Part 2

Kim's Studio 
Bubuksan ko na sana ang sasakyan ko para makalabas ng makita kong lumabas si Kim na may kasamang babae din, pero naka-cap ang babaeng kasama niya na May mask pa sa mukha. Hawak ni Kim ang kanyang kamay at nakangiti pa itong nakatingin sa kanya. Nagusap sila saglit hanggang sa nagpaalam na yung babae at dali daling tumakbo papunta sa itim na van at umalis na.
Ngumisi ako ng mapang asar hanggang sa lumabas ako ng kotse, sakto namang napatingin sa gawi ko si Kim kaya mas lalo pa akong ngumisi sa kanya.
"Naks! Mukhang marami kang ikwekwento" pang aasar ko, inirapan lang niya ako at pumasok na sa loob na sinundan ko naman. 
"So anong meron at nagkaroon tayo ng meeting biglaan?" Tanong ko sa kanya, umupo ako sa upuan na katabi niya. Wala nang tao, for sure nagpahalfday lang ito. "Nababaliw na ata ang kaibigan natin" "Baliw naman na siya noon pa" birong sagot ko "Sira ulo!" Tumawa ako at sinalo yung papel na binato niya sakin. "Bakit ang aga mo? Parang hindi ka talaga nagtratrabaho" "Ganto kapag pachill chill nalang" "Rich kid eh" ngumiwi ako sa sagot niya.
"Sino yun kanina?" Pagtatanong ko, tumayo ako at kumuha ng bottled water at uminom, busy naman siyang inaayos ang camera niya "Customer" bored akong umupo ulit sa tabi niya "Customer na hinahawakan ang kamay? With sweet smile plus gentle wave of the hand before departure?" Pag-uusisa ko pa "Girlfriend mo?" Tumingin ako sa kanya at ngumuso, nagiwas ito ng tingin na nakapagpangisi sakin. "Hindi baliw! Nakakausap palang" "Sows" natatawang sabi ko at sumandal sa upuan tsaka pumikit "Base sa tindig niya model siya, kilala ko ba?" Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang paglapag ng camera nito sa ibabaw ng lamesa sa harapan namin.
"Nicole, kilala naman ng nakakarami dito sa bansa" mahinahong sagot niya kaya napatango tango ako "Ahh Nicole--" napaisip ako kung sino'ng Nicole iyon at nag-sink in sa akin kung sino ang tinutukoy niya kaya napamulat ako agad at tumingin sa kanya na nakatingin na rin sakin.
"You mean Nicole Benitez?" tumango siya "The Nicole Abigail Benitez?" Ulit kong tanong. Tumayo ito "Oo nga! Paulit-ulit naman to" nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya "I never thought Nicole is a gay" tumawa siya ng unti sa sinabi ko "Ako nga din eh" umiling iling ako at sumandal ulit sa upuan ko "the world is round nga naman" hindi ko alam kung May nakakatawa ba sa sinabi ko pero tawang tawa siya kaya ngumiti nalang ako.
Lily
"Done!" Habol hininga akong napaupo sa sahig ng condo na tinitirhan ko ngayon. Nagpunas ako ng kakaunting pawis sa aking leeg at noo, mainit kasi tsaka nakakapagod talagang mag-ayos ng mga gamit. 
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang ang number ng bestfriend ko. Sabi kasi niya tutulungan niya akong lumipat ngayong araw, next week kasi magsisimula na ako sa main kaya need ko ng makalipat ngayon. 
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay sumagot na rin ito "Anong oras ka pupunta dito?" Tanong ko "Maya maya nandiyan na rin ako, nga pala nandito si Gwen sasama daw satin" rinig ko ang ingay ng isang babae sa backgroud ni Miguel "Hindi ka busy Gwen?" Tanong ko, Al kong naririnig niya ako ngayon dahil for sure nakaloudspeaker na ang phone ni Migs "Nope Bestie, off ko ngayon" ngumiti ako "Buti naman nagkaoff ka na rin sa wakas" sabi ko pa "Mag off ka din minsan doc Lily" pagsisingit ni Miguel "heh!" Rinig ko ang tawa nilang dalawa. "Sige na! Mag aayos pa ako, hintayin ko kayo ah" "yep yep bestie, later ulit" "Dalian mo ah!" Tinawanan ko lang si Miguel at binaba na ang tawag.
Kung May ituturing man ako na bestfriends ko at family, silang dalawa ang ipapakilala ko. Si Miguel na kasama ko na simula bata pa. Childhood friends na hanggang ngayon friends pa rin naman. Isa siyang Nurse sa main, which is makakasama ko sa trabaho kaya excited na rin ako kahit papaano. Si Gwen naman, isa siyang artista kaya malimit lang ang pagkikita namin dahil busy schedule siya madalas, naging close na kaming tatlo noong pumasok na kami sa university at kahit ngayon na ibang iba na ang mundo naming tatlo ay minsan nagkakaroon pa rin ng oras para magkakasama o bonding kumbaga.
Agad na akong pumasok sa CR at naligo na. Alam ko kasing Maya maya nalang ay andiyan na sila. Ayoko namang paghintayin sila ng matagal.
Maky
"ANO?!!" Gulat na tanong Kim kay Rai, hawak pa nito ang basong may lamang alak. Nasa condo na kasi kami ni Rai ngayon, at masasabi kong nababaliw na nga si Rai "Anong ibig mong sabihin na nag-quit ka na sa trabaho mo? Baliw ka ba?" Umiling iling ako at tiningnan ng seryoso si Rai. "Sira na ba talga ang ulo mo? Ganyan mo lang kadaling i-let go yang pangarap na matagal mong tinupad?" Bumuntong hininga ito "Guys let me explain first bago kayo mag comment okay?" Umiling lang ako at tumahimik na. Alam ko naman kasing May rason din siya.
"Lately kasi, I feel na parang May kulang sakin. There's something inside me na yes I am doing just fine as how I planned things before but I feel so empty" nagkamot ito sa kilay niya "Parang May isang bagay akong gustong hanapin na hindi ko mahahanap if I stay on my profession. Nakakapagod na ring magbasa ng mga kaso these past few months, I feel so tired questioning people na pati sarili ko naquequestion ko na rin kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko and I find nothing as the answer" nilagyan niya ng alak ang baso niya tsaka siya uminom, tahimik din si Kim na nakikinig sa tabi ko "Uuwi ako dito sa condo ko na pagod, papasok ako sa opisina na pagod. I don't see any purpose on why I am still alive to be honest. That's why I decided na huminto muna. What I mean sa sinabi ko na I quit my job is for me to take a rest from everything. I will risk this time sa kung anong bagay yung kulang" tumango ako, kita ko sa mga mata niya yung sincere kaya lumapit ako at tinapik siya sa balikat niya "Then wala akong rason para pigilan ka sa gusto mo, I am your friend at I am here to support you in a way na makakabuti sayo" sagot ko sa kanya, ngumiti ito sakin "Pero babalik ka pa rin naman diba?" Tanong ni Kim, tumango si Rai "Sabi nga ni Maky pangarap ko to, I can't just let it go. If I feel complete again, babalik ulit ako" sagot niya. Bumuntong hininga ako at naglagay ng alak sa baso ko "cheers?" Tumingin sila sakin at sabay na tumawa "Cheers!"
"Alas kwatro palang ng hapon nag iinuman na tayo" natatawang sabi ni Rai "Minsan lang naman to, busy ka palagi eh" sagot ni Kim, uminom ulit ako "Hinay hinay Maky, parang mauubusan ka naman" ngumiwi ako sa pagsuway ni Kim sakin "Turn mo na magkwento Kim" sabi ko, Takang tumingin samin si Rai. Ngumisi ako ng makita kong ininom nito diretso yung alak na kakasalin lang sa baso niya "Kwento saan?" Tanong ni Rai "Parang may mauuna na sa grupo nating mag enter sa isang relationship" pagbibiro ko "May girlfriend ka na?" Takang tanong ni Rai kay Kim na ikinailing niya "Nakakausap palang. Talking stage" tumawa ako dahil kita ko sa mukha niya na nahihiya siya "Bakit ka nahihiya?" Natatawang tanong ko "Sa hindi ako sanay mga bwisit" "Hiya ka pa, di mo gayahin yang si Maky, kung sino sino nga nakkdate niyan sa isang Linggo" natawa ako sa sinabi ni Rai "Nagbago na ako ano" ngumiwi ito sakin at umiling iling "Playgirl amp" sambit nilang dalawa.
"Bakit sakin na naman yung topic? Kwento mo nga Kim" pag-iiba ko, kita kong inikot pa niya ang kanyang mga mata. "Sino ba yun? Yung nakakausap mo Kim?" Tanong ni Rai "Si Nicole Abigail Benitez" nanlaki ang mga mata ni Rai "Diba same reaction kami ni Rai" natatawang sambit ko kay Kim. "Seryoso?! Yung rising supermodel?" Tumango kami parehas ni Kim "Sabagay, photographer ka naman nun, imposible nga namang hindi magka-developan" ko it balikat niyang sambit. "Nagkasama kami sa isang project 4 months ago" panimula niya, uminom ulit ako ng alak bago nakinig sa kanya.
"Tanda niyo noong nagpunta akong Japan for two months? Doon kami nagkasama, siyempre with her team tsaka team ko" tumango ako "Ahh doon nag-bloom" tumango si Kim "Pero hindi ko talaga akalain na papatol din si Nicole sa kapwa niya babae" sabi ko "Round nga ang earth diba?" Ngumiwi ako sa sagot niya.
Pagkaraan ng ilang minuto, lasing na ata si Kim kaya tumumba na siya, umiling iling ako at uminom ulit. "Maky" napatingin ako kay Rai na nakatingin na pala sa akin. "Hmm?" "There's nothing wrong naman sayo ano?" Nagtaka ako sa sinabi niya "What do you mean?" Nagkibit balikat siya "Just so you know, we were here if you need someone" nagtataka akong tumango sa kanya at uminom ulit.
Sa aming tatlo, si Rai yung May pinaka weird na ugali. Basta basta nalang siya magsasabi ng kung ano, feeling ko tuloy May alam siya na hindi ko naman sinasabi sa kanila. Pakiramdam ko, she knew someting about me, pero hindi lang niya ma pin point.
"Anong plano mo na ngayon?" Tanong ko, si Kim totally bagsak na "Ewan..?" Ngumiwi ako "Alam mo, naisip ko what if yung nararamdaman mo ngayon is connected sa past na tinatakbuhan mo?" Tanong ko, nagkatinginan kaming dalawa "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti ako sa kanya "It's been 7 years Rai..." Yumuko ito "What if that's what haunting you now? What if yan na yung sign mo para harapin lahat ng tinalikuran mo noon?" "Ibang iba ka talaga kapag lasing" natatawang sabi niya "I'm sober Rai" Umiling ako "Rai" "hmmm?" "Parang parehas tayo" pumikit ako at sumandal sa sofa "Anong ibig mong sabihin?" "We don't know kung ano bang purpose why we're still here breathing" ramdam ko ang pagtabi niya sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas wala na akong marinig na kung ano sa kanya, dumilat ako para tingnan siya, bagsak na rin.
Sa aming tatlo ako lang talaga ang nakakatagal sa alak. Ngumiti ako at tumayo, ramdam ko na rin ang hilo pero nagawa ko pa ring iayos ang pwesto nila para makahiga ng maayos kahit papaano.
Lily 
"Waahhhhh! Lily!!!!" Excited na sumalubong sakin si Gwen, papalabas palang ako sa unit ko ay niyakap na niya ako, nakasuot pa ito ng cap at mask para siguro hindi siya mapansin ng iba. Sa likod niya ay si Miguel, nakangiti ito at  nakalagay ang isang kamay niya sa kanyang bulsa habang kumakaway yung kabila. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"I miss you!" Mahigpit pa rin ang yakap ni Gwen kaya tumawa nalang ako, parang hindi kami nagkita ng sampung taon. "Bitaw na Gwen, pasok na muna tayo" bumitaw naman siya at humawak pa sa braso ko papasok sa loob.
"Kukunin natin lahat yan?" Tanong ni Miguel sakin, kita ko ang gulat niyang expression sa mukha. Ang dami kasing box na nakalagay sa tabi, May mga libro din at kung ano ano pa. "Baliw! Siyempre hindi! Yung iba lang, bukas May kukuha sa mga yan ililipat sa bagong condo unit ko" sagot ko sa kanya.
Dahil na-pack na lahat, wala na kami talagang uupuan "Guys, I think we need to go na" sabi ko, tumango din si Gwen "Sa Unit ko ka muna matulog ngayon" masayang sabi niya sakin na ikinatango ko naman "So ihahatid lang natin yung iba sa condo mo ngayon?" Tumango ako "Ano ba Migs! Sa tabi lang naman ng condo unit ko yung unit ni Lily, tamad na tamad naman ito" asar na sagot ni Gwen kay Miguel "Di niyo kasi sinabi sakin aba" umiling ako at hinila na palabas si Gwen "ikaw na magbuhat nung iba Migs! Thanks!" Sabi ko at dire-diretso na kaming lumabas ng building ni Gwen.
Gwen's Unit 
"No alcohol tonight" sabi ni Gwen na kinatawa ko dahil halata sa mukha ni Migs ang pagkadismaya "Seriously? May schedule ako bukas, hindi pwedeng May hang over" sabi pa niya na kinatango ko "May bagong series ka ba ulit?" Tanong ko, kinuha ko naman ang phone ko para umorder ng makakain namin "Movie talaga, ngayon na sana magstart yung shooting pero sinabi ko na May sakit ako. Ang stressful kaya ng palaging May schedule" pag rant niya, tumabi sakin si Miguel at tumingin sa screen ng phone ko "Gusto ko chicken, yung spicy tsaka Sprite" sabi niya at siya na rin ang pumindot. Umiling lang ako at in-order ko na.
"Ako May duty bukas" sabi niya "Pang day shift ka?" Tanong ko "Oo, mas maganda na yun" "Pero diba night shift ka before?" Tanong ni Gwen "Nagpalipat ako ng sched, ang hirap matulog sa umaga" tumango ako "Life at the hospital is not easy talaga" sabi ko.
"Bukas ano bang gagawin mo Ly?" Tanong ni Miguel "Mag-aayos ng condo, tapos after nun, bibili ng stocks. Sa Monday pa naman start ko" sagot ko "I wish I could come with you" sabi ni Gwen "Wag na, hirap pag may makahalata sayo" sabi ko, ngumuso siya sa amin "Sobrang sikat ba naman" natatawang biro namin ni Migs, "Mamaya mapagkamalan pa akong jowa" hirit din ni Migs na kina yuck naman nung isa.
Pag dating ng order namin ay agad na rin kaming nag ayos at kumain na.
Macky
"Sucks!!" Umiling ako ng makita kong tumayo si Kim mula sa pagkakahiga, alas sais na ng umaga, hindi na ako umuwi kahapon kasi nahihilo na rin talaga ako. Nag message nalang ako kay mama pagkagising ko kanina.
"Ang tapang uminom akala mo walang pasok ngayon" pang aasar ko na ikinairap niya. Bumangon na rin si Rai, umupo sila sa dalwang upuan na nasa harapan ko. Nasa dining area kasi ako at nagkakape, pangtanggal ng sakit sa ulo. "I borrowed your polo Rai" nakangiting paalam ko sa kanya, tumango lang ito "Templahan mo ako Maky" tamad na tamad na sabi ni Kim, umiling lang ako tsaka nagtimpla na.
"Mauna na akong maghilamos Rai, gotta use some of your shirt" sabi ni Kim, walang imik na tumango naman ang isa. Ilang minuto siyang tahimik at nakayuko lamang, pagkatapos kong timplahin ang kape nila, agad kong nilapag ito sa harapan niya.
"Here's your coffee" tumingin siya sa'kin at ngumiti "Thankyou Mak" tumango lang ako "Di ako magtatagal dito, pinapatawag ako ni papa sa office" sabi ko at hinigop ang kape ko "Another project?" Nagliwanag ang mga mata ko sa tanong niya "Sana nga~" masaya kong sagot.
Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis na rin ako sa condo ni Rai, hindi ko na hinintay na matapos si Kim.
On my way papunta sa company, nakaramdam ako ng gutom. Hindi talaga ako nabusog sa kape lang. Tumingin tingin ako sa daan kung May convenience store ba, buti nalang nakakita ako ng 7/11. 
Agad kong pinark ang sasakyan ko malapit sa 7/11 at bumaba na rin para makabili ng makakain. Medyo wala pang customer ngayon dahil maaga pa naman. Buti nalang kasi hindi talaga ako fan ng crowded places maliban nalang kung sa bar or party.
Pagpasok kumuha ako ng isang bottled water at iilang cookies tsaka biscuit. Papunta na sana akong counter ng biglang may tumabi sakin, kumuha din siya ng cookies gaya ng sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil ang bango ng pabango niya, amoy strawberry na nakakaadik. Maliit lamang ito, siguro hanggang balikat ko lamang. Nakasuot siya ng oversized white t shirt na Naka short shorts, bumagay naman sa kanya tsaka may cap at nerdy glasses, ang cute niyang tingnan. Halatang wala pa siyang ayos at kagigising lang niya. Nagiwas ako ng tingin at kumuha ulit ng biscuit. Ng titingin na ulit ako sa gawi niya nakita kong papunta na siyang counter, agad akong sumunod.
Nagsimula ng ibalot ng cashier yung binili niya, rinig ko naman ang mahinang pag hum niya sa isang kanta na hindi ko alam kong ano ba. Gusto kong tingnan ang mga mata niya. 
Pagkakuha niya ng kanyang binili ay agad na itong lumabas, shocks, anong name niya? Ang tagal kong tinitigan siya pero hindi ko man lang nagawang itanong kung anong pangalan niya, stupid Maky! I should have started atleast a hi or hello, ngumiwi ako at umiling iling, somehow I felt sad.
"Ma'am 178 po lahat" nabalik ako sa realidad ng marinig kong nagsalita ang cashier. Agad ko namang binayaran at lumabas na.
Paglabas ko nagtitingin tingin pa ako sa daan baka malapit lang siya dito, pero sa kasamaang palad wala na akong makita. 
Hay! Sobrang stupid, I can't even remember how to start a conversation kanina. Shocks this is not the normal me. 
Umiling iling ako at sumakay na sa kotse. Pagdating ko sa opisina ni papa, sinalubong niya ako ng malawak na ngiti. "Good morning pa" masayang bati ko na binati din niya pabalik. "So what's up?" "May project akong ibibigay sayo" ngumiti ako ng matamis at lumapit sa kanya bago siya niyakap "When do I start?" Excited kong tanong "Easy anak, it's not this month" tumango tango ako, expected ko na din na hindi talga ngayong month. "Mr. Alfred said na he wants to build his own house sa lupa na mabibili niya by next month. Since hindi pa sure at hindi pa tapos yung process ng pagbibili niya sa lupang pagpapatayuhan niya, he asked me if it's good na next month or the month after next month sisimulan yung planning and design" tumango tango ako "There's no wrong naman po doon pa, ill take it" masayang sabi ko sa kanya "Okay! I'll update you" ngumiti ako at niyakap siya ulit "I love you pa!" Tumango tango lang siya at tumawa.
----------------------------

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Jasmine Bacelonia

    great story

    01/05/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    helllo author,kailan po ang next chapter,kabitin naman po kasi😁

    22/12/2024

      0
  • avatar
    VillanuevaJanylle

    niceee

    23/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata