Chapter 23

Chapter 23
Naging busy ako noong mga nakaraan dahil sa mga requirements namin sa dress making, minsan ko lang rin nakakausap si James dahil pareho kaming busy sa kaniya-kaniya namin. Palagi ko rin namang kasama sina Wendell at Arthur dahil alam naman nila na wala akong kaibigan dito at silang tatlo lang talaga ang nakakasama ko.
“Anak, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Papa habang naghuhugas ako ng pinggan kaya napatingin ako sa kaniya.
“Wala po, Pa,” sagot ko. Tumigil muna kasi ako sa pag-aakto dahil nag-focus ako sa mga requirements sa klase kahit na may mga projects silang inaalok sa akin.
Mayroon pang isang nag-alok sa akin na gagawa raw ako ng movie at ako raw ang bida pero sinabi kong hindi ako artista at unfair iyon sa mga artista dahil puro artista ang makakasama ko at iilan lang ang suma-sideline. Lahat ng mga nag-alok sa akin puro ni-reject ko.
“May pupuntahan tayo bukas,” sabi ni Papa kaya napakunot ako pero tumango na lang ako dahil kakatapos ko lang naman kompletuhin lahat ng requirements kanina. Tinulungan rin ako ni Arthur kaya nilibre ko sila ng lunch kanina. Tuwang-tuwa tuloy si Wendell kanina.
Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa kwarto ko at naghilamos saka kinuha ng phone ko para tignan kung may text ba si James sa akin, pero napabuntong-hininga ako nang wala akong text na natanggap mula sa kaniya.
Sinaksak ko sa tenga ko ang earphone ko saka naghanap ng kanta sa paylist ko at binitawan ang cellphone ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.
Ngayong araw ay hindi pa kami nakakapag-usap ni James. Binati niya lang ako ng good morning kaninang umaga kaya binati ko rin siya pabalik at hindi na siya nag-reply.
Naging abala rin naman ako kanina dahil nagpasama ako kay Wendell na kumuha ng birth certificate ko. Mabuti na lang at hindi sila nagrereklamo kapag nagpapasama ako, saka wala rin naman daw silang ginagawa kaya ayos na rin na nababaling nila ang atensyon nila sa iba.
Broken yata si Wendell e, nagyaya nga ng inuman iyon dito sa bahay noong nakaraan, sinabayan naman siya ni Papa at Arthur. Magkakaibigan na tuloy sila, komportable na sila sa isa’t-isa.
***
NANG magising ako ay saktong kakalabas lang rin ni Mama mula sa kwarto nila ni Papa, she greeted me a good morning and I just gave her a small nod as an answer to her greetings.
Kumuha ako ng tubig sa kusina saka uminom lang saglit at bumalik sa kwarto ko para ayusin ang higaan ko. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at bumungad sa akin si Papa.
“Anong oras tayo aalis, Pa?” tanong ko kay Papa kasabay ng pagbalik ng tingin ko sa kama habang tinutupi ko ang kumot ko.
“Maligo ka na dahil naliligo na rin ang Mama mo,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Nang matapos ako sa pag-aayos ay dumiretso ako sa cr saka naligo at nag-ayos. Paglabas ko ay nasa labas na rin si Mama.
She is wearing a mom jeans and a simple shirt. Fitted ang suot niya sa itaas kaya makikita mo talaga ang kurba ng katawan niya. May pagka-millenial kasi si Mama kaya ganiyan ang suotan at kung hindi mo alam na may asawa’t anak na siya, masasabi mong wala pa siya sa trenta dahil sa ganda ng kutis at mukha niya. Mukha kasi siyang bata tignan lalo na kapag mga ganitong suotan ang sinusuot niya.
Napatingin kami kay Papa nang lumabas siya ng kwarto kaya dumiretso na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan ni Mama. siya na rin ang nag-drive dahil hindi pa alam ni Papa na mag-drive ng four wheels. Ako naman ay ayaw kong mangialam sa gamit ng ibang tao.

Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga tanawin mula sa labas. Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito.
James texted me kaya mabilis kong binuksan ang message niya.
From: Pelipe
Message: Good morning, Lara. What are you doing? Have you eaten your breakfast? Text me back if you read this, I miss you so damn much, Love. :(
To: Pelipe
Message: Good morning, I have a good news to you!!!
A wide smile plastered on my face when he replied immediately as I sent my message.
From: Pelipe
Message: You looked so happy haha what is it?
To: Pelipe
Message: I am haha we are going somewhere today, I am with my parents right now.
It took a couple of minutes before I felt my phone vibrated, he replied already.
From: Pelipe
Message: That is great, now focus on your family, enjoy every second you are with them. I am relieved that you are happy even if I am far away from you hahaha
Hindi ko na siya ni-reply-an at nakangiti akong itinago ang phone ko sa maliit na bag na dala ko.
Bumaba kami nang makapunta kami sa isang simbahan malapit sa kabilang city kaya sabay-sabay kaming pumasok sa loob at umupo sa pangalawang row. Pagkatapos naming magdasal ay pumunta kami sa mall, napapahinto pa kami dahil may mga lumalapit sa amin para magpakuha ng litrato sa akin.
Naiilang tuloy ako habang nakangiti sa camera dahil pinapanood kami ni Mama. Nang umalis na ang mga taong lumapit sa amin ay dumiretso kami sa department store. Hinayaan ni Mama si Papa na pumili ng mga damit na gustong bilhin ni Papa dahil iyong mga damit na nasa bahay ay puro luma. May ibang mga bago dahil binibilhan ko siya minsan lalo na kapag may oras akong bumili.
Hindi lang talaga madalas dahil halos takot akong pumunta sa public lalo na kapag hindi ko kasama sila James. Nang matapos kaming bumili ng mga gamit ay binayaran ni Mama iyon, makikihati nga sana ako kaso huwag na raw dahil pinag-ipunan nya raw iyon para makasama kaming lumabas tulad na lamang ng ngayon kaya hinayaan ko na lang.
Nang dumating ang tanghalian ay kumain kami sa isang fast food chain, ako na ang nagpresintang mag-order kaya umalis ako sa table namin saka lumapit sa isang crew at sinabi ang order namin bago bumalik sa table namin. Naglalandian lang naman silang dalawa sa harap ko kaya palihim akong napapairap.
“Mahal na mahal kita,” rinig kong sabi ni Papa kaya napahagikgik si Mama kaya tumingin ako sa kanila nang may nakakadiring ekspresyon.
Mukhang napansin nila iyon dahil napatingin sila sa akin at sabay na natawa dahil sa itsura ko.
“Magiging ganito rin naman kayo ni James, anak, kaya huwag kang mandiri dahil baka pandirihan rin kayo ng magiging apo namin,” sabi ni Papa kaya natawa sila pareho, natatawa rin akong napailing dahil sa sinabi nila.
Hindi pa nga kami ni James, apo agad ang iniisip!
Nang ilapag sa table namin ang pagkaing in-order namin, nagpa-picture pa sa akin ang crew kaya kinuhanan kami ng litrato ni Mama dahil walang alam si Papa tungkol sa cellphone pero kahit papaano ay natuturuan naman daw siya ni Mama kaso nakakalimutan daw ni Papa kung ano ‘yong mga pipindutin niya.
Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan lang kami ni Mama, minsan naman ay nakikisali sa usapan si Papa. Alam kong masaya ngayon si Papa dahil sa kung paano ko kausapin si Mama ngayon.
Ngumiti ako kay Mama kaya napangiti siya lalo.
Pagkatapos naming kumain ay umalis rin kami agad at dumiretso sa sasakyan. May pupuntahan pa kaming ibang lugar dahil lalong hindi naging pamilyar sa akin ang lugar, hindi ko alam kung nasa city pa namin kami o nasa ibang city na dahil hindi ko rin naman kabisado ang buong city namin dahil bahay, school at trabaho lang naman ako. Kapag lalabas naman ako ay sa mall lang.
Ang pinakamalayo ko yatang napuntahan ay iyong roon sa beach na pinupuntahan namin ni James dahil ilang oras rin ang biyahe namin simula sa bahay hanggang sa beach.
***
NAGISING ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan namin, nasa isang park kami pero kaunti lang ang mga tao, maganda at malawak ito. Sabay-sabay kaming bumaba saka kinuha namin ang mga gamit na kakailanganin namin at pumunta sa damuhan. Inilatag ni Mama ang dinala niyang panglatag saka ako lumuhod at ibinaba roon ang basket na hawak ko bago tuluyang umupo.
Napangiti ako nang humangin ng malakas. Nang buksan ko ang mga mata ko ay pinagmasdan ko ang paligid. May mga punong nagsasayawan, ang iba naman ay nagjo-jogging, may mga bata rin na nandito at naglalaro sa kid’s park. Napangiti pa ako anng makita ko ang isang nanay na tinuturuan niyang maglakad ang babae niyang anak habang ang tatay niya ay parang tinatawag siya para lumakad siya at makalapit.
\
Napatingin ako kay Mama nang hawakan niya ang kamay ko, she smiled at me. Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka naglabas ng chips na dala rin namin. Mabuti na lang pala at dinala ko ang libro ko dahil magandang magbasa sa mga ganitong lugar habang may kinakain ka.
Binuklat ko ang libro ko saka ipinagpatuloy na basahin ang chapter na hindi ko natapos noong huli akong nagbasa. Matagal na rin noong huli akong nagbasa dahil nga naging busy ako noong nakaraan. Napatingin ako kila Mama nang tawagin niya ako. Naglalaro kasi sila ni Papa, lumapit ako sa kanila nang sabihin ni Papa na magpi-picture daw kami.
Inilagay ni Mama ang cellphone niya sa isang puno at hinarap sa amin ang camera bago tumakbo sa tabi ni Papa kaya ngumiti ako sa camera. Nakailang take kami ng picture, isa-isa kaming kumuha ng litrato gamit ang cellphone ni Mama.
Nagtatawanan lang kami habang kinukuhaan namin ng litrato ang isa’t-s\isa.
“Taya!” Nanlaki ang mata ko nang isigaw iyon ni Papa saka hinawakan ako at mabilis na tumakbo papalayo sa amin kaya hinabol ko si Papa pero masyado siyang mabilis kaya si Mama ang hinabol ko. Ang ingay naming tatlo habang nagtatakbuhan.
Umikot si Mama sa isang puno kaya tumakbo ako sa kabila kung saan dapat siya tatakbo kaya bigla siyang bumalik at tumakbo papalayo pero naabutan ko siya.
“Taya!’ masaya kong sigaw saka tumakbo papalayo kaya natawa ako dahil biglang tumigil si Mama at napahawak sa tuhod niya kaya nilapitan siya ni Papa.
“Taya!” sigaw ni Mama saka tumakbo papalyo kay Papa kaya malakas akong natawa dahil sa ginawa ni Mama at sa reaksyon ni Papa.
“Madaya ka naman, mahal, e!” reklamo niya kaya natawa kami nang sabay ni Mama.
“Kayo ha!” Napatili kami ni Mama nang biglang tumakbo papalapit sa amin si Papa. Mahigpit ang paghawak ni Mama sa kamay ko kaya lalo kong hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.
Napatili ulit kami nang sabay ni Mama nang maramdaman namin ang kamay ni Papa sa bewang namin kaya nagtawanan kaming tatlo.
“Nakakapagod!” natatawang sabi ni Papa kaya bumalik kaming tatlo sa pwesto namin saka hinihingal na umupo. Kumuha ako ng tatlong bote ng tubig saka ibinigay ang dalawa kay Mama at Papa.
Nagkatinginan kami ni Mama kaya nginitian ko siya. Kumuha ako ng pamunas mula sa bag na dala ni Mama kanina saka pinunasan ang pawis niya noo kaya lalo siyang napangiti dahil doon.
"Ang sarap naman panoorin ng mag-ina ko," sabi ni Papa kaya natawa kami pareho ni Mama. Kinuha ni Mama ang pamunas sa kamay ko saka marahang pinunasan ang pawis ko sa noo.
"E, ako, mahal? Hindi mo ba ako pupunasan sa noo?" biro ni Papa kaya nagtawanan ulit kami. Napailing ako dahil doon.
Kahit kailan talaga ay napakakulit!
Napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito, nagpaalam lang ako saglit kila Mama at Papa saka sinagot ang tawag ni James.
“Hi!” masaya kong bungad sa kaniya.
“You seems so happy, anong nangyari sa pinuntahan niyo?” curious na tanong ni James mula sa kabilang linya kaya natawa ako.
"We are currently at the park, hindi ko lang alam kung saang park dahil hindi pamilyar sa akin ang daan," sabi ko saka umupo sa isang puno, "Kumusta ang practice niyo?" pag-iiba ko ng topic.
"Medyo nakakapagod pero kaya pa naman, ilang araw na lang ay tournament na," rinig kong sabi niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.
"Kaya dapat mag-practice ka nang mag-practice riyan para maiuwi mo ang trophy," pagbibigay-lakas ko sa kaniya para ma-motivate siya.
"Yes, Ma'am," sabi niya saka tumawa kaya natawa ako.
"Sige na, tawagan na lang kita mamaya pag-uwi ko," pagpapaalam ko sa kaniya, "Huwag mong pabayaan ang sarili mo riyan, Pelipe!" pagsesermon ko sa kaniya.
Baka mamaya ay hindi ko alam na hindi na pala siya nakakakain nang maayos!
"Hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko, Ma'am," magalang niyang sabi kaya napangiti ako, "Enjoy sa family bonding niyo, masaya ako para sa inyo ng pamilya niyo."
I ended the call right away saka bumalik sa pwesto namin.
"Si James?" tanong ni Mama, she is pertaining to the one who called me kaya ngumiti ako saka tumango.
"Do you love him?" tanong ni Mama kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Mahal ko na ba siya?
"Nako, huwag mo munang tanungin ng ganiyan ang anak mo, halata naman sa kaniya. Hindi niya lang talaga matanggap na napapamahal na siya kay James," naiiling na sabi ni Papa kaya peke akong tumawa.
Kahit ako ay hindi ko alam… hindi ko alam kung mahal ko na ba talaga siya o masaya lang talaga ako sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya.
Natatakot akong magmahal, iyan talaga ang dahilan kung bakit takot akong ibigay ang tiwala at pagmamahal kay James, dahil natatakot akong baka sirain niya 'yon at iwan ako.
NANG makapagpahinga na kami ay agad rin naming inayos ang mga gamit namin saka kami bumalik sa sasakyan ni Mama.
Nagtatawanan lang kami habang nasa biyahe kami. Hindi na nakakapagtaka na nagkasundo agad si Wendell at Papa dahil pareho silang madaldal. Parang nakikita ko si Wendell sa kaniya ngayon dahil siya lang naman ang maingay sa amin kahit nasa loob lang kami ng sasakyan.
"Naalala ko noong bata pa si Lara, dinala niya 'yong barbie niya sa school nila kasi sabi niya ay bubulungan daw siya ng barbie niya kung ano ang isasagot niya sa math," pagkwento ni Papa kay Mama kaya nagtawanan sila.
Napasimangot tuloy ako. Akala ko kasi bubulungan ako no'ng barbie ko, e! Naalala ko ay sobra pa akong disappointed no'n dahil hindi niya ako binulungan.
Buong biyahe ay puro kalokohan ko ang kinekwento noong bata pa ako kaya nakikitawa na rin ako. Ginawa ko ba talaga 'yong mga 'yon?

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata