Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 64
Chapter 64
DAHAN-DAHAN kong binuksan ang mga mata ko, bumungad sa akin ang malamig na panahon at umiiyak na kalangitan.
Tumalikod ako para makita kung nasa tabi ko si James at bumungad sa akin ang maano niyang mukha na natutulog pa rin. Halatang mahimbing ang tulog niya. Napangiti ako kasabay ng dahan-dahan kong paglapit sa kaniya.
Tinitigan ko ang mukha niya, dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya at marahan itong hinaplos. Sobrang kinis ng mukha niya, walang makikitang kahit na ano, kahit wrinkles. Kahit sa paghaplos ko ay wala akong nararamdamang sagabal sa mukha niya.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kaniya.
Waking up with cold weather while your favorite person is lying beside you, sleeping peacefully and you're just like… Damn, this person is so adorable! I'm so lucky for having this person!
A smiled plastered on James' face when he saw me as he slowly opened his eyes.
"Good morning, Love," mahinang sambit niya. Tanginang morning voice 'yan, ang sarap sa tenga!
Niyakap niya ako na naging dahilan para lalo pa akong mapalapit sa kaniya. Nakaharap na ang mukha ko sa dibdib niya habang naramdaman ko naman ang baba niya sa ulo ko. Hindi ko gumalaw dahil mukhang inaantok pa siya.
***
NAGISING akong muli nang maramdaman ang paggalaw ni James. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako, we're still hugging each other, sobrang lamig kaya mabuti na lang at makapal ang kumot nila rito, kung hindi ay maninigas talaga ako sa sobrang lamig.
Dahan-dahan kong sinilip ang mukha ni James, he is still sleeping. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko saka dahan-dahang umalis sa kama para hindi ko siya magising.
Dumiretso ako sa mini bar dahil nando'n ang telepono, tinawagan ko ang number ng isang fast food chain para mag-order ng breakfast namin. Umupo ako sa mahabang upuan.
Sinabi ko lang ang in-order ko saka dumiretso na sa cr para maghilamos. Mabilis kong sinampal ang mukha ko nang ang unang pumasok sa utak ko ay ang nangyari sa amin ni James. Dere-deretso lang akong binasa ang mukha ko saka kinuha ang tuwalya at deretsoh lumabas ng cr nang hindi manlang tinitignan ang salamin.
Pagtingin ko kay James ay saktong pagbangon niya.
"Good morning!" masayang bati ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.
Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko kasabay ng paghalik niya sa pisngi ko, "Good morning," bati niya pabalik.
Dumiretso siya sa cr maghilamos habang ako naman ay dumiretso sa kama para ayusin ito. Hindi ko alam kung anong oras kami nakatulog ni James dahil puro kwento lang kaming dalawa.
This is our second day here in Batangas pero mukhang hindi kami makakalabas ngayon dahil malakas pa rin ang ulan sa labas.
"Gutom ka na ba?" rinig kong tanong ni James kaya tumayo ako at humarap sa kaniya.
"Hindi pa, but I ordered breakfast, hinihintay ko na lang," sagot ko sa kaniya na naging dahilan para mapatango siya.
Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok roon, agad akong lumapit do'n at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang nagde-deliver kaya mabilis kong kinuha ang in-order ko. Ibinigay ko sa nagde-deliver ang bayad bago ko isara ang pintuan.
Inilagay ko sa mini table ang pagkaing hawak ko, ibinigay ko naman ang chocolste coffee kay James dahil nag-order din ako nito para pangpagising sa umaga.
"Are you it's okay to you na dito lang tayo?" tanong ko sa kaniya kasabay ng pag-upo ko sa tabi niya.
Tumango siya, "Yup, saka umuulan rin kaya kahit na okay ka na, hindi pa rin tayo makakaalis," sagot niya.
"Let's eat?" tanong niya sa akin kaya napatango ako. Inilipat niya ang lamesa malapit sa mini bar dahil hindi na namin 'yon nailipat kagabi no'ng inilagay niya ang lamesa sa tabi ko dahil hindi ako makatayo. Thankful na lang ako dahil ilang oras lang ang sakit sa pagitan ng hita ko, ngayon ay hindi ko na nararamdaman ang sakit.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito. Nag-text si Papa.
From: Papa
Message: Kumusta riyan sa Batangas, anak? Nag-eenjoy ka ba?
Napangiti ako nang mabasa ang text ni Papa. Pinindot ko ang camera at tinapat ito sa amin.
"Picture tayo, ise-send ko lang kay Papa," sambit ko sa kaniya saka ngumiti sa camera, pinindot ko ang button nang makitang nakangiti na rin siya.
Sinend ko 'yon kay Papa.
To: Papa
Message: Kumakain po kami, Pa, ang lakas ng ulan dito.
Pinatay ko ang phone ko nang ma-sent ko ang message ko kay Papa saka muling nagpatuloy sa pagkain.
"What do you want to do after this?" tanong ko sa kaniya. We can't go outside since malakas pa rin ang ulan sa labas, hindi naman pwedeng magkasakit kami pareho.
"Wala, just stay here all day with you. It makes sense to stay alone with you inside this room," sagot niya na naging dahilan para mapangiti ako at mapatango.
Kahit ako ay ayos lang sa akin na hindi lumabas ng kwarto buong magdamag basta kasama ko siya, hindi ako mabo-boring kahit nakahilata lang kami buong araw dahil nae-enjoy ko ang bawat segundong kasama siya.
Napatingin akong muli sa telepono ko nang tumunog ito, napatingin ako kay James dahil nag-flashed sa screen ang pangalan ni Celine, she's calling.
Sinagot ko ang tawag kasabay ng pagharap ko sa mukha ko sa camera.
"Hi!" bati ko sa kaniya saka kumaway.
"Good morning, Ate!" bungad niya sa akin, mukhang pababa siya ng hagdan dahil napansin ko ang hawakan ng hagdan sa likuran niya.
Kinuha ko ang baso para doon isandal ang telepono ko at para makita kaming dalawa ni James habang kumakain.
"Wait hala kumakain kayo, wait kukunin ko 'yong breakfast ko. Sabay tayo!" malakas na sambit niya mula sa kabilang linya saka tumakbo pababa at dumiretso sa kusina na naging dahilan para matawa ako.
Narinig ko pang sinuway siya ni Tita na 'wag tumakbo dahil baka madulas siya pero hindi niya ito pinansin. Umupo si Celine saka isinandal rin ang cellphone niya kasabay ng pagbigay ng katulong sa kaniya ng kakainin niya.
Kumaway siya sa amin kaya napakaway kaming dalawa ni James. Sumabay siya sa pagkain namin.
"Hi, anak!" Napatingin ako sa screen nang marinig ang boses ni Tito, James' Dad.
Kumaway kaming dalawa.
"Good morning po, Tito," bati ko kay Tito na naging dahilan para mas lumaki ang ngiti niya at kumaway sa amin.
"Ate, alam mo ba, palagi silang magkasama ni Tito Arman, parang hindi sila mapaghiwalay!" pagkwento ni Celine sa amin kaya natawa ako.
"Hindi ah," pagdepensa ni Tito Darwin. Narinig ko ang boses ni Papa na mukhang papalapit sa direksyon nila dahil nakatingin sila sa gilid.
"Narinig ko ang pangalan ko ha, anong meron?" rinig kong tanong ni Papa. Iniharap ni Celine ang camera kay Papa na naging dahilan para mapakaway kami ni James.
"Hi, Tito," bati ni James kay Papa na naging dahilan para magliwanag ang mukha ni Papa at kumaway pabalik.
"Kumusta kayo riyan? Nag-eenjoy ba kayo?" tanong ni Papa sa amin.
"Okay naman po, Tito, medyo malakas lang po ang ulan sa labas kaya hindi makagala," sagot ni James.
"Ay oh? Nag-eenjoy ba kayo?" tanong ulit ni Papa kay James. Tahimik lamang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nilang dalawa.
"Opo, Tito, nakaka-enjoy po talaga," sagot ni James saka napatingin sa akin, he grined at me that made me rolled my eyes on him.
"Mabuti naman kung ganoon, oh siya kumain muna kayo riyan, mukhang nakakaistorbo kami," rinig kong sabi ni Papa mula sa kabilang linya kaya kumaway ako sa camera.
Muling humarap ang camera kay Celine, she's still eating.
"Kailan po kayo babalik dito?" tanong ni Celine sa kalagitnaan ng pagkain namin kaya napatingin ako sa screen ng cellphone ko.
"Baka bukas," maikling sagot ko na naging dahilan para mapatango siya kasabay ng pagsubo niya sa kinakain niya.
NAGPAALAM rin kami sa kaniya nang matapos kaming kumain dahil tinawag siya ni Tita. May gagawin daw kasi sila.
Dumiretso ako sa kama at binuksan ang social media account ko, sabog ang notifications at friend requests ko dahil sa post ko na litrato ni James habang nasa loob kami ng sasakyan.
Binasa ko ang mga comments ng mga tao, mostly ay babae ang nagco-comment, puro compliments ang sinasabi nila, na kesyo ang swerte ko raw dahil nakabingwit ako ng gwapong matalino at talented, ang iba naman ay sinasabing bagay kaming dalawa, ang iba rin ay mine-mention ang mga partner nila at sinasabing "could be us".
Napapailing na lamang ako sa nababasa ko, nag-vibrate ang telepono ko at nag-flashed sa screen ang pangalan ni Arthur kaya napakunot-ako. Anong kailangan nito?
Sinagot ko ang tawag niya kasabay ng pagtingin ko kay James, mukhang hindi niya napansin na may tumawag sa akin dahil dere-deretso ang lakad niya papunta sa labas para bumili ng fries at ice cream.
"Hey," bungad ko dahil walang nagsalita sa kabilang linya. Tahimik lang ang linya ni Arthur kaya napatingin ako sa screen ko dahil baka binaba na niya. Hindi niya naman binaba.
"Did you call me or napindot mo lang?" pagsasalita kong muli pero walang sumagot mula sa kabilang linya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. I licked my lower lip in amidst of waiting for him to talk in the next line.
"H-hey," rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.
"Are you okay?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ganoong boses ang madalas kong naririnig sa tuwing tumatawag siya.
"I-I just wanna ask you something," sagot niya na naging dahilan para mailapat ko ang upper and lower lips ko.
"Sure, ano ba 'yon?" tanong ko kasabay ng pag-ayos ko ng upo.
"What will you do if someone confess to you?" Napataas ang kilay ko sa naging tanong niya.
"Bakit? May umamin sa 'yo 'no? Sino?" nang-aasar na tanong ko sa kaniya na naging dahilan para marinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
"Just answer my question, Lara," natatawang sambit niya mula sa kabilang linya.
I chuckled, "I would probably be thankful to that person na hinahangaan niya ako kasi kung ako 'yon, magugulat ako kasi anong meron sa akin bakit niya ako magugustuhan?" sagot ko sa kaniya saka tumawa ng mahina.
"Because you're kind, you deserve happiness, you're worth to keep, you're awesome," rinig kong sagot niya kaya lalo akong natawa.
Biglang naging seryoso amp!
"Yeah, maybe? Pero we have our own personality naman, e so kung sino man ang umamin sa 'yo, she's probably thinking that you're worth to keep and you deserve happiness," mahaba at nakangiting sambit ko sa kaniya.
"I like someone kasi but I'm confused because there's someone else who keeps on running in my mind." Biglang napalitan ng seryosong tono ang boses niya kaya alam kong seryoso talaga siya at hindi kailangan ng biro sa mga oras na 'to.
"You should know, Arthur. Kung naguguluhan ka sa dalawa, you should know your feelings more, kung kanino ka mas masaya, kung kanino mo nakikita 'yong future mo, kung kanino mo sa tingin mo ay matutulungan kang mag-grow pa lalo," mahabang pagbibigay ko ng advice sa kaniya.
"E, ikaw, paano mo nalaman na gusto mo si Colbert?" rinig kong tanong niya mula sa kabilamg linya na naging dahilan para mapaisip ako.
"Hindi ko rin alam," sagot ko saka mahinang natawa, "I mean, ewan, siguro kasi nararamdaman ko na safe ako sa tuwing siya ang kasama ko, feeling ko sobrang layo ng kalungkutan kasi siya 'yong nagbibigay sa akin ng kasiyahan," mahabang dagdag ko.
Naalala ko kung ano ang nangyari sa amin ni James bago ko pa man mapagtanto na mahal ko pala siya. It was probably so hard for him.
"Thank you for the advices, Lara." Biglang sumigla ang boses niya mula sa kabilang linya na naging dahilan para mapangiti ako.
"Okay!" masayang sambit ko bago ko patayin ang tawag.
Malakas akong napabuntong-hininga. Napatingin ako kay James nang bigla siyang pumasok dala-dala ang mga binili niya kaya agad siyang lumapit sa akin at ibinigay ang mga pagkain.
"Love, may tanong ako," sambit ko sa kaniya na naging dahilan para maupo siya sa harap ko. Napangiti ako dahil halatang interesado siya sa sasabihin ko.
"Napagod ka ba sa akin?" tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, "What do you mean?"
I chuckled, "I mean no'ng time na hinihintay mo ako but I kept on pushing you away," sagot ko.
"Oo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat