CHAPTER FSN-78

CHAPTER FSN-78
"Good Morning Chelsea" magiliw na bati sa kanya ng mommy niyang pumasok sa loob ng silid niya kasama ang daddy niya. "Breakfast" ngiting wika ng mommy niya. "Hala bakit pa po kayo nag abala" nahihiyang wika niya. Tumabi sa gilid niya ang mommy at daddy niya. "Mommy, daddy hindi na ako baby" natatawang winika niya.
"Alam naman namin yon" tugon ng daddy niya. Hinawakan ang buhok nito "Namiss lang talaga namin na gawin ito" tatayo na sana si Chelsea "Si Cydle?" Tumingin ang daddy niya na parang may questions mark ang tingin. "Nasa mama Lucia niya, for once tayo naman ang mag bonding tatlo. . Mag rest ka muna sa work. . Okay?"
Tumango naman si Chelsea.
"Bakit naman ganiyan kayo makatingin sa akin daddy?" Tanong ni Chelsea na tumingin mag kabilaan sa dalawang magulang nito. "Congratulations" sabay yakap sa kanya ng daddy niya, Kumunot ang noo ni Chelsea "Congratulations? For what?" Tanong niya dito.
Sumagot naman ang mommy niya "To give chance your self to open your heart again" malambing na pananalita ng ina niya sa kanya, sinandig niya ang ulo niya sa mommy niya at tipid na ngumiti. "Masaya kami para sayo" maikling tugon ng daddy niya.
Kinuha niya ang tinidor at kutsara at nag simula kumain, kasabay ng pag uusap nilang mag pamilya.
Hinahaplos ng daddy niya ang buhok niya, "Nag tatampo talaga kami sayo nak"
"Bakit naman di?" Natatawang wika niya ng makita niyang ngumuso ito "Eh kase tatlong buwan na kayo tapos ngayon lang namin ng mommy mo nalaman na kayo na ni Calix, hindi mo man lang sinabi sa amin ng mommy mo, ay nako nakaka tampo talaga"
Inakbayan niya ito at paminsan-minsan ay ngumunguya pa "Daddy" tumingin ito sa mommy niya "Mommy, hindi ko pa sinasabi kase baka ngayon lang to yung tipong baka masaktan ulit ako tapos madadamay nanaman kayo. Gusto kase bago mag sabi yung tipong sure na talaga" ngumiti siya ng peke.
"Ang tanong masaya ka ba?" Tanong ulit ng daddy niya, may katandaan narin pero hindi parin talaga nag babago, "Yes dad, masaya ako pero may part parin na natatakot ako"
Hinawakan ng mommy niya ang kamay niya "Bakit naman chels?" Huminga siya ng malalim at kinuha ang tubig tapos uminom muna. "Mommy baka kase masanay nanaman ako, tapos ang ending lokohin ako, tapos napipilitan lang sakin ulit" yumuko ito. "Ayoko ng mangyari 'yong dati, saka iba na ngayon may anak na ako at mas priority ko si Cydle at Stella"
"Anak wag kang masyadong nag ooverthink, kilala at kilalanin pa naman natin si Calix. Alam ko na magiging mabuti siya sayo at sa anak mo" wika ng daddy niya. "Gusto namin ng mommy na makahanap ka ng partner na mamahalin ka hanggang sa pag tanda, na makakasama mo habang buhay dahil hindi sa lahat ng pag kakataon nandito kami ng mommy mo sa tabi mo, kase dadating din yung araw na mawa—" hindi na niya pinatuloy ang mga sinasabi ng daddy niya.
"Dad matagal pa naman yon, saka see mas malakas pa kayo ni mom sa akin, ikaw dad yung masyadong overthinker" pabiro pa mag salita si Chelsea pero maya-maya ay sumeryoso ito.
Natapos na ang pag kain niya. Inilayo niya ang mesang maliit pag katapos noon ay bumalik sa kama kung nasaan ang mommy at daddy niya. Niyakap niya ang mga ito ng mahigpit, nakipag tawanan at nakipag kwentuhan tungkol sa kanila ni Calix.
POV'S CHELSEA
DUMATING ANG TATLONG TAON NA Relasyon namin ni Calix.
Wala namang perfect relationship, may pag kakataon talaga na susubukin ka ng tadhana, may mga bagay na hindi mo alam kung paano masusulusyunan at malalagpasan. Pero dahil mahal niyo ang isa't Isa at parehas kayong kumakapit sa isa't Isa.
Walang naging impossible. Lalo mas tumibay at lalong pinag buklod ng panahon at pag kakataon. Hindi naiiwasan ang tampuhan, hindi maiiwasan na may bagay na hindi mapag kasunduan lalong-lalo na mga tuksong dapat lagpasan.
Sa tatlong taon na dumating natakot ako na baka isang araw mag sawa rin siya sa akin, baka sa isang iglap hindi nanaman ako ang taong mamahalin at pipiliin hanggang huli. Baka etong taong to isa lang sa magiging katuturan sa buhay ko. Nakakatakot man sumubok ulit na mag mahal dahil baka sa dulo'y masaktan lang.
Pero dahil naging matapang ako at sinunod ko ang nilalaman ng puso ko.
Naging masaya ako ulit, muling tumibok ang puso ko, muling nabuhay ang pusong ilang taong namatay kasabay na pag kabigo at sakit na naramdaman sa unang pag ibig na akala ko pang habang buhay.
Hindi pala porket madaming taon ang dumating, matagal mo siyang nakasama ay siya narin ang makakasama mo hanggang sa huli at pag tanda. Dahil kahit gaano kayo katagal kung hindi naman kayo ang nakalaan sa isa't Isa.
Wala kang magagawa.
Kung hindi tanggapin nalang.
Napagod ang puso kong mag mahal ulit, nawalan ako ng pag-asa, nawalan ng presenya at puro negatibo nalang kaso talagang mahiwaga ang salitang pag-ibig.
Dahil kahit anong sabihin ng isip mo, hindi ito mapipigilan ng puso mo. Kapag dumating ang pag kakataon na nararamdaman mo na ulit ang salitang pag-ibig mahirap ng pakawalan, hindi agad nag lalaho kase itutulak ka nitong subukan muli.
Hanggang mapunta ka sa Tamang tao.
Hanggang sa maitama mo ang mga nagawa mong pag kakamali, hanggang sa mapunan mo ang lahat ng pag kukulang na hindi mo nagawa sa nakaraan.
Ngunit nandon parin ang salitang pag hihinayang, salitang paano kung siya, paano kung pinag laban, paano kung hindi sinukuan. Paano kung binigyan ng maraming pag kakataon.
Kaso paano kung sumobra na ang pag papakatanga.
Kung gaano kahiwaga ang Pag-ibig, ganoon rin kagulo at hindi natin maintindihan. Dahil kasabay ng puso ang isip.
Sabi nga di ba, huwag lang puro puso ang paganahin, huwag lang puso ang sundin, dapat marunong karin mag isip. Marunong karing matutunan na hindi lahat ng oras puso ang pakikinggan.
Ang dami kong natutunan.
Ang dami kong binitawan, iniwan at sinakripisyo pag dating sa pag mamahal pero lahat non ay naging isang ala-ala nalang dahil yung taong minahal ko ng una, ay hindi ko makakasama hanggang huli.
Pero hindi ako nag hihinayang na nakilala ko ang pangalawang magmamahal sakin.
Na muling binuo ang puso kong matagal ng nasira.
Muling pinaramdam sakin ang salitang habang buhay na pag-mamahal.

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    PerequinAnthony

    u2393

    11/11/2024

      0
  • avatar
    Alliyah Mischa

    oky

    28/08/2024

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    makumbaba

    17/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata