Chapter 99

Chapter 99
Ang lakas ng impact ng mga sinabi sa akin ni Papa, siguro nga tama siya, hindi ako magiging masaya kung mabubuhay ako sa mundo ng takot. ‘Yon siguro ang kulang sa buhay ko ngayon, masyado kong pinairal ang takot ko noon kaya hindi kompleto ang kasiyahan ko.
Napatigil ako sa pagkain ko nang marinig ko ang dalawang pamilyar na boses.
“Ako nga una sabi, e!”
“Parang tanga naman, oh! Ako na!”
“Isa! Parang ga—“
Napatigil sila sa pagbabangayan nang makita kami ni Papa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si James kasama si Clark. Pareho silang may hawak na regalo kaya napatayo ako.
Lumapit sa akin si Clark saka niyakap ako pero agad ring napalayo sa akin nang mapansin kong hinila siya ni James. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti, Clark chuckled before he handed me the gift.
“Happy birthday, Lara,” bati nito sa akin kaya napangiti ako, “Sorry ngayon lang, I was busy earlier,” kamot-batok na pagpapaliwanag niya kaya tumango na lamang ako.
Napatingin ako kay James, napansin kong nakatingin siya sa kwintas na suot ko kaya napayuko ako ng konti. Inilagay ko sa dibdib ko ang buhok ko para matakpan ang kwintas, tumingin siya sa akin saka ibinigay sa akin ang isang box.
“H-happy birthday,” bati niya. I gave him a small smile. Naamoy ko na naman ang pabango niya na nakakadagdag sa akin para mamula ang mukha ko.
“Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong ko.
“Secret,” biro niya kaya inirapan ko siya.
Tumingin ako kay Clark nang bigla siyang magpaalam.
“Aalis ka agad? Kumain muna kayo rito,” sambit ni Papa kay Clark.
“Bawi po ako sa susunod, Tito, dumaan lang po talaga ako rito para batiin si Lara. May shoot pa po kasi ako,” sabi ni Clark.
Tumingin siya sa akin, tinanguan ko lamang siya nang ikaway niya ang kamay niya.
“Hoy, James, sinasabi ko sa ‘yo!” Napataas ang kilay ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni James pero hindi na siya pinansin ni Clark.
Lumapit si James kay Papa, tumingin sa akin si Papa, giving me a sign to talk to James. Sinenyasan ko si Papa na hindi ko alam ang sasabihin ko pero nilakihan niya ako ng mata. Napapadyak pa ako pero lalo niya akong nilakihan ng mata kaya napanguso ako.
Tumikhim ako ng mahina.
“J-James…” Napatingin sa akin si James, sinenyasan ko siyang sumunod sa akin kaya nagpaalam siya saglit kay Papa, kinindatan naman ako ni Papa kaya pinandilatan ko siya.
Tanimik kaming pareho papunta sa garden, napahawak pa ako sa kwintas ko nang mapansing umilaw ito dahil medyo madilim na ang mga ilaw. Tangina, hindi ko alam kung tama bang hinayaan kong isuot sa akin ni Papa ‘to!
Umupo ako sa swing kaya umupo siya sa tabi kong swing, hindi ako nagsalita at hinayaan ang malamig na panahon na yakapin kami pareho. Mukhang kakagupit lang ng mga hardinero sa mga halaman dahil hindi na sila ganoon kahaba hindi tulad noon. Napapansin ko rin ang ibang ilaw na namamatay at bumubukas na ng kusa, kailangan ng palitan.
“Kung sasabihin mo na namang tumigil ako, don’t do it, I won’t give up,” pagbabasag ni James sa katahimikan.
“That day…” pag-uumpisa ko.
“I saw you with Alyssa… you two were look sweet and happy that day. I prepared a small celebration to celebrate your birthday but you became mean to me… Y-you told me you were busy but I saw you laughing with another girl…”
“That m-moment, I know I had to ruin our relationship in order not to get hurt. You know that I have a trust issues and you broke my trust that I gave to you…”
“I’m sorry…” rinig kong bulong niya.
“I had to lie in order to be free, k-kasi ayokong madagdagan ‘yong sakit na nararamdaman ko. I spent the years healing and ended up with nothing.” I faked my laughed.
“I was hoping that you won’t let me go… but you did,” natatawang sambit ko. Malakas akong napabuntong-hininga.
“I needed you but I had to lie because I thought you cheated on me, I-I’m sorry…” my voice cracked.
Alam kong kasalananko ‘yon dahil gumawa agad ako ng desisyon na dapat ay pinag-isipan ko munang mabuti. We broke our own hearts with such a nonsense reason.
Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko kaya napahawak ako do’n at bahagyang pinisil iyon. Reminiscing the past while telling to him the truth makes me in pain, now that he knew the truth, what if he would lose interest on me?
“I’m sorry, Lara… I-I know that was my fault but I never did cheat on you,” pagpapaliwanag niya, “My friends and Alyssa knows that.”
“Me and Alyssa are just friends, kaibigan nila Mom ang parents niya, so they told me to looked after her since she transferred in SPU. I didn’t expect na mangyayari ‘yon dahil I was just pranking you that day… kasi akala ko you forgot about my birthday.”
“I lied intentionally but it didn’t mean I cheated, it was just a prank, turned out because of that, you left…”
Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya o hindi, gusto kong maniwala pero may doubt ako. Bawat salitang binibitawan niya, parang ayokong pakinggan na ewan knowing na lalong gumugulo ang utak ko.
Kung hindi naging gano’n ang desisyon ko noon, may kami pa kaya ngayon? Masaya pa rin ba kami? Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko dahil kahit ako, hindi ko alam ang mga sagot sa bawat katanungan. And I know that he’s the only one who could answer my questions that keeps on bugging in my head.
“I’m sorry I let go of your hand when all you wanted is to hold you tight…” his voice cracked.
Kahit na hindi ko siya tignan, alam kong umiiyak siya dahil sa nanginginig niyang boses. Hindi ako makatingin sa kaniya, I can’t see him crying while explaining his side that he should’ve said seven years ago.
“If you’re mad at me, I understand, Lara. I’m willing to make things right, I’ll try my best to be a better man for you, Love…”
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang marinig ang huling salitang sinabi niya. Ramdam ko ang tusok sa dibdib ko sa bawat katagang sinasambit niya.
“When I saw you again, I don’t wanna missed the chance kaya kahit na hindi ako sigurado kung ako pa rin, nagpapansin pa rin ako, hoping na… may pag-asa pa,” dagdag niya, “Hoping na we could try again, na this time, kahit kalabanin tayo ng tadhana, hindi na natin bibitawan ang isa’t-isa.”
Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko, nagtama ang mga mata namin, basang-basa ng luha ang pisngi niya. Namumula rin ang mga mata niya. Sunod-sunod pa rin na tumulo ang mga luha ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at marahang pinunasan ang luha ko. Napapikit ako.
“You looked good with that necklace, Love,” pagpupuri niya sa akin. Pagbukas ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiti niyang labi.
Dahan-dahan niyang binitawan ang pisngi ko. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.
“I wanna do everything with you again, Love,” marahang sambit niya, “Can we fight again? This time, I promise not to leave your side. I promise not to let go of you hand.” A smile formed on my lips when I felt his hand playing my hand.
I looked at him, hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
“In that seven years, my life was miserable, there’s something missing, I thought the last piece of me won’t meet me, but here you are, meeting me halfway once again. I’m scared to believe and trust again but you’re the only exemption, Love.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Rose Mae Rosal

    The character was so great and also the story

    09/12/2024

      0
  • avatar
    Sheerah Pacheco

    ang ganda ganda ng story mo beh

    16/09/2022

      0
  • avatar
    Emie Talusan Santiago Pagara

    hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha

    03/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata