logo text

CHAPTER 17: AN ANGEL FOR A DAY

LEIZA POV
Dahil sa sobrang nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya nagdesisyon ako na kalimutan muna lahat ng paghihiganti at galit ko kay Lewis sa loob ng isang araw lamang . Kahapon ay bumili ako ng ireregalo ko sa kanya. Pampalubag lang sa ginawa ko nung monthsarry namin.
Plano ko din siyang yayain sa comfort place ko. I'll be an angel for a day kay Lewis. Maaga pa lang ay naghanda na ako para kung sakaling sunduin niya ako ay hindi na siya maghihintay pa ng matagal. Para din masulit niya ang pagiging mabait ko sa kanya ng isang araw .
Hindi nga ako nagkamali. Maya-maya ay andiyan na nga si Lewis. Dala niya ang bouquet ng bulaklak na gusto ko. Hindi ko man sinasabi ay inayos na niya ito sa mga vases ko .
" Thankyou Babe," pasasalamat ko sa kanya .
Kahit isang araw man lang ay maging mabuting girlfriend naman ako sa kanya. Pagkatapos niyang ayusin yun ay tinanong niya ako,
" So where do you want to go Babe,? " tanong niya sa akin ng nakangiti.
Hinawakan ko siya sa kamay na tila ba ay niyaya tapos sinabi ko sa kanya na
" I wanna go to my comfort place," sagot ko sa kanya .
" Just guide me and I'll take you there," sabay halik niya sa kamay ko.
I love this feeling. Ganito pala kapag may nagmamahal sayo ng totoo. Never ko pa kasi naranasan pagbigyan ang isang lalake na mahalin ako ulit.
Tinuro ko kay Lewis ang daan patungo sa comfort place ko. Nakarating kami sa Batangas pagkatapos ng ilang oras na biyahe.
" So beach is your comfort place?" nakangiti niyang tanong sa akin.
" Yes . Why ? Do you find it corny?" tanong ko sa kanya.
" Ofcourse not, believe it or not . I love to watch the Sunset and Sunrise. " Kuwento niya sa akin.
Umupo kami sa buhangin. Gumawa kami ng sandcastle . Nagkakahawakan kami ng kamay habang ginagawa ang palasyo namin. Ganito pala pakiramdam ng kalimutan mo muna ang galit mo sa isang tao kahit isang araw noh. Nakakagaan ng pakiramdam.
Nang makaramdam kami ng gutom ay niyaya ko na siyang kumain sa isang buffet restaurant.
" This time kakalimutan ko muna ang diet ko ," biro kong sabi sa kanya.
Malambing niya akong sinubuan na akala mo ay bata ako. Pinupunasan niya din ang bibig ko sa tuwing may nakikita siyang dumi. Napakasweet niya sa akin. Siguro ngayon ko lang naappreciate yun kasi ngayon ko lang pinagbigyan ang sarili ko na i let go muna ang galit at paghihiganti ko sa kanya. I honestly love this feeling.
Pagkatapos namin kumain ay niyaya niya ako sa isang resort. Napakaganda ng resort na yun. Tuwang-tuwa ako sa floating restaurant kaya agad-agad ko siyang niyaya na pumunta doon. Para akong bata na sabik na sabik na sumampa sa floating restaurant.
" Alam mo ba dito sana kita dadalhin kagabi , pero inindyan mo ko," pabiro niyang sabi sa akin.
" Hala kinonsensya pa ako nito,sorry naman na babe," pagsuyo ko sa kanya habang hawak ang kamay niya .
" No worries babe, I'm just kidding. Sabi ko naman sayo I understand and I'm willing to understand it all because I love you," sweet na sweet niyang sabi sa akin.
Hindi ko maitago ang kilig ko sa kanya . Napayakap na lang ako at ewan ko ba kung bakit tumulo ang luha ko.
Maya-maya ay may narinig akong sweet music . Lumuhod siya sa akin sabah sabing,
" Can I have this dance with you my beloved princess," tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya . Magkayakap kaming nagsayaw. I can feel his love to me. Yung pagmamahal na hindi ko man lang naramdaman noong unang naging kami. Nang matapos ang music ay kinuha niya ang phone niya tila ba ay may tinext siya.
Maya-maya ay biglang nagkaroon ng Fireworks display. Sobrang ganda at romantic nito dahil may pangalan pa na nakalagay dito. Ito siguro yung nabasa ko kahapon sa kausap niya na hindi natuloy nung Monthsarry namin.
Hindi ko na napigilan maging showy sa kanya. Napasandal ako sa braso niya at hinawakan niya ang kamay ko. After the Fireworks display , he get something on his coat. It was a necklace with diamonds on it .
" For you, sabi ng lola ko ibigay ko daw ito sa babaeng mamahalin ko ng tunay," sabay suot niya sa akin ng kuwintas.
" So alam din ng Lola mo kung gaano ka ka-playboy," pabiro kong sabi sa kanya.
" Eto naman , oo I once became a playboy. Pero nagbago na ako dahil sayo," sincere niyang sabi sa akin.
Nagpaalam muna siya may kukunin daw siya sa kotse. Dito , kinuha ko na din ang gift ko sa kanya sa purse ko. Pagdating niya ay hawak niya ang isang painting.
I really love paintings kaya mas naimpress ako sa efforts niya. Surprisingly yung favorite picture ko pa ang napili niyang ipaint.
I was so speechless nang nakita ko yun.
" You don't like it?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
" No, because I love it. Thank you so much Babe!" nayakap ko na naman siya sa sobrang kilig.
Nilabas ko na din ang relo na binili ko para sa kanya.
Sinuot ko ito sa kanya .
" Thank you Babe. You don't really need to do this. Ikaw lang ay sapat na regalo na sa akin. I love you," sabi niya sa akin.
" I love you too ," hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sagutin din siya ng i love you.
Akala ko ay tapos na ang celebration namin, niyaya niya ako sa isang amusement park. Balak niya na sumakay sa Ferris Wheel , pero dahil sa may fear of heights ako. Tumanggi ako.
" No worries Babe , I will help you to face your fear," pag-aalo niya sa akin para mawala ang takot ko.
Nangunguyapit akong sumama sa kanya. Nang nasa taas na kami ay halos hindi ko maimulat ang mata ko . Mahigpit akong nakayakap sa kanya sa takot ko sa heights.
" Slowly open your eyes. We'll be stronger than your fears," unti-unti kong minulat ang aking mata.
The sky was so mesmerizing . The stars ,the moon it adds up with Romantic ambiance . Unti-unting nawala ang takot ko, pero nakahawak pa din ako kay Lewis.
Hinawakan niya ang mukha ko , hinaplos niya ito. Napakalambot ng mga kamay niya. His eyes looks so sincere .
" I will help you to face all your fears Leiza,just let me prove myself," matamis niyang sabi sa akin.
Sa sinabi niyang yun ay tila ba natutunaw na ang yelo ng galit sa puso ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko na paghihiganti sa kanya. Pero parang masyado pang maaga para magdesisyon. Ganito naman lagi sa simula , sa simula maeffort yung mga lalaki. Sa simula mahal na mahal ka pero sa huli ay magbabago din.
Iniwasan ko na muna isipin yun dahil valid naman ang pagiging mabait ko sa kanya ng isang araw. Isang matamis na ngiti ang sinagot ko sa kanya.
Pagkatapos ng dalawang oras namin na pag-eenjoy sa amusement park at hinatid na ako sa condo ni Lewis.
" Thanks for this Babe, I really enjoy this day," sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko.
" Thank you too Babe," niyakap ko siya at hinilig ang aking ulo sa dibdib niya.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Highly recommended. Nasaktan, nagpaganda, naghiganti.😁😁😁Good job author for making this beautiful story. 😍 👏 👍 ❤ ♥ 👌

    02/05/2022

      0
  • avatar
    Nero A. Gavile

    Nice

    08/04/2025

      1
  • avatar
    CosmianoIRISH

    Ganda grabiii

    30/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata