Pagdating ni James dito ay agad rin akong naghilamos. Sinabi ko sa kaniyang ayos lang naman pero ayaw niya magpatalo. He ended up leaving the condo to get a clothes for me. Pumunta ako sa veranda ng condo, maganda rito dahil kitang-kita ang mga ilaw mula sa ibaba, pati na rin ang mga sasakyang naggagalawan. Mataas kasi 'yong floor ng condo na 'to kaya talagang maganda tignan. Napapikit ako nang humangin nang malakas kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa railings. Bumalik ako sa loob dahil malamig na sa labas, napatingin ako sa salamin at napatigil dahil tinignan ko ang itsura ko. Napahawak ako sa pasang natamo ko kanina noong nagpupumiglas ako. I remembered it again, tears started to fall while reminscing what happened earlier. Pinunasan ko nang pinunasan ang labi ko dahil nandidiri ako do'n. Ang bawat pagpunas ko ay mariin. Napahikbi ako habang nakatingin sa sarili ko. Ang dumi…
Gusto ko siyang bawian, gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi ako gano'n kabilis makuha, gusto ko siyang saktan hanggang sa ma-realized niyang maling babae ang binastos niya! Hindi sapat ang ginawa ni James kanina do'n sa lalaki… Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong bumukas ang pintuan. Kinuha ko ang dala niya saka naghilamos. May sinasabi pa siya pero hindi ko siya pinansin dahil ayokong makita niya ang mata ko. Pagpasok ko sa cr ay mabilis akong napaupo sa sahig. I can’t forget what happened earlier. I’m scared… I was so scared… I don’t know what would happen to me if James was not there to save me. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin at sa buhay ko kung walang James na naghihintay sa akin kanina… Napatayo ako nang biglang may kumatok sa pinto. “Lara, are you okay?” rinig kong tanong ni James mula sa labas. “Yeah, lumayas ka riyan, Pelipe!” sigaw ko. Mabilis akong pumunta sa shower at hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko kasabay ng paghubad ko sa suot ko. Nakisabay ang tubig sa pag-agos kasama ng mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos. I stayed 30 minutes inside the bathroom before I decided to put my clothes on. Paglabas ko ay nagulat ako nang bigla akong yakapin ni James. My tears started to fall again. “Shh, I’m here… Nandito lang ako,” rinig kong sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Mabilis ko siyang itinulak papalayo sa akin, “Don’t act like that, I hate it.” “Inaantok na ako,” dagdag ko. Dinala niya ako sa kwarto kaya mabilis akong humiga sa kama at tinakpan ko ang mukha ko. Nang marinig kong sumara ang pinto ay napahagulgol agad ako. Lalo kong idiniin sa mukha ko ang ipinangtakip ko para hindi ako marinig ni James. *** Nagising ako nang tumama ang araw sa akin, napatitig ako sa ceiling saka malakas na bumuntong-hininga at bumangon. Nakatulugan ko na ang pag-iyak kagabi, ni hindi ko nga alam kung umuwi ba si James sa kanila o hindi. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si James na nakaupo sa sala at nanonood ng TV kaya tumikhim ako na naging dahilan para mapatingin siya sa direksyon ko. He smiled at me, “Good morning.” “Nagugutom ka na? May pagkain dyan sa kusina,” sabi niya saka tumayo at nauna sa kusina kaya sumunod ako sa kaniya. May pagkain na nga na nakahain sa lamesa kaya umupo ako. “Hinintay talaga kita para sabay tayong kumain, gigisingin nga sana kita kanina, e kaso nakanganga ka kaya nagbago isip ko,” pagkwento niya saka tumawa kaya inirapan ko siya. Kumuha ako ng apat na hotdog dahil marami siyang niliuto no’n saka isang itlog. “Mahilig ka pala sa hotdog?” tanong niya kaya kunot noo akong napatingin sa kaniya. “Ang aga-aga, naninira ka agad ng araw, Pelipe!” “Hoy, nasasanay ka na kakatawag sa ‘kin niyan ha,” reklamo niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ako na ang nagpresintang maghugas, buti na lang at hindi na siya umangal dahil ayokong umpisahan ang araw ko nang mainit ang ulo ko. Pagkatapos kong maghugas ay nagbihis na ako para pumunta sa school. Hindi na ako nag-abalang maligo dahil naligo naman na ako kagabi. Paglabas ko ay napatingin siya sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong niya nang makitang nakapangbihis ako. Mabuti na lang pala at may nakita akong extra t-shirt sa bag ko. “School.” “Tara na,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Sabay kaming lumabas ng condo. “Umalis ka na, kaya ko na sarili ko,” sabi ko nang makarating kami sa university saka mabilis na lumabas ng sasakyan niya para hindi na siya makapagreklamo pa. Mabuti na lang pala at ibinigay sa akin ng prof namin sa dress making ang duplicate key. Pagpasok ko ay mabilis akong pumunta sa pwesto ko at inilatag ang gagawin ko, pero agad ring natigilan nang maalala kong nasa faculty ang maxi dress na gagawin ko. Doon ko naalala 'yong nangyari kagabi, parang gusto ko na lang umatras sa ibinigay nilang opportunity sa akin dahil bigla akong nakaramdam ng katamaran. It feels like I don't want to go here anymore. Natatakot akong sa tuwing papasok ako, iyon agad ang maaalala ko. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Paglabas ko ay tumakbo ako papalabas ng university at kinuha ang phone ko. Nanginginig rin ang kamay ko habang hinahanap ang pangalan niya sa contacts ko, nang mahanap ko ang pangalan niya ay mabilis ko itong tinawagan. “N-nasa’n ka?” bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko. “Why? Miss mo na ako?” Napapikit ako sa inis. “Jus tell me where the hell are you at this moment?” sigaw ko. “Likod mo,” rinig kong sabi niya kaya mabilis akong napalingon sa likod. The moment I saw his face, my tears are racing to fall again. Mabilis ko siyang niyakap saka humagulgol ako sa balikat niya. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa amin na Peterians. All I want now is to tell him that I’m scared… Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko, “I’m here.” Nang maikalma ko ang sarili ko ay mabilis akong lumayo sa kaniya. Hinila niya ako papunta sa kotse niya. “What happened?” seryosong tanong niya. Hindi ako nagsalita. Iniwas ko ang kamay ko nang hawakan niya ‘yon, “Don’t touch me.” He started the engine, tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero wala akong pakialam, ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa Saint Peter University. Hindi rin nagawang magbitaw ng kahit isang salita si James at naka-focus lang siya sa daan habang ako naman ay tinitignan ang tanawin. Sinandal ko ang likod ko at ipinikit ang mata ko. Parang na-relax ang mata ko. *** Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan kaya mabilis akong napaayos ng upo. Hindi ko alam kung ilang oras ang binyahe namin dahil alas-tres na ng hapon. "Kain muna tayo?" tanong niya kaya tumango ako nang maalalang hindi pa kami nagla-lunch. He would probably hungry now. Konti lang ang in-order ko dahil wala akong ganang kumain. "Are you okay?" tanong niya nang mapansing hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. I nodded at him. "Kumain ka na, everything will be okay." Okay? Everything won't be okay! Someone just harassed me. That goddamn scene is haunting me every single day and everything will be okay? Oh god! Hindi ko alam kung ginagamit ba ni James ang utak niya! na lang ako nagsalita at kinain ang pagkain ko. "Parang gusto kong umatras sa dress making…" "What do you mean?" "May dress making program sa september, they wanted me to make a maxi dress since one of the famous fashion designer would visit here," pagkwento ko sa kaniya. Ibinaba ko ang utensils, "And I don't want to continue it anymore," mahina kong sabi, sapat na para marinig niya. "Are you sure about that?" tanong niya kaya tumango ako. "Okay, I'll ask Arthur to tell it to your prof," sabi niya, I nodded lightly before I drink water. "Where are we going?" I asked as we went inside his car. "Somewhere," sagot niya. Buong biyahe ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang pasang natamo ko, halata pa rin ito, hindi ko alam kung uuwi ako mamaya dahil ayokong makita ni Papa 'to. "Uuwi ka ba sa inyo mamaya?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya at tumango na lang. "I'll buy concealer later." Napatingin ako sa paligid nang makita ko ang dagat. Halos walang katao-tao rito pero msalinis ang paligid. Meron ring isang malaking hotel sa hindi kalayuan. Sabay kaming bumaba saka pumunta saka nilapitan ang kubong nakita namin, hindi na ganoon kainit dahil halatang uulan. Napapikit ako nang biglang humangin. “We used to go here before.” Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. “We?” He nodded, “My ex.” “Do you still love her?” tanong ko. I watched the waves dancing infront of us. “Hindi naman mawawala ‘yon,” sagot niya. “Then go and comeback to her, you keeps on bothering my life,” walang emosyong sambit ko. “But I like you, Lara.” “You just like me, you still love her.” “Whoever you are, I will still stay beside you,” he spoke with serious tone.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
The character was so great and also the story
09/12/2024
0ang ganda ganda ng story mo beh
16/09/2022
0hahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahha
03/08/2022
0Tingnan Lahat