Chapter 14

Kinuha ko ang mga gamit ko at gamit ni Papa dahil pwede naman ng umalis, mabilis rin kasing natuyo ang mga sugat niya at wala rin daw problema sa mga buto ni Papa dahil naagapan daw at naidala agad rito sa ospital.
Inalalayan siya ni James at Wendell na makatayo at makalabas hanggang sa makapasok kaming lahat sa sasakyan ni James. Si Wendell naman ay tahimik lang sa gilid at hindi makapagdaldal dahil halatang nahihiya o natatakot siya kay Papa.
“Kumusta ang competition niyo, anak?” tanong ni Papa kay James kaya napatingin si James sa salamin para tignan si Papa. Narinig ko pang napahalukipkip si Wendell dahil sa pagtawag ni Papa kay James ng anak.
Inirapan ko siya nang mapansing pasimple siyang tumingin sa likod para tignan ako. Wala kasing pasok ngayon kaya sumama na rin si Wendell at nagpresintang tumulong sa amin. Hindi naman na ako umangal dahil kilala ko silang dalawa, hindi talaga magpapatalo hangga’t hindi nakukuha ang gusto.
Pagdating namin sa bahay ay kumain agad kami dahil pare-parehas kaming gutom. Si Wendell ang nag-order kanina nang makakita kami ng restaurant at pin a-take out niya kaya hindi na ako nagtaka nang makitang maraming pagkain ang nakalatag sa lamesa. Ulam, dessert, sabaw, may drinks pa nga.
Tuwang-tuwa tuloy si Papa dahil may pagkamatakaw rin si Papa. habang kumakain kami ay nag-uumpisa ng mag-ingay si Wendell dahil bigla na lang silang nagkasundo ni Papa dahil sa pagkain. Napatingin ako kay James nang sipain niya ng marahan ang paa ko. He smiled at me but I just ignored him.
Minsan ay nakikisama siya sa usapan pero most of the time, si Papa at Wendell lang talaga ang problema.
I remember what happened earlier, I know he did not expect me to do that thing but I had to slap him.
*FLASHBACK*
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at bumungad si James na may dalang breakfast at halatang bagong ligo lang dahil basa ang kaniyang mga buhok.
“Good morning,” pagbati niya sa akin saka inilapag ang dala niyang pagkain.
Mamaya na kasi uuwi si Papa kaya susunod rin si Wendell dito pata tumulong at wala rin naman daw siyang ginagawa linggo ngayon.
“Can I talk to you first?” tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti saka tumango.
Umupo siya sa tabi ko saka humarap sa akin.
“Can you do me a favor?” I asked. He looked at me with a what-is-it-look.
“I will do everything you say,” nakangiti niyang sabi.
“Can you just please stop bothering me and my father? Find someone else,” mahina kong sabi para hindi magising si Papa. As he heard what I have said, his smiled fade away.
“Are you hungry, Love? I think you should eat first, sasabayan ko na lang si Tito mamaya,” ani niya. He was about to stand up to get my breakfast but I spoke.
“I’m having a hard time whenever I feel your presence. I cannot focus on what I am doing whenever your presence is there. And I really hate it. I would hate you more if you would not stop on what you are doing,” mahabang sambit ko gamit ang walang emosyong tono.
He smiled at me, “Edi hindi ako lalapit sa ‘yo kapag may ginagawa ka,” sagot niya.
Napatayo na ako dahil sa inis at nilayo na mismo ang sarili ko sa kaniya habang nakokontrol ko pa sarili ko.
“Bakit ba sobrang hirap sa ‘yong gawin ang gusto ko? ‘Yon lang naman ang gusto kong gawin mo, James! Ang layuan at tigilan ako sa kahibangan mo!” inis kong sabi na naging dahilan para mapatayo siya saka bumuntong hininga at seryosong tumingin sa akin.
“I will do everything for you, I will do what makes you happy, but I would never do your favor, Lara. Iutos mo na sa akin ang lahat, ‘wag mo lang akong utusang tumigil sa ‘yo dahil hindi ako titigil. I promised to you that I would never leave your side,” mariin at mahabang sabi niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
“You never promised to me,” malamig kong sambit.
“I did.”
Mabilis ko siyang sinampal sa kanang pisngi niya, “Para ‘yan sa katangahan mo. Matalino kang tao pero ba’t ang bobo mo para hindi ako tigilan?”
I slapped his left cheek, “That was for wanting me and never giving up on me despite of my efforts to make you feel that I am not worth to wait!”
Hindi siya nagsalita, lumapit siya sa akin saka hinawakan ang dalawang kamay ko. Sinusubukan ko itong bawiin mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakasnpara makawala ako.
“Slap me more, slap me ‘til you get tired, hurt me, punch me, I do not care.” Inis kong binawi ang kamay ko saka napasabunot sa buhok ko.
“I won’t give up on you, Lara. I’m still waiting for the day you would allow me to love you eternally and to let me feel your love for me despite of those painful words you are telling me every single day.”
*END OF FLASHBACK*
I had to do that for him to wake up that I am not sure to him and I cannot give him an assurance that we would end up being with each other’s arms.
But Phillip James Colbert is Phillip James Colbert as always.
Minsan talaga napapaisip na lang ako kung bakit sa dinami-rami ng estudyante rito sa Saint Peter University, sa akin pa siya nagkaganyan. He’s popular, handsome and smart, I also do not want to deny the fact that he has a nice body.
He is the every girls dream here, kahit sa ibang university. He just want to have a peaceful study that’s why he does not want anyone do something for him just because they wanted to get his attention. Aaminin ko mabait rin siya, hindi siya ‘yong pasikat sa University na sobrang yabang sa tuwing umaga na pagkakaguluhan ng mga estudyante.
He even made a small meeting before saying he wanted the students treat him as an ordinary human, not a saint because he is human too, like them.
He is humble and he has everything that every girl deserve, but I cannot make myself love him in order to fulfill his love for me.
Napatingin ako kay Papa nang yugyugin niya ako.
“Lutang ka, girl?” natatawang tanong ni Wendell kaya nakisabay si Papa. I rolled my eyes to them before I continue eating. Doon ko lang napagtanto na tapos na silang kumain, maliban lang kay Wendell na inuubos pa ang mga dessert.
Hindi ko alam kung narinig ni Papa ang pinag-usapan namin kanina dahil sa loob mismo ng kwarto kami nag-usap dahil nakapikit naman ang mga mata niya that time.
Nagpaalam rin ako agad nang matapos akong maghugas dahil gusto ko ng magpahinga. Hindi ko na nagawang kausapin si James at Wendell dahil wala ako sa mood makipag-usap. I just want to be alone.
Humiga ako saka marahang napabuntong-hininga bago ko kunin ang phone ko dahil bigla itong tumunog.
From: Pelipe
Message: Rest well, Love. I love you :)
Pinatay ko ang telepono ko saka napatitig sa ceiling.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para makumbinsi siyang palayain ako sa utak niya pero halos lahat na yata ng paraang alam ko ay nagawa ko na.
***
PAGLABAS ko ng kwarto ay nakita ko na si James na nakaupo sa sala at mukhang hinihintay ako, hindi ko siya pinansin at deretso lang ang lakad ko papuntang kusina, binati ko si Papa nang makitang nagtitimpla siya ng kape nila ni James. Ayan talaga ang gawain niya kapag nandito si James, gumagawa siya ng kape nilang dalawa at minsan naman ay naririnig ko pang pinag-uusapan nila ako.
Kumuha ako ng plato saka kumuha ng mga pagkain, sinadya kong bagalan ang bawat pagkain ko dahil maaga pa naman at sa production naman ako pupunta ngayon. Madalas na ang pagpunta ko sa production nitong mga nakaraang araw dahil month of movie ngayon, kaya halos busy lahat ng actors at actresses.
Nadagdagan rin ang parte ko sa production namin dahil kailangang nakikita ako madalas sa ibang mga scene. Nang pumatak ang 9am ay agad akong nagpakita sa kanila na busy pa rin sa pakikipag-usap.
“Pa, alis na po ako,” pagpapaalam ko kaya tumango si Papa.
“Iyong sinabi ko sa ‘yo, James ha. Huwag mong kakalimutan,” sabi ni Papa kay James saka sabay silang natawa kaya nauna na akong lumabas at dumiretso sa kotse niya.
“Buong araw ka ngayon?” tanong niya nang makapasok siya sa loob at binuksan ang engine ng sasakyan. Binigyan ko lamang siya ng isang simpleng tango.
Pagdating namin sa production ay agad akong bumaba sa sasakyan niya habang siya ay maghihintay sa akin buong araw sa loob ng kotse niya. Pinagsabihan ko na kasi siyang ‘wag pumasok sa production namin dahil naibabaling talaga sa kaniya ang attention ng bawat isa sa tuwing pumupunta siya rito.
Hindi ko na sinabing huwag na akong hintayin dahil magmamatigas lang rin naman siya.
Mabilis dumaloy ang inis sa akin nang marinig ang tanong ng isang kasamahan kong nagsa-sideline rin dito.
“Wala,” sagot ko nang tanungin niya kung nasaan daw ‘yong kasama ko noong nakaraan, she is probably pertaining to James.
“Bakit hindi mo sinama? Sayang, nagbihis pa naman ako,” sabi niya kaya tinignan ang suot niya. Halata ngang nag-ayos siya.
Pero mawawala rin naman ‘yan mamaya dahil taong-grasa naman ang karakter niya.
“Alam mo ba, si Ms. Anne, niyaya raw si James lumabas,” pagkwento niya sa akin kaya napakunot ako.
“Pumayag siya?” tanong ko.
“Ewan, pero sabi ng iba ay hindi raw pumayag dahil may nililigawan yata o may girlfriend. Sayang nga, e. Ganda ng katawan, gwapo, matalino at mabait kaso may girlfriend,” mahabang sabi niya kaya natawa ako nang mahina.
“Wala namang nakakahinayang sa ganoon.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata