is my first time.
"Lahat naman bagay sa 'yo," nakangiting sagot niya na naging dahilan para matawa ako ng mahina.
"Lahat?" tanong ko kaya tumango-tango siya, "Kahit si Arthur bagay sa akin?" birong tanong ko sa kaniya na naging dahilan para sumama ang timpla ng mukha niya.
"Gusto mo ba si Arthur?" taas-kilay na tanong niya kaya natawa ako.
"Bakit? Nagseselos ka?"
"Oo, nagseselos ako, may magagawa ka ba?" He fired back that made me laugh.
"Seloso talaga," naiiling at natatawang sambit ko.
"Mas gwapo naman ako ro'n sa Ferrer na 'yon," inis na bulong niya, sapat na sa akin para marinig ko.
"Pareho kayong gwapo, Love," sambit ko na naging dahilan para mapanguso siya.
"Mas lamang ako," maikling sagot niya.
I chuckled, "Yeah whatever," pagsuko ko saka yumuko para ayusin ang pagkakatali ng buhok ko.
Napatingin ako sa kaniya nang hindi siya nagsalita, nahuli ko siyang nakatingin lang sa akin at hindi tinatanggal ang mata sa akin.
"You're beautiful, everything suits on you but you're only mine. No man deserves to be your man except me, of course."

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata