Chapter 60

Chapter 60
"Pa, nandito na si James!" sigaw ko kay Papa nang makita ang sasakyan ni James mula sa labas.
Dinala ko ang mga bag ko dahil nakaayos na rin ang mga dadalhin ko papuntang batangas.
"Teka lang, anak, malapit na ako!" sigaw pabalik ni Papa mula sa kwarto niya kaya umupo muna ako.
Napatingin ako kay James nang bigla siyang pumasok kaya sinenyasan ko siyang maupo muna dahil hindi pa tapos si Papa.
"Alam na nila Tito na mag-istay si Papa ro'n?" tanong ko kay James na naging dahilan para bigyan niya ako ng isang tao bilang kasagutan.
Tita texted me last night kasi saying na habang wala kami ni James ay sa kanila na lang raw mag-stay si Papa, ayoko sanang gano'n dahil nakakahiya pero sinabi nilang ayos lang naman daw dahil sila-sila lang rin naman ang magce-celebrate ng pasko.
Paglabas ni Papa ay agad rin kaming umalis, konti lang ang dinala kong damit dahil paniguradong bibili kami ng damit sa Batangas. I know him, kapag nasa ibang lugar kami, bibilhan niya ako ng damit para remembrance daw.
Habang nasa biyahe kami ay daldal nang daldal si Papa, halata sa kaniya na excited siyang makasama sila Tito kaya sinasabayan na lang siya ni James. Pagdating namin sa mansion nila ay tinulungan siya ni James na buhatin ang dala niyang mga gamit.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin si Tito na nasa terrace habang may hawak na kape, mukhang hinihintay niya kami dahil biglang nanliwanag ang mukha ni Tito nang makita si Papa.
"Arman!" pagtawag ni Tito sa pangalan ni Papa bago kumaway sa amin kaya napangiti ako. Kinuha ko ang hawak ni Papa saka hinayaan siyang maunang maglakad para malapitan si Tito Darwin.
Para silang mga bata na hindi nagkita ng sampong taon dahil sa pagyakap nila sa isa't-isa at pagtapik sa balikat nila kasabay ng pagtawa nila pareho. Lumabas rin si Tita Josephine nang mukhang marinig niya na nandito na si Papa. Nakisama siya sa tawanan nila bago kami niyaya na pumasok sa loob.
Pagdating namin sa loob ay maayos na ang lahat, may mga decorations na sa paligid at nasa gilid ang malaking christmas tree.
Hinalikan ako sa pisngi ni Tita nang makalapit siya sa akin, inilibot ko ang mata ko para hanapin si Celine pero nabigo ako dahil hindi ko siya nakita.
"Nasa'n si Celine, Tita?" tanong ko sa Mommy ni James kaya muling napatingin sa akin si Tita.
"May pasok sila, anak," sagot sa akin ni Tita kaya dahan-dahan akong napatango.
Ngayon ko lang naalala na may reporting siya ngayon. Napatingin ako sa likuran nang may marinig kaming malakas na boses na nagmumula sa labas. Natawa ako nang bumungad sa amin si Wendell na may dalang pagkain habang malakas na kumakanta ng christmas song.
Napatingin ako sa likod niya, mukhang wala si Arthur ngayon dahil hindi siya kasama ni Wendell, hindi na nga rin kami nakakapag-usap simula no'ng nalaman niyang nagkaayos na kami ni James.
"Omg, Wendell, you're here din!" masayang sambit ni Tita saka nilapitan si Wendell at kinuha ang mga dala niya. Hinalikan ni Tita si Wendell sa pisngi bago nagpaalam na pupunta sa kusina.
"Hala, Tito, nandito ka rin pala!" malakas na sambit ni Wendell nang makita si Papa na kausap si Tito Darwin.
Lumapit si Wendell sa kanila saka nagtapikan sila ng balikat habang kami naman ni James ay nagpaalam na aakyat muna sa taas. Sasama pa nga sana si Wendell kaso sinabihan siya ni James na 'wag sumunod sa amin, wala tuloy siyang nagawa at sumama na lang kila Tito at Papa.
"Dito ba tayo magla-lunch?" tanong ko kay James kasabay ng pag-upo ko sa kama niya.
"Yeah," maikling sagot niya kaya napatango ako. Nilakasan ko ang aircon niya bago ako humiga sa kama niya. Parang nakakatamad gumalaw!
This is my second time to go to Batangas, so probably hindi pa rin ako magiging familiar sa pupuntahan namin dahil ang tagal na rin simula no'ng pumunta ako ro'n saka hanggang dito lang naman ako sa city namin, nakakapunta lang ako sa malalayo kapag may shoot kami na nasa malayo ang set, minsan naman ay kapag kasama ko si James.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ni James nang makaupo siya sa tabi ko, umiling ko dahil busog pa ako.
Marami akong kinain kaninang umaga at ayokong maraming kainin bago kami magbiyahe dahil marami akong dinalang chips para sa pagkain namin mamaya sa daan.
***
NANG matapos kaming mananghalian ay nanatili lang kami ng ilang oras bago kami nagpaalam sa kanila na aalis na. Konti lang ang kinain ko para ma-enjoy ko ang mga chips na dinala ko mamaya.
Pinaalalahanan ko na rin si Papa na 'wag matigas ang ulo rito at umuwi agad rito kapag tapos na ang trabaho niya. Kahit kasi pasko ay nagtratrabaho siya lalo na kapag emergency.
Dinala lahat ni James at Wendell ang mga dadalhin namin.
"Sigurado kayong ayaw niyo akong isama?" tanong ni Wendell sa amin kasabay ng paglagay niya sa likod ng mga gamit namin kaya natawa ako.
"Samahan mo na lang 'yong pinopormahan mo, dami mong alam," pang-aasar ni James sa kaniya na naging dahilan para samaan niya ng tingin si James.
"Parang gago oh, joke lang na sasama ako, e," sagot ni Wendell kaya napailing ako.
Nagpaalam rin kami agad sa kaniya at tanging tango na lamang ang isinukli niya sa amin.
"Sana pagbalik niyo birhen pa kayo," pang-aasar niya sa amin kaya sinamaan ko siya ng tingin habang nasa loob ako ng sasakyan.
"Gago, umalis ka na nga!" sambit ni James saka isinara ang bintana para hindi na makasagot si Wendell sa amin.
Napailing na lamang ako, kung ano-anong pinagsasabi!
Hinawakan ni James ang kamay ko habang nagmamaneho siya kaya hinayaan ko na lang siya, I connected my phone to the radio para makapili ako sa playlist ko, I played my favorite song that made me smile dahil sa intro palang ay masasabi mong maganda na ang kanta.
Binuksan ko na agad ang isang chips na nasa likod, minsan naman ay sinusubuan ko si James habang nagmamaneho siya, tahimik lamang kami habang nasa biyahe kami, minsan naman ay nag-scroll ako sa social media account ko at muling binabasa ang mga comments ng mga tao sa post ni James na ako ang nasa litrato.
Tanging pag-iling at pagtawa na lamang ang nagagawa ko. Minsan naman ay binabasa ko ng malakas para hindi ma-boring si James.
"Puro picture ko naman 'yong nandito sa timeline mo," sambit ko habang tinitignan ang timeline niya kaya narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.
"Wala pa namang competition, e, edi walang bagong picture," natatawang sagot niya kaya napailing na lamang ako.
I took a picture of him, he's looking infront of him while his one hand is holding the steering wheel. Napangiti ako dahil kahit naka-side view siya ay ang gwapo niya pa rin! Tangina, kahit ano naman yatang anggulo ni James, gwapo pa rin siyang tignan!
"Post mo 'to," sabi ko sa kaniya saka ipinakita ang picture niya.
"I-post mo kaya 'yan sa account mo? Halos wala akong picture sa account mo," reklamo niya na naging dahilan para matawa ako.
Yeah, he's right. Madalas kasi na pino-post ko ay 'yong mga natatahi ko, hindi ako nagpo-post ng litrato ko dahil nahihiya ako, I posted my picture one time and ended up deleting the photo kahit na sinasabi ng iba na maganda raw ako.
Naiiling ko tuloy na binuksan ang social media ko para i-post ang litrato niya. Pinindot ko ang picture niya.
Gorjas man driving beside me.
#NapilitangIpost
Natawa ako nang mabasa ang caption ko bago ko pinindot ang post. Nang tuluyang ma-ipost ay ni-logged out ko na rin agad ang social media ko para hindi ako masagabal sa pagkain ko.
"Ahhh," ani ni James habang nakanganga kaya sinubuan ko siya ng chips. Inabot ko sa kaniya ang drinks para makainom siya.
"Kailan ulit laban mo?" tanong ko kay James sa gitna ng biyahe namin, he glanced at me before he looked infront of him again.
"Wala pang sinasabi si coach," sagot niya kaya napatango ako at tumahimik.
Hindi ako sigurado kung sasali ako sa contest na sinasabi sa akin ng prof ko sa dress making dahil parang nakakatamad sumali, nag-email kasi sila sa akin kagabi bago ako matulog at sinabi nilang sumali raw ako sa contest, kaya sinabi ko na lang muna na pag-iisipan ko dahil wala pa akong naiisip na ide-design, hindi rin ako sigurado kung kompleto pa ang mga gamit ko kaya kailangan ko munang bumili ng bagong mga gamit bago ang contest if ever na sasali ako.
***
HINDI ko na namalayan ang oras at huminto na pang kami sa isang five star hotel.
"We're here!" masayang sambit ni James nang patayin niya ang engine ng sasakyan niya kaya napangiti ako.
Nakakalat ang palamuti sa paligid, handang-handa ng salubungin ang pasko. May lumapit sa aming isang lalaki, mukhang siya ang kukuha ng mga gamit namin. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at inilabas nila ang mga bag na dala namin.
Iniwan namin sa crew ang mga gamit namim at sinabing ipasok na lang sa kwarto namin habang kami naman ay dumiretso sa restaurant na malapit dito sa hotel. Inikot ko ang mata ko para tignan ang paligid, simple lang ang design pero nakakatawag ng pansin.
Sakto lang ang mga nandito, hindi ganoon karami, hindi rin ganoon kakonti. Halata sa mga suot ng mga nandito na nasa bakasyon rin sila at halatang mayayaman sila. Si James na ang nag-order ng kakainin namin dahil sinabi kong dapat matuto siyang pumili ng gusto niya sa sarili niya, buti na nga lang at hindi na siya nagreklamo.
Nang dumating ang order namin ay nailipat ang tingin ko sa kaniya, he gave me a sweet smile.
"Hindi ko alam kung anong gusto ko kaya in-order ko na lang lahat," sagot niya na naging dahilan para mapapikit ako ng mariin.
Pota, pang-maraming tao na 'to, e! Okay lang sana kung kasama namin si Wendell!
"Anong gagawin natin dito?" kunot-noong tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang bawat dishes na nasa harapan namin. Hindi ko kayang ubusin lahat 'to!
"Uubusin," maikling sagot niya saka nag-umpisang kumuha sa mga dishes kaya napailing na lamang ako.
I think I have to ready my stomach.
***
Wala sa sarili kong binitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko habang masama ang tingin ko kay James na tumatawa at patuloy na kumakain, inuubos ang mga dishes.
"Suko na 'ko," pagsukong sambit ko na naging dahilan para lalo siyang matawa.
We made a deal kasi earlier, kung sino ang sumuko habang kumakain, ibig sabihin hahayaan niya ang mananalo na gawin lahat ng gusto. Hindi ko na kayang i-handle 'to dahil halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang pagkabusog.
"Sure ka na ba riyan?" nang-aasar na tanong ni James kaya inirapan ko siya at tumango kasabay ng pagbuntong-hininga ko.
"Okay, sabi mo, e," sabi niya saka itinaas ang kamay na naging dahilan para lumapit sa amin ang isang waiter. Napaawang ang bibig ko.
"The bill, please," nang-aasar na sambit ni James habang nakatingin pa rin sa akin at nakangiti.
"W-what…"
"I won, Love," sambit ni James saka lalong ngumiti sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy, hindi ganiyan ang usapan natin! Akala ko ba uubusin?!" inis na tanong ko sa kaniya.
"Ha? Hindi kaya, ang deal lang ay ang unang sumuko, you are the first whom gave up," sagot niya kaya lalong napaawang ang bibig ko.
Ang daya naman!
Inis tuloy akong tumango at naunang lumabas ng restaurant, madaya ampucha! Hindi naman gano'n 'yong sinabi niya, e! Naisahan na naman ako ng mokong na 'yon!
Natatawang hinigit ni James ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"What? Gano'n naman ang deal natin, ah," natatawang sambit nito saka hinigit ang bewang ko para lalong mapalapit sa kaniya.
"Pero kasi naman, e!" reklamo ko.
He chuckled, "Tanggapin mo na lang na nanalo ako, Love," bulong niya sa tenga ko kaya napairap ako.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad akong dumiretso sa kama dahil sa pagod, nandito na rin ang lahat ng mga dala namin.
Biglang na-relax ang likod ko dahil sa lambot ng kama. Tahimik lamang kami pareho, naramdaman kong bumigat ang tabi ko, hudyat na humiga rin si James sa tabi ko.
"Bukas na tayo gumala," sambit ni James sa akin habang nakapikit ang mga mata ko kaya tumango na lamang ako.
I stayed lying on bed for five minutes before I stood up para makapag-half bath na. Kinuha ko ang susuotin ko sa bag bago dumiretso sa cr. Mabilis lang ang pag-half bath ko dahil mas gusto kong magpahinga ngayon.
Paglabas ko ay wala si James sa kama, mukhang nagha-half bath rin sa kabilang cr dahil ngayon ko lang napansin na dalawa pala ang cr dito sa kwarto. Malinis rin ang paligid at halatang palaging nalilinisan dahil wala akong makitang ni isang dumi sa floor man o sa wall.
Nagsuot lang ako ng mahabang pangtulog habang naka-cycling ako sa ilalim nito, kinuha ko ang suklay ko sa bag saka dahan-dahang sinuklay ang buhok ko. Napatingin ako kay James sa salamin nang bigla siyang lumabas mula sa kabilang cr, I smiled at him before I continue combing my hair. Wala siyang suot sa pang-itaas niya habang ang tuwalya niya naman ay nakapulupot sa bewang niya.
Dumiretso siya sa small bar saka binuksan ang isang wine do'n, lumapit ako sa kaniya saka umupo sa tabi niya.
"Ang ganda rito," nakangiting sambit ko sa kaniya. Kitang-kita rin kasi dito ang labas at mga sasakyang umaandar mula sa ibaba. I just can't help but to watch them moving
Ibinigay niya sa akin ang isang wine kaya kinuha ko ito.
"Dad gave me that wine, hindi ko pa nga alam ang lasa nito, tikman mo," ani niya kaya sinunod ko siya.
Tinikman ko ang wine na binigay niya at napatango ako dahil masarap ito, hindi mapait, hindi rin matamis, sakto lang.
"It's good, tikman mo," sabi ko sa kaniya nang hindi siya gumalaw at nakatingin lang sa akin.
"Tikman mo!" sabi ko sa kaniya bago ako uminom sa wine na hawak ko.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hilain ang bewang ko at naramdaman ko ang labi niyang lumapat sa labi ko. Mabilis lang 'yon pero nanatili ang gulat sa mukha ko.
Napatango siya, "Yeah, it's good," sagot niya saka umalis sa harap ko at dumiretso sa kama habang hawak-hawak niya ang wine niya.
Inubos ko ang nasa baso saka muling lumapit sa kaniya.
"Tikman mo ulit, Love!" sambit ko saka ngumuso sa kaniya para mahalikan niyang muli ang labi ko. He chuckled before he held my hand and kissed my lips. Napaupo ako sa lap niya habang hindi niya pa rin tinatanggal ang labi niya sa akin.
Binitawan niya ang hawak niyang baso saka hinawakan ang bewang ko, umayos ako ng upo sa lap niya at nakipagsabayan na ako sa mga halik niya. Dahan-dahan kong isinabit ang mga kamay ko sa batok niya habang nakaupo pa rin ako sa lap niya.
Naramdaman kong gumalaw siya at dahan-dahan akong inihiga habang hindi pinuputol ang halikan namin, he licked my lower lip that made my mouth open wide, he grabbed that chance na ipasok ang dila niya sa bibig ko.
Nag-umpisa na ring maglakbay ang kamay niya sa katawan ko, my heart is beating so fast but I don't want this to end.
Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niyang nasa loob ng suot ko, ang mga daliri niya ay nararamdamna kong gumagalaw sa tiyan ko. I let a small moan dahil sa kiliting ibinibigay sa akin ng daliri niya.
I kissed his lips again as I felt his hands massaging my mounds. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil at inalis ang kamay niya sa akin, umayos siya ng upo at bigla siyang napayuko kaya napaayos ako ng upo.
"S-sorry, hindi ko n-napigilan," utal-utal na sambit niya.
"What? Hindi mo naman sinabing magaling ka pala," nang-aasar na sambit ko sa kaniya na naging dahilan para mapatingin siya sa akin.
"So let's continue it?" nakangiting tanong niya sa akin na naging dahilan para matawa ako nang mahina.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata