Homepage/Memories of the Moonlight/
Chapter 29
Chapter 29
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si Papa na nanonood ng TV. Napalingon siya sa direksyon ko nang mapansin niyang may nakatingin sa kaniya.
“Late ka ngayon,” bungad sa akin ni Papa.
“May ginawa lang po,” sagot ko saka tinanggal ang sapatos ko.
“Kumain ka na ba?” tanong ulit ni Papa.
Umupo ako sa tabi niya saka kumuha sa chips na kinakain niya.
“Opo,” maikling sagot ko kasabay ng pagsandal ko sa sandalan.
“Wala pa nga rin ang Mama mo hanggang ngayon,” ani ni Papa kaya napatango na lang ako dahil hindi naman ako interesado sa babaeng iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ako kay Papa na magpapahinga na dahil maaga pa ang pasok namin bukas. Naghilamos lang ako saglit saka humiga sa kama at napatitig sa ceiling. Kinuha ko ang cellphone ko, napakagat-labi ako nang makitang wala pa ring text o tawag manlang mula kay James.
Naalala ko iyong itsura niya kanina habang nakatingin sa akin, kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan, kung gaano siya kagalit dahil sa nakita niya. Hindi ko alam kung ano ang ,as makakabuti sa aming dalawa.
Gusto ko siyang patigilin dahil nasasaktan ko lang siya palagi, wala na akong ibang ibigay sa kaniya kung hindi ang sakit. Pero may parte rin sa akin na ayaw ko siyang patigilin dahil masasabi kong swerte akong mayroong siya na naghihintay sa matamis kong oo. Pero paano kung… sa mga oras na ito ay pinag-iisipan niya kung itutuloy niya pa ba ang panliligaw sa akin o hindi?
***
Paggising ko ay mabilis akong dumiretso sa cr saka nag-ayos ng mga gamit ko bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina saka nagsandok lang ng konting kanin at kumuhan ng apat na hotdog. Habang kumakain ako ay umupo na rin is Papa sa harapan ko, mukhang masama pa ang timpla ng mukha niya dahil nakasimangot siya.
“Umagang-umaga, nakasimangot ka, Pa,” ani ko saka sumubo sa hotdog na ulam ko.
“Wala pa rin hanggang ngayon ang nanay mo, nag-aalala na ako. May numero ka ba ng Mama mo?” tanong niya sa akin. Halata nga sa itsura niya ang pag-aalala.
“Wala po, baka iniwan na tayo no’n, Pa,” biro ko saka tumawa pero hindi siya tumawa.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako na aalis na dahil baka ma-late pa ako.
Napasilip siya sa labas ng bahay namin, “Nasaan si James?”
Nagkibit-balikat ako, “Alis na po ako.”
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya dahil alam kong magtatanong na naman siya tungkol kay James. Nag-commute lang ako kaya medyo natagalan pa akong makapasok dahil kaunti lang ang dumaraang jeep dito.
NANG makapasok ako sa university ay parang gusto ko na lang umuwi. Parang may kulang… parang hindi ko kayang pumasok…
Malakas akong napabuntong-hininga bago ako pumasok sa loob ng room namin. Tahimik lang si Wendell na nakaupo sa upuan niya na katabi ko, habang si James naman ay nakatulala lang sa gilid. Napatingin ako sa direksyon ni Arthur, he is busy reading his book. Mukhang hindi pa sila nag-uusap dahil kahit na magkatabi sila ay parang bakanta lang ang katabi nilang upuan.
Nilapitan ko si Arthur saka kinuha ang librong binabasa niya kaya napatingala siya para tignan kung sino ang kumuha ng libro niya. Umupo ako sa kabilang upuan na katabi niya.
“Ilang layers ng concealler nilagay mo riyan?” tanong ko sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya para pagmasdan ang parte kung saan may sugat ito at pasa, pero hindi naman ganoon kahalata kaya maayos pa ring tignan ang mukha niya.
Nagulat ako nang padabog na tumayo si James at sinagi lahat ng upuan na madaraanan niya hanggang sa makalabas siya, sinundan naman siya ni Wendell sa labas kaya bumalik ang tingin ko kay Arthur.
“Pinagselos mo, lagot ka,” ani niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Kinausap ka?” tanong ko sa kaniya, umiling siya bilang sagot.
“Sorry,” ani ko. He just smiled at me.
“Not your fault, Lara,” sambit niya.
Bumalik na ako sa upuan ko nang dumating ang prof namin. Napatingin ako sa upuan ni James na bakante na ngayon, napabuntong-hininga ako dahil doon.
***
PAGKATAPOS ng buong klase namin ay tinext ko si Arthur na sabay kaming lumabas, pumayag naman siya kaya nagkita kami sa labas ng cafeteria.
Sa buong klase namin ay hindi pumasok si James, humabol si Wendell kanina pero ni anino ni James ay hindi ko nakita kanina.
“Nakausap mo na?” tanong ko kay Arthur habang naglalakad kami palabas ng university.
“Hindi pa rin, huwag kang umasang kakausapin ako no’n pagkatapos niya akong makitang nakayakap sa ‘yo,” ani niya saka tumawa kaya inirapan ko siya.
“Ako rin, e, kahit kagabi ay hindi niya ako tinawagan o tinext,” sabi ko sa kaniya.
“Hinihintay mo?” pang-aasar niyang tanong kaya natawa ako.
“Ha? Hakdog,” ani ko saka lalong natawa kaya natawa rin siya.
“Gago ka rin, e, mataas kaya pride ng lalaking ‘yon,” natatawang sabi niya habang pinaglalaruan ng kamay niya ang id niyang nakasabit sa leeg niya.
“Pataasan kami pride,” biro ko kaya lalo siyang natawa.
Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay ako sa kotse niya.
“Wow, nagdala ng kotse,” pang-aasar ko sa kaniya nkasabay ng pagsara ko ng pinto sa passenger seat.
“Walang nagsundo, e,” sarkastikong sabi niya kaya lalo akong natawa.
Hindi ko naman inaakalang ganito pala siya ka-joker kapag mas lalo mo pa siyang nakilala. Bigla tuloy akong na-curious. I want to know more something about him.
“Tomorrow is our first meet kuno,” pagpapaalala niya. Doon ko lang napansin na september 16 na pala ngayon at bukas na dapat ang nakatakdang pagkikita.
“Anong balak mo?” tanong ko sa kaniya.
“Bukas pupunta rin sila Daddy doon, so probably we are going to our resort together since I told him that we knew each other,” sambit niya kaya napatango ako.
“Basta mag-aaway tayo roon,” ani niya saka tumawa kaya natawa ako.
Napakunot ako nang huminto kami sa mall.
“Anong ginagawa natin dito?” kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"We are going to buy your dress, katamad ipadala, e malapit ka lang naman," ani niya saka lumabas ng sasakyan kaya sumunod ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob.
Dumiretso kami sa second floor at pumunta sa isang sikat na brand ng mga damit at dress.
"What do you want?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga dress na nandito.
"Ang mahal dito, Arthur, pagpapanggap lang naman gagawin natin, e," reklamo ko sa kaniya.
Totoo naman, e saka mag-aaway lang rin naman kami bukas, baka mainis pa ako nang totoo dahil hindi ako komportableng magsuot ng dress.
"Bawal bang mag-jeans na lang?" tanong ko sa kaniya kaya natawa siya.
"Pamilya ko ang haharapin mo, hindi mga isda," anit niya kaya inirapan ko siya.
"Pakialam ko ba sa pamilya mo, tangina mo, binibigyan pa tayo ng problema!" reklamo kong muli na naging dahilan para matawa siya lalo.
"Pumili ka na, hihintayin kita roon," sambit niya saka tinuro ang isang single sofa kaya tumango ako. Nag-umpisa na akong maglakad-lakad at nagtingin ng susuotin.
Medyo nahirapan pa ako dahil ayaw ko 'yong tela, minsan naman ay maganda ang tela pero pangit ang design, kung hindi mahaba ay sobrang ikli naman.
Makalipas ang ilang minuto ay nakapili na ako kaya nilapitan ko siya saka pinakita ang napili ko.
"What do you think?" tanong ko sa kaniya. Nilagay niya ang point finger niya sa baba niya saka tumango-tango habang tinitignan ang dress na hawak ko.
"It is quite good, bagay naman 'yan sa 'yo," komento niya kaya napangiti ako. Tinawag niya ang isang saleslady at sinabing alalayan ako dahil baka raw masira ko, sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil doon.
Anong tingin niya sa akin, tanga?
Nang maisukat ko ang dress ay mabilis akong lumabas ng fitting room saka pinakita kay Arthur ang sarili ko. He smiled and gave me a sign of 'okay' kaya mabilis akong bumalik sa fitting room para tanggalin ang dress na suot ko saka ibinigay iyon sa saleslady.
Lumapit sa amin si Arthur, "We will buy this," sambit niya saka tinuro ang dress na sinukat ko kanina kaya iginiya kami ng saleslady sa counter, nilabas niya ang card niya saka agad rin kaming lumabas doon at dumiretso sa isang fast food chain dahil 6:30pm na rin.
“Anong gusto mo?” tanong niya ksabay ng pag-upo namin sa napili naming table.
“Kahit ano na lang,” sagot ko kaya tumango siya at tumayo para mag-order.
Nilabas ko ang cellphone ko, umaasang may text o tawag manlang sa taong hinihintay kong kausapin ako pero nabigo na naman ako dahil wala siyang text o tawag sa akin. Ang huling text niya lang sa akin ay iyong sinabi niyang excited na siyang makita ako dahil iyon ‘yong papunta na kami sa airport.
I stalked his account, wala siyang bagong post, hindi rin siya online dahil walang color green sa gilid ng pangalan niya. Pinindot ko ang message kaya napunta ako sa messenger, mabilis kong binack ang messenger dahil nakita ko iyong bilog sa itaas, is he thinking if he will message me?
I hope he would chat or text me…
Mabilis kong tinago ang cellphone ko nang dumating si Arthur habang dala-dala ang in-order niya para sa amin.
“Paano nga ‘yong bukas?” tanong ko sa kaniya.
“I have a plan, just act like you want that freaking marriage,” ani niya kaya napataas ang kilay ko.
“What is your plan nga?” tanong ko ulit kaya natawa siya.
“Chill, Saavedra, your last name will remain Saavedra,” natatawang sambit niya kaya inirapan ko siya.
Pagkatapos naming kumain ay umalis rin kami at hinatid niya ako sa harap ng bahay namin.
“See you tomorrow, wife,” pang-aasar ni Arthur kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Putangina mo, Arthur Ferrer. Siguraduhin mong magiging maayos ‘yang plano mo,” inis kong sabi sa kaniya kaya natawa siya.
“Hundred percent sure, Ma’am,” sambit niya kaya tumango ako saka lumabas ng sasakyan niya.
Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako dahil nandoon si James, he is talking to my father. Sabay silang napatingin sa akin nang mapansin nila ang presensya ko. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko kaya inilagay ko ito sa likod ko.
Magsasalita pa sana si Papa kaso mabilis akong umalis sa harap nila at pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko ang mga dala ko saka nagpalit ng damit. Napatitig ako sa telepono ko.
Should I text him? I cannot talk to him like this. Pero ano ang ginagawa niya rito? He was mad earlier…
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito, nakita ko si Papa kaya umupo ako sa kama at tuluyan siyang pumasok sa loob.
“Pag-usapan niyo ‘yan, anak, hindi pagkakaintindihan lang ‘yan,” ani ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya.
“Hindi ko alam, Pa,” mahina kong sabi kay Papa, “Nasasaktan ko na siya, walang patutunguhan ‘yong paghihintay niya sa akin,” dagdag ko.
“Mahal mo siya, anak, nakikita ko ‘yan sa ‘yo. Hindi mo lang talaga matanggap sa sarili mong mahal mo siya dahil ito,” sambit niya saka tinuro ang puso ko, “Natatakot ka lang magpapasok diyan,” dagdag niya kaya napatitig ako sa kawalan.
“Hindi ko masasabing mahal ko na siya, Pa. Kung mahal ko siya, bakit ko siya nasasaktan nang hindi ko namamalayan? No’ng nakita kong umiiyak siya, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ginawa,” bulong ko habang inaalala iyong umiyak siya no’ng nakita niya kaming magkayakap ni Arthur.
“Ipaliwanag mo sa kaniya ang buong nangyari, anak. Kung wala siyang alam, talagang hindi ka niya maiintindihan. Hahayaan mo pa bang tuluyan siyang mawala sa ‘yo bago mo pa mapagtanto sa sarili mong mahal mo siya?” tanong ni Papa na naging dahilan para matahimik ako bigla.
Hindi ko alam…
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, paano kung panandalian lang ‘yong pagmamahal niya sa akin?
“Kain na tayo, hinihintay na tayo ng Mama mo,” mahinahong ani ni Papa saka tuluyang lumabas.
Kinuha ko ang invitation sa ilalim ng kama ko saka mabilis na lumabas ng kwarto. Nakita ko si Mama sa sala kaya mabilis ko siyang sinampal at tinapon ko sa kaniya ang imbitasyon. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.
“Lara!” sigaw ni Papa sa pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin.
“Tangina, ganiyan ka na ba kadesperada para makakuha ng malaking pera?!” sigaw ko kay Mama na naging dahilan para magulat siya.
“Anak…”
“Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa amin ni Papa? Bakit ka ba talaga bumalik dito? Sabi mo m-mahal mo kami… bakit mo ginawa ‘yan?” sunod-sunod na tanong ko kay Mama, hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harap nila.
“Bakit pati ibang tao, idadamay mo para lang makakuha ka ng pera? Tangina, anak mo ako, hindi ako isang bagay na kaya mong ibenta kung kani-kanino!” sigaw ko sa kaniya.
Napatakip siya sa bibig niya nang mabasa ang invitation na binigay ko sa kaniya kaya dahan-dahan siyang napatayo.
“L-Lara, hayaan mo si Mama na magpaliwanag,” halos nagmamakaawang sabi niya pero umiling ako.
“Paano mo nagawa ‘yan? Pagkatapos mo kaming iwan, babalik ka rito para ipakasal ako sa iba at makakuha ng malaking pera? Anong klaseng magulang ka?!” Dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Naramdaman kong may humawak sa braso ko, nakita ko si James kahit na nanlalabo ang mata ko kaya mabilis ko siyang niyakap.
Patuloy lang akong umiyak sa balikat ni James habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.
“James, h-hindi ko gusto si Arthur... Sorry, putangina hindi ko na alam gagawin ko,” parang nababaliw na umiiyak na sabi ko kay James.
Hinawakan niya ang mukha ko saka siya ngumiti sa akin, inalalayan niya akong makatayo.
“Lara… hayaan mo muna akong mag-explain, anak… A-akala ko nakalimutan na ‘yon ng boss ko dahil sobrang tagal na rin no’n. Lara, kinausap ko siya tungkol dyan… pero binalewala niya lang ako,” umiiyak na pagpapaliwanag ni Mama sa akin.
Nilapitan siya ni Papa para pakalmahin siya.
“H-hindi ko na kayang paniwalaan lahat ng sasabihin mo, Julie. Puro ka na lang kasinungalingan, saan ka kumukuha ng lakas para gaguhin kami ni Papa? Wala akong nanay na basura ang ugali! Wala akong nanay na kaya akong ibenta para makakita ng pera, patay na ang nanay ko!” sigaw ko sa kaniya na naging dahilan para mapahagulgol siya.
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong inagaw mula sa pagkakahawak niya.
“Umalis ka na lang ulit! Iwan mo na lang kami ulit kasi h-hindi ka namin kailangan dito! Sinanay mo kaming wala ka, sinanay mo akong mabuhay nang walang ina kaya hindi na kita kailangan!”
Hinawakan ni James ang kamay ko, “Love, calm down. Please, watch your words.”
“Magkano ba kailangan mo? Pag-iipunan ko, basta kapag naibigay ko ‘yon sa ‘yo ay aalis ka na rito.”
Napaawang ang bibig ko nang bigla akong sampalin ni Papa. Napatitig ako sa kaniya kasabay ng mga luhang lalong nagsiunahan sa pagtulo.
“Lara, ikaw ba ‘yan, anak? Hindi ito ang nakilala kong Lara Saavedra. Hindi kita pinalaking bastos, anak! Bigyan mo naman kahit na kaunting respeto ang nanay mo! She is still your mother after all!” sigaw sa akin ni Papa.
Nanatili akong tahimik habang nakayuko at nakahawak sa pisngi kung saan ako sinampal ni Papa.
“Pa, balak niya akong ipakasal sa iba, bakit mo pa siya kinakampihan? Bakit hindi niyo na lang akong hayaang pumili kung sino ang mamahalin ko?” sunod-sunod na tanong ko kay Papa.
“Patawarin mo ako, Lara… n-nagkamali si Mama.” bumalik ang tingin ko kay Mama na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
“U-unti-unti na kitang napapatawad, Julie. Unti-unti na kitang n-natatanggap bilang nanay ko, p-pero... dahil sa ginawa mong ‘to, hindi ko maipapangakong mapapatawad at matatanggap pa kita.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat