Chapter 59

Chapter 59
Nagising ako dahil rinig na rinig ko ang pagpapatugtog ni Papa ng radyo mula sa labas. Umagang-umaga! Christmas songs pa ang pinapatugtog niya.
Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan ko dahil inaantok pa ako. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil bigla akong chinat ni Wendell at dinaldal ako nang dinaldal. Hindi tuloy ako dinalaw ng antok sa kakatawa!
"Lara, hindi ka ba papasok ngayon?" rinig kong sigaw ni Papa mula sa labas.
"Hindi po, pakihina ang radyo, inaantok pa ako!" sigaw ko pabalik. Mabuti na lamang at sumunod si Papa dahil unti-unting humina ang radyo at agad akong dinalaw ng antok.
NAGISING ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ni James.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. Pero kahit na inaantok ay hindi na ako makatulog. Naramdaman ko ang labi ni James na dumikit sa noo ko kasunod sa pisngi ko.
"Good morning, Love," bulong niya, amoy na amoy ko rin ang hininga niya dahil sa sobrang lapit nito sa akin pero hindi ako nagsalita.
"Aren't you going to take a bath?" tanong niya na naging dahilan para umiling ako.
"Lazy," maikling sagot ko saka lalong dumikit sa kaniya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya at niyakap siya. I heard him chuckled before I felt his hand on my waist.
Napangiti ako dahil amoy na amoy ko ang pabango niya, lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. It took us five minutes of cuddling before I stood up and went to the bathroom. Bukas daw kami aalis para daw makapagpahinga ako ng isang araw dahil paniguradong palagi raw kaming pagod kapag nasa batangas na kami.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko siyang may ginagawa sa laptop niya, hindi ko napansing may dala pala siya. Kinuha ko ang blower sa closet ko bago ako umupo sa dulo ng kama para makapagpatuyo ng buhok.
Napatingin ako sa likuran ko nang biglang may humawak sa wrist ko at inagaw ang blower na hawak ko, James started to comb my hair using his fingers.
"Anong shampoo mo ba't ang bango at dulas?" tanong niya habang pinapatuyo ang buhok ko kaya natawa ako ng mahina.
Halos lahat ng ginagamit ko sa banyo ay puro sponsored pwera lang sa body soap dahil hindi ako nagpapakita ng katawan sa telebisyon.
Nang matuyo ang buhok ko ay ibinigay ko sa kaniya ang suklay ko para masuklay niya ito nang maayos, marahan at dahan-dahan ang pagsusuklay niya sa buhok ko.
Tahimik lamang kami pareho habang inaayos niya ang buhok ko.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya sa gitna ng pagsusuklay niya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang iling bilang sagot sa kaniya.
"Okay, mag-order na lang tayo, what do you want?" tanong niya saka ibinigay sa akin ang cellphone niya, "Pumili ka na lang, ikaw na lang rin pumili ng sa akin," dagdag niya kaya tumango na lamang ako.
I started scrolling for me to choose my orders, two palabok, two rice every order, two drinks, three large fries, three ice cream lang ang in-order ko para sa aming dalawa. Of course ang hindi makakain ni James sa mga orders ay mapupunta sa akin dahil parang bulate kumain si James!
Ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya nang matapos akong mag-order bago ako tumayo at inayos ang mga gamit ko na nakakalat sa table. Nilinis ko rin kasi 'yong case ko kagabi at marami akong binawas na tela at mga gamit do'n, saka ko na lang aayusin kapag malapit na ulit ang pasukan.
"Let's just stay here all day," masayang sambit ni James sa akin kasabay ng muli niyang pagkuha sa laptop niya.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Wala, nag-gym na ako kanina no'ng tulog ka pa, ayokong gisingin ka, tulog-mantika ka, e," sagot niya kaya inirapan ko siya.
Nang mailabas ko ang mga basura ay agad rin akong bumalik sa kwarto ko at tumabi sa kaniya. Sumandal kami sa unan habang nagtitingin siya ng papanoorin naming movie.
Hinawakan niya ang kamay ko habang hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin sa screen ng laptop niya.
Maya-maya lang ay napatingin ako sa telepono niya nang tumunog ito, tumatawag ang delivery kaya napatingin ako sa bintana. I was about to open the door when James called my name.
"Ako na," sambit niya kaya tumango na lamang ako at ako na ang naghanap ng movie na papanoorin namin.
Pumindot na lamang ako ng kahit na anong movie bago ito i-play, pagpasok ni James ay kinuha ko sa kaniya ang ibang plastic saka binuksan ang mga pagkain namin at ikinalat ang mga ito sa table.
Umupo sa tabi ko si James habang hawak ang pagkain niya dahil nag-start na ang plinay kong movie. Nilakasan ko rin ang aircon dahil naiinitan pa rin ako. Pareho kaming kumakain habang tutok kami sa pinapanood namin.
There was a girl who was about to jump, to end her life but the boy called her name and she ended up not to end her life because of the boy's advice to her.
Napaubo ako dahil habang nasa kalagitnaan kami ng panood ay nag-anuhan sila, narinig ko ang pagtawa ni James bago niya ibigay sa akin ang iinumin ko.
"Ano ba 'yang mga gusto mo, Love, ang bastos naman! Kumakain tayo oh!" birong reklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko siya pinansin at nilipat ko ang scene bago nagpatuloy sa pagkain.
***
HINDI ko alam kung nakailang movies kami dahil pagtingin ko sa cellphone ko ay 3:30pm na at hindi pa rin kami tapos kumain, ako to be exact dahil ibinigay niya sa akin ang fries at ice cream niya.
Hindi ko na rin naiintindihan ang pinapanood namin dahil nakatutok ako sa pagkain ko. Napatingin ako sa telepono ko bago muling napatingin kay James.
"Wait…" kunot-noong sabi ko na naging dahilan para mapatingin sa akin si James, "'Di ba may reporting tayo? So hindi na 'yon tuloy? Or sa continuation na 'yon?" tanong ko sa kaniya dahil bigla kong naalala 'yong reporting na si Arthur ang ka-partner ko.
Katulad ko ay bigla rin siyang napaisip.
"Hindi na siguro 'yon matutuloy, makakalimutin din naman si prof," sambit niya kaya natawa kami pareho.
Muli akong sumubo sa ice cream na hawak ko bago ako kumagat sa fries na nakalagay sa ice cream. Nang maubos ko na lahat ay agad kong inayos ang mga pinagkainan namin saka ito inilabas para hindi makalat sa kwarto ko, ayaw na ayaw ko pa naman na makalat ang kwarto ko!
Pagbalik ko ay muli akong tumabi sa kaniya, dahil nga tinatamad na ako manood, humiga na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.
"Hindi ka na manonood?" rinig kong tanong ni James kaya dahan-dahan akong tumango. Narinig kong nag-stop ang pinapanood niya, he probably closed his laptop. Naramdaman kong humiga rin siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya dahil hindi niya pa rin tinatanggal ang mata niya sa mukha ko.
"Wala lang, ang ganda mo lang," nakangiting sagot niya kaya napangiti ako. Gumilid ako para humarap sa kaniya bago ko siya titigan.
"Gwapo ka rin naman," sambit ko.
"Malamang, baka James Colbert 'to," mayabang na sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Natawa siya ng mahina bago muling napatitig sa akin.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa tensyon sa pagitan naming dalawa, umayos ako ng higa saka mahinang tumikhim.
"Love…" he whispered on my ears using his husky voice.
"W-what?" utal kong tanong. Nag-umpisa na akong paglaruan ang thumb at point finger ko.
Inaamoy-amoy ni James ang leeg ko at napansin ko na lamang na nasa ibabaw ko na siya, nanlaki ang mata ko nang makita ang tingin niya sa akin.
"You're so stunning, Lara," seryosong bulong niya sa akin habang tinititigan ang mga mata ko, I can't look at him in his eyes dahil sa awkwardness na nararamdaman ko.
"I-I know, maganda naman ako palagi," wala sa sariling sambit ko saka pekeng tumawa kaya natawa rin siya. Niyakap niya ako mula sa ibabaw ko habang ang mukha niya ay nasa leeg ko at inaamoy-amoy ito.
"James, ano ba, ang bigat mo!" reklamo ko sa kaniya habang pinipilit siyang umalis sa ibabaw ko pero patuloy lang siya sa pag-iling.
"Let's just stay here for a while, Love," mahinang sambit niya sa akin kaya hinayaan ko na lang.
I started to comb his hair using my hands, madulas at malambot ang buhok niya, parang pangbabae ang buhok niya dahil sa ganda nito, mabango rin ito, I'm starting to like his hair's smell.
Nanatili lang kaming ganoon, parehong tahimik at sinusuklay ko ang buhok niya. Hindi ko masilip ang mukha niya kung nakatulog na ba siya o ano. Actually hindi naman siya ganoon kabigat pero hindi kasi ako sanay na nasa ibabaw ko siya.
Like… akala ko kasi mararamdaman ko. Nasa ibabaw ko siya pero bakit hindi ko maramdaman? Maliit ba?
"Phillip?" pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi siya sumagot. He is asleep.
Dahan-dahan akong gumalaw para maihiga ko siya nang maayos dahil ayoko siyang gisingin. Kahit nangangawit ang ibang parte ng katawan ko ay sinikap ko pa ring dahan-dahang ihiga siya.
Nang maihiga ko siya nang maayos ay tinitigan ko ang makinis at maamo niyang mukha. I chuckled, halatang mahimbing ang tulog niya ngayon.
Tahimik akong lumabas ng kwarto para magluto ng gabihan namin. Hinanda ko ang mga ingredients sa lamesa bago ako naghugas ng bigas. Magluluto lang ako ng tinolang manok dahil manok na lang ang nasa ref, hindi pa kasi ako nakakapag-grocery. Inutusan ko na si Papa tungkol dito pero mukhang nakakalimutan niya lang rin naman.
Isinalang ko na rin ang paglulutuin ko, napatingin ako sa likuran ko nang maramdaman kong biglang may yumakap sa bewang ko.
"I thought you're asleep," sambit ko kay James nang makita siya.
"Yeah, but I woke up when you left me," parang batang sagot nito sa akin habang ang mukha niya ay nakasandal sa likuran ko.
"Umupo ka ro'n, naghihiwa ako, baka masugatan kita," ani ko.
"Nah, let's just stay like this, I wanna hug you while you're cooking for our dinner," rinig kong sagot niya mula sa likuran ko kaya natawa ako ng mahina.
Naiiling tuloy akong tinapos ang mga hihiwain ko at dahan-dahang naglalakad kapag may kukunin dahil ayaw talagang bumitaw ni James mula sa pagkakayakap sa akin sa likuran ko.
"Naks, sweet naman ng lover birds!" Mabilis akong napalayo kay James nang marinig ko ang boses ni Papa na halatang kakarating lang dahil nakauniporme pa rin siya.
"P-Pa, a-ang aga mo naman ngayon," bungad ko kay Papa.
"Oo, maaga kaming pinauwi ng boss namin," sagot sa akin ni Papa kaya napatango ako at bumalik sa pagluluto.
"Hi, Tito," bungad ni James kay Papa.
Hinayaan ko silang mag-usap sa lamesa habang nagluluto ako. Inilabas ko ang pitsel sa ref saka nagtimpla ng juice para ready na kapag naluto na ang tinola dahil mabilis lang namang lutuin 'yon. Nilagyan ko ang dalawang baso para sa kanilang dalawa at inilapag iyon sa harap nila.
"Bukas po ng umaga kami aalis ni Lara, ihahatid ka na lang po namin sa mansion bago po kami umalis," magalang na sambit ni James kay Papa.
Inilagay ko sa malaking mangkok ang iniluto ko dahil luto na 'to. Inihain ko ang ulam at kanin sa lamesa bago ko kinuha ang mga plato para sa aming tatlo.
"Buong araw kang nandito?" tanong ni Papa kay James kasabay ng pag-upo ko sa tabi ni James.
"Opo, walang kasama si Lara dito, e," sagot ni James. Tahimik lang ako habang nilalagyan ng pagkain ang ulam ko.
Nag-uusap usap lang silang dalawa habang kumakain kaming tatlo, minsan naman ay nasasali ako sa usapan pero most of the time, tahimik lang ako.
"E, ikaw, James, saan mo gustong magpakasal?" tanong ni Papa kay James. Napapikit ako nang mariin, usapang kasalan na naman!
"Kung saan po ang gusto ng anak niyo, Tito," sagot ni James kaya napatingin ako sa kaniya. Natawa si Papa sa naging sagot ni James.
"Jusko, mga kabataan nga naman ngayon," naiiling na ani ni Papa bago sumubo sa kinakain niya.
"Kahit saan naman po, ayos lang, as long as si Lara ang bride ko."

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata