Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 42
Chapter 42
Napatingin ako sa pintuan nang biglang may kumatok sa kalagitnaan ng pagligo ko.
“Love, ‘yong damit mo,” rinig kong sambit ni James mula sa labas, “Iwan ko rito sa pinto,” dagdag niya pero hindi ako nagsalita at nanatili ako sa shower.
Dahan-dahan akong napabuntong-hininga saka pinatay ang shower at kinuha ang towel na nakasabit dito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at kinuha ang paper bag na nakalagay sa baba.
Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko si James na nakaupo at mukhang hinihintay ako, tulad ko ay nakabihis na rin siya. Tumingin siya sa akin saka ngumiti bago tumayo.
“Do you still want to stay here?” tanong niya. Binigyan ko siya ng isang iling bilang kasagutan.
Sabay kaming lumabas ng restaurant saka dumiretso sa sasakyan. Mas dumami ang mga tao ngayon kumpara sa kanina noong papasok palang kami.
“May beach kasi sa ‘di kalayuan, ito na ang huling restaurant na makikita mo dahil puro bahay na ang susunod,” pagkwento niya kaya napatango ako at napatingin sa harap, puro bahay na nga ang susunod.
Doon ko lang napansin na may convenience store sa tabi ng restaurant, sa tabi naman ng convenience store ay bilihan ng mga accessories. Mabilis rin kaming umalis do’n dahil mahaba pa ang ibya-biyahe namin.
Binuksan niya ang radyo habang tahimik lang kami pareho, tinignan ko lang ang mga nadaraanan namin habang ang kamay ko ay nakapatong sa bintana. Napapasabay pa ako minsan sa mga kanta.
Napangiti ako nang tumaas ang dinaraanan namin, napatingin ako sa baba na naging dahilan para mapangiti ako dahil sa ganda ang mga iba’t-ibang kulay mula sa baba. Sa sobrang himbing ng tulog ko kanina, hindi ko namalayan na ganito pala kataas ang nadaanan namin. Paniguradong malayo ‘to sa city namin dahil wala namang ganito roon, puro building talaga.
Huminto si James sa gilid kaya napatingin ako sa kaniya, bumaba siya kaya bumaba na rin ako. Hinawakan niya ang kamay ko nang makalapit ako sa kaniya saka pumunta kami sa gilid, umupo kaming dalawa sa damuhan.
“Wow, ang ganda!” masayang sabi ko nang makita ang iba’t-iba pang mga kulay mula sa malayo.
Sobrang ganda sa paningin! Hindi nakakasawang tignan!
“Oo, sobra,” sambit niya kaya lalo akong napangiti nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga ilaw. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya saka nakatingin lang sa malayo. Tahimik lang siya sa tabi ko habang hawak pa rin ang kamay ko. Nanatili kaming tahimik pareho habang ang mga mata namin ay nakatingin sa mga ilaw. Napapikit ako nang dumaan ang hangin sa amin.
“Phillip,” bulong kong pagtawag sa pangalan niya.
“Hmm?”
“Thank you for staying beside me,” bulong ko sa kaniya, lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka niya hinalikan ang ulo ko na naging dahilan para muli kong maipikit ang mga mata ko.
“Mahal na mahal kita,” bulong niya.
NANATILI lang kami roon ng ilang minuto bago namin mapagdesisyunang umalis na dahil late na at gusto ko na rin magpahinga.
Tahimik lang kami pareho sa biyahe hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay. Tinignan ko siya saka nginitian.
"Thank you, James," sambit ko na naging dahilan para mapangiti siya.
"I love you," ani niya.
"Mahal rin kita," sagot ko, "Una na 'ko sa loob."
"Love." Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya akong pigilan sa pagbaba ng sasakyan.
"Call me if you need me, okay?" pagpapaalala niya kaya ngumiti ako sa kaniya saka tumango.
"Okay, goodnight," sagot ko.
"Goodnight, Love. Rest well, I love you," malambing niyang sabi bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.
Pagpasok ko sa loob ay tahimik ang paligid, wala na ring kahit na anong kalat dito, dumiretso ako sa kwarto at humiga dahil naligo naman na kami kanina kaya
hindi na kailangang maghilamos pa.
Mabilis rin naman akong kinuha ng antok ko.
***
NAGISING ako nang tumama ang araw sa mata ko, binuksan ko ang isang mata ko saka muling pumikit dahil sa antok. Nilagay ko sa tenga ko ang unan dahil sa paradyo ni Papa sa labas.
Ang ingay!
Inis tuloy akong bumangon saka naghilamos bago lumabas ng kwarto, nakita ko si Papa na naglilinis sa labas ng bahay.
Hininaan ko ang radyo dahil sa lakas nito, akala mo nasa party e! Dumiretso ako sa kusina saka uminom ng tubig, napatingin ako sa lababo namin dahil inaasahan kong makikita ko room si Mama at babatiin ako ng magandang umaga.
Napabuntong-hininga ako saka natatawang inilingan ang sarili ko. Nagluto ako ng umagahan namin, nagluto lang ako ng bacon, hotdog saka itlog. Tinawag ko rin agad si Papa nang matapos ako.
"Anong oras kayo nakauwi kagabi?" tanong sa akin ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya.
"Late na po," sagot ko kaya napatango siya.
Mukhang papasok si Papa ngayon dahil nakalabas na 'yong uniporme niya kanina. Bukas pa ako papasok dahil tinatamad pa ako saka gusto kong bawiin 'yong mga pagod ko.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Papa saka sumubo sa pagkain niya kaya umiling ako bilang kasagutan.
"Gusto ko pang matulog," sagot ko sa kaniya.
Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya sa kwarto niya habang ako namam ay naghugas ng pinggan. Dumiretso ako sa sala nang matapos akong maghugas sana binuksan ang TV.
Nanood lang ako dahil wala akong balak ngayong araw, I just want to relax my body and brain, I want to start again, accept what happened in the past and never be who I was before.
Mabuti nga lang at hindi pumunta sila James dito dahil ayaw ko ng maingay, paniguradong pagbalik ko bukas ay marami ng tambak na gawain ang gagawin ko lalo na sa dress making, alam ko naman na naiintindihan nila dahil may pumunta rin dito na ibang mga professors ko, isa na ro’n ang prof ko sa dress making. Pinakiusap ko na lang sa kanila na ‘wag ng sabihin sa ma estudyante na wala na si Mama dahil sa sobrang pakialamera nila, tulad ko noon ay akala rin nila ay wala na si Mama noon pa, hindi ko nga alam kung saan nila nalaman ‘yon.
Kinuha ko ang remote saka hinanap ko ang youtube para manood ng sofia the first. Ang tagal na rin no’ng huli akong nanood ng ganito, ang cute lang kasi ni Sofia at ‘yong amulet niya tapos may mga darating na princess kapag nasa isang sitwasyon si Sofia na mahirap lutasin para sa kaniya.
Tapos ang gaganda pa ng mga kantang kinakanta nila,isa favorite ko ro’n ay ‘yong ‘I’m not ready to be a Princess’.
Kumuha ako ng chips sa kusina saka bumalik sa sala para manood.
Simula talaga nang mapanood ko ‘to, sa palabas na ‘to talaga ako nagkainteres, like wala na akong pakialam sa ibang mga cartoons, tho nanonood pa naman ako ng ibang cartoons pero mas gusto ko talaga ‘tong Sofia The First.
Napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito, napakunot ako dahil si James ang tumatawag.
“Hi, Love!” bati niya nang sagutin ko ang tawag niya, hindi ako nagsalita dahi nakatutok ako sa pinapanood ko.
“Kakatapos lang ng klase namin,” ani niya.
“Okay,” mahinang sagot ko sa kaniya.
“What are you doing?” tanong niya, naririnig ko pa sa linya niya na nagtatalo si Wendell at Arthur kaya natawa ako ng mahina.
“Watching,” maikling sagot ko.
“I don’t think makakapunta ako riyan mamaya, after ng class ko, dederetso ako sa practice,” sambit niya mula sa kabilang linya kaya napatango ako na para bang nakikita niya ako.
“Okay,” sagot ko sa kaniya saka kumain sa chips na nasa harap ko.
“Hindi mo ba sasabihing ‘take care, Love,’?” tanong niya sa kabilang linya kaya napairap ako.
“Kaya mo na ‘yan, malaki ka na,” sagot ko sa kaniya. Natawa pa ako ng mahina dahil nai-imagine ko ang itsura niya na nakasimangot ngayon.
“Napaka-sweet mo talaga,” sarkastikong sambit niya kaya natawa ako.
“Thank you,” nang-aasar na sagot ko. Hindi siya nagsalita sa kabilang linya kaya napakagat-labi ako. I can imagine his face mocking what I have said to him!
“Dyan ka na muna, nanonood ako,” sagot ko saka pinatay ang tawag.
Natawa pa ako dahil bigla siyang nag-text, ang bilis niya namang mag-type!
From: Phillip
Message: Nagtatampo pa ako, bakit mo pinatay? Love naman e!
Napailing ako dahil sa nabasa ko.
To: Phillip
Message: I love you
Napataas pa ang kilay ko dahil nakapag-reply agad siya.
From: Phillip
Message: Luh, para kang sira
Naiiling at natatawa kong ibinaba ang phone ko saka ibinalik ang mata ko pinapanood ko.
Sa aming dalawa, siya talaga ‘yong parang babae sa amin, gusto niya paaging na lambingin siya kaso nai-imagine ko palang, tumataas na balahibo ko sa sobrang corny ko!
Ewan ko ba kung paano niya naha-handle ka-corny-han niya!
***
NANG dumating ang tanghalian ay nag-order na lang ako ng lunch ko dahil tinatamad akong magluto. Nilipat ko ang youtube sa netflix para manood ng movie habang hinihintay ko ang order ko.
Habang pumipili ako ng movie ay napatingin ako sa labas nang biglang may sumigaw sa pangalan ko, lumabas ako dahil ‘yong nagde-deliver na ‘yong nandoon. Binigay ko lang ang bayad sa kaniya saka kinuha ang orders ko.
Marami akong in-order para mas ma-enjoy ko pa ang araw ko ngayon.
Inilagay ko ang mga pagkain sa lamesa rito sa sala saka pinindot ang napanood kong movie.
Tahimik lang ako habang kumakain at nanonood ng movie, minsan naman ay napapatingin ako sa telepono ko dahil bigla itong tutunog. In-announce na kasi sa page ng production namin ‘yong bagong movie na gagawin namin, sinabi rin nila na babalik na ako sa pag-akto kaya sabog na naman ang friend request, messages at notifications ko dahil do’n. Hindi ko lang pinapansin ang mga messages ng mga tao sa akin.
Ang tanging ni-reply-an ko lang ay ang mga nag-chat sa akin na nasa production, isa rin si Clark sa kasama ko ngayon kaya isa rin siya sa nag-chat sa akin. Nakatutok lang ako sa pinapanood ko hanggang sa matapos. Pumili pa ako ng isang movie dahil marami pa ang natira sa lamesa na kakainin ko, saka parang hindi ako nakakaramdam ng kabusugan sa kinakain ko kahit na maraming kanin ang kinakain ko.
NANG matapos ulit ang isang movie ay inubos ko na rin lahat ng pagkain na natira. Hindi ko alam kung sobrang dami ba talaga ng in-order ko o mabagal lang talaga akong kumain kaya may natura pang mga pagkain after two movies.
Pagkatapos kong ubusin lahat ay inayos ko na ang mga kalat ko saka dumiretso sa kwarto ko para maligo dahil sobrang init. Pagkatapos kong malio ay nilakasan ko pa ang aircon ng kwarto ko saka dumiretso sa table ko para gawin ‘yong mga kailangang tahiin dahil sinend sa akin no’ng isa kong kaklase ang mga kailangan, para din daw hindi na ako mahirapan at konti na lang ang hahabulin ko bukas.
Inayos ko na ang mga gamit ko saka nag-umpisang gumawa ng sample dahil puro sample lang naman ang pinagawa ng prof namin. Napatingin ako cellphone ko nang tumunog ito at nakita ko ang pangalan ni James.
James Colbert tagged you in a post.
Binitawan ko ang hawak ko saka kinuha ang phone ko at tinignan ang post ni James. It was me, nakapikit ang mga mata ko habang nakatingala at nasa pool. I didn't even notice that he took a picture of me yesterday.
Watching your love relaxing with you is like a paradise. My home is so stunning, everyone!
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman nang mabasa ko ang caption niya. He is proud for having me! Kaba, kilig, saya, nginig ang nararamdaman ko.
Napatingin ako sa comments, 1 minute palang 'yong post pero nasa libo-libo na ang reacts at comments. Ang bibilis naman ng mga daliri nila!
Puro compliments ang sinasabi ng iba sa akin, ang iba naman ay sinasabing sobrang swerte ko raw for having him as my boyfriend, may iba pang nagtatanong kung paano maging ako, natatawa pa ako sa iba dahil sabi nila bakit daw ang ganda ko pa rin kahit basa 'yong buhok, kapag kasi raw sa kanila ay mukha silang pinagsakluban ng langit at lupa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat